ELEVATOR

1327 Words

CHAPTER 24 ZHED QUIAH POV Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napasinghap ako, sabay napamulagat. Ilang segundo pa bago ko napagtantong nakatulog pala ako sa bench sa labas ng ICU. Naninigas ang leeg ko, at masakit ang balikat sa posisyon kong nakaupo buong magdamag. “Anak, gising ka na pala,” mahinang sabi ni Mama, nakangiti habang hawak ang isang malaking paper bag. May amoy iyon ng mainit na sabaw at bagong pritong lumpia pamilyar na amoy na agad nagbigay ng ginhawa sa sikmura kong kumakalam. “Ma?” napapikit pa ako sandali bago tumingin sa kanya nang tuluyan. “Kayo na po pala ‘yan. Anong oras na ho ba?” tanong ko sabay himas sa leeg ko na halos manigas. “Alas otso na, anak. Naka-duty pa rin ba ‘yung nurse sa loob? Gising na rin ang Papa mo, oh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD