#DENNIS
( V_____V )
Napayuko nalang ako at parang ayokong panuorin si Ganny .. marunong ba yun kumanta ? Tsaka di ko naman sinasadya yung sinabi ko kanina eh .. kainis ! parang ako pa tong nahihiya eh hindi naman ako nagpeperform sa harapan eh.
Naringig ko na yung pagsimula ng sound … Yung nakakindak na intro sound ng “ uptown GirL “
Tapos naringig ko na yung pang-umpisa niyang boses (♪_____♪)
♫♫♪♪♫♫♪♫♫♪♪♫♫♫♪♪♪♫♫
ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh …
ohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh …
Uptown girl
She’s been living in her uptown world
I bet she never had a back street guy
I bet her mama never told her why
* Nagulat ako sa boses ni Ganny .. hindi rin siya magpapatalo sa iba, yung boses niya ay parang sakto sa mga kantang nakak-indak at kanta ng mga boy band. Pero di pa rin ako tumitingin sa kanya.
Nahihiya ako @_____@ , dahiL nga dun sa sinabi ko … Baka kakainin ko yung mga sinabi ko -____-
I’m gonna try for an uptown girl
She’s been living in her white bread world
As long as anyone with hot blood can
And now she’s looking for a downtown man
That’s what I am
And when she knows what
She wants from her time
And when she wakes up
And makes up her mind
GannY : Ok guy’s let’s start the party …
She’ll see I’m not so tough
Just because
I’m in love with an uptown girl
You know I’ve seen her in her uptown world
She’s getting tired of her high class toys
* Nakakabingi yung mga camper’s na sumasabay sa pagkanta kay ganny at halata sa kanila ang saya. Pati na rin dito sa tabi ko sila Kuya Ali .. masayang sumasabay sa pagkanta niya kaya parang Ganny get’s the crowd …
And all her presents from her uptown boys
She’s got a choice
Uptown girl
You know I can’t afford to buy her pearls
But maybe someday when my ship comes in
She’ll understand what kind of guy I’ve been
And then I’ll win
And when she’s walking
She’s looking so fine
And when she’s talking
She’ll say that she’s mine
She’ll say I’m not so tough
Just because
I’m in love
With an uptown girl
Ganny : Sabay sabay tayo …
* Wow ah .. feeling nito totaL performer na siya , may pasabay sabay pang nalalaman. Hmmmp ! Pinamuka niya sa akin na mali ako haist.
Tumingin na nga ako at minulat ko na nga ang aking mga mata , nakita ko na yung mga tao nakatayo at SUMASAYAW !!! Parang mga tanga lang na-uuto sila ni Ganny. Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa Nahihiya talaga ako .. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Ganny na sumasayaw pang parang K-Pop !
She’s been living in her white bread world
As long as anyone with hot blood can
And now she’s looking for a downtown man
That’s what I am
Uptown girl
She’s my uptown girl
You know I’m in love
With an uptown girl
My uptown girl
You know I’m in love
With an uptown girl
My uptown girl
You know I’m in love
With an uptown girl
My uptown girl
=================
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Ganny Boy !
Paulit ulit at malakas na sigaw ng mga adik na mga uto-u***g mga lalaki, samahan pa nung mga malulutong at malalakas na palakpakan.
Host # 1 : Wow ! Mr. Jhonny-Han binuhay mo ang crowd .. what a wonderful voice and charm ( Sabi ng baklitang host .. naiinis ako lumalapit siya kay ganny haist ! ewan)
Host # 2 : Napaindak ako partner sa performance ni Mr. mendez at maganda rin ang boses niya .. at gwapo din to the max (KinikiliG na sabi nung bakla)
Ewan naiinis ako, sa mga paglapit at pagsasalita nitong mga baklitang host na ito -______- . Yung isa pahawak'hawak pa sa braso .. nakakainis talaga :’(
Host # 1 : Ah Mr. Mendez pwede ba kaming magtanong ng konti ?
Ganny : Ah no problem ..
Host # 1 : Bakit ang gwapo mo ? ( Tapos parang kinilig yung baklang host napatalon pa habang tinanong niya yun .. sarap saksakin ! Hmp .. )
Ganny : Eh wala tayong magagawa .. Bigay to ni Lord eh .. ( Papogi ni Ganny)
Host # 1 : Akin ka nalang . . . ( Sigawan mga loko )
Ay Joke lang !
Ganny : Ahh ayus lang (Nakakainis si ganny parang tuwang-tuwa pa siya habang tinatanong ah .. umalis ka na kaya diyan ..)
Host # 2 : Anu ka ba partner baka may magalit ..
Host # 1 : May magagalit ba Mr. Jhonny ?
Ganny : Meron . . .
Tapos kinilig yung dalawang bakla ! patalon talon pa .. kainis
Host # 2 : Andito ba siya ?
Ganny : Secret …
Host # 1 : My gad ang swerte naman niyan ! Nandito ba siya sa route na ito ? ..
Ganny : Secret … ( Nakangiti niyang sagot )
Host # 2 : Ano ka ba mare all boys ang nandito .. kaya nasa route 1 or 2 ang lucky girL !
Host # 1 : Ay oo nga partner .. pero malay mo lang nandito nga ( Tapos nagtawanan yung dalawang bakla ----> Nakakainis na sila ! Hmmmmmmmmmmmmmmp Bakit ba tinatanong nila si ganny tungkol dun , naiinis na talaga ako, kaya napapabunot ako sa mga damo sa paligid ng kina-uupuan ko )
Host # 2 : Last question na Mr. Mendez .. anong masasabi mo dun sa nag sabing “ Wag ng Lumaban yung sususnod ! PanaLo na yan ! Whoooooooooooooooooooooo ! “ w/c is ikaw yung susunod ..
Ganny : Ah yun ba ? Pabayaan na natin yung mga tao ganun mga bitter lang yun …
Hala bitter daw ako ? pahiya naman aku dun hmmmmmmp ?_____? . Tinginan sa akin yung mga tao, pati sila kuya Ali .. Yumuko ulit ako kasi nahiya ako . Para akong lalagnatin sa naringig kong yun .. gusto kong sumabog sa kahihiyan.
|
|
Pero Love ko yun … Kasi partner ko yun sa camping at alam ko nasabi niya lang yun kasi hindi niya alam na kasali ako , tama ba Dennis ?
---
“ Love ko yun ? “
Hala … Para akong nanigas ng maringig ko yun .. I don’t know why pero may kuryenteng dumaloy sa sistema ko at parang gusto ko nalang pumikit .. AT gusto ring hindi nalang maringig at makita ang aking nasa paligid.
Host # 1 : Do you mean Mr. Mendez kapareha mo yung nagsabi ng wag ka ng kumanta dahil may panalo na, Kanina ?
Ganny : Opo … ( Masiglang sagot ni Ganny)
Host # 2 : Wow .. at bongga love niya si partner .. Love as partner lang ba ? ( Naiinis ako sa tanong ng host na .. Love as partner lang ba ? parang may gusto siyang itumpok .. Hmmmmmmmmmmmmmmmm anu ba yan di ko na kaya tong nangyayari )
Ganny : Oo naman , bakit may masama pu ba ? diba nga sabi ng panginoon .. Mahalin natin ang kapwa natin ? .. May gusto ka bang itumpok Mr. Host ? (Ramdam ko na .. naiinis na si ganny dahiL sa tono ng pananalita niya , buti nga sa baklang yun napakaCHismosA kasi eh .. iintriga ba naman kaming dalawa hmmmp ! )
Host # 1 : Ah ibig sabihin lang naman ng partner ko Mr. mendez , pwede bang papuntahin natin dito sa harap ang iyong Partner mo na si dennis ?
Ganny : No Problem .. ayun siya oh ( Si ganny sabay turo sa may pwesto namin)
Napa-angat na ang uLo ko ng maringig ko na ang usapan nilang iyon. Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa bakit kaylangan ko pang pumunta ? kainis talaga ! Tapos lumapit na yung isang Host sa may pwesto nga namin.
Host # 2 : Ikaw ba si Dennis ? (Tanong niya)
Napatango nalang ako .. at naiinis ako dahiL ako yung sentro ng Crowd .. lahat nakatingin sa akin. Nakakahiya baka may nakakilala rin sa akin dito .. yung mga classmates ko .. Ka-subdivision ko .. inis ! T__T
Host # 2 : pwede ka bang maanyayahan naming sumama sa harap ? ( Tanong nung baklitang host)
Ako : Ahhhhhhhhhhhhhhh …
“ Sige na dennis ! arte pa eh punta lang naman sa harap ! “ – si Kuya Ali sabay tawanan sila ng mga kasama. Nainis tuloy ako . . . kaya wala na ako nagawa kundi, sumama sa unahan . Binigyan nalang kami ng nasa unahan ng space para mabilis kaming makabalik, espasyo ng daan lang naman .. at ayun nasaunahan na nga ako sa harap ng maraming tao .. kasama si Ganny at itong dalawang Baklitang host.
Host # 1 : Ah dennis nagulat ka bang, nakita mo nalang si Mr. Jhonny dito sa harap at inawitan niya pa tayo ng isang maganadang kanta ?
Ayaw ko sanang sumagot, pero kaylangan baka sabihin niLa ang sungit ko at apektado ako sa mga pinag-sasabi niLa kanina.
Ako : Ah actually kasi po kanina nawala nalang siya , tapos tinanong ko po yung mga kaibigan niya , sabi naman niLa .. bumalik na daw sa tent at natulog na . . kaya ayun nagulat nalang po ako ng lumabas siya. (Sabi ko sabay tumingin ako kay ganny ng seryoso)
Host # 2 : Ngayon Mr. Jhonny .. di ka pala nagpaa-alam kay partner mo eh ..
Ganny : (tumawa muna siya ) . . . ah yun ba ? surprise ko sana kasi siya eh . .
Host # 1 : Wow .. bakit mu naman siya gustong isurpresa ?
Ako : Ah siguro po kasi dahiL di ko pa lam na marunong siya kumanta. ( inunahan ko na si ganny baka kasi kung ano pang isagot niya .. Hmmmp ! )
Host # 2 : Ok Ok Ok sige last question na .. para kay Mr. Dennis.
Ako : Ano pu yun ? ( kabado kong tanong )
Host # 2 : Anong masasabi mo sa sinabi ni Mr. Jhonny sayo ?
Ako : Alin pong sinabi ?
Host # 2 : Na Love ka daw niya …
Napalunok ako at parang naiihi ako sa oras na iyon. Naiinis ako na tinatanong nila yun sa akin .. Kaylangan talaga maging showbiz ? Ewan .. nakatayo nalang ako at nakasimangot .. Hindi ko kayang sagutin yun ..
Pero , nakatingin sila sa akin parang naghihintay ng sagot , kaya ang sagot ko :
Ako : Love po ? ahhhhh love ko din pu siya Bi . . . ( Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng masigawan yung mga ungas na nasa harapan namin yung mga audience/campers ---- Ang eksanto ko naman talagang sasabihin ay : Love po ? ahhhhh love ko din pu siya Bilang kapartner .. Kainis gusto ko sanang linawin yun pero di na ako binigyan ng pagkakataon kainis ! baka kung anu isipin ng lahat )
Host # 2 : Love mu din siya ? Bilang ???????
Ako : Kaibigan at kapartner ! ( Buti nalang tinanong ako, ni kuya host kaya mabilis kong sinagot yung mga salitang iyon)
Host # 1 : AH maraming salamat Mr. Dennis at Mr. Mendez .. pwede na kayong bumalik sa inyong seat. ( Sabi nung isang host .. kaya magkasama at sabay na kaming bumalik ni Ganny)
Naglalakad kami, pero nakatingin yung iba sa akin at yung iba naman bumabati kay ganny na “ galing mo idol ! “ at iba pang papuri , tahimik lang ako daHiL ang awkward ng paligId yun ang nararamdaman ko. Pagkabalik namin sa kina-uupuan. Tulad rin ng iba siLa kuya Ali at sila Kuya Vic .. tinutukso kami , pero agad naman sila tumigil dahil sa Sinusuway siLa ni Ganny dahIL binabantaan sila Sususntukin … hehehehehe Kahit biro lang yun takot naman sila ^_____^
“ Hoy ikaw ha .. di mo sinasabing sasali ka paLa “ , bungad ko kay ganny. “ Sorry po .. ganda ba ng boses ko ? “, mayabang na tanong niya sa akin . " Hindi panget kaya .. hmmmp mas magaling parin yung classmate ko .. “, ako sabay tawa. “ Oo nga naman .. sabi mo nga wag na ako kumanta dahiL .. taLo rin .. Ok eh di yung classmate mo na yung magaling kumanta “, patampo niyang sabi sabay nag-walkout .. HaLa Binibiro ko lang naman siya eh.
