Chapter 2

1206 Words
Pinagmasdan ko ang langit at ang papasikat na araw. Ngumiti ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa terrace. Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at ang libro na hindi ko pa naibalik sa locker kahapon. "Bye ma," humalik ako sa pisngi ni mama at sunod ay kay papa. "Bye pa." Natigilan sila sa pagkain at sabay-sabay na napatingin sa akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Hindi ka ba magaalmusal?" tanong ni mama na tinuturo pa ang mapula-pulang likido sa bowl na para sana sa akin. Ngumiti ako at umiling. "Hindi ako gutom," tiningnan ko naman si kuya Vann at kay Vinn. "Una na ako, kuya. Tsaka Vinn, umayos ka sa eskwelahan niyo." Tumango lang siya sabay ngiti kaya kitang-kita ko ang pula niyang ngipin na may pangil pa. "Opo, ate!" Dahan-dahan akong tumango sa kaniya tsaka muling nagpaalam. Pagkalabas ko ng bahay, napabuntong hininga ako at napasimangot. Hindi na ako magtataka pa kung bakit sira na agad ang araw ko. Mas lalo ata 'tong sisira kapag makikita ko si Kraig sa school. Hahakbang na sana ako nang mapansin ang nakakasilaw sa may braso ko. Tiningnan ko 'yon at muling napabuntong-hininga. Right, bampira pala ako kaya medyo sumisilaw ang balat ko sa umaga. Kapag nasisinagan kami ng araw, we sparkle like a star. Distracted ata ako dahil sa nangyari kagabi. And as a promise to self, I shouldn't be scared to that man, Kraig Luthor. "Come on, Essa. You shoudn't be distracted!" iling-iling 'kong sabi sa sarili ko. Hindi naman dapat ako ma-distract dahil unang-una, alam ko naman na huling araw ko na siguro 'to sa Vlad High. Argh! Ang problema ko lang kasi ay kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko. Planado pa naman ang paglipat namin dito. Tsaka isa pa, sikat ang lugar na 'to kaya nang inanunsyo nina mama at papa na lilipat kami dito, tuwang-tuwa ang dalawa kong kapatid. Ayos lang sana kung sa eskwelahan lang ako mawawala dahil kung pati ang tinitirhan namin, lagot ako. Medyo malayo pa naman ang isa pang eskwelahan dito. Hindi ko alam kung sakop pa ba 'yon sa Vlad City. "Hey!" muntik na akong mapasigaw nang may sumalubong sa akin. Napailing nalang ako at nilagpasan siya. Dahil naging lutang ang utak ko, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa Vlad High. Really, Vanessa? "Look, Essa. Pasensya na kay Kraig kahapon," sunod lang ng sunod sa akin si Dirk kaya medyo naiilang ako. Hindi pa rin nawawala ang mga masasamang titig sa akin ng mga estudyante kaya huminto ako at hinarap si Dirk. Muntik pa siyang mapasubsob sa akin at buti ay mabilis siyang napatigil. "Stop following me, Dirk. Leave me alone," giit ko at tinalikuran siya. Liliko na sana ako papuntang classroom nang marinig ko ang boses ni Principal sa speaker. "Vanessa Wolfe of section A-V1, please come to my office now." Napatingin ako sa paligid ko. Ang sasama ng tingin nila sa 'kin. Siguro nagpipyesta na sila dahil pinatawag ako sa principal. Argh. This is my first time to face the principal. At lalong first time ko pang mapatawag. "Right," I mumbled. Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko pa din na sumusunod si Dirk sa akin. Inis ko siyang nilingon. "Can you please stop following me?" Ngumisi siya sa akin tsaka hinawakan ang braso ko. Nanlaki pa ang mata ko nang kinaladkad niya ako. Mabilis lang kaming nakarating sa tapat ng office na may PRINCIPAL na nakasabit. "Since may kasalanan ang pinsan kong si Kraig, sasama ako sa 'yo papasok." Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya at binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Baliw ka din, eh, 'no? Ako lang 'yong pinatawag. Tyak na madadamay ka pa kapag sasamahan mo pa ako." Hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan niya kaya napapikit ako ng mariin at nagpakawala ng malalim na hininga. "Fine, Dirk. You can follow me anywhere but not here, okay? Principal's office 'to. Pinatawag ako na ako lang," giit ko tsaka siya tiningnan. Para siyang bata na may pa-pout pa. Tsk. "Stay here and do not follow me inside. Mamaya mo na ako kukulitin." Ngumiti siya at sumaludo. "Yes, boss Essa." Napangiti na din ako dahil sa asta niya. Kung hindi ko lang siya kilala, iisipin kong isip bata siya. Huminga muna ako ng malalim bago kinatok ang pinto. Kumunot pa ang noo ko dahil nakarinig ako ng malakas na kalabog sa loob. 'Tila nagmamadali o kung ano man. "Come in!" sigaw ng boses ng babae. Malamang, ang principal na 'yon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Sinarado ko agad dahil ayokong pumasok si Dirk. "Ako po si Vanessa Wolfe ng section A-V1, ma'am," pakilala ko bago niya ako pa-upuin sa harap kung saan may upuan do'n. Ngumiti ako ng pilit tsaka dahan-dahan na tiningnan ang lalakeng hindi mapakali sa kinauupuan niya sa tabi ng principal. Binalik ko ang tingin kay principal na ngayon ay pangiti-ngiti pa habang may binabasa sa isang papel. Anong nakakatuwa sa binabasa niya? "Uhm, ma'am. Pinatawag niyo po ako?" kahit na alam ko naman kung bakit ako nandito. Para kasing baliw 'tong principal namin. Ngumingiti lang bigla. "Ehem," umayos siya ng tayo at tiningnan ako. "Sinumbong sa akin ni Kraig na pumupunta ka sa humans. And that is against the rules, Ms. Wolfe." Sabi na nga ba. "Yes ma'am," wala naman akong karapatan na itanggi 'yon. Kraig saw me with his both eyes. Pwedeng-pwede siyang gamitin for evidence. And that evidence is to show everyone what he saw. Easy lang naman kung paano nila makita ang ebidensya. Just give the officials your blood at sila na ang bahalang maghanap sa memories mo do'n. What a vampire, isn't it? "Okay. You may clean up your locker and be back here to get your papers." Napanganga ako at dali-daling umayos ng upo. "B--But ma'am, I have my reasons." Nagbingi-bingihan siya kaya mas lalo akong nataranta. Holy shits. Hindi pa pwede ngayon. Hindi pa ako pwedeng ma-kick out! At kung lilipat man ako sa ibang paaralan, ang layo-layo n'on. Hindi ko nga alam kung sakop pa ba 'yon ng Vlad City. "Please listen to me, ma'am. Hindi ako pwedeng lumipat ng school," napatigil siya sa pagliligpit ng mga folders sa lamesa niya at tinaasan ako ng kilay. Huminga muna ako ng malalim. "I have my reasons. A good reasons kung bakit ako pumupunta sa humans." "Then?" mas lalong tumaas ang kilay niya kaya napabuntong-hininga ulit ako. Yumuko ako at pinaglalaruan ang daliri ko. "Tinutulungan ko ang mga tao doon. I chase bad guys and free the good guys," sana naman maintindihan niya ang konting explanation ko. Tumango-tango siya at may pinindot na kung ano malapit sa isa pang table sa tabi niya. Bago pa siya magsalita, ngumiti siya sa akin. "I'm Henrietta, by the way." Napanganga ako. Ang principal, nagpakilala sa 'kin? Oh, well. After all, principal siya. New student ako kaya hindi ko pa kilala ang mga nandito lalo na kay principal. "Kraig Luthor, please come to my office." Humarap ulit siya sa akin tsaka ngumiti. "Bago ka ma-kick out, it's Kraig's choice kung patalsikin ka palabas ng Vlad High o hindi." Kumunot ang noo ko. Si Kraig ba ang principal at may-ari ng school na 'to? Psh. And wait, pumunta din naman si Kraig sa humans, ah! Dapat dalawa kaming nandito! "Ano 'yon?