Sunod lang ako ng sunod kay Kraig. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin sa tapat ng malaking bahay na 'to.
Hindi ko din alam kung kanino 'to dahil unang-una, ngayon lang ako nakapunta dito. Hindi naman 'to property nila, ba't kami nandito? Eh wala nga rin dito sa subdivision na 'to ang bahay nila. Wala silang property dito kaya bakit kami nandito?
"Frank Santiago. Former secretary ng mga Luthor. Adviser ng section C-K3 sa Kozani High. Another man ni Henrietta," seryoso lang na nakatingin sa front door ng bahay na 'to si Kraig. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya na halatang nagpipigil ng galit.
"Teka lang, Kraig. Ano naman ang gagawin natin sa another man ng mama mo--"
"She's not my mom, Dirk! Kahit kailan, hindi ko siya magiging nanay!" napatikom nalang ako ng bibig ko dahil baka masapak ako nito. Hindi nalang ulit ako nagsalita at nagantay nalang ng sasabihin niya.
When it comes to Mrs. Henrietta Luthor, parang sasabog sa galit 'tong pinsan ko. Hindi ko man alam ang buong kwento sa mag-ina na 'to, alam kong malaki ang galit ni Kraig.
Kahit naman na parte ako ng pamilya nila, hindi ko pa rin alam kung bakit ganito kagalit si Kraig sa ina niya. Hindi ko rin maiwasan na maawa kay Kraig. Tiyak din na magagalit si Kraig kapag susubukan kong alamin ang past nila.
Alam kaya ni Mr. Dreven ang pinaggagagawa ng asawa niya? Tsk. Malala na 'to.
"He's in the kitchen," muling nagsalita si Kraig na hindi ko man lang alam kung ano ang ibig niyang sabihin n'on.
Hindi ako nakakilos nang maglaho siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan siya pumunta kaya nagkibit-balikat nalang ako at umupo sa bench na katapat ng bahay na tinitingnan ni Kraig.
Ilang segundo ang lumipas, bumalik si Kraig na may dugo sa kamay.
Agad akong napatayo at lumingon-lingon sa paligid. 'Buti at wala masyadong nilalang dito dahil subdivision 'to. Nilapitan ko si Kraig.
"Kraig, ano nanaman ba ang pinaggagagawa mo?" inis kong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lang ako tsaka inirapan.
"Walang may pake."
Iniwan niya ulit ako kaya bumuntong hininga ako. Tiyak na umuwi na 'yon sa kanila. Kainis din 'tong si Kraig, eh. Dinala-dala pa ako dito, iiwan din pala ako.
Pwede na ba akong gumawa ng hugot? Yung who-goat? Tsk.
* * *
Vanessa Wolfe
New girl? New recruit? Ano pa kaya ang pwedeng mapangalan sa 'kin? Tsk. Pero I'm glad there's still a normal student here na walang pake sa mga tsismis na tungkol sa 'kin. They even treated me like their real friend. Wala silang pake about sa mga issues sa 'kin. Hindi nila pinagtuunan ng pansin ang mga issue.
Kumbaga, isa silang nerd na walang pake sa paligid. Parang nagbabasa lang sila sa isang sulok at may nakasalpak na earphones or headphones sa tenga nila. Totally, wala silang pake sa paligid nila.
"Essa, hindi ka pa ba bababa?" napatingin ako sa pintuan at tanging ang ulo lang ang pumasok ni kuya Vann.
"Nope. I'm full," tanging sagot ko. Bumuntong hininga ako at bumalik sa pagbabasa ng libro ko.
Hindi ko nga maintindihan ang binabasa ko dahil si Kraig ang laman ng utak ko. Hindi ko nga maintindihan ang lalake na 'yon. Akala ko ba gusto niya 'kong mapatalsik sa Vlad High? Pero ano ang ginawa niya kaninang umaga? Psh. He even defended me from Principal Henrietta.
May pa; "Hindi siya aalis. Sa sandaling 'to, wala ka sa katinuan kaya mabilis mong pinaalis ang estudyanteng may rason pala."
Argh! Nakaka-distract tuloy sa binabasa kong tungkol sa bampira na detective. Binili ko 'to last month at ngayon ko lang binasa 'to dahil sa dami ng inasikaso ng pamilya namin. This book is thrilling. Kaso nga lang, bad trip 'yang si Kraig at bigla-bigla nalang pumapasok sa isipan ko.
Parang binabasa ko lang yung bawat word pero hindi naman inaabsorb ng utak ko kung ano ang ginagawa ng mga characters dito.
