CHAPTER 26 ZHED QUIAH POV Pagkarating ko sa tapat ng building ng condo, agad kong naramdaman ang pagod na hindi pa man nagsisimula ay parang lumulubog na sa balikat ko. Bitbit ang bag ko at ilang gamit, dumiretso ako papasok sa lobby. Tahimik, malamig, at puro mga taong halatang may kaya mga taong bihirang mapagod gaya ko. Paglapit ko sa elevator, pinindot ko agad ang floor kung saan ako nakatalaga. Habang umaangat ang elevator, pinikit ko na lang ang mga mata ko sandali, sinusubukang kalmahin ang sarili ko. Sige lang, Zhed. Isang araw lang ulit ‘to. Wala namang masyadong kalat siguro ngayon. Nag-"ding" ang elevator at marahang bumukas ang pinto. Napabuntong-hininga ako bago lumabas. Sa bawat hakbang ko papunta sa unit, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko hindi ko nga alam kung bakit. Baka