Tumayo rin ako tapos sinundan ko siya … “ Huy joke lang … sorry na “, ako habang hinawakan ko kamay niya. Tapos tinignaa niya lang ako ng seryoso .. “ Ewan bumalik ka na dun .. at suportahan mo na lang yung threz na yun “ , sabi niya sa akin . “ HaLa joke nga lang yun … Sorry na oh .. “, paki-usap ko sa kanya.
“ Oops Oops anong nangyayari sa likuran .. ? AbaLa lang ang peg ? “ …. Naringig kong sabi ng Host. Agad naman ako napalingon paharap at tumayo ng tuwid .. My God naman oh .. Nananadya ba talaga tong mga ito ?
Host # 1 : Anong sabi ng hawak kamay mare …
Agad kong binitiwan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ganny bago pa makita ng iba. Nakaka-inis tong host na ito eh .. Paki-alamera.
Host # 2 : Okay –okay bago muna tayo magpahinga nais lang namin sabihin na open na yung Photo-Booth sa mga gusto magpapicture, At pagkatapos nun .. I aanounce na yung winner ng Singing Contest at pagkatapos May isang Video Present na ginawa ang mga coordinator .. Para sa inyo mga camper’s.
Host # 1 : kaya magpapa-alam na muna kami for a while at babaLik din later .. si DJ Operator na muna bahalang bigyan kayo ng musika .. DJ musik please ..
Host # 2 : Maya ulit guy’s . . .
========================
Pagkatapos nga nun .. humarap na ulit ako kay Ganny .. “ Sorry na wag kana magalit .. Oo ikaw na yung magaling sa LahaT .. “ Sabi ko sa kanya. “ Weh . . . di nga ? “, siya . “ Oo nga .. JoWk lang yung kaNina, dali mo naman maniwala eh .. “ .. nakangiting sabi ko sa kanya. “ Kaw kasi eh .. sumigaw ka nga dun sa performance nung classmate mo tapos sa akin hindi .. nakakatampo “, malungkot niyang sabi. “ Eh naguLat nga ako diba .. Promise babawi ako sayo next .. Pag kumanta ka Uli “, sabi ko sa kanya. “ Sige na nga ganito nalang libre mo nalang ako next time sa schOol .. ayus ba yun ? “, tanong niya. “ Sige ba ..”, nakangiti kong sabi sa kanya.
Tapos bigla nalang siyang tumalikod …
HaLa May nasabi nanaman ba akong masama ? Wala naman ah … Kaya hinaboL ko ulit siya sa pagtataka , Muli ko siyang hinawakan sa kanyang kamay .. “ Ano nanaman ba ang problema ? “, tanong ko sa kanya. Tapos tumingin siya sa akin na parang natatawang nagtataka ? “ Problema ? … bakit ? “, tanong niya. “ Kasi nagwalk-out ka nanaman may nasabi ba akong masama “, tanong ko sa kanya .. tapos bigla siyang napangisi .. “ Huh ? nagwalk-out ? iihi lang ako noh ..”, sabi niya na ikinagulat ko naman .. “ iihi ? ah ganun ba .. sorry “, mahinahon na sabi ko sa kanya sabay peace sign. “ Gusto mo sumama ? “, tanong niya .. “ Ano naman gagawin ko eh di naman ako naiihi .. “, pagsusungit ko. “ EH di ikaw tagahawak ng ano ko habang umiihi tapos ikaw na rin pumagpag .. “, nakangiting sabi niya. “ Ewwwwwwwwwww ! ewan ko nga sayo bastos mo ! sige hintayin nalang kita dun “, ako sabay turo ko dun may bandang unahan . . .
