Chapter 19 Kamari's Pov NAKARATING kami ni Evander sa Greece at talagang namangha ako sa ganda kung saan niya ako dinala. May sumundo sa'min na matandang lalaki. Pinakilala siya sa 'kin ni Evander kaya nalaman ko ang pangalan niya. Nalaman ko din na papa pala siya ni sir Philip. Kaya pala naging kanang kamay din niya ang lalaking yun. Dinala ako ni Evander sa isang malaking bahay na halos tanaw na tanaw ko ang dagat. Ang tahimik ng bahay at ang sarap tumira sa ganitong klaseng lugar. Walang ingay, walang ibang tao kundi kami lang talaga ni sir Evander. "Nagustuhan mo ba ang kwarto natin?" Tanong ni sir Evander sabay yakap mula sa likod ko. "Oo, ang ganda. Grabe.. ang laki ng bahay mo dito. Tapos si lolo Adonis lang talaga ang nakatira dito? hindi ba siya natatakot na mag-isa?" Tan