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang sumulpot sa gilid ko si Kraig. Hindi man lang dumaan sa pinto, hayup. Or should I say, mabilis talaga siyang kumilos at hindi ko napansin ang pagbukas ng pinto? "You're the one who wanted this girl out. I already heard her reason but still, nasa 'yo ang choice," sabi ni Principal Henrietta. Tumingin sa akin si Kraig tsaka kay principal at sa lalake. Pabalik-balik lang ang tingin niya sa dalawa kaya lalong nataranta at hindi mapakali ang lalakeng katabi ni Principal Henrietta. "Talagang wala kayong pinipiling lugar, 'no?" Napaiwas ng tingin si Principal at parang hindi mapakali din. Wait, ano 'to? "Just choose, Kraig," giit naman ni Principal na hindi man lang binigyan ng tingin si Kraig. "Kung isusumbong ko kaya kay Dreven 'to?" nakita kong ngumisi si Kraig kaya nanindig ang balahibo ko. Ang lakas talaga ng panakot ng lalake na 'to. Simpleng pagngisi niya lang, tatakbo agad ang kaluluwa mo para mauna ng magtago. "K--Kraig, we are not talking about this. We are talking about this girl!" turo pa sa akin ni Principal. Wait, hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi nila. Ano 'to? "Wala talagang pinipiling lugar. Kahit na opisina, ginagawa niyo pa. Kahit siguro sa bahay gagawin niyo rin kahit nandoon si Dreven, tama ba?" "Enough!" tumayo si Principal at masamang tinitigan si Kraig. Hindi ko na kinaya at napatayo na din. "Alam kong wala po ako sa lugar para makisali. Can you please stop shouting?" huminahon si Principal at muling umupo. Tiningnan niya muna si Kraig at sa akin. "Ms. Wolfe, you're out. Clean up your locker." Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko at parang ninakawan ng lakas. s**t. I thought my reasons are enough? "Hindi siya aalis. Sa sandaling 'to, wala ka sa katinuan kaya mabilis mong pinaalis ang estudyanteng may rason pala," nagulat ako nang hawakan ni Kraig ang kamay ko. Tiningnan pa niya ako at muling binalik kay Principal Henrietta. "Kung sinong lalake man 'yan, sinisiguro kong wala na 'yan bukas." "Kraig!" sigaw ni Principal bago namin siya tinalikuran. Kinaladkad ako palabas ni Kraig habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Namalayan ko nalang na nasa pinakagilid ng soccer field na kami kung saan may puno at kung saan ko siya unang nakita. Inis niyang binitawan ang kamay ko at sinipa-sipa niya ang malaking punong kahoy. Napanganga ako. What the hell just happened? "Teka, baka naman masira mo 'yang puno!" pigil ko sa kaniya. 'Buti naman at tumigil na. Napaupo siya sa damuhan at tinakpan niya ang mukha niya gamit ang malaki niyang palad. Para siyang maiiyak na nagalit na ewan. Geez, ano ba nangyari sa lalake na 'to? "Get lost, ugly," mahinang sabi niya kaya hindi na ako nagtanong pa at iniwan siya. Bahala siya kung ano ang problema niya dyan. * * * Jael Sangria Papak lang ako ng papak sa pinritong bola-bola ala Idris Geordi. Ang sarap talaga magluto ni parekoy. "Oy, Jael. Baka uubusin mo 'yan, ha? Wala pa naman akong stock ng secret ingredient ko niyan," inilapag ni Idris ang tray na may mga bowl of fresh blood. Hmm.. ang bango. Agad namang lumabas ang mga pangil ko at kinuha ang isang bowl na para sa 'kin. "Secret ingredient ka diyan. Dugo lang ang secret ingredient mo, oy!" tumawa ako nang sumimangot siya. Akala siguro niya hindi ko alam kung ano ang ingredient niya. Cook ata ako sa bahay namin. "Oy, Dirk parekoy!" sigaw bigla ni Idris. Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy lang sa kinakain ko. Pulang-pula ang bola-bola kaya paano ko naman hindi malalaman ang secret ingredient niya? "Nakita niyo ba si Kraig?" tanong ni Dirk pagkaupo niya sa tapat ko. Kumuha siya ng bowl at kutsara. Kapag break time kasi, dito kami sa rooftop ng senior high building nagkikita-kita. May pinatayo kasi si Kraig na maliit na bahay-bahayan dito para may mapag-standbayan kami. Kompleto sa kagamitan at syempre, mawawala ba ang mga pwede naming laruin dito? May billiard table, dart board, yung sa arcades at marami pa. "Mukha ba kaming hanapan ng nawawala?" inirapan ko siya at papak lang ng papak. "Parekoy, pinatawag siya kanina ni Principal, 'diba?" singit