CHAPTER 10 LUCAS POV Hindi na talaga matapos-tapos ang tawanan namin sa sala. Si Lolo halos mapahawak na sa tiyan niya sa kakatawa habang si Mom ay abala sa pag-aabot ng mga juice at tinapay. Si Llianne naman, gaya ng dati, ay hindi nauubusan ng banat kay Reed at si Reed, gaya ng dati rin, puro depensa pero halatang nag-eenjoy din. “Eh kasi naman, Lolo,” sabi ni Llianne habang pinupunasan ang tawa sa mata, “itong si Reed, parang ninja bigla na lang sumusulpot ‘pag may handaan, tapos nawawala ulit pag may trabaho sa bahay.” “Uy! Hindi totoo ‘yan!” sagot ni Reed, nagkukunwaring offended. “Hindi ako ninja, busy lang ako. May project akong tinatapos sa office, saka—” “—saka may ka-text!” sabat ko, sabay kindat. “Wala akong ka-text!” mabilis niyang sagot, pero halatang namumula na ang te

