COOKING IS CARING

1261 Words

CHAPTER 27 ZHED QUIAH POV Tahimik. ’Yun ang unang salitang pumasok sa isip ko nang marating ko ulit ang condo. Wala ni isang tunog walang kaluskos ng yapak, walang boses, ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya ng kahit sino. Para bang natutulog pa rin ang buong lugar. Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok, hinila ko ang eco bag papasok sa kusina. Sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon at ng amoy ng malinis na paligid halatang hindi pa nagagalaw simula nang umalis ako kahapon. Medyo napangiti ako dahil hindi gaanong magulo. Hindi na tulad noon na halos tambakan ng kung anu-anong papel at kape na natapon sa mesa. Kaya naman agad kong inayos ang mga pinamili ko. Binuksan ko ang refrigerator halos puro bottled water, ilang energy drink, at isang slice ng lumang cake

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD