-=Alexander's Point of View=- Pagmulat ng aking mga mata ay agad akong bumangon sa kama ko at dumiretso sa banyo ko para makaligo na at makapag ayos. "This is it Alex, kailangan mo tong gawin para sa sarili mo at para hindi mawala ang taong mahal mo." kausap ko sa reflection ko sa salamin. Hindi ko na naabutan ang mom ka maagang umalis para magsimba. Matapos kong masigurado na nalock ko ang pinto ng bahay ay sumakay na ako ng jeep para pumunta ng Monumento para magpagawa ng isang bagay na piling ko naman ay makakatulong sa akin. "Ate puwede po bang makuha kahit magdagdag na lang ako." ang sabi ko sa kahera ng store na pinuntahan ko. "Sige po sir balikan niyo na lang siguro nang mga hapon." ang sinabi nito sa akin habang hinahanda ang resibo. "What to do, what to do?" tanong ko sa sar

