-=Alexander's Point of View=- Tahimik lang kami ni Slater habang kinakain namin ang iniorder namin pagkain, hindi ko alam kung anong sasabihin ko o ikokomento ko sa nangyari dahil kanina pa paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang nangyari na parang sirang cd. "What?!" Iritableng sinabi nito sa akin. "Anong what? wala naman akong sinasabi eh." pagmamaang maangan ko. "Wala ka ngang sinasabi pero patuloy ka naman tingin ng tingin sa akin na parang ang dami mong gustong itanong." sinabi nito sa akin at nagdecide nang itigil ang kinakain. Nagsubukan kami ng titigan hanggang sumuko na ako. "Ok anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ko dito. "Wala." ang tanging sinabi nito na kinataas ng kilay ko. "What do you mean wala, hindi ka ba natutuwa dahil may isang guwapong lalaki ang nagtapat say

