Agad kong kinuha yung mga dala kong gamit. Sarado yung gate kaya gumamit ako ng Door beLL, dalawang beses ko yun pinindot. Wala pa ngang dalawang minuto nakita ko na si Manang na lumabas, nakangiti ito sa akin ng pinagbuksan ako ng gate. “ Oh iho nandito ka na pala ? kumusta ang camping ? “, bungad niyang tanong sa akin. “ Ah ayos lang naman po .. “, maayos kong sagot, kahit ramdam ko na inaantok parin ako dala ng .. pagod na bakas parin sa akin katawan. “ Ah kumain ka na ba? “, tanong parin niya .. Tumango nalang ako kay manang, nakakainin naman kasi ako ng almusal bago umalis sa camping site tsaka alas diyes palang ng umaga. Tinulungan niya rin akong dalahin yung bag sa loob upang mapaghiwalay niya na daw yung mga gamit na kaylangan na daw labahan dun sa mga malinis pa. Pina-ubaya ko na kay manang yung gamit, at sinabi ko nalang sa kanya na itabi yung mga gamit ko na malilinis pa. Aalis na sana ako ng napansin kong parang ang tahimik sa bahay kaya muli akong nagtanong kay manang.
“ SiLa kuya po ? “, tanong ko kay manang. “ Ah sila sir po ? “, tanong niya rin. “ Opo “, ako sabay ngiti. “ AH umalis po siLang lahaT, pero di ko alam kung saan pupunta, basta bilin sa akin ni Sir Vincent na darating ka daw ngayon”, sagot niya. “ Ah ganun pu ba ? ah wala na po ba siyang ibang sinabi ? .. “, tanong ko. “ Ah wala na po “, sagot ni manang. Hmmmp ! saan kaya sila pumunta, iniwan ako ? :’( dayaaa ! “ AH sige po salamat manang “, paalam ko sa kanya, dahil gusto ko ng pumunta sa kwarto upang magpahinga. Agad akong nahiga sa kama na talagang namiss ko .. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa aking buLsa, nainis din ako daHiL wala man lang text .. KahiT siLa kuya, wala man lang text kung saan sila makakapunta … Nakakatampo :’(
NiLagay ko yung cellphone sa ilalim ng unan, at pinilit ko ng mahimbing muli sa pagpikit ng aking mga mata. Pero hindi parin ako makatuLog ! iniisiP ko yung tungKoL sa video. Paano kaya kung maka-abot kina kuya yung tungkOL sa video tapos mamis-interpret niLa yung Totoong kwento Haist !
Tapos biglang may pumasok sa isip ko , Paano nalang kaya kunwari may nagsumbong kina kuya tungkOl sa video at Lalong pinaLaLa ng ibang chismis ! Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa !
PAGSASADULA (ito yung sitwasyon na pumapasok sa isip ko) :
Kuya VinCe : Totoo ba yung sabi NiLa Bunso? … na BakLa ka ! (Pasigaw at galiT na sabi ni Kuya Vince habang kumakain kami sa Lamesa , Kasama ang iba pa naming kapatid )
Natakot na ako sa naging reaksiyon ni kuya, kainis ! Kanino ba kasi niya nalaman yung Chismis na iyon .. na PinalaKi lang Dun sa Simpleng Video na iyOn.
Ako : Kuya .. Hindi pu yan totoo ! Paano naman yun mangyayari eh may GirLfriend ako eh !
========
HaLa ! kung ganun ang mangyayari .. hindi ko kayang gawin yun ! yung sabihing may gf ako kahit wala naman. Ayoko magsinungaling kung di ko kayang paninadigan noh !
Honest kaya toh ! Promise :-)
|
|
|
KahiT hindi naman .. Dami ko kayang LihiM sa buhaY. HmmmmP !! Pero hindi pa ito ang oras para maLaman niLa at Ayaw kong malaman niLa. KayLangan kong magsinungaLing para maka-iwas sa kahihiyan, pero bakit ganun di ko kayang Umiwas sa dahiLan ng mga sikretong tinatago ko sa Buhay T__T
Lier to ! Promise :’( -----> Ganito ang bagay sa akin
Hindi ko na kayang mag-isip ! Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! ayoko ng mag-isip tungkoL dun. Dumapa naLang ako sa kama at inumpisahan ko ng pilitin makatuLog.
(z____Z) zzzzZZZZZZZZZZZZZ . . .
*****
Hapon na ng magising ako, agad naman ako bumaba dahiL sa nararamdaman kong kalam ng aking tiyan. Pumasok na muna ako sa banyo at naligo ng mabilis … Pagkatapos Lumabas na ako, saktong pagbukas ko ng pinto nakita ko sila Kuya Uno at Kuya Tophe Pababa. Bumaba na rin ako at nakita ko naman si Kuya Brenth na nasa saLa at parang may ginagawa siyang StructuraL ProJect. Lumapit ako sa kanya .. “ Ah kuya ano yan ? “, Para siyang naguLat ng makita ako. “ Bunso ikaw ba yan ? “ .. sabi niya sa akin. “ Kuya naman ginagawa mo na ba akong mulTo ? “, nakangiti kong tanong sa kanya. “ Hindi .. i mean dumating ka na paLa “, sabi niya sa akin. “ Hindi ba obvious kuya ? “, ako sabay tawa sa kanya. “ Musta naman ang camping niyo ? “, tanong niya sa akin .. “ Ayus naman kuya .. naramdaman ko talaga yung tunay na kahuLugan ng Adventure “ ^______^
“ Nice … “,matipid niyang sagot habang kinakabit niya yung isang cube ng kahoy dun sa miniture building niyang ginagawa. “ Kuya anu yan ? “, tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko rin yung ginagawa niyang parang totoo talagang building na maliit. “ Ah Project namin sa SchooL “, sagot niya. “ AH sige kuya maiwan na muna kita diyan .. punta lang ako sa kusina at ako’y nagugutom na “, paalam ko sa kanya. Hmmm Umalis nalang ako kase mukhang abala siya sa Project niya. “ Ah sige bunso .. “, sabi niya sa akin , sabay alis na nga ako papunta sa kusina. Ininit ko nalang yung mga pagkain na natira kanina dahiL , di pa nakakaluTo ng pang-dinner si Manang. Pagkatapos kong kumain, bumalik ulit ako sa sala pero, wala na dun si kuya brenth. Pero andun yung project niya na parang isang Malaking Siyudad basta may mga Building at at Flyover something Way. Nakakainis ! Parang nakakabagot .. naninibago ako sa mood ng paligid at sa mga taong nakakasama ko.