"Talagang hindi ka makikisabay sa amin?" muntik ko ng naitapon ang libro ko nang muling pumasok ang ulo ni kuya sa pintuan ng kwarto ko. Inirapan ko nalang siya tsaka binato sa kaniya ang unan ko.
"Hindi nga!"
"Awts. Hindi ka nalang namin isali ni Vinn sa laro namin mamaya," umakting pa siya na nasasaktan kaya muli ko siyang binato ng unan pero huli na dahil nagtatakbo na siya paalis.
Napairap nalang ako at tumayo tsaka sinarado ang pinto.
* * *
"Hey, Essa!" napahinto ako sa paglalakad sa gitna ng hallway ng locker area. Lumingon ako sa likod at nakitang tumatakbo papunta sa akin ang lalakeng may hawak na card sa kanang kamay.
Tinitigan ko siya ng maigi at inalala ang pangalan niya. Sino nga ulit siya? Sigurado akong nakita ko na siya at nagpakilala na siya sa akin. I even remembered his face but not his name.
Ganito ako, eh. Mabilis ko lang na makilala ang mukha pero hindi ang pangalan.
"Are you free this weekend?" tanong niya nang makalapit siya sa akin. "Nakakasakit ka naman sa damdamin. Ako 'to, si Jael Sangria."
Napatango-tango ako at nahihiyang ngumiti. Kaya pala pamilyar siya sa 'kin. Tsaka, hindi ko pa nasauli sa kaniya ang panyo na pinahiram niya sa 'kin. Nakakahiya lang dahil madali kong makalimutan ang pangalan ng nilalang once na hindi ko na ito makikita o makakausap.
"Bukod sa gagawin ko sa bahay, wala na akong ibang gagawin o pupuntahan this weekend. Bakit?"
Ngumisi siya tsaka binigay sa akin ang card na hawak-hawak niya kanina. Kulay purple 'to na may logo na something S na hindi ko maintindihan. Hindi naman Superman dahil malayo 'to sa logo ng superhero. May pagka-girly design siya dahil na din sa floral sa paligid ng S.
"Punta ka sa amin, ha? Birthday ni Janet, kapatid ko, this weekend."
Nagpaalam na siya sa 'kin kaya naman tiningnan ko ang card na binigay niya sa 'kin. Binuksan ko ang card na ngayon ko lang napagtantong envelope pala 'to na made of cardboard kaya matigas siya. Hindi mo makilala kung card lang ba 'to o envelope.
"Good day! You are invited!" ang nakalagay tapos may date, time at address. Invitation pala 'to. Akala ko kung ano.
"Hmm. Janet Sangria," napatango-tango ako. Malapit lang 'to sa amin ang address na nakalagay. Good thing, wala akong gagawin sa weekend. I hope this will be fun, eh.
"Hi Vanessa!" napangiwi ako nang tawagin ako ni Riah--the girl in red. Kasama niya si Irina--girl in blue. These guys are weird, isama mo pa si girl in pink na si Alvira.
"I told you to call me Essa."
Hindi nila pinansin ang sinabi ko at may pinakita sa 'kin si Irina. Katulad na katulad din sa binigay sa akin ni Jael kanina.
"Invited kami sa party ni Janet Sangria. Sama ka?" sabi pa ni Irina na parang pinaliguan ng kulay asul.
Tumango-tango ako at tinaas din ang envelope na kaparehas sa kanila. "Yeah. I'm invited too."
"Oh my fangs! Magkakasama pala tayong apat dahil meron din kay Alvira," tumalon-talon pa si Riah kaya nahihiya akong tiningnan ang mga nandito sa locker area. Hindi pa rin mawala-wala ang masasamang titig sa akin.
"Sige, Vanessa or whatever your name is, una na kami. Baboo!" paalam ni Irina at hinila si Riah.
I pressed my lips into a thin line tsaka tinaas ang kamay ko. "I said call me Essa!"
"Ha? Vanessa?" nagbingibingihan pa si Riah tsaka sila nagtawanan. Natawa nalang ako. Binulsa ko nalang ang card at lumapit sa locker ko. Kinuha ko ang libro ko para sa gagamitin namin mamaya.
Maya-maya, pagkasarado ko ng locker, nagulat ako nang may nakatayo pala sa gilid ko at nakatingin sa akin ng masama. May toothpick siya sa bibig niya at medyo emo-looking girl.
Maikli ang buhok niya na may bangs. May choker siyang suot na may disenyo na medyo evil tapos may mga suot pa siyang mga itim na accessories. A total emogirl. Purple and black pa ang theme ng suot niya.
"Ikaw ba si Vanessa Wolfe?"
Lumingon-lingon ako sa paligid at parang ako nga ang kausap niya. Natural, Vanessa Wolfe raw, eh. Wala namang ibang Vanessa Wolfe dito kundi ako lang, 'di ba?
"Yes?" medyo patanong na sagot ko dahil hindi ko naman siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita kahit ilang araw na ako dito. Hindi ko naman siya kaklase dahil hindi ko pa nakikita ang mukha niya sa loob ng classroom. Tanging ngayon lang. Right now, right here.
"Good," naglakad siya palayo sa akin kaya nakakunot-noo ko siyang tinitigan.
What the fangs?
"Siya nga pala si Odile Romana. The emo girl in Vlad High," may tumabi sa akin na lalake at nakatingin din sa pinuntahan ni emo girl kanina. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Keir Morgan."
Tumango-tango ako tsaka nginitian din siya. "Vanessa Wolfe."
Sabay kaming tumawa dahil nagtitigan lang kami matapos magpakilala. Gwapo siya. Woman's ideal man. Pero hindi ko siya type. Bumabagay kasi sa kaniya ang built ng katawan niya at isa pa, matangkad siya. Well, may jaw line siya na kadalasang dream boy ng mga kababaihan.
But not me, err..
"Sige, una na ako," tinuro ko pa ang exit ng hallway kaya tumango siya at nagpaalam na din.
I didn't know na may mga normal students pa bukod kay Alvira, Riah at Irina. Idagdag mo pa si Jael at Dirk. Hindi ko nga akalain na may pumapansin din pala sa 'kin.
And that emo girl, hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa 'kin. I have this feeling na medyo weird siya. And these days, maraming weirdo ang nakakasalamuha ko.
* * *
"And that's it for today, class. Study page 128 for the quiz next week. Happy weekend everyone!"
Tumayo na 'ko matapos ang announce si ma'am. Kinuha ko ang libro at nagtungo sa locker area. Maraming nakisabay sa akin papunta sa locker area kaya medyo maramiraming nandito ngayon dahil tyak na mage-exchange sila ng libro gaya ko.
I shut the door ng locker ko matapos kong kunin ang libro na kailanganin ko. Maglalakad na sana ako nang may tumawag mula sa likod ko kaya lumingon ako't tinaasan siya ng kilay.
"Huwag mong kakalimutan na pumunta sa birthday ng kapatid ko, ha?" paalala sa 'kin ni Jael. Tumango lang ako at napatingin sa lalakeng kasama niya na kumakain pa ng lollipop.
Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa kaniya kaya nag-wave siya sa 'kin at ngumiti. And, oh, I didn't know na kulay pula pala ang lollipop na kinakain niya kaya may pula ang ngipin niya.
"Jael, ipakilala mo naman ako sa chix mo," napangiwi nalang ako nang kindatan niya ako. Siniko naman siya ni Jael at pailing-iling na tiningnan ako.
"Siya nga pala si Idris. Huwag kang matakot dito, mabait naman 'to. Mukha nga lang manyak," natatawang sabi niya kaya pati ako nahawa sa tawa niya.
"Vanessa Wolfe nga pala," pakilala ko naman sa sarili ko. Kumindat ulit siya at nagpaalam na silang dalawa.
Pinaalala ulit sa akin ni Jael ang tungkol sa birthday party ng kapatid niya. Kaya, sinabihan ko siya na magdidikit ako mamaya ng sticky notes sa bahay para tyak na hindi ko makakalimutan 'yon.
"Hi Essa!" muli nanaman akong napahinto sa paglalakad nang makita ko si Dirk na papalapit sa akin. Hingal na hingal pa siyang lumapit sa akin at pinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Nakita mo ba si Kraig?"
Umiling ako. Pansin ko nga, hindi sila pumasok simula kaninang umaga. Ni-anino man lang ni Dirk at Kraig hindi ko naramdaman. What's wrong with them?
"Ba't hindi kayo pumasok kanina?" tanong ko nalang kaysa sa magtanong-tanong ako at manghula sa sarili ko.
Duh, hindi ako manghuhula at mas lalong wala akong kakayahan na manghula. I don't read minds. Hindi ko alam kung saan ko namana ang hindi makabasa ng isip.
Abnormal ba ako? O abnormal ang mga magulang ko? Seriously, hindi ako makakabasa ng isip. I should ask mama and papa kung nakakabasa ba sila ng isipan. Pati na din si kuya Vann at si Vinn.
Napakamot ng batok si Dirk at mukhang nagdadalawang isip pa na sabihin sa akin.
"Don't worry, Dirk. Kahit hindi mo sabihin ayos lang," nakangiti kong sabi. Umiling lang siya tsaka ngumiti.