Tumalikod na nga ako at umalis .. “ Kunwari pa gusto naman eh “ , naringig kong sabi niya habang papalayo na ako. Hindi ko na pinatulan para wag ng humaba yung usapan *______*
Pagkatapos niyang umihi lumapit na nga siya sa akin .. Tapos umakbay siya sa akin, Agad naman ako umalis sa pagkaka-akbay niya. “ Anu ka ba baka may makakita .. at kung ano pang isipin nila .. Alam mo naman yung kanina diba ? “, sabi ko sa kanya. Tapos parang tumahimik siya .. “ Galit ka nanaman ? “, tanong ko .. “ Hindi ah .. tara papicture tayo sa may photo booth ..”, aya niya sa akin. Konti nalang yung nasa pIla mabilis lang naman kasi yung process .. eh yung iba ayaw naman niLa.
10 minutes ata kaming naghintay bago natapos yung mga nasa unahan namin . . .
Agad naman kami pumasok dun sa photo booth, maliit lang yun at kasya lang ang apat na tao. Meron nakalagay na basket at may laman yun na mga parang sumbrero na parang mga animalas .. angry birds .. pokemon at iba-iba pang charcter .. Tapos nasa harap yung camera na merong ibat ibang setting. Tulad ng kalawakan , Gubat , Beach , Kalangitan , Dessert at marami pang iba. pagkatingin ko kay ganny nakasumbrero na siya ng alimango .. ang cute nung sumbrero na alimango hehehehe parang totoong alimango na nakapatong sa ULo. “ Cute noh .. ? “, tanong niya sa akin .. “ Oo cute nung sumbrero “, sabi ko .. “ Eh paano yung nagsuot “, tanong niyang nakangiti … “ ahhhhhhhhh mas cute at gwapo “, sabi ko sa kanya, na medyo nahihiya. Bakit naman ako mahihiya eh may nangyayari na nga sa amin eh .. tsaka siya lang naman sinabihan ko. h***:://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=sseGF8UOWjQ
Tapos ayun pinakita muna yung mga Picture ng mga site ng ibat ibang route. tapos mga picture na nakaw mula sa mga umaakyat sa bundok .. may mga nadapa tapos yung iba parang hingaL pa sa larawan. Minsan nga nagtatawanan na yung iba siguro pag nakikita nila mukha niLa. Meron panga dun picture ng magagandang babae tapos nahulog sa putikan .. ayun talaga yung nakaktawa. Meron din yung umiihi yung guy patalikod dun sa isang guy na parang gustong sumilip hahahahha tawa much kaming mga nanunuod. Meron din dun Picture Sila kuya Ali at kuya Vic na nasa taas ng Punong Kaymito .. “ Puta ! galing ng kumuha nito wala kaming kaalam-alam diyan ah ! “, si kuya Vic sabay tawa. Pinamagatan ngang “mga akyat puno gang”, yung mga picture na nasa taas ng puno.
Meron naman isang picture na nakabrief yung lalake na parang tinaguan ng mga kasama sa sapa hahahahha. hehehehe bakat yung anu niya buti kulay brown yung brief niya hahahaha. Tapos may mga picture ng mga Brief na mga mickey mouse ang print na nakasampay sa mga puno. Nakaktawa talaga lahat ng halos yung mga video. Yung babae naman na nasa boodle fight na pati mukha may mga kanin na hahahaha tawa much parin kami. Nagulat nga ako ng maipakita yung mga pictute ni Naruto at Jorossss na nagaagawan sila sa isang tuwalya … Prang ewan yung nangyari sa akin .. naalala ko yung dalawang yun .. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? sa Kanila ? T___T
May kasalanan akong dapat harapin pagkatapos ng camp na ito … Ewan di ko na alam ang gagawin. “ May problema ba ? “, naringig kong tanong ni Ganny .. “ Ah wala .. “, sagot ko .. pag katapos nung unang part ay may sumunod naman na backround music na panibago ring mga picture .. Yung background music ay yung “ Halika na “ ng 143 ---- > h***:://www.youtube.com/watch?v=a5eRUc1zlPo
Pinakita naman yung mga picture ng mga contest na yung naghahanap ng flag. Yung mga nagsususka dun sa Kubo station .. Mga Naipit ng alimango ahahahahaha kitang kita yung pag-iyak nung babae .. tapos yung mga seryosong mukha na mga sumasagot sa quiz sa sapa station .. Tapos mga picture ng naliligo sa sapa .. Tapos meron pa yung picture na nagbabawas sa may likod ng puno pero .. pinalabo yung mukha ng tao hahahaha .. grabi sino kaya mga nagkukuha ng mga litratong ito .. Kinakabahan tuloy ako, pero wala pa naman kaming picture ni ganny o ako .. w/ someone .. s**t wag naman sana kinakabahan ako. tapos yung sa cooking contest may mga picture rin hahahahah .. meron na rin kaming picture yung habang kumukuha ng kamyas .. “ Wow ah .. galing nung photographer “ … … ayun nga ang kinagulat ng lahat yung next na part na may description na .. Sa sobrang close ng mga chikas ! Meron ng nagagnap na GirL romance : Pinakita sa picture yung mga babae na magkakatabi na pag tulog .. yung mga magkakayakap .. hahahaha tawa much talaga dun sa mga girL romance ..
Akala niyo tapos na ? oops diyan kayo nagkakamaLi .. ( flash ng description sa video)
Siyemre hindi naman magpapataLo ang ating mga Bro sa kanilang Romance !
Humandang kiLigin mga Boys at GirL sa kanilang BROMANCE ( Patuloy na pag flash ng description)
* Bromance ? Bigla tuloy akong kinabahan sa pag flash ng mga word na iyon ..
Tapos nagflash na yung mga Photo na na labis Kong ikinaguLat .. Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa mga picture namin .. Napatingin ako kay Ganny na nakangiti lang ..
Unang picture yung sinusubuan ko siya sa boodle fight eating .. ng alimango , wahahahah ! Paano nila yun nakuna. “ Oh diba ang sweet nila .. sa oras ng Boodle FIGHT may nagaganap na Love “ – descrition sa photo. Tapos tinginan sa akin yung mga tao .. pati siLa kuya Ali na sabay tanong .. “ Hala nagsubuan pala kayo nuon di namin yun nakita ah ? “, si Kuya ali sabay tawanan sila ..
Lalo pa rin akong nagulat sa pangalawang Picture .. picture namin sa Loob ng tent na idlip na idlip at magkatabi sa isat isa .. pero buti nalang hindi ako nakayakap .. Alam ko ang time na yan ? Kanina palang yan ah .. s**t kainis ! sino ba kumuha ng pictute na yan. Tumingin parin ako ako kay Ganny .. nakatawa lang siya nakakainis ! .. Tapos nilagyan nila ng talking baloon kami habang natutulog sa photo .. yung nakasulat sa talking baloon ko : Pasok ka nga sa dreams ko .. | Tapos yung talking baloon naman kay ganny naka sulat : SIge ba .. i heart you . hahahahahaha Tawanan yung mga gago , hala Nahihiya na talaga ako , kainis bakit ganito tong mga to T___T
Hindi pa pala tapos … lalo kong kianaGulat yung sumunod .. Whahahahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ! picture namin nung nag-iistar gazing .. magkatabi kami nakaupo habang nakatingala sa langit .. Tapos nilagyan nila ng animation may mga bulalakaw daw na ang head ay puso tapos nag land sa pwesto namin at umulan na ng puso .. hahahahah kainis ! Bakit kami lang lagi. Hindi naman kita kami sa picture , dahil madilim pero alam ko na kami yun. Kung napicturan niya kami sa ganung posisiyun hindi kaya ? nakita niya rin kaming …………… haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ! inis ! sino ba kumuha ng picture na yan at ng mapatay .. gusto ko na sana yung isigaw pero magmumukhang guilty at tanga pag ginagwa ko yun . T___T
Naiinis na ako !
At hindi pa pala yun tapos , meron pa palang isa .. Gusto ko ng sumabog sa hiya ng makita ko yung huli .. Picture namin tulog sa ilalim ng puno habang puno ng nutella chocolate sa mukha Wahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa pati ba naman yun napicturan niLa. inis ! inis ! tapos yung description pa ..