Namimiss ko yung may laging umaakbay .. laging nagtatampo .. awayan .. bangayan .. kulitan .. At kung ano-ano pa mula sa Piling ni Ho-Oh . Oo .. namimiss ko na agad siya. Namimiss ko na yung lalaking yun .. Hmmmmp ! Di ko rin naman Alam kung bukas, kung ganun pa rin ba magiging tratuhan namin once na magkita kami.
Sana ganun pa rin …
Naka-upo na ako sa sofa ng naramdaman kong may humawak sa balikat ko .. Lumingon agad ako at nakita ko naman si kuya Vince nakangiti. “ Musta bunso .. mukhang maganda ang karanasan ah , kwento ka naman diyan “, siya sabay umikot at tumabi na sa akin ng upo. “ Basta masaya … “, matipid at nagtatampo kong sabi sa kanya. “ Oh bat parang malungkot ka bunso ?”, tanong ni kuya. Humarap ako kanya sabay sinabi kong .. “ Kasi iniwan niyo ako .. di niyo man lang ako sinama sa bonding niyo “ .. “ Huh ? bonding na Alin bunso ? “ .. takang sabi ni kuya. “ Kanina .. diba umalis kayong lahat sabi sa akin ni manang .. eh di nag-bonding na nga kayo “, sabi ko sakanya na patuLoy parin ang patampong mukha ko. “ kaw Talaga bunso “, siya sabay guLo sa buhok ko .. “ Umalis kami kanina .. para magsimba, para ipagdasaL natin yung mga kababayan nating nasalanta ng Super bagyong ‘YOLANDA’ .. tsaka inasikaso na namin sa bangko yung pagtransfer ng perang idodonate para sa mga nasalanta nating kababayan “ .. pagpapatUloy ni kuya. “ Anong sabi mo kuya ? Nasalanta ? YOLANDA ? donate ? “ .. takang-takang tanong ko. “ Hindi ba nasabi ng mga techer niyo? Ah sabagay hindi rin kasi siguro ramdam sa place niyo yung pag-ulan daHiL sa Visayas talaga yung naapektuhan eh “, si kuya. “ Wala naman pong sinabi mga techer namin .. Ano ba nangyari kuya ? “ .. tanong ko. “ Mahirap ipaliwanag bunso eh .. pero teka buksan ko yung T.V at baka may news .. “, si kuya .. Sakto nga pagbukas ni kuya may isang Breaking News ang bumungad sa telebisyon.
===========
ON TELEVISION :
NEWS REPORTER : Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi sa Bagyong Yolanda. Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Miyerkules ng gabi, 2,344 na ang patay habang 3,804 ang sugatan at 79 ang nawawala. Lumobo naman sa mahigit 8 milyon ang mga indibidwal na naapektuhan o katumbas ng mahigit 1.7 milyong pamilya mula sa iba't ibang lalawigan sa Visayas.
Ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura, pumalo na sa P3,896,793,979.13. Sabi ng NDRRMC, nadadaanan na ang lahat ng kalsada at tulay na naapektuhan ng matinding bagyo. Brownout pa rin naman sa maraming bayan sa Regions 4-B, 5, 6, 7 at 8 habang walang suplay ng tubig sa ilang bayan ng Capiz, Iloilo at Antique. Patuloy naman anila ang pag-ayuda ng gobyerno sa mga sinalanta, gayundin ang pagkalap ng impormasyon sa mga lugar na naapektuhan ni Yolanda.
MALAKI ang pinsalang naidulot ng bagyong Yolanda sa bansa. Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isipan ng mga matinding naapektuhan ng bagyo ang bangungot sa kanilang buhay. Sa isang iglap, maraming buhay ang nalagas. Mil¬yones ang nawalis na halaga ng mga istruktura, gusali at ari-arian. Libo-libong pamilya at indibidwal ang nawalan ng tirahan. Malaking hamon ngayon sa pamahalaan ang pagpapanumbalik ng kaayusan at katiwasayan sa mga lugar na naging sentro ng bagyo. Nitong mga nakaraang araw hindi na magkandaugaga pa ang buong bansa sa pagsasagawa ng rescue at relief operations sa mga biktima ng bagyo.
Subalit, ang malaking tanong ay kung papaano sisimulan ang rehabilitasyon na dapat ikasa ng gobyerno para maibalik ang mukha ng Tacloban. Halos walang naiwang nakatayong gusali sa nasabing lalawigan matapos ang pagbayo ni “Yolanda.”Isang indikasyon na mahina ang pundasyon ng mga gusaling nakatayo sa lugar. Sa ganitong mga senaryo, natuto na sana ang mga mamamayan at ang pamahalaan.
……….
2,344 na ang patay ??????? T_______T
Hindi ko na pinatapos yung balita T__T
Di ko mapigiLang Mapaluha at Ma-awa sa naging kalagayan ng aking mga kababayan daHiL sa bagyong YOLANDA , Hindi ko na kayang panoorin habang pinapakita yung mga .. maraming bangkay ng patay na hindi pa naiililibing pati na rin yung mga taong gutom at nanghihingi ng Tulong .. Pinapatay ko kay kuya yung T.V at nakita niya nga yung reaksiyon ko . Bakit ganun ? Sa saya palang nagaganap nung camping .. Hindi pala namin alam na ang iba sa mga kababayan ko ay nasa peligro na. Patuloy yung pagtuLo ng Luha ko at minabuti ko ng bumalik sa kwarto at mag-isip’isip. Hindi ko talaga makalimutan yung mga nasalanta na nawalan ng bahay , mahal sa buhay at kabuhayan.
Kawawa naman SiLa .. :’(
Iniwan ko si kuya sa sala na para akong tuliRo , hindi parin naalis ang pagka-awa ko sa mga biktima ng bagyo .. Gusto ko silang tuLungan , Pero Paano ?
------------------
Kinuha ko yung ceLLphone ko muLa sa iLalim ng Unan .. At HimaLa sa unang pagkakataon sa araw na ito may naka-aLaLa na sa akin. Agad ko binuksan yung message .. Pero isa nanamang bagong number.. Haist sino nanaman kaya toh?
09477329***
BuKas sa Gate ng subdivision na tititirahan mo ..
Alas siyete ng Umaga ..
Walang MaleLate kundi HahaLikan kita diyan
---
HaLa sino naman kaya to? Tsaka anong alas siyete eh may pasok ako bukas .. Tsaka hahalikan daw pagmalate. Sino kaya toh .. tsaka bakit alam niyang nakatira ako sa subdivivion?!.
Ako : Hu u ? (message sent)
09477329*** : Akoy sayO at ikaw ay si KriBkRib !
Bwahahaaaaaaaaaaaaaaaaa !
Ako : Ganny ?
09477329*** : Sino pa ba !
