-=Alexander's Point of View=- "Ang lungkot din pala kapag wala sa paligid si Slater." yan ang nasa isip ko nang mga oras na iyon kakatapos lang ng lunch break at kung dati ay magkasama kami, ngayon ay minabuti ko na munang iwasan ang binata dahil galit ako sa ginawa nito, dahil hindi ko akalain na kaya niyang gawin na agawin sa akin ang kauna unahang boyfriend ko. Sa totoo lang nagulat talaga ako nang pinagtapat sa akin ni Richard na nakipag kita sa kanya si Slater last Friday at sinubukan siyang akitin ng binata, sa una hindi talaga ako makapaniwala dahil parang wala naman sa ugali ni Slater ang mang-agaw ngunit pinakita nito ang mga text message sa kanya na wala pang pangalan at number lang ang lumalabas at nang tignan ko ay number talaga ni Slater kaya nagpatunay lang iyon na totoo an

