bc

Met me in another life, Agapi Mou (SPG)

book_age18+
3.6K
FOLLOW
47.1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
fated
arrogant
badboy
heir/heiress
tragedy
bxg
mystery
rebirth/reborn
harem
war
like
intro-logo
Blurb

Matured Content| SPG18🔞

Ang tanging pangarap ni Kamari Sarmiento ay makahanap ng trabaho upang maitaguyod ang sarili. Ulila na siya at mag-isang naninirahan sa maliit na bahay na pagmamay ari ng  isang matandang babaeng minsang kumupkop sa kanya.

Kailangan niyang maghanap ng bagong trabaho. Naisipan niyang mag apply sa isang malaking kumpanya. Gustong gusto niyang makapasok sa kumpanya kahit janitress man lang dahil nalaman niya na malaki ang sahod. 

Sa pagpunta niya sa kumpanya ay may nakasabay siya sa loob ng elevator. Isang misteryosong lalaki. Gwapo, matangkad at halatang mayaman. Isa sa katangian ng binata ay may kulay abo siyang mata kaya namangha ang dalaga kakatitig sa binata. 

Ngunit laking gulat niya ng tumingin sa kanya ang binata at tinawag na lang siya nitong asawa. Naguluhan pa ang dalaga lalo na’t nilukumos ng halik ang kanyang labi at paulit ulit na sinasabi na asawa daw siya nito kahit hindi naman niya talaga ito kilala. 

Matatakasan kaya niya ang binatang baliw na baliw sa kanya o hahayaan niya ‘tong ibahay siya at angkinin habang buhay.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Naglalakad ako sa tahimik na hall way habang pinagmamasdan ang karagatan. Napaka gandang pagmasdan nito lalo na't natatamaan 'to ng sikat ng araw. I stopped walking when I reached the door that connected to the terrace. Binuksan ko 'to at agad na naglakad sa malaking terrace para tanawin ang kalangitan. Nakatingala lamang ako habang iniisip ang babaeng matagal ko ng hinihintay. Hanggang ngayon, umaasa parin ako na magkikita kaming dalawang muli. "I miss you, agápi mou." I whispered in the air. I stared blankly at the sky, the face of the woman I’ve waited for all these years lingering in my mind. I have been waiting for the woman I love for 600 years. Hanggang ngayon ay iniikot ko parin ang kasuluksulukan ng mundo at nagbabakasakali na baka na reincarnate na siya sa panahong 'to. Ngunit, lagi akong bigo. Lagi akong umuuwi dito sa Greece na bagsak ang balikat. Gusto ko ng sumuko at baka naghihintay lang talaga ako sa wala. Natigilan ako ng marinig kong bumukas ang pintuan. Hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino 'yun. "Master Evander!" Tawag niya sa 'kin. Dahan-dahan akong lumingon sa taong lubos kong pinagkakatiwalaan. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha dahil malaki ang pinagbago ng aking kaibigan. Ngumiti ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang naglalakad palapit sa ‘kin. "Ang laki ng pinagbago mo, Adonis." I said. "Kumulubot na ang balat ko, Master Evander. Ngunit, ikaw ay wala paring pinagbago." Sagot niya sa 'kin habang pinapakita ang balat niya pati na din ang buhok niyang puro kulay puti na. Ang pamilya ni Adonis ang matagal ng naninilbihan sa 'kin. Naglilibot-libot lang ako kahit saan hanggang sa makilala ko si Feliciano. Nang mga panahong 'yun ay mag-isa lang ako sa buhay at laging naglalakbay para hanapin ang babaeng mahal ko. Hanggang sa napagdesisyonan kong pasukin ang kalakalan sa negosyo. Lumago ang mga negosyo ko hanggang sa dumami 'to. Nag kalat ang negosyo ko sa buong bansa dahil binibili ko ang mga ari-arian ng mga taong malapit ng yumao. Lagi akong naiingit sa kanila dahil makakapagpahinga na sila sa mundong 'to. Habang ako, lagi lang nandito. Kahit anong gawin kong pagpapakamatay ay hindi ako namamatay dahil sa binigay na sumpa ng isang matanda sa 'kin. Kaya lahat ng nakikilala ko dito sa mundo ay namamaalam. Habang ako ay patuloy na nabubuhay. Gusto ko na ding matapos ang buhay ko upang makasama ko na ang babaeng mahal na mahal ko. Yun lang ang tanging hiling ko. Pero ang hirap abutin. Hindi ako nagpapakita sa kahit sino, maging sa iba't-ibang negosyo ko. Ayaw kong may makatuklas sa pagkatao ko. Ayaw kong malaman nila ang pagiging imortal ko dito sa mundo dahil sigurado akong pagkakaguluhan lamang. "Mukhang galing na naman po kayo sa ibang bansa, Master. Hinahanap mo pa rin po ba ang babaeng hinihintay mo?" Tanong sa 'kin ni Adonis. Tumalikod ako sa gawi niya saka tumingin sa kalangitan. "Umaasa parin ako hanggang ngayon na madudugtungan ang pagsasama namin ni Hestia." Malungkot kong sabi habang nakatitig sa kalangitan. Narinig ko ang buntong hininga si Adonis kaya lumingon ako sa kanya. "Kamusta ka naman dito?" Tanong ko sa matalik kong kaibigan. "Mabuti naman ako, Master." Bumuntong hininga siya ulit. "Nag-aalala ako sa'yo, Master. Paano nalang kapag namaalam ako sa mundong 'to. Maiiwan ka na namang mag-isa." Malungkot niyang sabi kaya napangiti ako. "Matagal pa mangyayari ang sinasabi mo, Adonis. Malakas ka pa. Hindi mo pa ako iiwan sa mundong 'to." Sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. Ma lalong kumunot ang balat niya sa mukha. "Hindi ka man lang nag pasabi na darating ka, Master Evander." Sabi niya. Inakbayan ko siya sa balikat at sabay kaming naglakad para pumasok sa loob ng bahay. "Hindi mo na kailangan salubungin ako ng magarbong handaan, Adonis. Sandali lang din naman ako dito sa Greece. Gusto lang talaga kitang bisitahin." Sabi ko sa kanya kaya tumigil siya sa paghakbang. Tumingin siya sa 'kin kaya tinanggal ko ang braso ko sa kanyang balikat. "Saan ka na naman pupunta, Master?" Tanong niya sa 'kin habang naka kunot ang noo. Mas lalo tuloy kumunot ang noo niya dahil matanda na ang kaibigan ko. Nalulungkot ako dahil alam ko na ang mangyayari sa kanya. "Sa Italy. Gusto ko muna do'n tumira." Sagot ko agad. "Kailangan mong pumunta sa Pilipinas, Master Evander. Isa sa mga kompanya mo ay kailangan mong bisitahin." Sabi niya sa 'kin. May mga negosyo kasi ako sa iba't-ibang bansa at kasama na do'n ang Pilipinas. "Nga pala, Master. May mga pumunta dito at hinahanap ang nagbigay ng malaking donasyon sa isang charity. Gusto ka nilang makita at makilala dahil mailap ka daw sa media." Sabi sa 'kin ni Adonis. Biglang uminit ang ulo ko ng marinig ko 'yun. Hindi kasi ako nagpapakita. Maging sa mga empleyado ko sa kahit saang bansa ay walang nakakakilala na ako ang may ari ng pinapasukan nilang kompanya. "Sinabi ko na lang na wala ka dito sa bansang 'to at pumunta ka ng Europe." Dagdag na sabi ni Adonis. Napabuntong hininga ako dahil sa makukulit na mga tao. Matagal na nila akong kinukulit na magpakita sa publiko sa t'wing nagbibigay ako ng donation lalo na sa mga orphanage. "Doon ka nalang muna sa Pilipinas, Master. Ipapahanda ko kay Philip ang iyong tahanan doon sa Pilipinas." Sabi niya sa 'kin na tinutukoy ang apo niyang si Philip na nilagay ko sa Pilipinas para mag manage ng kompanya ko. Kaya ang akala ng mga empleyado ay si Philip ang may-ari ng kompanya. Lahat ng mga negosyo ko ay may humahawak at lahat 'yun ay pamilya ni Adonis. Alam kung mapagkakatiwalaan ko sila dahil matagal ng naninilbihan ang pamilya nila sa 'kin. Kaya pagala-gala lang ako sa iba't-ibang bansa. "Kailangan ko ba talagang pumunta do'n? Hindi ba kayang i-handle ni Philip?" Tanong ko kay Adonis dahil nagdadalawang isip ako. "Kailangan ka daw niya, Master. Kaya siya tumawag sa 'kin kahapon at pinapasabi na kung pwede ay doon ka muna sa Pilipinas." Sagot niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Fine! Prepare my private plane. I’m flying back to the Philippines first thing tomorrow,” I said, then gave his shoulder a pat. Nauna akong naglakad kay Adonis saka pumasok sa loob ng bahay. Masyadong malaki ang bahay na 'to para sa 'kin. Inihabilin 'to sa 'kin ng yumao kong kaibigan. Maging ang mga ari-arian ng pamilya niya ay sa 'kin niya binigay. Naglakad ako papunta sa isang kwarto kung saan nakalagay lahat ng mga iniwan ng mga yumao kong kaibigan na mayayaman. May mga gold bar, alahas, mga mahahaling mga gamit na gawa sa ginto. Pagmamay-ari ko na ang mga 'to ngayon kaya inilagay ko lang siya dito sa bahay ko. Kaya laging nakabantay si Adonis sa bahay na 'to para walang makapasok na kahit sino. Baka magulat sila sa tinatago kong kayamanan. Dati ay pakikipag halubilo pa ako sa mga tao kaya marami akong nakikilalang mga mayayaman sa iba't-ibang parte ng mundo. Kinakaibigan ko ang mga 'to kaya nila iniiwan sa 'kin lahat ng kayamanan nila. Wala akong sinabihan na kahit isa sa pagiging imortal ko. Tanging ang pamilya ni Adonis lang ang nakakaalam sa totoo kung pagkatao. “Master Evander, pwede mo ba akong samahan maglaro ng chess?” Tanong sa ‘kin ni Adonis kaya ngumiti ako sa kanya at tumango. Sa haba ng panahon na sila ang kasama ko mula sa pagkabata ni Adonis ay nasaksihan ko hanggang ngayon na pumuti na ang buhok niya. Alam kung malulungkot na naman ako pagdating ng panahon na mawawala ang matalik kong kaibigan na si Adonis katulad na lang din sa pagkawala ng ama niya. Lagi kong nasasaksihan ang pagkabuhay ng isang tao sa mundong ‘to at nasasaksihan ko din kung paano mamaalam sa mundong ‘to. Kaya bawat segundo sa ‘kin ay mahalaga dahil natuto na ako sa pagkawala ng babaeng mahal ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapagod sa pagdarasal na sana bumalik na siya at isilang ulit sa mundong ‘to. Yun lang ang tanging hiling ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook