Chapter 54 Kamari’s Pov NAPAKULONG namin si Denver at talagang idiniin ko siya habang ini-interview ako ng mga pulis. Si Mr. Philip na ang nag aasikaso dahil na stress talaga ako. Gusto kong makausap si tanda at itanong sa kanya kung totoo bang kailangan kong pagdaanan na bumalik ang mga hayop. Walang kapatawaran ang ginawa nila kay Evander lalo na sa akin. Kung totoong nabubuhay na naman ang mga gumahasa sa akin ay sigurado akong babalik at babalik ang mga yun upang hanapin ako. Tahimik lang kami ni Evander habang nakaupo sa sala. Nakauwi na kasi kami sa bahay. Ang saya pa naman sana namin kanina habang kumakain ng dinner pero ito lang pala ang sasapitin ko. Tumingin ako kay Evander dahil ang seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa sahig. Para bang ang lalim ng iniisip niya. “

