Napangisi ako nang marinig ko na naman si Kraig na kinausap ang new girl in Vlad High. Hayup. Kailan ba 'to titino ang pinsan ko? Palaging mainitin ang ulo. Palaging nang-aaway mapa-babae man o lalake.
"Hey, bro! Wazzap!" salubong ko sa kaniya at inakbayan. Pansin kong bad mood siya kaya pasimple kong inalis ang kamay ko sa kaniya at tinago sa likod ko. Mahirap na baka masapak ako nito. "So, ano na naman ba ang sinabi mo sa new girl?"
Narinig ko siyang nag-tsk kaya malamang sa malamang, bad mood talaga si fafa Kraig.
"Binalaan mo na naman siya sa rules mo," iling-iling ko. Napahinto ako nang makita si Principal Henrietta na may kausap na lalakeng naka-tux. Hayup. Ang yaman.
"Get me the hell out of here, Dirk," bulong ng pinsan kong si Kraig habang nagti-tiim bagang nakatitig kay Principal Henrietta at sa lalakeng naka-tuxedo.
Tumango-tango ako at kinaladkad ang dulo ng shirt niya. Narinig ko siyang umangal at nagmura kaya napangisi ako habang nagpatuloy sa pagkakaladad sa kaniya.
"You said you want to get the hell out of there, Kraig. Kaya kinaladkad nalang kita," nakangisi pa din ako hanggang ngayon. Napangiwi nalang ako nang batukan niya ako. "What the heck, man?"
"Remember my rules, Dirk."
Umalis siya sa harapan ko kaya napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang Kraig Luthor? Ganyan naman 'yan dati pa. Kung hindi sana siya umalis..
Maglalakad na sana ako paalis nang makita si new girl in Vlad High na nakaupo sa isang bench sa soccer field. May hawak-hawak siyang isang plastic na may pulang likido. Hmm.. fresh juice.
"Hi!" bati ko sa kaniya nang lapitan ko siya. Tiningnan niya lang ako tsaka inisnob.
"What is it?" tanong niya na hindi man lang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi niya.
"Ang unfair mo dahil tanging new girl lang ang tawag ko sa 'yo. Ano nga pala ang pangalan mo?" pinanood ko lang ang mga nagpa-practice sa soccer field. Ang bilis nilang magpasa ng bola. Ang bilis din nilang tumakbo. Astig talaga ng mga bampira. Pero mas astig ako.
"Vanessa Wolfe," maikling sagot niya kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.
"No description?"
Umiling siya. "I can't describe myself, Dirk. Syempre, sarili ko 'yon kaya hindi ko alam kung ano ba ang description ko."
Napangiti naman ako at nagisip saglit. "Maganda, medyo masungit. 'Yan lang ang mai-describe ko sa 'yo."
Tuluyan na niya akong nilingon habang nasa bibig pa din ang straw at patuloy na sumisipsip ng fresh juice. Nauhaw tuloy ako. Bibili din ako mamaya sa break time.
"Funny," sarkastik niyang sabi sabay baling sa soccer field.
"The next class will start in a minute. Una na 'ko," tumayo ako at nilagay ang kamay ko sa bulsa. Tatalikuran ko sana siya nang may pahabol pa siya sa akin.
"By the way, Dirk. Just call me Essa," tumayo siya at ngumiti sa akin. Naiwan akong tulala sa ngiti niya habang tinitigan ang likod niyang papalayo sa akin.
Essa, Essa, Essa. Makaka-survive ka kaya dito sa Vlad High? Tsk.
* * *
Vanessa Wolfe
Being a new student here is awkward. Naiilang na ako sa mga titig nila. Kailan ba sila magsasawang titigan ako? I should blame mama and papa for me being pretty.
"Hi!" napahinto ako sa gitna ng hallway nang may sumalubong sa akin na babaeng may kulay pink na frame sa eyeglasses. Nakangiti siya kaya kitang-kita ko ang pantay na ngipin niya. She looks so girly with her outfit. Hmm.. not my fashion type. "You're the new girl, right?"
Tumango ako. Hindi sa ayokong makipag-close sa kaniya dahil hindi ko type ang fashion niya. Wala naman din akong ibang sasabihin kundi ang tumango nalang. Ano ako, madaldal?
"I'm Alvira Nicodemeus," inihalad niya ang kamay niya sa harap ko kaya pilit kong ngumiti at inabot ang kamay niya.
"Vanessa Wolfe. Just call me Essa."
Tumango-tango siya habang nakangiti pa din. This girl loves to smile, eh?
"What section are you?" tanong niya. May inilabas siya sa kulay pink niyang bag na isang--salamin. Pink round mirror. "Am I pretty?" tanong niya habang nakatingin sa salamin.
Ngumiti ako ng pilit. Kung sa human traits pa, tatawagin na siyang GGSS o gandang-ganda sa sarili. "Section A-V1."
Tumigil siya sa pagkakalikot sa bangs niyang mala-Dora ang style at mabilis na tiningnan ako. "You're that smart, huh."
Nahihiya akong ngumiti at inayos ang shoulder bag sa balikat ko. Hinigpitan ko din ng hawak ang mga libro kong nasa mga bisig ko.
"We're in the same section. Tara!" nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko at kinaladkad papasok sa isang classroom. Ito 'yung classroom na pinasukan ko kanina--ang Section A-V1.
Umupo siya sa pinakalikod kung saan do'n din ako nakaupo sa tabi niya. Nakatayo pa din ako sa harapan habang tinitigan siyang nakangiti at masayang tinuro ang kabilang upuan. All this time, magkatabi pala kami?
"Luthor is here!"
Napalingon ako sa pintuan kung saan may babaeng dali-daling pumasok at tumilitili pa. Umupo siya sa upuan niya na parang isang asong excited na bigyan ng pagkain.
"b***h, who's that woman? Hindi pa ba siya uupo?"
Mabilis kong nilingon ang isang babae na masama ang tingin sa akin. Pero agad ding nawala ang masamang tingin niya sa akin nang ibaling niya ang tingin niya sa may pintuan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila dahil bigla-bigla nalang silang napangiti at nagpapacute. May iba pa na nagsalamin and worst, nagmakeup.
Dahil hindi ko sila naintindihan, sinundan ko ang tingin nila. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang matalim niyang titig sa akin. Kasunod niya ang isang lalake na opposite naman ang tingin sa akin dahil halos magsingkit na ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.
Gulp.
"H--Hey," hindi ko alam kung saan ba ako nakakuha ng lakas upang magsalita. Dahan-dahan kong binaling ang tingin ko sa ngayong mas matalim na tingin na lalake at sa katabi niya. "D--Dirk."
Kumaway naman sa akin si Dirk at akmang lalapitan ako nang pigilan siya ng kasama niya.
"Didn't I told you about what I said earlier?" giit niya. Kulang nalang ay magaapoy na ang mga mata niya sa galit. "You, ugly."
Napasinghap ako pati na din si Dirk na katabi lang niya at ang buong estudyante sa loob ng Section A-V1.
I pressed my lips into a thin line tsaka hinigpitan ang strap ng bag. "Excuse me? I still have a right to show myself in front of you dahil unang-una, estudyante ako dito. Section A-V1 din ako."
Mas lalong napasinghap ang nasa loob ng classroom. Marami na din ang naki-usiyuso mula sa iba pang section para lang manood. May sumilip sa bintana namin at tiningnan kung sino ang kasagutan ng lalakeng kaharap ko ngayon.
"The b***h," rinig kong bulong ng iba.
Nakita kong ngumiti ang lalakeng hanggang ngayon ay nakatayo pa din sa pintuan. Tinulak niya palabas si Dirk at padabog na nilapitan ako.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa strap nang sa isang kurap lang, nasa harap ko na siya. Nabitawan ko ang mga libro ko nang isandal niya ako sa teacher's table at kinandado sa pamamagitan ng dalawa niyang kamay.
"I'm Kraig Luthor and remember my name, ugly. Whoever you are, you're going to leave this school tomorrow."
Naiwan akong tulala habang tinitigan ang kinatatayuan kanina ng lalake. Napakurap ako. Kraig Luthor..
Dahan-dahan akong gumalaw at inilibot ang paningin. Mas lalong dumami ang mga nakiusiyoso at halos lahat sila ay ang sasama ng tingin sa akin. Nanginginig ang mga tuhod ko at ang kamay ko habang isa-isa kong pinulot ang mga libro na nabitawan ko.
Hindi ko na kaya ang mga matatalim na titig nila. Pakiramdam ko ay pinapatay na nila ako. What's with that Kraig Luthor? Bakit gano'n nalang ang reaksyon nila nang sumagot ako sa kaniya?
Hinawakan ko ang strap ng bag ko at nakayukong lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa bench habang umiiyak.
I shoudn't be here, crying. Pero hindi ko talaga kinaya ang masasamang titig nila sa akin. Is this how they bully someone? Hindi nga physical pero parang pinapatay naman nila ako gamit ang mga titig nila.
"Pagpasensyahan mo na si Kraig."
Napatingala ako nang may umabot sa akin ng kulay itim na panyo. Hindi ko na siya sinagot at tinaggap 'yon tsaka pinunas ang luha ko.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko habang nakatingin ako sa kawalan, hawak-hawak ang panyong binigay niya.