NaguLat naman ako ng malaman ko siya yung nagtext sa akin, Saan kaya nakuha nito yung number ko?. Pati ba naman sa text naniniga to ! aba umayos siya. Agad ko naman sinave yung number niya sa contact ko na may pangalang. “Ho-Oh” … hehehe :-)
Ako :
San mo nakuha
number ko !
Ho-Oh :
SInisigawan mo ba ako !
Ako :
Naringig mo bang sinigawan kita !
may ebidensiya ka !
Ho-Oh :
Oo at bukas pag di ka pumunta sa usapan !!
GuGulpihin talaga kita !
Ako :
GulguLpihan? ..
sama mo naman ! >.
* Dun na nga natapos yung pagtext-text namin , at balik nanaman ako sa dati. Nakahiga sa kama habang nakangiti. Ano nanaman kaya trip nun bukas ? Hehehehehehe Tsaka anong pinapractice niya ? Pagkanta ? Haharanahin niya ba ako ?Hmmmmmmmmmmmmm Kinikilig na ako kahit iniisip ko palang na dadalhin niya ako sa isang tahimik na lUgar tapos kakantahan niya ako tapos .. bibigyan niya ako ng buLakLak tapos .. yayakapin niya ako , tapos … Magpapagabi kami .. Tapos … ALAMZ na ^__^
-----
Hindi na ako kumain sa gabing iyon dahiL busog pa ako, dahiL sa kinain ko nung Hapon. Nasa taas lang ako , sa Loob ng kwarto at iniisip si Ganny at hinihintay kung magtetext ba siya. Nakakatamad parin kasi yung mga panahong iyon. Minsan nga pumunta ako sa balcony upang tignan kung nakatambay ba si ThreZ sa bintana ng kwarto niya. Pero wala din may kurtina yung bintana kaya di ko rin makita kung nandun ba siya .. siguro tulog din siya at mahimbing na nagpapahinga. Tumakbo ang ang oras hanggang napansin ko gabi na paLa. Inayos ko na yung gamit ko at natuLog na ako agad dahiL maaga pa kami ni Ganny bukas. Pero tinext ko muna siya bago ako matuLog ..
Hi krabkrab TuLog na ko
Ikaw din TuLog na Sw8 drmz & guD nyT :-)
(sent !)
-----
KINABUKASAN . . . .
6:30 am na nun at nakabihis na ako ng schooL uniform. Yun muna ang binihis ko para di mahalata nila kuya na may iba akong pupuntahan. Nagbaon rin naman ako ng extrang damit para mamaya magbibihis nalang ako. Bumaba na rin ako para kumain ng almusaL at nakasabay ko nga sila kuya Vince , kuya Topher, brenth at Uno. ANg problema paano ako lulusOt na maiwan muna at di sa kanila sumabay ? Kainis ! Problema nanaman toH .. Naunang natapos sila kuya mag-almusaL .. “ Bunso sunod ka naLang sa kotse ah .. biLisan mo na rin sa pagkain “, si kuya Vince. dali-Dali naman ako tumayo at sinabi kong , “ Ah kuya baka di po ako makasabay sa inyo kasi may gagawin pa po ako tsaka .. 8 pa kasi pasok namin “. “ Sure ka ba diyan ? “, tanong niya. “ AH opo mag-cucumute nalang ako “, sabi ko naman. “ Ah sige .. basta mag-ingat ka ah .. ah ito pala baon mo “, si kuya sabay bigay sa akin ng 1,000 pesos. “ Oh sige bunso una na kami “, di na nga ako nakapagsalita pa dahiL mabilis na naglakad sila kuya palabas ng pinto. Napatingin naman ako sa perang binigay ni kuya.. Ang dami na niyang binibigay sa aking pera, dahiL di naman ako magasto naiipon ko Lang, halos 10,000 na nga ata yung naipon kong pera eh , galing sa mga baon ko at na binibigay niya.
Nang mapansin ko na na umalis na yung sasakyan , nagmadali naman ako sa pagkain at kinuha ko yung bag ko at tinignan ko rin yung cellphone .. 6:40 am na paLa tsaka may isang text message .
Ho-Oh : Asan ka na ? otw na ako sa sub nio.
ps: dalahin mo yung sumbrerong alimango !
kitakiTz wag na wag kang malelate.
*HaLa ? bakit niya pinapadala yung alimangong sumbrero ? Ano nanaman kaya pumapasok sa isip nun ? Tsaka asan na Pala yun ? .. Naisip ko palang si manang yung nag-ayos ng gamit kaya tinanong ko sa kanya. Binigay niya naman ito sa akin na nilabahan pa niya .. buti nalang daw napasama sa mga na-dryer niya yung alimangong sumbrero. Nilagay ko agad yun sa bag at lumarga na ako.
-----
Pagkadating ko sa bungad .. Agad kong tinignan yung oras sa celphone ko s**t ! 8:11 na paLa. Patay ako nito .. Pero nasaan naman yun ? Wala naman tao dito ? o kahiT yung sasakyan niLa. Kainis ! niLoLoko talaga ako ng Ho-Oh na iyon. Uto-uTo naman ako .. haisT -____-
Naloko at ginuDtaym nanaman ako ni Ganny !
Irita ako sa mga oras na iyon palakad na sana ako ng biGlang may nagsaliTa sa likuran ko .. “ Diba may usapan tayo pag nalate ka ? “ .. KahiT nakatalikod palang ako napangiti na akong ng maringig ko yung isang pamiLyar na boses. Pagkatalikod ko , nakita ko nga yung Gwapong Lalaki na 5 araw kong nakasama ko sa camping. SI Ganny ^____^
Nakasuot siya ng T-Shirt na may drawing na Dalawang Alimango na magkatabi ? Ang cute nga nung damiT eh parang Moving Acuarium .. KulAy bLUe ito at lalo siyang pumogi .. Nakabonnet siya na style niya nung unang magkita kami, Naalala ko tuloy yung unang sabungan namin Hehehehe, tapos naka Jeans siya na kuLay maroon at nakasapatos ng Nike . Basta ang CoOl niyang tignan.
“ Kanina ka pa ? “, tanong ko sa Kanya. “ Oo at late ka .. Alam mo naman na may parusa diba ? “, masungit na sabi niya sa akin. “ Eh di gawin mo na .. “, sabi ko sa kanya na sa Loob-lOOb ko tuwang tuwa at tumatalon ang puso ko , “ Ano ba yung paruso ko sayo , pagnalate ka ? “, tanong niya. Tumingin muna ako sa paligid wala naman tao at nasa ilalim kami ng puno nuon. tsaka malayo kame sa may 7/11 .. “ Sabi mo gugulpihin mo ako ng halik ? “, tumalikod ako ng sinabi ko yun sa kanya .. NAKAKAHIYA ! *______*
Tapos naramdaman ko Dumikit na yung katawan niya sa likod ko. s**t ! tama ba to na ditO kami magdrama ng ganito ? Pero KinikiliG ako .. Kasi nararamdaman ko na yung Hininga niya sa may tainga ko .. “ Tara na ? “ , naringig kong sabi niya. Kasabay nung malakas na busina ng saksaktan.
pipppppppppppppppppppppppppppppppppppppp ! pipppppppppppppppppppppppppppppppppppppp !! pippppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp! pipppppppppppppppppppppppppppppppppp !
Bigla akong napatalikod at parang nagulat ng maringig ko yung busina. Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ! sasakyan yun niLa ganny ibig sabihin si kuya Joel yung nagbusina ? HaLa nakita kaya kami niya sa ganun posisiyon ni Ganny. Haist wala naman yun .. nakatalikod lang naman ako kay ganny eh wala yun malisya. Tapos nakita ko si Ganny sa tabi ko parang natatawa .. “ Tawa-tawa ka diyan ? “, tanong ko .. “ Wala natatawa lang ako sa pagka-gulat mo .. haha tara na nga at hinahanap na tayo ni kuya JoEL “, sabi niya. Sumakay na nga kami sa sasakyan at ayun nga nasa likuran uliT kami .. Hmmmmmmmmmmmmmp pero naiinis ako sa kanya. bakit ? .. kasi di niya tinuLoy yung parusa Y____Y
Nasa gilid ako nuon sa may bandang bintana ng sasakyan. Tapos siya namang usog ng usog palapit sa akin .. Hanggang ayun magkadikit na kami. “ Anu ba ? pwede bang umusog ka ? haba kaya ng space “, sabi ko sa kanya na parang naiirita. “ HaLa galit nanaman si kribkrib ? “, patanong niyang sabi sa akin habang nakatitig sa akin. Ang awkward ng tinitigan niya ako kaya pumikit nalang ako .. Nagulat nalang ako ng biglang ..
|
|
Nikawan niya akong halik sa labi !!!!!!!!!
Bigla akong napadilat at napapitlag. Tapos siya nakangiti .. Tumingin naman ako kay kuya JoeL seryoso naman ito sa pagdadrive siguro naman di nito nakita na hinalikan ako ni Ganny. “ Bakit mo ko ? .. hinalikan ?”, mahina kong tanong sa kanya. Tapos lumalapit nanaman mukha niya sa mukha ko .. Wala lang ayaw mo ba ? “, sarkastikong sabi niya. Napangiti nalang ako na SImboLo na gusto ko naman .. Kainis ! di ko maiwasan tong mga tukso.
Ayun kahit nga malawak pa yung space sa kaliwang bahagi sa akin talaga siya nagsusumiksik. “ Bakit ka pala naka-uniform? “, tanong niya. " Ah kasi Alam mo na , baka malaman nila kuya na di ako papasok, kasi di ako nagpaalam sa kaniLa eh .. pero may extrang damit naman akong dala”, sagot ko. “ Namiss mo ba ako ? “, mahinang tanong niya .. “ Anu ba yang tanong mo ? “, namumuLa kong sabi. “ Kasi ikaw namiss kitang katabi eh .. tsaka alam mu na , magaling ka kasi eh “, nakangiti niyang sabi. Parang nahiya naman tuloy ako sa daloy ng usapan namin kaya nag-umpisa agad ako ng bagong topic. “ Ah ano palang gagawin natin ? san tayo pupunta ? “pagpapalit ko ng usapan .. “ Gwapo ba ako ngayon ? “, nagulat ako sa tanong niyang iyon .. “ Oo gwapo ka naman talaga eh .. “, sagot ko . “Talaga ? “, pagkukulit niya. “ Oo nga ikaw na ang pinakapogi sa lahaT “, mahina kong sabi sa kanya. “ Salamat “, nakangiti niyang sagot. Pero yun tanungan na iyon ay parang Biruan lang Tropa-tropa kaya di ako naiilang kay kuya Joel, kung maringig man niya. “ Ako naman magtatanong “, sabi ko sa kanya. “ Ano ba itatanong mo ? “, siya. “ Saan tayo pupunta at ano bang gagawin natin ? “. “ nabalitaan mo na ba yung tungkoL sa bagyong YOLANDA ? “, tanong niya. Bigla akong naging seryoso sa pagtingin sa mukha niya .. “Oo”, sagot ko.
-------------
Ipinaliwanag niya nga kung anong gagawin namin .. Tutulong daw kami sa nasalanta sa pamamagitan ng paglikom ng pera upang idonasyon. Tinanong ko siya kung paano naman kami makakalikom .. Ang sagot niya sa akin .. Kakanta daw siya at ang maipon daw naming mga ibigay ng tao ibibigay namin sa isang foundation. Ibig sabihin ? Ang isang Ganny na mayaman .. kakanta sa isang parke para makaipon ng pera para idonate. WOW ! isang malaking himaLa.
Kahit daw nakapagdonate na yung tatay niya ng cash .. gusto din daw nitong Ho-Oh nito na magdonate gamit ang sariLi niyang effort, ayaw niya daw umasa sa pera ng mga magulang niya. Gusto niya daw siya ang gagawa ng paraan upang magkaroon ng pera at idonate ito. Gamit daw ang isang upuan, gitara at boses niya .. hahangarin daw niyang makalikom ng madaming pera, para daw sa ating mga kababayan. Lalo tuloy ako sa kanyang naiinlove ng pinaliwanag niya yun sa akin .. Ayus lang paLa ang pag absent ko dahiL alam ko makakatulong ako sa iba.
Ako naman sabi ni Ganny gagawin niya daw akong assistant pag may kailangan siyang iutos .. Oh diba ? ginawa parin akong Alalay ? Pero ayos na yun kaysa sumayaw tulad ng pinapagawa niya sa akin. Kaya assistant lang ako alam kong malaki pa rin maiitutulong ko sa magandang hangarin ni Ho-Oh ^____^
-------
TumigiL na nga yung sasakyan sa may giLid ng Kalsada sa may tapat ng isang malaking simbahan. “ Kuya JoeL baba ka na muna may pag-uusapan lang kami ni dennis “, utos ni Ganny sa Driver. Naiwan na nga kami sa loob ng sasakyan .. oo kaming dalawa lang .. “ Alam mo naman na yung gagawin diba? “, tanong sa akin ni Ganny. “ Oo “, sabi ko sa kanya. Tapos nagkatitigan lang kami .. “ Diba may extra kang damit ? “, tanong niya. “ Ah Oo bakit ? “, tanong ko naman. “ Bihis ka na . . baka kasi madumihan lang yang Uniform mo tsaka baka di ka komportable suot yan habang ginagawa natin yung mamaya “, sabi niya. “ Ah sige pero saan ako magbibihis ? “, nahihiya kong tanong .. “ Eh di dito “, siya .. “ nakakahiya kasi eh nakatingin ka .. Talikod ka na plezzzzz “, paki-usap ko sa kanya. " Anu ka ba nakita ko na yan ? ito ngang kabuuan ko nakita mo na rin eh .. pag palit lang ng damit mahihiya ka pa ? “, sabi niya sa akin. “ Sige na nga “, ako , sabay tinanggal ko na yung polo ko , pagkatapos hinubad ko na rin yung sando kong suot. Napatingin naman ako kay Ganny na parang natatawa. Agad kong kinuha yung damit ko sa bag at sinuot ito. pagkatapos kong isuot ngumiti na ako sa kanya. Tapos may iba akong pakiramdam .. basta ang alam ko nilapit ko nalang ang mukha ko sa kanya at unti-unti kong nilapit yung mga labi ko sa labi niya. Hindi naman siya umangaL at gumanti na rin sa paghalik ko sa kanya. 3 minuto bago tinapos namin iyon .. “ I love you bulong ko sa kanya “, tapos may kinuha siya sa bag niya .. yung sumbrerong crab niya at sinuot niya ito sa ulo ko “ i Love you too “, sabi niya pagkalagay niya nung sumbrero.
Ako naman tinanggaL ko yumg bonnet niya. “ Asan si Krabkrab ?” tinutukoy ko yung sumbrero niyang alimango din. Tapos tinuro niya yung bag niya na nasa tabi niya. Ako na yung kumuha nung sumbrero at nilagay ko din yun sa kanya. “ Yan pareho na tayo “, nakangiti kong sabi ^_____^
Tapos nagulat naLang ako ng niyaKap niya ako .. “ SaLamat sa pag-sama huh ? “, siya. “ Walang anuman yun, ano ba naman yung pinagsamahan nating limangaraw sa camping “, sabi ko din sa kanya. “ tara na kribkrib ? ready ka na ba? “, tanong niya sa akin. “ Ikaw dapat tanungin ko niyan ready ka na ba krabkrab ? “ ..
---
Dala-dala na ni Ganny yung gitara niya pagbaba namin ng sasakyan. Marunong din pala siyang mag-gitara na lalo ko ring kinatuwa, isa rin kasi nakaka-inLove sa lalaki kung marunong sila mag-gitara at kumanta .. TuLad niya .< Hmmp ! At marami pang iba.
And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
* “ ganda ng boses niya “
“ Hindi lang boses pati mukha girL ! ang pogi “
-- ringig kong sabi nung mga babae na kilig na kilig !
We stop to get something to drink
My mind clouds and I can’t think
Scared to death to say i love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply
That I’ve got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
* pati rin ako napapatulala habang kumakanta siya .. Naalala ko nung magkatabi kami sasasakyan nila papaunta sa camping. Imagine puro lang kami away nuon , pero di ko ineexpect na aabot sa ganito ang pagkakaibigan namin.
Oh and I’ve got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
Oh and I know this love grow
Oh I’ve got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can’t keep my eyes on the road
Knowing that she’s inches from me
And I’ve got all that I need
Right here in the passenger seat
Palakpakan at hiyawan yung mga tao lalo na yung mga kababaihan, na halos yakapin si Ganny nung matapos yung Kanta. Nakita ko naman na buhos yung naglagay ng pera sa donation box .. Nakita ko yung iba by 100 pesos , at yung iba bente at may 500 pesos din yung mga hinuhulog sa box. Ako naman yung nagsasabi ng ‘thank you’ sa mga taong nagdodonate. Yung iba naman nagpapaicture kay Ganny .. AT minsan ninanakawan pa siya ng halik sa pisngi.. tapos tuwang tuwa naman siya .. Hmmp ! Pagkatapos umalis nung mga babae naghulog din naman sila .. malaki rin hinulog nila , salamat naman may silbi sila kala ko puro halik at papicture lang gagawin eh .. “ bye pogi crabs “, sabi nung isang babae sabay umalis na yung grupo nila. tapos tumingin siya sa akin ng nakangiti at nag-approved sign ng kamay. Ngumiti rin ako sa kanya at umaprroved din ako.
Pagkatapos nun kinanta niya na rin yung next song .. “ Sleeping ChiLd “ ng bandang MLTR
The Milky Way upon the heaven is twinkling just for you
And Mr. Moon he came by to say goodnight to you
I’ll sing for you, I’ll sing for mother, we’re praying for the world
And for the people everywhere gonna show them all we care
Oh my sleeping child, the world’s so wild but you’ve built your own paradise
That’s one reason why I’ll cover you sleeping child
If all the people around the world, they had a mind like yours
We’d have no fighting and no wars, there would be lasting peace on earth
If all the kings and all the leaders, could see you here this way
They would hold the earth in their arms, they would learn to watch you play
Oh my sleeping child, the world’s so wild but you’ve built your own paradise
That’s one reason why I’ll cover you sleeping child
(Cover my child) I’m gonna cover my sleeping child
(Keep you away) keep you away from the world so wild
Keep you away from the world, away from the world so wild
Oh my sleeping child, the world’s so wild but you’ve built your own paradise
That’s one reason why I’ll cover you sleeping child
Oh my sleeping child, the world’s so wild but you’ve built your own paradise
That’s one reason why I’ll cover you sleeping child
Marami paring tao ang naging audience sa pagkanta niya, marami rin naghuLog sa donation box. Nagpatuloy ang pagkantang iyon ni Ganny .. Mga kanta ng american/irish band, mga acoustic song at iba pang magagandang kanta. Pagsapit ng tangHali ng kusa na akong bumiLi ng makakain namin. BumiLi ako mula sa isang karenderya malapit sa pwesto namin wala kasing, mga maliit na restaurant dun eh karamihan puro mga karenderya, kaya bumili ako at pinatake-out ko na rin w/ matching libreng sabaw pa ^____^
Pinatapos na nga muna ni ganny yung kinakanta niyang “ Best song Ever “ ng One direction. Pagkatapos nun , nilapitan ko na siya. Napansin ko na tagaktak na ang pawis niya kaya hindi na ako nag-atubiling punasan iyon. Pinunasan ko yung mukha niya ggamit yung mga bimpo sa bag niya, pati rin likod niyang basang basa ay di ko pinatawad pinunasan ko rin yun.
“ kain na muna tayo ? “, sabi ko sa kanya. “ Wow .. salamat naman sakto gutom na ako “, sabi niya. “ galing mo ah .. ayus ang charm mo sa mga tao, lalo na dun sa mga babae “, mahinang sabi ko sa kanya. “ Uy selos siya .. “, sabi niya sa akin. “ Hindi ah bakit naman ako magseselos ? “, sagot ko sa kanya. “ kaw talaga .. halika nga dito “, yaya niya sa akin sabay inakbayan niya ako ng naka-upo. “ Huy baka may makakita sa atin at baka kung ano isipin “, paliwanag ko sa kanya. " Eh di sabihin nila gusto nila basta tayo .. gumagawa tayo ng paraan para makatulong sa mga nasalanta ni yolanda “, sabi niya rin. Humarap ako sa kanya at bumitiw ako sa pagkaka-akbay niya. tapos binanga-banga ko sa kanya yung sumbrero niya, yung parang pinaglalaban ko yung dalawang alimango. “ hala bakit mo inaaway si krabkrab ? huh Kribkrib?”, biro niya sa sumbrero ko na kunwari kinaka-usap niya. “ Kasi nagseselos si krib krib dun sa mga babae na humahalik kay krab krab “, sabi ko naman. “ Eh di para di na magalit si krib krib hahalikan na siya ni Krabkrab “, si ganny sabay akmang paghahalikin niya yung dalawang alimangong sumbrero .. Pero di maiwasan siyempre na magdikit ng bahagya ang mga mukha namin. “ Ayan nahalikan na siya ni Krabkrab kaya di na yan magseselos si kribkrib “, sabi ulit ni ganny na parang puppet voice ng sumbrero niya. “ Gusto pa daw niya ulit eh “, sabi ko naman sa kanya habang shineshake ko yung aking ulo. “ Sige daw sabi ni krabkrab”, kaya ayun .. lumapit ulit mukha niya sa akin.. inunahan ko na siya, agad kong hinalikan ang mga labi niya. Tapos mabilis ko naman inalis .. sabay sabi kong : “ Ayun okay na daw si krib krib “ .. “ Gusto rin daw ni Krabkrab isa pa .. “, si ganny na parang nabitin sa paghalik ko. “ Wag na mamaya na ulit .. kumain ka nalang diyan “, sabi ko sa kanya .. “ Daya naman “, ang huling nasabi niya.
Kumain na nga kami at ayun sarap na sarap siya sa dinuguan at sa adobong manok, pati yung sabaw na hinigop niya sa plastic. First time niya daw kumain ng mga ganun at kumain ng ganung posisyun. Masaya yung pagkain namin .. Pagkatapos pumwesto na siya ulit at ako rin balik sa pwesto ko. Pinagpatuloy na niya yung pagkanta. Halos 50 song na ata yung nakanta niya, buti daw marami siyang alam na chord igatara pati marami din siyang alam na kanta. Patuloy rin yung panunuod sa kanya ng mga tao at ang pagbibigay ng munti nilang donasyon. Yung iba nga tuwang tuwa , Napakaganda daw ng naisip namin para tumulong. Ang babata pa daw namin pero, nasa puso na rin daw namin ang pagtuLong. At nagpapasalamat daw sila dahiL kami daw yung yung magiging medium upang maibigay yung munting tulong nila para sa mga biktima ng bagyo. MInsan naman yung iba inuuyat kaming dalawa bilang lover’s .. Kinikilig man ako, pero kaylangan ko paring itago yung totoo ..
Halos mag-gagabi na nuon, buti may Ilaw na umaaninag sa amin. Alas sais ng gabi ng plinano ni Ganny na tapusin na yung pagtugtug dahil gabi na daw . Hindi naman masama dahiL tiyak malaki rin naman siguro yung nalikom namin, kung pagbabasihan yung maraming taong nanuod at naghuLog ng kanilang donasyon.
Inayos na namin yung mga gamit at pati na rin yung donation na napakabigat. Pinasok namin yun sa dalang bag ni ganny, mas protektado kasi yun kay Ganny laban sa mga kawatan. Tinext niya na rin daw si kuya JoEL 30 minutes bago daw matapos yung pagtugtug niya. kaya konting hintay nalang daw. Habang naghihintay kami dun sa may bench sa may parke .. Tinanong niya ako kung gusto ko daw kantahan niya ako. Sinagot ko naman siya ng “ Oo “, at ng isang malaking ngiti. Tapos muli niyang kinuha yung gitara niya ..
“ Ang awiting ito ay para sa isang alimango na sumipit ng Puso ko “
BiGla naman akong , napangiti sa sinabi niya ? Alimango talaga ? Hehehehehe pero kinikiliG talaga ako sa mga hirit niya. Hai naku ! sana hindi na matapos tong oras na ito .. Ang oras na kasama ko siya lagi. Naringig ko na nga ang pagpitik ng daliri niya sa string ng gitara .. Tumingin siya sa akin at mahinang sinabing I Love you ..
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you
I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you
* Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha hanggang natapos na yung pagkanta niya. Tapos pumalakpak ako sa kanya ng mahina .. “ Ako ba talaga sumipit niyang puso mo ? “ .. tanong ko. “ Oo kaya wag mo ng tanggalin yung sipit at baka masaktan ako at dumugo ang puso ko “, banat niya sa akin. Kung may award lang para sa boy PakiLig of 2013 siguro siya na ang panaLo.
Ako : Crab ka ba ?
Ganny : bakit ?
Ako : Kasi diba ako yung alimangong sumipit sa puso ?
Ganny : Oo
Ako : Eh di I crab na opportunity na mahalin ka habang buhay at wag ng pakawalan pa ! ( Boom ! ang cory ko nakakahiya ^_^ )
---
Ganny : Talaga? Ayan crab na opportunity na wag ng magsayang ng oras pa ^ ___^
Ako : Talaga !
Ganny : Kung ikaw ang alimango sana ako nalang ang “aligi” [tawag sa laman ng alimango] mo .
Ako : Bakit ?
Ganny : Kasi para ako nalang lagi laman ng isip mo, ng puso at ng buong katawan mo .. at para ako nalang ang ALIGI ng buhay mo na poprotekta sayo .. Habang buhay
Boom ! Ang corny niya rin pero kinilig naman ako hehehehe. Tapos bigla nalang kaming nagtawanan. Dahil sa kakornihan namin. At di nga nagtagaL dumating na si kuya JoEL. Binilang nga namin ni Ganny sa loob ng kotse yung naging laman ng donation box .. At ang kabuang ngang nakalap naming pera ay umabot ng 13,820 pesos. Tuwang tuwa kami ni Ganny, dahil sa marami na rin kaming nakalap , sa pag-awit niya. Malaking tulong na rin yun para sa mga nasalanta. Napag-usapan na rin namin na bukas ay pupunta kami sa isang foundation sa may Quezon. Umuo na rin ako sa kanya, pero sa isang kondisyon idadag ko yung 3,00 na bahagi ng naipon kong pera sa nadonate namin. Ayaw niya sanang tanggpin pero mapilit ako kaya kinuha niya na rin kaya nasa 16,820 na yung mabibigay naming donation, siya rin daw dadagdagan niya rin daw iyon para maging eksaktong 20,000 pesos.
