Nang magising ako kinabukasan ay kinakabahan na ako at hindi ko alam kung para saan.
Naging maayos naman ang mag-hapon naging abala ang lahat sa magiging party dito sa mansion ngayong gabi, kanina ko pa tinatanong si Tyron kung nasaan na si Kuya Tarick pero ang sabi lang niya ay uuwi iyon tiyak.
Pinilit ko pa rin na bumangon para hindi na sila magtaka na kung bakit maghapon akong nakakulong dito at hindi na ako lumalabas ng kwarto ko mula pa kahapon.
Si Tyron ay nangungulit na sa text na lumabas na ako sa silid ko, hindi siya kasi kumakatok sa kwarto ko dahil alam niya na may privacy ako.
Napangiti ako dahil doon kung ang ugali niya ay katulad na lang kay Theo ay mas masaya, pero ewan ko ba at niiba ang ugali niya sa mga kapatid niya.
Mula noong unang araw ko dito ay nakakatakot na siya lagi siyang parang galit lagi siyang masungit at nambu-bully pati kay mama ay malamig ang pakikitungo niya at tutol sa pagpapakasal ng mga magulang namin, ibang-iba siya kina Kuya Tarick at Tyron na laging nakangiti at tinanggap ako bilang kapatid nila at si mama bilang ina nila kaya nga kahit ganun ang pakikitungo niya sa amin ni mama ay nasanay na kami sa kanya.
Ang kwento ni Manang Risa ang matandang mayordoma dito sa mansion ay mabait naman daw ang ina nila kahit si uncle ay hindi naman masungit. Kaya hindi nila alam kung saan ito nagmana dahil nong bata pa ito ay iba na ang ugali nito laging nag-iisa at tahimik kaya lahat sila dito ay sanay na sa ugali nito.
Napailing na lang ako at tinanggal ko ang pusod ng buhok ko at pumasok ng banyo para maligo, habang naliligo ay naaalala ko ulit ang sinabi kagabi ni Theo na may sasabihin siya kaya lalo ay kinakabahan ako, inalis ko muna ang isiping iyon at nag-focus na lang sa paliligo nakita ko na marami akong maliliit na pasa sa dibdib, hita at braso ko nanggigil na naman si Theo sa akin kaya ang resulta ay ang nangingitim na pasa medyo mahapdi pa rin ang maselang parte ng katawan ko kaya dinahan-dahan ko lang itong hugasan saka nagpatuloy sa paliligo.
Kung noon ay iniiyakan ko pa ang mga ganitong pasa sa katawan ko ngayon ay balewala na rin sa akin ito dahil imbes na hapdi at pangdidiri ang nararamdaman ko ay manhid na ang katawan ko napailing na lang ako.
Ibinalot ko ng tuwalya ang katawan ko at lumabas ng banyo pero natigilan ako ng makita kong muli si Theo na nakaupo sa kama ko at nakayuko alam kong naramdaman na niya ako pero hindi ko siya pinansin at pumasok sa walk-in closet ko naglalagay na ako ng bra ng may yumakap sa akin kaya napahawak ako sa braso niya.
"I want you to not to attend in that party, instead i want you to make love to me all night baby..." Bulong niya na nakapagpapintig sa puso ko ng malakas.
"Theo, anniversary nina mama." Suway ko sa kanya siya na mismo ang nagkabit ng hook ng bra ko at pinaharap niya ako sa kanya, nang magtama ang mga mata namin ay kakaibang ningning ang naaninag ko sa mga mata niya saka niya ako niyakap ng mahigpit akma na akong gaganti ng yakap sa kanya ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko kaya kinabahan ako at napatingin kay Theo na nakatingin lang sa akin.
"May pumasok Theo!" Madiin kong sita sa kanya pero umatras lang siya ng konti at sumandal lang sa pader ng cabinet ko, napailing ako at nagmadali kong isuot ang sando at short ko narinig ko ang boses ni mama kaya kinabahan ako bago ako lumabas ay tiningnan ko muna si Theo saka ko isinara ang closet ko.
"Nakaligo kana pala anak halika i-blower natin ang buhok mo." Nanginginig akong lumapit kay mama, knowing na nasa loob lang ng walk-in closet ko si Theo.
"May problema ba anak?" Tanong ni mama ng makita niya siguro na hindi ako mapakali iling lang ang sinagot ko sa kanya at umupo sa harap ng vanity table ko.
Nagtagal ng ilang minuto ang pag-aayos sa akin ni mama at paunti-unti ay kumakalma na rin ako dahil sa pagkukwento ni mama sa mga naging bakasyon nila ni uncle, ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi ni mama dahil alam ko na naririnig ni Theo ang mga sinasabi ni mama.
"Matagal rin bago ko nagawa ito sa iyo anak." Hinaplos niya ang pisngi ko saka ako maingat na niyakap suot ko na rin ang gown ko kaya manghang-mangha siya sa itsura ko, hindi ako masyadong kamukha si mama na sabi niya nakuha ko lahat ng physical appearance ko sa aking ama, napangiti ako sa sinabi niya kita ko ang lungkot sa kanya ng mabangit niya si papa kaya inalo ko siya.
"Kung nandito lang sana siya diba alam ko na proud siya sa'yo." Patuloy niya habang inaayos ang buhok ko, tango at ngiti lang ang sinusukli ko sa kanya at nang matapos kami ay sabay kaming lumabas ng kwarto ko at pumasok siya sandali sa kwarto nila ni uncle para mag-retouch ulit siya ng make-up niya at inakay rin ako papasok sa kwarto nila.
Nakahinga ako ng maluwag dahil makakalabas na si Theo sa kwarto ko at sana ay maisip niya na lumabas na sa kwarto habang nandito kami ni mama sa silid nila.
Mulimlng inayos ni mama ang make-up na nilagay niya sa akin at inayos ang nakalugay ko lang na buhok.
"Napakaganda mo Madeline." Nakangiting turan ni mama kaya napangiti lang ako.
"Ikaw dlrin po mama pareho tayong maganda." Sabay kaming natawa at magkahawak kamay kaming lumabas na ng kwarto nila.
Nasa bungad pa lang kami ng hagdan ay tanaw na namin sina Uncle Trey at si Kuya Tarick na parehong gwapo sa suot na black suit. Sa wakas dumating rin siya kaya napangiti ako.
"Hello boys were here." Masayang bati ni mama sa dalawa, nakangiting lumapit sa amin sina uncle at humalik ako sa pisngi niya ganun rin kay Kuya Tarick na nagniningning ang mga mata na nakatingin sa akin.
Nginitian ko lang siya at medyo nagulat pa ako ng may umakbay sa akin si Tyron pala na gwapong-gwapo rin sa suot niyang white tuxedo hinalikan ko rin siya sa pisngi.
Masaya ako na nandito silang lahat at magkakasama bihirang mangyari ito mula ng kanya-kanya nang may trabaho sina Kuya Tarick at si Tyron na busy sa pag-lalaro niya sa national football team lalo na at ngayong taon na ang world championship nila at si Kuya Tarick at Theo na busy na rin sa sarili nilang kumpanya bukod pa doon ay ang kanya-kanya nilang propesyon na hindi ko alam kung paano ng mga ito nagagawang pagsabay-sabayin.
Kumapit ako sa braso ni mama habang magkahawak sila ng kamay ni Uncle Trey nasa tabi niya si Tyron at katabi ko naman si Kuya Tarick na nakapamulsa lang habang papalabas kami sa bahay papunta sa garden kung saan naroon ang venue ng anniversary party nina mama at uncle.
Napatingin ako sa harap ng makalabas kami dahil nandoon na si Theo nakaabang sa amin kasama na niya si Anika na nakaangkla ang kamay sa braso niya, una niyang binati sina mama kasabay ng paghalik niya sa pisngi nito at sinuklian iyon ni mama ng magaan na yakap at paghaplos sa pisngi nito.
Natutuwa ako dahil unti-unti ay hindi na siya nagiging masungit kay mama at natatangap na niya ito bilang asawa ni Uncle Trey dahil siya lang noon ang may malaking tutol sa muling pagpapakasal ng kanyang ama.
Nagyakapan rin sila ni Uncle Trey, kasabay ni Kuya Tarick at Tyron na nakakuha ng paggulo sa buhok nito na nagreklamo kagaya ng lagi niyang ginagawa sa mga kapatid niya, at nang mapatingin siya sa gawi ko ay sumilay ang nakakakaba niyang ngiti kasabay ng paglapit niya sa akin kaya kinabahan ako.
"You look so beautiful, Sweetheart." Bulong niya ng halikan niya ako ng mariin sa pisngi ko, napapikit ako dahil sa intensidad ng paghalik niya sa akin kahit sa pisngi lang.
Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya ng sandaling maghinang ang mga mata namin.
Natigil lang ito ng magsalita si Anika at bumati rin kina mama, nakita ko na muli siyang humawak kay Theo kaya ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang tingin ko.
Nang magsalita ang emcee ay saka lang kami pumunta sa bandang gitna at ipinakilala na nito sina mama at uncle bilang celebrant at nagpatuloy na ang party, naunang bumati ang ilan sa malalapit nilang kaibigan sa kanila, ito ang mga special na bumati sa kanila.
Si Tyron ang sumunod sa pinakahuling bumating matalik na kaibigan nina mama, labis ang pasasalamat niya kay mama dahil naging pangalawa niyang ina ito at sa pag-aalaga nito sa kanya kaya medyo naging emosyonal doon si mama, Si Kuya Tarick ang sumunod na ganoon rin ang pasasalamat niya kay mama at ang huli ay si Uncle Trey na ipinagtaka ko dahil dapat ay si Theo ang susunod na magsasalita pero huli siyang magbibigay ng speech para kina mama kaya kinabahan ako bigla.
"I just want to congratulate to my father and to my step-mother for their anniversary, and tonight i have special announcement too because tonight i want to tell everyone that i am going to marry the woman i love and that woman is here." Seryoso niyang turan sa lahat na walang nagsasalita at halata sa kanila ang gulat.
Para akong nawalan ng hininga dahil sa mga sinasabi niya dahil nagtinginan ang lahat hindi sa gawi ko kundi sa isang babae na rinig na rinig ang singhap niya.
Ang huling speech niya ay nagdulot ng sobrang sakit sa puso ko dahil ng gabing iyon ay ipinakilala na niya ang babaeng pakakasalan niya, parang gusto kong tumakbo palayo para umalis doon, pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko at kitang-kita ko ang pagtakbo papunta sa stage ng babaeng iyon para pumunta sa kinaroroonan ni Theo na yumakap sa kanya kasabay ng palakpakan ng mga tao ay ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko at ang unti-unting pagkadurog sa puso ko.
At dahil abala sina mama sa pagbati sa kanila harap ng stage ay naigalaw ko din ang mga paa ko kaya kusa akong tumakbo paalis doon at wala sa sariling tumakbo palabas ng mansion halos walang nakapansin sa akin dahil abala ang lahat at ako umiiyak na tumatakbo habang hawak ko ang dibdib ko na halos madurog sa sobrang sakit.
Napaupo na lang ako sa tabi ng kalsada ng hindi ko na kaya ang pagod at doon na lang ako muling umiyak, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo lang dito at umiiyak. Pero napag-isip-isip ko na bakit kailangan kong umiyak? Wala naman akong pinanghahawakan sa relasyong ito dahil isa lamang itong pagkakamali, isang pagkakamali na alam ko na huhusgahan ng lahat kaya pinahid ko ang luha sa mga mata ko at muling bumalik sa mansion.
Inayos ko ang sarili ko at nagderetso ako paakyat ng kwarto ko hindi ko na pinakinggan pa ang nagkakasiyahang mga bisita sa garden at wala na naman na nakapansin sa akin kaya madali lang akong nakaakyat sa kwarto ko.
Muling tumulo ang luha ko kasabay ng pagtakbo ko sa kama ko at muling umiyak.