Umiyak ako ng umiyak habang nakahiga sa kama ko, matapos ang anunsiyo kanina ni Theo ay hindi ko na nakayanan pa ang mga eksena kaya nagmadali akong umalis sa venue na walang nakapansin sa akin at matapos nun ay bumalik ako sa mansion at umakyat ako papunta sa kwarto ko habang hindi ko napigilan ang paghagulhol dahil sa sobrang sakit.
Sinaktan na naman niya ako bakit paulit-ulit na lang ganun ba talaga ang galit niya sa akin para gawin niya sa akin ito.
Dahil sa kakaiyak ko ay nakatulog ako at nang muli akong magising ay may banayad ng humahaplos sa pisngi ko kaya napamulat ako ng tuluyan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mama.
"Sabi ng katulong umakyat ka na kagabi masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin para hindi na magtaka pa si mama ay tumango na lang ako, umaga na pala at natapos na ang party nina mama nahiya tuloy ako dahil maaga akong umakyat iyon ang alam nila.
Naalala ko na naman ang dahilan kaya bigla na lang parang gusto ko ulit umiyak pero ayokong magtaka si mama kaya pinilit ko na lang na pigilan.
"You know what happen last night?" Tanong ulit ni mama kaya marahan lang akong umiling nakatalukbong ako ng kumot ko kaya hindi masyadong nakikita ni mama ang mukha ko.
"Your kuya Theo's proposal is so romantic, well i don't think na magmamahal siya ng ganun pero i don't like that model for him but as long as he love that woman and they will get married next year." Bawat kataga na sinasabi ni mama at ay parang karayom na tumutusok sa puso ko kaya naman halos mahirapan na akong huminga.
"Mama can i sleep again i'm really not feeling well." Mahina kong turan kaya napatingin sa akin si mama at tumango pero kita ang pagtataka sa mukha niya pero binalewala na lang niya iyon.
Nagpaalam sa akin si mama at sinabi na aalis sila ngayong araw ni Uncle Trey at kailangan nilang bumalik agad ng Davao para asikasuhin ang negosyo nila kaya napatango na lang ako.
Kahit na kakatapos pa lang ng party nila na ginanap ay trabaho agad ang inasikaso nila kaya napapikit na lang ako.
Ilang minuto ng makalabas si mama ay may kumatok sa kwarto ko at nagdala ng tanghalian ko at gamot ang katulong na ipinalagay ko din sa maliit na lamesita sa gilid ng kama ko na hindi bumabangon kahit ang katulong ay nagtataka rin pero hindi ito nagsalita at nagpaalam na lalabas na ito.
Nakatulog akong muli at ng magising ako ay nasa gilid ng kama ko si Tyron na nakatingin sa akin ng mataman halata rin na wala siyang tulog dahil nanlalalim ang mga mata niya at magulo rin ang buhok.
Kaya napabangon ako kahit na nanghihina pa rin ako dahil may kakaiba sa itsura niya.
"I know why you are like this Madeline but please listen to me, Kuya Theo is not like that!" Kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya kaya muling namuo ang luha sa mga mata ko.
"Matagal ko na itong napapansin pero may iba talaga sa mga kinikilos mo nitong mga nakaraang buwan." Patuloy niya na may halong pait ang boses.
"I am not observer but with you, you are exception Maddie and that when i saw you and kuya left in his new condo..." Napahawak ito ng batok at tumayo at nagpalakad-lakad.
"And then last week he told me and Kuya Tarick that he has an epecial announcement and he want to tell to our parents about your relationship infront to other people too." Habang sinasabi niya iyon ay napapatingin pa siya sa akin at may kaunting kislap sa mga mata.
"At first we had hear it to him we are so mad because he corrupt you! you are our little sister but damn! he own you like it's nothing to do with our parents!" Tuluyan na akong napahaguhol dahil sa mga sinasabi ni Tyron parang hirap na hirap siyang sabihin ang mga iyon.
Alam ni Tyron kung ano ang namamagitan sa amin ni Theo, alam nila ni Kuya Tarick kaya parang gusto kong maglaho na lang sa lugar na ito.
"I hate Kuya Theo for this! he has gone mad." Galit niyang turan kaya natakot ako at napapikit kasabay ng mahina kong pagsinghot.
Pero ng makita niya ako na natakot ako ay kinalma niya ang sarili niya at muling umupo sa kama ko at napagulo ng buhok niya na parang hindi alam ang gagawin.
"Ty...Tyron patawarin mo ako hindi ko sinasadya..." Hikbi ko kaya bigla niya akong kinabig payakap sa kanya, rinig ko ang pagmumura niya pero niyakap lang niya ako ng mahigpit, hiyang-hiya ako sa kanya dahil alam na niya na may relasyon kami ng kuya niya pero bakit wala siyang ibang sinabi dapat magalit siya sa akin dapat ay husgahan niya ako pero niyakap lang niya ako ng mahigpit.
"Maddie how i can be mad at you? your are so precious to me and i can't even imagine how you cry and hurt like this." Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ni Tyron at siya ay walang ibang sinabi pa.
Nakatulog ako at nang muli akong magising ay nandito pa rin si Tyron sa kwarto ko at hawak ang cellphone niya na parang may ka-chat base sa mahina niyang pagmumura at mayamaya niyang pagkamot sa buhok niya na parang naiinis.
"Tyron?" Malat ang boses ko na tawag sa kanya kaya napatingin siya bigla sa akin.
"Maddie kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya bigla at inilagay sa bulsa niya ang cellphone niya.
"Okay lang ako." Mahina kong sagot sa kanya.
Napatingin kami pareho ni Tyron sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok kaya kinabahan ako.
"Tyron can you open the door?" Boses ni Kuya Tarick ang narinig namin kaya kinabahan ako lalo na at binuksan niya agad ang pinto.
"Kuya Tarick what happen to dad and kuya?" Tanong agad dito ni Tyron mg makapasok kaya napabuntong hininga ito at napatingin sa akin kaya inilayo ko agad ang tingin ko sa ibang direksyon.
"Madeline are you okay?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay kaya napatingin ako sa kanya.
"As Kuya Theo's brother we always support each other but this madness? i don't even know how to react with this revelation of him." Seryosong sabi niya ramdam ko ang may bahid na galit sa boses niya natakot ako sa kanya.
"Kuya ano ba wag mo ngang tinatakot si Maddie pwede ba!" Saway dito ni Tyron pero hindi iyon nakatulong sa paggaan sa kalooban ko.
"Aalis tayo kailangan nating umalis agad maghanda ka." Bigla na lang niyang sabi at tumanaw sa labas mg bintana ko labag man at gusto kong magtanong pero sa huli ay tumango na lang ako.
"Paano natin mailalabas dito si Maddie, dad has gone mad to kuya." Tanong dito ni Tyron nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hindi ko nauunawaan ang sinasabi nila kaya nanatili lang ako sa kama ko.
"Then we will cooperate dad and tell him that we will take Maddie from here, para hindi na siya makuha ni Kuya Theo." Nag-usap na ang dalawa sa plano nila pero ang hindi maunawaan kung kakampi ba sila kay uncle o kay Kuya Theo na may kutob na ako na alam na rin nila ang lahat kaya lalo akong natakot.
"Okay we will do that but what if na magduda si daddy?" Muling tanong ni Tyron sa kapatid niya kaya nakakuha siya ng batok dito.
Kung mag-usap sila ay parang wala ako sa harap nila na naguguluhan sa kanilang dalawa.
"Sa tingin mo kulang ang acting ko kanina dahil sa pinakita kong pagkabigla sa sinabi niya kina daddy at tita?" Tanong ni Kuya Tarick kay Tyron kaya bigla itong napatawa at pinuri pa ang kapatid.
Sabay silang napatingin sa akin at parehong lumapit sa akin.
"Maddie i know na naguguluhan ka pero one week ago ay kinausap kami pareho ni Kuya Theo, ang relasyon niyong dalawa noong una we are so mad at him we want to kill him but he has gone mad and obsesse with you." Napayuko ako sa mga sinabi ni Kuya Tarick.