Alas nwebe na ng gabi ng maihatid nila ako sa bahay , hindi ko sila pinahinto sa tapat ng bahay , sa kadahilanang baka makita ako nila kuya. Sa may bandang unahan malapit sa bahay namin pinahinto yung sasakyan nila at nagpaalam na ako sa kanila, 5:30 am daw kami bukas sabi ni ganny, para daw iwas traffic at maaga kame makarating .. para naman marami daw kame magawa as Volunteer :)) at ang pinagkaiba daw bukas kami lang daw dalawa papunta sa quezon city sa may PBB basketball court upang ibigay yung donation at mag-volunteer na rin daw kami na mag repack nung mga relief goods.
Nag-eenjoy ako sa ginagawa namin ni ganny, alam ko naman na suLit ang pagliban ko muna ng klase upang makatulong sa mga nanganga-iLan. Ngayon ako kaylangan ng bayan .. kahit bata palang ako gusto kong tumulong ! Gusto kong tulungan ang kapwa ko pilipino na nanganga-ilangan ng suporta ng kanilang kababayan.
Naglalakad ako papunta sa bahay ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko. “ Saan ka galing ? “ … bigla akong lumingon upang makita ko kung sino yung nagsalita.
|
|
Si Threz ..
“ Ah threZ ikaw paLa ? Anong ginagawa mo dito ? “ .. tanong ko. “ Ah wala nakatambay lang ako dito sa tapat ng bahay .. Ah ikaw san ka galing ? .. “ Ah ako ? ah may binili lang ako sa National Bookstore “, pagsisinungaling ko. “ Ah ganun ba .. Ah buti ka pa nakapasok, ako kasi di pumasok kanina dahiL tinatamad ako eh “, sabi niya. Ayun .. Biglang nawaLa yung kabang nararamdaman ko … “ Ah ganun ba ? Ah Oo nga eh pansin ko wala ka kanina, ah pero wala namang ginawa masyado kanina eh “, pagsisinungaling ko ulit. “ Ah ganun ba ? Salamat naman .. “, nakangiting sabi niya. Parang naguilty tuLoy ako sa pagsisinungaling ko sa kanya, eh wala naman akong ibang choice kundi magsinungaling, baka kasi pag nalaman niya .. At nagtanong sa kanila si kuya .. Wahhhhhhhhhhhaaaaaaa! patay ako nun. kaya ayus na yun. “ Ah sige threz pasok na muna ako sa bahay “ .. paalam ko sa kanya. “ Ah sige .. salamat din sa pag inform na wala naman masyado palang ginawa”, sabi niya habang nakangiti sa akin.
|
|
Naku nagsinungaling nanaman ako :’(
========
Pagpasok ko sa bahay, dumeretso na agad ako sa kwarto upang matuLog ng maaga. Dumaan na rin naman kasi kami nila ganny sa isang restaurant at nilibre niya ako ng dinner. Agad akong tumaas upang hindi ako makita nila kuya na tiyak nasa kusina at kumakain. Agad akong nagkumot at pumikit na , dahil kaylangan ko ng maraming energy para bukas. :-)
========================================
Maaga akong nagising at dali-dali rin akong naligo. Pero hindi magpapatalo si manang mas nauna pa siya sa akin, at nagsisimula narin maghain ng almusaL. Naka-bag na akong pumunta sa may kusina, na ikinaguLat naman ni manang. “ Ang aga mo ata .. ? “, bungad niya sa akin. “ Ah may P.E po kasi kami kaylangan maaga dumating sa schOOL kasi yung physicaL exercise daw kasi mas magandang isagawa tuwing umaga ng maaga “, mahabang pagsisinungaling kong paliwanag kay manang. “ Ah ganun po ba sir .. ano po ba gusto niyong almusal ? “, tanong niya sa akin. “ Ah sandwich nalang manang at pakitimpla na rin po ng gatas “, sabi ko.
Mabilis naman akong pinagtimpla ng gatas at hinainan ni mannag ng sandwich. Agad ko namang itong kinain at pagkatapos nagmamadali akong lumabas. Binilin ko na rin kay manang na sabihin niya nalang kina kuya kung bakit ako maaga pumasok.
Nasa may Waiting Shed ako sa may bungad ng subdivision at hinihintay ko na si ganny. Tinext ko na siya ng medyo natatagalan na siya sa usapang 5:30 ng umaga.
Ako : Asan ka na ? KrabKrab ?
Morning :-)
Tapos bigla naman siyang nagreply .. w/in 2 minutes
Ho-Oh : Papunta na ko Kribkrib mga 3 minutes nalang.. Umaga din :)
Ako : Ah geh wait kita d2 sa my waiting Shed
Lp8 dito sa 7/11.
----
Hindi pa nga tatlong minto dumating na siya. Nakasakay siya sa isang taxi at dun na rin kami sumakay papunta sa pupuntahan namin. “Ah gusto mo bang, mag MRT tayo ?”,tanong niya sa akin. “ ah sige ba mas enjoy yun “, nakangiti kong sagot sa kanya. “ Ah manong sa MRT nalang po baba namin .. “, sabi niya sa driver ng taxi. AT mabilis naman kami nakapunta sa MRT station sa pasay.
Agad kaming umakyat .. pumiLa at bumili ng ticket papuntang quezon Avenue. Since yung taft avenue yung pinaka-unang station sa station na sasakyan namin, kaya wala kaming problema sa isyu ng siksikan For sure naman makaka-upo kami at , kung hindi man .. Siguro maluwag naman.
At dumating na nga yung MRT , at ayun nakapasok kami sa unang station .. at naka-upo kami magkatabi ^____^
Ayun naka-upo lang kami at tinitignan ang paligid ..
*Magallanes Station : Konti ang bumaba at maraming sumakay ! pero maluwag pa naman.
* Ayala : Konti ang bumaba at konti rin ang sumakay. Maluwag parin :-)
*Buendia Station : Maraming bumaba marami ding sumakay .. maluwag parin ..
|
|
|
|
|
….