“ Yan ang tunay na sweet .. hindi lang pala pangtinapay ang nutella pang mukha rin pala pag naglalambingan .. Ang sweet nila nakaka’nuteLLOVE “
At yan lang po .. THANKS FOR WATCHING ‘ CAMPER’Z ^___^
Hooooooooooooooooooooooooooooo !
Tapos sigawan ..
Tapos palakpakan ..
Tapos tuksuhan ..
===
Haha kabadtrip , tinutukso nanaman kami, buti itong ganny na ito pangiti-ngiti lang pero ako nakalukob talaga ako sa pagkaka-upo .. naiinis ako ! ..
Host # 1 : What a wonderful video .. basta ako ang bet kong paartt yung Last ! ang sweet nga niLa .. nakakaNUteLLoVE … ( Kilig-kilig na sabi nung bakla)
Host # 2 : Ay lalo ako partner ang cute nung daLawa .. nakasama palang natin sILa kanina .. Almzzzzzzzzzzzzz na guy’s ..
Host # 1 : Anong alamzzzzzz na partner ?
Host # 2 : Eh di alam na natin na ganun nga nila kaLove ang isat-isa Bilang PARTNER .. hahahaha
Hindi pa rin talaga ako umaalis sa pagkalukod ko, haaaaaaaaaaaaa ! naiinis ako at nahihiya, Pero parang natutuwa rin ako deep inside .. Ay ewan di ko alam !
Host # 1 : Bago nga pala tayo matutuLog .. pinasasabi po ng ating mahal na head coordinator bukas alas siyete daw dapat .. ayus na ang lahat pati yung tent kaylangan ayus na at ang paligid niyo dapat malinis ! getshing guy’s !
“ Opo ! “ – sigaw ng marami.
Host # 2 : Oh sige Good night sa lahat at Sweet dreams ! lalo na dun sa dalawa…
Ahiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii .. naringig kong sabay sabay na sigaw nung iba. Ewan ko sa kanila kainis ! kainis ! kainis ! .. tapos ayun nag-alisan na sila .. at mga camper’s pabalik sa kanya kanya tent. pero nagpaiwan pa ako at ramdam ko rin na nasa tabi ko pa si Ganny. Tumayo na nga ako at niyaya ko na siya papunta sa tent.
Pagkapasok namin sa tent agad ako naupo at tinanong ko siya .. “ Sino kayang kumuha ng mga picture ? “, nakasimangot kong tanong sa kanya. “ Di ko rin alam eh … okay lang yun cute nga eh “, siya sabay nakangiti .. “ cute ka diyan hhmmmmmmmmp ! ", ako. “ Don’t worry aalamin ko kung sino .. natatakot ka ba ? “, tanong niya. Tumango ako sa kanya. Tapos niyakap niya ako sabay bulong sa akin … “ Wag ka mag-alala ako bahaLa .. walang mangyayari masama “, sabi niya sa akin .. Iniba nalang niya ang topic ng usapan para daw di ko na isipin yung mga yun .. nagpatawa nalang siya at kumanta sa loob ng tent. Inayos na namin mga gamit para bukas tent nalang aayusin namin .. at isang oras pa kaming nagkwentuhan tungkoL sa Cartoons at kung ano-ano .. at pagloon sabay na kaming dinalaw ng antok.
Basta sabi niya sakin, wag ko nalang daw seryosohin yung video. Wala naman daw yun kahulugan, just For Fun lang daw. " Di naman nila alam ang kwento sa bawat Picture ehh, kaya wala ka dapat ikatakot", Nagpatatag yun sa akin at sa isip ko. Wag nalang magpa-apekto.
---------------------------------------
Kina-umagahan @ 7:00 am . . .
