-=Slater's Point of View=- Medyo nasira ang diskarte ko na pinagplanuhan ko ng ilang araw matapos kong malaman na may iba palang gusto si Xander, pero papayag ba naman ako na hindi lumaban kaya nga kahit nangako ako sa binata na tutulungan ko siya ang totoo non ay sisirain ang diskarte ni Xander para magustuhan siya ng sinasabing transferee sa school namin. Ngayon nga ay kasama ko siya na naglalunch sa cafeterian ng school at sakto naman na dumating ang nagugustuhan nitong lalaki. "Slater ayun siya oh." ang sinabi nito sabay turo sa papasok na estudyante, aminin ko man pero guwapo nga ang binata ngunit siyempre mas guwapo ako kaya naman naasar ako kung bakit sa iba pa nagkakagusto si Xander samantalang nandito lang naman ako. "Hays buhay." bulong ko ngunit hindi ko namalayan na medyo n

