Kabanata 11 "Jonna!" Tawag ni Papa. Napahilamos ako sa mukha gamit ang palad ko. Kung minamalas ka nga naman! Dapat pala ay hindi na ako sumabay kay Papa papunta sa tindahan. Tumigil si Papa sa paglalakad kaya napatigil na din ako. Tinanggal ko ang kamay ko na nakahawak sa braso ni Papa. Hindi ko tiningnan ang mukha ni Jonna. Ayoko siyang tingnan. "Kayo po pala 'yan. Magandang araw po." Rinig kong bati ni Jonna kaya palihim akong napaismid. Walang maganda sa araw ko. "Magandang araw din. Bakit hindi ka na nagagawi sa amin?" tanong ni Papa kaya bigla akong naalarma s sasabihin ni Jonna. "Bre-" "Busy po kasi siya sa thesis niya kahit sem break sila." palusot ko. Tiningnan ko si Jonna at nakita ko ang biglang pagkunot ng noo niya pero naging mabilis lang iyon dahil ngumiti din siya s

