-=Slater's Point of View=- Nauubusan na akong ng oras dahil malapit na ang tinakdang araw ni Brent na ligawan si Xander at kailangan ko nang kumilos. Ok the first try didn't go well sa plano ko pero naniniwala ako sa pangalawang pagkakataon ay masasabi ko na ang nararamdam ko kay Xander ay magiging kami, can't wait. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti dahil kinikilig ako which is a first for me kasi naman ngayon ko lang ito naramdaman sa tanang buhay ko kahit na nga ba nagkagirlfriends at boyfriends na ako. So far so good dahil sa loob ng isang linggo na magkasama kami ay kahit paano napapakita ko sa kanya ang pagiging sweet ko sa kanya ngunit hindi lang ako sigurado kung may napapansin siyang kakaiba considering na manhid ang taong iyon. Noong nagpakalat ata ng kamanhidan ang Diyos si