"Gano'n naman 'yon si Kraig. Walang pinipiling kaaway," narinig ko siyang bumuntong hininga kaya tuluyan ko na siyang nilingon.
Ngumiti ako sa kaniya. Kahit papa'no pala, may mga mabubuting nilalang pa rin dito. "Salamat nga pala sa panyo."
Umiling siya tsaka tumayo na nakapamulsa. "Trabaho ko naman talaga na patahanin ang mga nilalang na pinaiyak ni Kraig. Ako nga pala si Jael Sangria."
Tumayo ako at ibinulsa ang panyo niya. Isasauli ko nalang siguro 'to sa kaniya kapag nalabhan ko na. "I'm Vanessa Wolfe. But call me Essa."
May mababait na nilalang pa pala dito. Tulad nalang ni Dirk Luthor na unang nag-approach sa 'kin. Tsaka yung girl in pink na si Alvira. Idagdag mo pa ang isang 'to na si Jael.
* * *
Pagod na pagod ako dahil ilang oras akong naghintay para matapos ang araw na 'to sa loob ng Vlad High. Hindi ako pumasok sa kahit anong subject kaya malamang sa malamang, wala akong natututunan ngayong araw.
Umupo ako sa dulo ng kama tsaka tumingin sa bintana. Malapit ng lumubog ang araw.
Tumayo ako at nagbihis ng kulay itim na T-shirt at itim na jeans. Kinuha ko ang arnis stick ko at lumabas ng bintana.
Napangisi ako. This is why I like evening. This is why I like the darkness when the sun disappears. Mas madali kong magawa ang gusto kong gawin.
Mabilis akong nagtago sa likod ng dingding nang makita si kuya Vann kasama si Vinn na naglalaro sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit sila naglalaro ng Chinese garter na silang dalawa lang. Ganiyan naman 'yan si kuya Vann, utak pambata. Dinamay pa niya si Vinn sa kalokohan niya.
"No choice," bulong ko at hinigpitan ang hawak sa arnis stick. Tumingala ako at nakitang mataas pala 'tong dingding na pinagtaguan ko. Napabuntong hininga ako.
Ramdam ko ang malakas na hangin na tumama sa mukha ko at sa pagdilat ko, nakatayo na ako sa ibabaw ng mahabang dingding. Tiningnan ko ang ibaba at nakakalula ang taas nito. If I were a human-without-fangs, malamang ay magsisigaw at magtitili ako sa takot ng nakakalulang taas ng dingding na inaapakan ko ngayon.
Napailing nalang ako at muling tumalon sa bubong ng bahay namin. Tumalon ulit ako and this time, naglanding ang paa ko sa lupa na hindi man lang napa'no sa pagiging spider woman ko kanina.
Pinagpag ko ang sarili ko at nagsimulang maglakad. Hindi nagtagal, bumilis ang hakbang ko at naging mas mabilis na ito na siyang dahilan sa madali kong pagdating sa lagusan papasok sa mga humans.
Huminga muna ako ng malalim habang tinitigan ang poste na may torch light na de-kuryente sa ibabaw. Dahan-dahan kong hinawakan ang poste at sa isang kurap lang ay nasa humans na ako.
Nasa pinakaibabaw ako ng bundok at kitang-kita ko ang city lights. This is amazing. This is my freedom.
Pumikit ako at dinarama ang hampas ng hangin. Mas lalo akong napangiti at hinayaan ang sarili ko na tumakbo ng tumakbo ng mabilis. I can sense the animals running away from me dahil sa bilis ng takbo ko. Humahampas ang sariwang hangin sa mukha ko maging sa buong katawan ko.
This is my real freedom.
Huminto ako sa pagtakbo at parang baliw na nakangiti habang nakataas ang kamay sa ere. I am surrounded with trees and wild animals.
* * *
Pinagmasdan ko ang mga tao na nagmamadaling maglakad para makauwi sa kani-kanilang bahay. May mga nagtitinda ng pagkain sa tabi-tabi at may mga nagi-standby muna sa mga gilid-gilid.
Tinitigan ko ang lalaking may maraming tattoo at may mga kasama na may mga tattoo din. Their tattoos are sun and moon, surrounded with stars. Kahit na malayo-layo sila sa akin, kitang-kita ko ang bawat galaw nila at dinig na dinig ko ang pinagusapan nila.
"May nakuha na ba kayo?"
"Yes boss. Nasa hideout na sila."
"Good. Mamaya ko na kayo babayaran."
"Areglado boss."
