Chapter 17 Kamari's Pov NAGISING ako na may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si sir Evander. Agad kong ipinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng silid at napansin na nasa kwarto kami. "Nasa'n tayo?" Tanong ko sa kanya. "Nasa office pa rin tayo, agápi mou." Sagot niya sa malambing na boses. Agad akong nag iwas ng tingin dahil nakatulog pala ako kanina sa ginawa namin dalawa. Napagod ako kaya nakatulog ako. "May kwarto ang office mo?" Tanong ko sa kanya habang hindi makatingin. "Yeah, ngayon mo lang nalaman?" Tanong naman niya. "Syempre.. ngayon ko lang nalaman. Ayaw ko naman mangialam sa office mo at baka mapagalitan mo pa ako." Sagot ko sa kanya. "Bakit naman kita pagagalitan? Eh gusto ko nga kapag naningialam ka sa buhay ko." Sabi