Nakaligo na ang lahat at handa na para lisanin ang lugar. Ayus na ang lahat ng tent at bumalik na sa dating malawak na damuhan ang paligid. Lahat handa na pati na rin kami ni Ganny .. nakaready na kami , Nag-umpisa na nga maglakad ang lahat. Sabi ni Ganny magpahuli nalang daw kami para hindi masyado ..magulo at yun yung nasunod , nagpahuli kami. Naglalakad na kami ng nakita ko sila kuya Gio na naglalakad mula sa aming likuran “ Kuya gio ! “, sigaw ko. Lumingon naman sila at hinintay kami .. “ Oh dennis kaw pala “, si kuya baste. “ Ahhhh kuya gio .. kuya baste si ganny nga pala camp partner ko “, pakilala ko sa kanila kay ganny. “ Ah’ hi ganny .. “, si kuya Gio .. “ Nice to meet you Ganny “, si kuya Baste. “ Ah hellow din baste at Gio .. kinagagalak kong makilala kayo “, pagsagot ni ganny. “ Sabay na kami sa inyo ha … “, sabi ko kIna kuya Gio. “ Oo ba .. “ si kuya baste. Sumabay nga kami sa kanila … papunta sa baba. may mga naiwan naman sa camp site yung yung ibang coordinator na mag-aayos at maglilinis.
Alas otso na ng nakarating kami sa may Highway .. “ Ah ganny sa bus nalang ako sasakay .. pwede ? “, tanong ko dito .. “ Wag na hatid na kita .. wag ng aangaL ah ! “, sabi niya sa akin sabay akbay .. “ Oh paano ba yan dennis punta na kami sa bus .. “, sabi ni kuya Gio. “ Ah ingat po . . . “, yun nalang nasabi ko .. Tinignan ko sila papalayo at nakita ko silang tumalikod at humarap sa amin at ng babye sila sa amin .. nakasalamin na nun si kuya baste. Basta nakangiti silang dalawa sa amin habang malapit sa bus at nagwawagayway ng kanilang kamay
byeeeeeeeee byeeeeeeeeeeeeeeeee ! malayo man pero alam kong yun ang nais nilang sabihin. ^_____^
Nakakalungkot naman .. tapos na pala yung 5 days ng camping .. nakakamiss din mamuhay sa bundok .. “ Tara na ..” si Ganny sabay lakad na papunta sa Sasakyan nila. Tinawagan niya kasi si kuya JoeL para sunduin kami. Tinulungan na nga ako ni Ganny na isakay yung mabibigat kong bag na halos puro labahan ang laman hehehehe. Tapos dun ulit kami sa likuran pumwesto .. “ San ka pala nakatira ? “, tanong niya .. “ Ah sa United Paranaque Subdivision 2 “ ..sagot ko .. “ Kuya Joel dadan muna tayo sa United Paranaque Subdivision 2 , hatid natin dennis duon sa bahay nila “, sabi niya kay kuya joel .. “ Ah sige boss “, sagot ni kuya JoeL. Nauna na kami umalis sa mga bus .. At dahiL maagang nagising hindi ko maiiwasang .. dalawin ulit ng Antok . . .
(Z__z] zzZZZZZZZZZZZZZZZZZ …
“ Dennis ? “ .. nagising nga ako sa yugyug sa akin ni Ganny. “ Ah nandito na tayo ? .. pero di namin alam kung saan bahay mo kaya ginising kita “, nakangiti niyang sabi sa akin. Yun ngiting yun nakakbuhay laLo na pag bagong gising ka .. Nginitian ko rin siya . “ Ah ganun ba .. “, sagot ko sa kanila. Nasa gate na nga kami ng Subdivision .. itinuro ko nga sa kanila yung bahay at agad naman namin natumbok … “ Ayan .. dito lang po kuya Joel “, sabi ko kay kuya JoeL. itinigil na nga ni Kuya JoeL yung sasakyan at bumaba na ako .. Tinulungan na rin ako ni Ganny ibaba yung GamiT .. Pag katapos tumaas ulit na siya .. “ Ingat ka ah .. kitaKitz nalang sa SchOOl”, nakangiti niyang sabi. Ngumiti nalang ako sa kanya. Bago niya sinara yung bintana nakita ko yung pagkindat at flying kiss na ginawa niya para sa akin .. napangiti ako, tumingin ako sa paligid at nakita ko na wala naman tao .. Gumanti ako sa kanya nagflying kiss din ako sa kanya. At ayun na nga nagpaa-alam na kami sa isat isa .. Hangang umandar na ang sasakya niLa Papalayo sa aking mga mata ..
Alam kong may pagbabagong magaganap pagbalik eswkwela ko dahiL sa video na yun , siguro positive reaction at yung iba negative naman. Sa akin naman nakahanda na ako wag magpa-apekto at maging malakas …