Pasimple ko silang sinundan at nang makasakay na sila sa isang itim na SUV, lumingon-lingon muna ako sa paligid para masigurong walang nakatingin sa akin. And this is my time to shine, mabilis akong tumakbo at sinundan ang sasakyan nila.
Wala silang kaalam-alam na sinusundan ko sila hanggang sa tumigil sila sa isang bahay na may mga armadong lalake. Medyo luma na ang bahay nila base na din sa inaasahan ko sa hideout nila. Dahan-dahan akong nagtago sa likod ng puno at pinagmasdan ang loob nito.
Maya-maya ay nilagpasan ko lang ang mga armadong lalake at nakapasok sa loob ng bahay. They won't see me dahil tanging hangin lang ang maramdaman nila sa tuwing dadaan ako sa kanila--kapag tumakbo ako. Hindi naman ako invisible dahil makikita at makikita nila ako.
"Andito na sila, boss."
Sinundan ko ang boses na 'yon at nakitang pumasok sa isang malaking kwarto ang lalake at yung boss na tinatawag nila. Pumasok din ako at nanlaki ang mata ko nang makita na maraming bata ang naka-tali at nakaupo sa sahig. Isa-isa silang may tape sa bibig at nakatali sa lubid ang kanilang mga kamay sa kanilang likod.
Looks like my adventure is a torture. Isang kidnapping case pala 'to.
Napatingin sa akin ang halos sampung bata at nagmamakaawa na tulungan ko sila gamit ang mga mata nilang luhaan. Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko para sabihin na huwag silang magingay.
Pero huli na dahil napatingin sa akin ang isang lalake at biglang tinutok sa akin ang baril niya.
"Paano ka nakapasok?! Sino ka?!"
Umiling ako at pinaikot ang arnis stick sa kamay ko. "No time for that."
Tinapon ko sa kaniya ang arnis stick na siyang dahilan sa pagkabitaw ng baril niya. Hindi pa tuluyang nahulog ang stick ay nasa likod ko na siya at kinuha ang stick na hindi pa nahulog sa sahig at hinampas sa ulo niya.
Sunod ko namang sinipa ang kamay ng isa pang armadong lalake at hinampas ang ulo niya. Patuloy ko lang silang pinaghahampas na hindi man lang natamaan ng mga bala nila dahil sa bilis ng galaw ko.
"What the--" hindi makapaniwala ang lalake na akmang babarilin ako dahil bigla akong lumitaw sa harap niya. Nabitawan tuloy niya ang baril niya sa gulat kaya napangisi ako sa kaniya at sinakal siya gamit ang stick.
Naiwang nakatayo ang boss nila habang titig na titig sa akin. Hindi ko na siya hinintay pa na sugurin ako at walang pasabing ginawang dart board ang mukha niya at pinalipad ang stick papunta sa kaniya.
And just a snap, nawalan siya ng malay. Napalibutan ako ng mga lalake na walang malay.
Dali-dali kong tinulungan ang mga bata sa pagtanggal ng tali sa likod nila at pinatakas. Sinabihan ko sila na dumiretso na sila sa mga tahanan nila at huwag pansinin kung sino ang nagligtas sa kanila. Walang tigil naman ang iyakan at pagpapasalamat sa akin.
Tinitigan ko muna sila bago ko pinabuga ang isang usok na lumabas mula sa kamay ko at sa isang iglap, natulala sila. Inutusan ko sila na lumabas ng bahay at dumiretso tahanan nila na walang maalala.
Perks of being a vampire, I can hypnotize the people. May iba't-ibang style kami sa pag-hypnotize. May iba na sa isang titig lang at ang iba naman ay through smoke 'tulad ko.
Every evening, ganito ang trabaho ko. Hindi ako nagpaka-hero. Ayoko lang na sumali sa tradition ng pamilya ko na mag-haunting sa kagubatan at manghuli ng mga wild animals para gawing pagkain. All I want is to help people.
Habang naglalakad ako sa sidewalk, nagulat ako nang may lumitaw sa harap ko at tinagilid ang ulo niya sa akin. Bumalik ang panginginig ng tuhod ko nang maalala ang nangyari kanina.
I shouldn't be scared of him! Bampira din siya 'gaya ko kaya bakit naman ako matatakot sa kaniya?
"K--Kraig," dahan-dahan akong umatras at napayuko. Why is he here in the first place?!
"I already have an evidence of you, kicking out from Vlad High. Ayusin mo ang sarili mo bukas, ugly."
Magpapaliwanag sana ako pero huli na dahil wala na siya sa harap ko. Napabuntong hininga ako. Why would I explain to him? If he want me to get out in that school, well, hindi ako aangal. He must be already in Principal's para sabihin ang dapat niyang isumbong tungkol sa akin.