Chapter 31 Kamari’s Pov NATAPOS si Evander sa paglilinis ng kuko ko at masasabi kong natuto siya agad dahil lang sa pinanood niyang video. Ang galing talaga ng my love ko. Nilagyan pa niya ng kulay ang kuko ko. Red ang pinili kong kulay para mas lalong pumuti ang paa ko. Natuwa naman ako sa serbisyo niya. “Thank you, my love.” Pagpapasalamat ko pa sa kanya. “Maniningil ako no’n, agapi mou. Wala ng libre ngayon.” Nakanguso niyang sabi. Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko. “May piso naman ako dito, my love. Pwede na siguro ‘to.” Sabi ko sa kanya. “Kiss ang gusto ko, agapi mou. Gusto ko maraming kiss.” Panghaharot na naman niya sa akin. Dahil sa nakaluhod siya sa harapan ko ay agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinatakan ng halik ang kanyang labi. Mabilis lang

