Kabanata 13

2751 Words

Kabanata 13 Sumali ako sa pageant para may mapatunayan. Gusto kong ipaalam sa ibang tao na ang bakla ay hindi isang mababang nilalang. Hindi dapat minamaliit at ginagawang katatawanan. May puso at nararamdaman din kami. Maraming nanonood ng Gay pageant pero hindi lahat ay gustong manood. May ilang tao na kaya lang nandoon para pagtawanan ang uri namin. May ilang tao naman na sadyang tanggap kami. Iba't iba ang mga tao. May ilang tanggap kami at ang iba ay hindi, dahil kasalanan ang tingin nila sa amin. "Bakla, Okay lang ba ang make up ko?" tanong ko kay Kenny. Inayos niya ang gown na suot ko at pinagpag niya ito para alisin ang ilang hibla ng buhok na nakadikit dito. "Oo naman. Ganda mo teh." Aniya sabay ngiti sa akin. Hinawakan ko ang aking dibdib bago ako humugot nang malalim na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD