Third Person's Nataranta sina Dirk, Jael, Keir, Alvira, Riah at Irina nang sabay mawalan ng malay ang dalawa. Kapuwa sila nakahiga sa sahig at walang malay. "J--Jael, get them in the car!" sumigaw si Dirk. Dali-daling pumasok si Dirk sa loob ng kotse upang paandarin habang si Keir ay kinarga si Vanessa samantalang si Jael at sina Alvira ay tulong tulong sa pagbubuhat kay Kraig. Sa front seat naupo ang walang malay na si Kraig at si Vanessa naman ay sa likod. Tinabihan naman ni Jael si Vanessa samantalang si Alvira ay kaagad na tumabi sa binata. "I'm going with you! I am the one who invited Vanessa kaya sasama ako," pagpupumilit ni Alvira kaya't walang nagawa si Dirk at Jael. Naiwan sa labas ng sasakyan sina Keir, Riah at Irina. Lahat sila'y alalang alala lalo na't kaibigan nila pare