"Actually, ang weird ng pinsan ko simula kagabi. May pinasok na naman siyang bahay at sinama pa ako," bumuntong hininga siya at mukhang napagod sa kakahanap ng pinsan niyang daig pa ang babae na tao kapag may mens. "Hindi ako pumasok ngayon dahil sa kaniya. Nagaalala na ako, eh. Tapos tinawagan pa ako ng mama niya kung nasaan ang anak niya."
Ako naman ngayon ang bumuntong hininga. Ano naman ang magagawa ko? Wala ako sa lugar na pumasok sa problema nila. Tsaka, hindi ko naman kilala ang Kraig na 'yon. Ang pagkakakilala ko lang sa kaniya, isa siyang beast sa lahat ng beast.
"Don't worry. Kapag nakita ko siya somewhere in campus, sasabihan kaagad kita," kesa naman sa magbigay ako ng advice na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para huminahon siya. Ngumiti lang siya at nagpasalamat sa akin.
Nauna na akong maglakad at pumunta sa cafeteria. Break time pa at kailangan kong kumain. Gutom na ako, eh.
"Ate, isang Red Hot Spaghetti nga po," nagbayad na ako at binigay naman niya sa 'kin ang binili ko.
We still have food here. 'Yon nga lang, may halong dugo. Hindi pwedeng walang halong dugo dahil baka magkasakit kami. We don't eat normal people's food. Hindi namin kakayanin na kumain ng mga pagkain nila dahil mas kailangan namin ng dugo.
Habang dala-dala ko ang tupperware na may lamang spaghetti, naghanap naman ako ng bakante. And since it's break time, wala akong makitang kahit isang bakanteng table man lang. The cafeteria is full of students. Wala gaanong bakante. Idagdag mo pa na ang Vlad High ay isang napakasikat na school.
Expected na talaga na maraming students dito.
Bumuntong hininga ako at lumabas ng cafeteria. I should eat outside at kung pwede, sa soccer field na naman ako kakain.
Nang makarating ako sa soccer field, napatigil ako at napatitig sa lalakeng mukhang problemado. Gulo-gulo ang buhok niya at nakabukas ang polo shirt niya kaya kita ang black na may design na vector ng eagle T-shirt.
Kahit na gusto kong lumayo at maghanap ng ibang lugar para kumain, kusang naglakad papunta sa kinaroroonan niya ang mga paa ko. Nang makarating na ako sa kinaroroonan niya, umupo ako sa upuan na isang upuan ang layo sa kaniya.
Binuksan ko ang tupperware at sinimulan 'tong kainin. Pasilip-silip pa ako sa katabi ko na mukhang hanggang ngayon, hindi pa rin ako napansin. O hindi niya lang ako pinansin?
"Nagaalala na sa 'yo si Dirk," huminto ako sa pag-subo at tiningnan siya muli. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Kainis na Kraig 'to. Kapag ako hindi niya pinansin, ipapakain ko 'to sa kaniya ang tupperware! "Hindi pumasok ang pinsan mo dahil sa kakahanap sa 'yo. What's wrong with you?"
Lumingon siya panandalian sa akin tsaka inirapan. Naku. Kung ako mapupuno sa kaniya, kakaladkarin ko siya papunta kay Dirk at sabihan na ipakadena para hindi makatakas. Pero wala naman akong right para gawin 'yon.
First of all, I'm a new girl here in Vlad High. That means, hindi ko pa kilala si Kraig. Hindi ko pa kilala ang mga nilalang na pumapasok dito.
Hindi ko pa alam kung ano ang mga problema ng nilalang na 'to.
Baka mamaya, may myembro ng m******e dito, 'no. At kahit bampira kami, may takot din kami. And yes, we are already dead. Ayaw pa rin naming mamatay ulit at maging mortal pag nabuhay.
Satisfied na ako na bampira ako. Na hindi kami pwede sa normal na sikat na araw dahil nasusunog ang balat namin.
"Alright. Mukhang walang sense na kausapin ka," sinukbit ko ang bag ko at bago pa man ako tumayo, pinatong ko ang tupperware na wala pa sa kalahati ang nakain kong spaghetti sa upuan na pumagitna sa amin. "Mukhang hindi ka pa kumakain. You should eat first, Mr. Luthor. Tsaka, puntahan mo na si Dirk. Alalang-alala 'yon sa 'yo."
Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. Hindi ko na siguro sasabihin kay Dirk na nakita ko ang pinsan niyang ubod ng sungit. Siguro naman, magpapakita na 'yon sa kaniya mamaya. At kung ano man ang problema ni Kraig, he should tell it to his friends or kahit sa pinsan niya.
And now, kailangan ko ulit bumili ng pagkain dahil hindi pa sapat ang tatlong subo.