At yun nga halos 10 istasyon ang nadaanan namin at pasalamat kami dahiL hindi tulad ng mga nasa news na siksikan daw, kami naman, hindi naman na-experience yun dahiL maluwag yung biyahe namin papunta dito sa Quezon Avenue ..
Nilakad nga namin bahagya papunta sa may sakayan. Tricycle yung sinakyan namin papunta sa may PBB hall, kung saan dun namin ibibigay yung donation at para narin magvolunteer. Binuo na pala rin ni ganny yung nalikom namin ng 20,000 sakto. Pagbaba namin sa tricycle nasa tapat na kami ng PBB HALL at kina-usap na nga namin ni Ganny yung mga nagbabantay. Binigay na rin namin yung 20k na nalikom namin sa pagkanta ni ganny sa mga staff na namamahala nung foundation. At grabi rin yung pasasalamat ng mga tao sa amin. At dahiL dun mas natuwa ako na may saysay pala ang ginawa naming iyon ^______^
Para naman sa pagvovolunteer namin ni Ganny, tinuruan muna kami saglit at sinabak na rin kami sa pag repack ng mga relief goods. DahiL bata pa daw kami, magrepack nalang daw kami. Merong mga babae ring volunteer ang lumalapit kay ganny at parang nanlalandi, kaya minsan lumalayo na ako sa kanya para mas maituon ko ang pansin ko nsa pagrerepack.
Tapos bigla nalang siyang lumapit sa akin .. “ galit nanaman ba ulit si kribkrib ? Sorry na di naman kasi kasalanan ni krabkrab na maging pogi siya “, mahinang sabi niya sa akin. Tapos tumingin ako sa kanya .. “ I Love you “, sabi ko sa kanya gamit ang pagbuka lang ng bibig ko ng walang lumalabas na boses. Siya rin ginaya niya rin ako at tiyak ang gusto niyang sabihin ay “ i love you too “ .. Sayang di namin nadala yung Sumbrerong alimango :), wala tuloy kame mapagkulitan hehehehehehehe..
======
Hapon na nga matapos yung pag-Volunteer namin, masarap sa pakiramdam na nakatulong muli ako sa aking mga kababayan sa pamamagitan ng pag-tulong sa pag-repack ng mga relief goods --- Feeling WeLL ulit :-)
Agad naman kami lumabas at pumunta dun sa malapit na McDonaLd sa may PBB Hall / PBB basketball court. Pagkatapos naming kumain , niyaya niya ako na may pupuntahan daw kami. Sumunod nalang ako sa kanya. Sumakay ulit kami sa Taxi at sa may Trinoma MaLL daw kami pupunta. “ ANong gagawin natin dun ? “, tanong ko sa kanya. “ Basta bibiLi tayo ng damit “, sabi niya. ‘ “Damit para saan ? .. “, tanong ko ulit. “ basta wag ng maraming tanong “, sabi niya.
Pagdating namin sa Trinoma MaLL, agad naming tinungo yung Shop na may binebentang damit. Pinaliwanag na ni Ganny kung saan para yung damit. Yung damit palang “ Tulong na, Tabang na , Tayo na “, ay isang prudokto ng ABS-CBN upang makatulong sa mga nabiktima ng bagyong YOLANDA. Ang kikitain kasi daw pag nabenta yung mga damit na nagkakahalagang 250 pesos ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo. Bumili nga kami ni Ganny ng Tulong Shirt at dun din mismo sinoot namin ito. Maganda yung damit. May damit ka na .. nakatulong ka pa. Kaya inaanyayahan ko po ang kapwa ko Pilipino na , Subukan po nating gumawa ng bagay na makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo. Kahit maliit na bagay lang, sapat na iyon na maipakita mo na nakatulong ka. Sa simpleng pag-Volunteer sa pag rerePack ng mga relief Good. Isa na rin naman yung masabing pagtuLong. Ang pagtulong naman kasi wala naman yan sa Pera eh .. kahit energy mo lang bilang tao ang gamitin mo sa pagtulong .. tulad nga ng sinabi ko pagtulong sa pagrepack. Ipagdasal na rin po natin sila na , sana maging mabuti na ang lahat at sana bumalik na ang lahat sa normal.
Ipanalangin natin sa panginoon na bigyan nya ng lakas ang ating mga kababayan upang harapin ang pagsubok na kanilang kinahaharap. halina kayo guy’z ..
Tulong na . .
Tabang na . .
Tayo na . .
Bumili na rin kayo guy’z ng mga TULONG SHIRT na available na mula ngayong 11/15/2013 (Friday) sa mga sumusunod na AYALA MALLS :
-Ayala Town center
-Glorietta
-Trinoma
-Greenbelt
-Market Market
-Festival Mall
-Harbor Point, Subic
-The District Mall, Cavite
-Marquee Mall, Pampanga
Ba bawat damit na mabibiLi, may maitutulong na kayo. Kaya TULONG na … TABANG na … TAYO na ..
============
Naglalakad na kami palabas upang umuwi , ng naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Tama nga ang iniisip niyo magkaholding hands kaming naglalakad. Wala na kaming paki-alam nun sa paligid ang mahalaga masaya kami sa ginagawa namin .. ^_____^
Gabi na nga ng matapos kami sa paglilibot sa Trinoma. Nagpasundo rin kami ni Ganny kay kuya JoEL, tinatamad na daw kasi siya maglakad, at pabor naman yun sa akin ^_____^
MatagaL naming hinintay si Kuya JoEL bago ito nakarating .. at dali-dali kaming pumasok sa sasakyan ng Sumulpot na ito sa aming harapan , sa tapat ng landmark , Siguro dahiL sa parehong pagod na kami. Madilim at malamig naman sa loob ng sasakyan kaya nakaka-antok. Nagulat nalang ako ng pinahiga niya ako sa mga hita niya. Hindi na ako naka-angal pa at ramdam ko nalang na nakapikit na ako ..
--------
Malambot yung hinihigaan ko pati unan ko napakalambot .. Dumilat yung mata ko, tumingin ako paikot paikot sa kwarto. Waw ! napakalaki ng kwarto at napatingin ako sa hinigaan ko. BigLa akong kinilabutan. DahiL nasa iba akong kwarto .. Pero ng mapasulyap ako sa isang larawan mula sa gitna ng pader, Ngayon ko lang napagtantong ..
|
|
|
Nasa kwarto ako ni Ganny ! Patay ako nito, nakatulog ako sa ibang bahay. Anong sasabihin ko kina kuya ? baka hinahanap na ako niLa. Ng biGlang may nagsaliTa. MuLa sa kanan ko ko .. “ Gising ka na pala ? “, pagkatingin ko si ganny Galing sa banyo at ..
NakabrieF lang O__0