naman ni Idris na kakaupo lang sa tabi ko. "Panigurado, bad mood na naman 'yon." Binatukan ko si Idris. "Gago. Beast mode kamo." Napakamot naman siya sa ulo niya tsaka ngumiti. "Beast mode ba? Edi sige, beast mode na naman 'yon si Kraig." Nagthumbs-up ako, "Good doggy." * * * Alvira Nicomedeus Pangiti-ngiti ako sa sarili ko sa harap ng salamin. This is a personalized mirror made by my daddy. Talagang pinagawa niya ako dahil mahilig naman ako sa salamin. Tsaka, kapag ordinary mirror lang ang gagamitin ko, hindi ko naman makikita ang pretty face ko. Hihi. Me is no reflection 'cause me is a vampy. "Oh, Essa. Ba't ngayon ka lang?" napatigil si Essa sa paglalakad nang tawagin ko siya. Tiningnan niya ako na para bang hindi niya ako kilala. Like, duh? She already knows me. Everyone knows me. I'm the pretty girl in pink! "Uhh, galing kasi ako kay Principal." Napatango-tango ako. Pinatawag pala siya kanina. Dinig na dinig hanggang classroom ang boses sa speaker ni Principal. "Break time na. Wanna join?" alok ko. Panigurado na din na naghihintay na ang dalawa kong pretty girls. Tumango siya kaya hindi na ako nag-hintay pa't kinaladkad siya. Mabilis lang kaming nakarating sa cafeteria na punong-puno ng mga students. Me is lazy to buy food. Pero nah, me is not minding that. Hinanap ko ang two pretty girls na mga bestfriends ko at agad ko din naman silang nahanap sa dulo ng cafeteria. Hawak-hawak ko si Vanessa nang lumapit ako sa table ng dalawang magaganda na 'tulad ko. "Essa, mga bestfriends ko sila. Si Riah Vallejo ang girl in red at si Irina Giovanni ang girl in blue," pakilala ko sa dalawa kong kaibigan. "Riah and Irina, ito nga pala si Vanessa Wolfe na kaklase ko. She can be part of our group and let's call her, girl in black!" Ngumiti si Essa at nag-bow pa. She's the pretty girl in black dahil all black ang suot niya. 'Buti at hindi siya nagmukhang emo dahil kung hindi, magiging si Odile Romana siya. Yuck. "Call me Essa, Riah and Irina." Tumango naman ang dalawa kong pretty girls at ngumiti kay Essa. Hinila ko si Essa at pinaupo sa bakanteng upuan. And we are now, complete! We are the pretty girl squad. Ahihi. "Bili lang ako ng pagkain," tumango kami kay Essa kaya naiwan kaming tatlo. Si Riah na halos pula lahat ang suot at si Irina na kulay asul ang suot. Ewan ko ba kung bakit kami ganito. We're not a weirdo, actually. 'Yon lang ang tingin sa amin ng karamihan. A crazy and weirdos group of pretty girls. "Essa's nice," sambit ni Riah na umiinom pa ng red juice. "Yeah. Mukhang mabait naman siya," sangayon naman ni Irina. Binatukan siya ni Riah kaya napa-aw siya. Gusto ko tuloy tumawa dahil nagsisimula na naman sila. "Tinagalog mo lang ang sinabi ko, Irina." "Eh ano naman?" "Tinagalog mo lang ang sinabi ko!" "Ewan ko sa 'yo!" Patuloy pa rin sila sa pagbabangayan nang bumalik si Essa na may dalang tray. Hindi na ako bumili ng pagkain ko dahil I'm on a diet. Meh is lazy to buy food 'cause many students make queue. Daddy will get mad at me if I'm going to eat too much. Hihi. "What's with them?" tanong sa akin ni Essa pagka-upo niya sa tabi ko. Nagkibit balikat ako at nilapit ang mukha ko sa tenga niya. "Ganyan 'yan sila, Essa. Mga baliw 'yan." Tumawa naman siya sa sinabi ko kaya ayon, napatigil ang dalawa sa pagbabangayan. Tiningnan pa nila ako ng masama kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Ano na naman ba ang sinabi mo sa new recruit?" inis na tanong ni Riah. Narinig ko naman na tumawa si Essa kaya pati ako natawa na din. "Wala, Riah. Sinabi ko lang sa kaniya na magaganda talaga kayo." Ngumiti naman ng malaki si Irina na halos makita na ang gilagid niya. "We're pretty naman talaga, ah." Napailing nalang ako. Mga baliw naman talaga sila, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD