Chapter 21 Kamari's Pov NAGISING ako na parang may humahalik sa pisngi ko. Agad kong iminulat ang mata ko at nakita si Evander. Mukhang kanina pa yata siya gising. Hindi ko mapigilan mapangiti sa kanya dahil ang gwapo ng lalaking 'to. Ewan ko ba.. ang sarap niyang ipasok sa bulsa para kasama ko siya palagi. "Good morning, agapi mou." Malambing niyang bati sa 'kin. "Morning.. kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at dinampian ng halik ang labi ko. "Kanina pa. Pero ayaw kitang gisingin dahil ang sarap ng tulog mo." Sabi niya saka umupo sa kama. Nalate na naman ako ng gising. Kapag talaga kasama ko siya ay palagi nalang akong late ng gising. Hindi naman ako ganito dati nong ako lang mag-isa. Pero kapag kasama ko si Evander ay palagi ng masarap ang tulog ko. N

