Chapter 15 Kamari's Pov BALIK trabaho ulit ako kahit pa nga ayaw na akong pauwiin ni sir Evander. Nakanguso ako habang magkahawak kamay kaming dalawa. Ayaw niya bitawan ang kamay ko dahil ang sarap daw hawakan. Favorite yata niya ang kamay ko hawakan at pisil pisilin. Ayos na din yun kaysa naman dibdib ko ang pisilin niya. Ayaw sana niya ako payagan na magtrabaho at kinailangan ko pa mag explain na hindi pwede. Akala ko nga ay hindi ako mananalo pero nanalo parin ako sa kanya kaya heto ako ngayon papasok na ulit sa trabaho. Inalalayan niya ako makapasok sa loob ng kotse saka niya isinara ang pinto. Ilang sandali lang ay umikot din si sir Evander papunta sa driver seat at pumasok sa loob ng kotse. Nang makapasok siya sa kotse ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Tahimik lan