"You know what we know him very well, wala siyang ibang sinabi sa amin na he wants you and he loves you so much not as his little sister but as his woman." Patuloy pa ni Kuya Tarick.
"And as his brother we want him to be happy with the woman he love kaya kahit mahirap tanggapin na ikaw ang babaeng iyon ay we will support him so that we want him to be with his love of his life." Kung kanina ay kinakabahan ako ngayon lalo yata akong kinabahan lalo na sa mga sinasabi ni Kuya Tarick. Mahal ako ni Theo gusto ko siyang hanapin at yakapin ng mahigpit pero wala siya dito.
Naligo muna ako sa utos ni Kuya Tarick kaya agad ko siyang sinunod, kinakabahan ako pero mas nangingibabaw sa akin na makita si Theo kaya nilakasan ko ang loob ko na tumayo kanina.
Lumabas na muna sina Tyron kaya naiwan ako dito naalala ko ang lungkot sa mga mata ni mama kanina at kakaibang kinikilos niya, parang gusto kong mapaupo na lang dahil sa hiya na nararamdaman ko.
Bakit kailangan pa na sabihin ni Theo ang mga iyon kina mama at uncle, at ang announcement niya kagabi ay para sakin.
Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyong sabihin ng harapan sa mga tao na hindi man iniisip ang kapakanan ko, at sa pamilya niya, kina uncle at mama sa mga kapatid niya.
Bakit kailangan niyang sabihin iyon ako ang nahihiya at nasasaktan sa padalos-dalos niya na desisyon, paano kung hindi magustuhan nina uncle ang mga sinabi ni Theo dahil base sa pinag-uusapan kanina ni Kuya Tarick at Tyron ay ilalayo nila ako dito at hindi nila alam kung saan nila ako itatago kay Uncle Trey ba o kay Theo.
Nagbibihis na ako ng may kumatok ulit kaya minadali ko na lang ang pag-suot ko ng t-shirt at lumabas ng closet ko.
Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko ay tumambad sa akin si mama na nakabihis at halata ang pamumugto ng mga mata kaya kinabahan ako.
"Madeline mag-bihis ka sasama ka sa amin sa Davao ngayon na." Seryoso pero madiin niyang utos sa akin kaya lalo akong kinabahan.
"Pero mama paano po ang klase ko?" Iyon na lang ang naisip kong pwedeng masabi ko dahil sa kaba.
"Your uncle will talk to your professor later kapag nasa airport na tayo." Sabi niya at pumasok sa kwarto kaya napatingin lang ako sa kanya, pumunta siya sa walk-in closet ko at kumuha ng maleta at nag-simula na siyang mag-impake at ako hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.
Knowing na alam na ni mama ang namamagitan sa amin ni Kuya Theo at gusto nila akong ilayo sa kanya.
Parang naging sunod-sunuran lang ako kay mama matapos niyang ilagay ang ilang piraso ng mga damit ko at mahahalagang gamit sa maleta ay hinila na niya ito at inakay na ako pababa.
Pinakuha niya ang maleta sa lalakeng nakaabang sa amin na marahil ay bodyguard.
Hawak ako sa kamay ni mama at mahigpit ito kaya medyo masakit pero wala akong nagawa kahit ng nakababa na kami ay hawak pa rin niya ako at naghihintay sa amin si uncle na may kausap sa telepono.
Nang mga sumunod na sandali ay nakasakay na kami sa sasakyan ni uncle papunta ng airport nasa likod ako katabi si mama at si uncle ay nasa harap, pareho silang walang imik at ako hindi makakilos at kinakabahan.
Bakit parang pakiramdam ko ay hindi naman talaga ako tutulungan nina Kuya Tarick kanina bagkus ay hinayaan nila akong isama nina mama sa kanila sa Davao. At ni hindi ko man lang nakita ang dalawa kanina parang sasabog ang dibdib ko sa kaba at tampo.
Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila akong lahat at parang hindi na nila ako bibigyan ng pagkakataon pa na magpaliwanag sa kanila.