SIMULA
Samara
Lumanghap ako ng maraming hangin sa abot ng aking makakaya ng sa ganun may sapat na lakas ulit ako para makaramdam ng ganitong klaseng sarap. Shet. Hindi ako makapinawala na sa isang iglap, bibigay ako sa kanya.
Binigyan ko siya ng sapat na espasyo para makagalaw ng maayos habang nakaluhod sa aking gitna. Napatingin ako sa kanya ng ibangon ko ang aking ulo. He is masculine. His biceps is so damn hard habang nasa ere ang parehas niyang mga kamay para hubarin ang suot niyang damit. Napalunok ako ng dumapo sa kanyang tiyan ang aking paningin pero sa halip na may malunok akong laway, kabaliktaran ang nangyari. Wala akong malunok dahil kusang nanuyo ang lalamunan ko ng makita ang abs niyang namumutok. Shet, ang sarap magkape kahit sobrang binabanas pa ako ngayon.
Hinawakan niya ang magkabila kong tuhod saka inilapit sa aking gitna ang kahandaan niya. Napamura ako ng lihim bago ibinigasak sa kutson ang ulo ko.
“James….” halos wala ng lumabas sa aking bibig ng tawagin ko siya.
“Shh… Better not to move too much, Samara. Instead, breathe in and breathe out while feeling my entrance into you. It will hurt you at ngayon pa lang, hihingi na ako ang pasensya–”
“Handa naman na ako, James kaya ipasok mo na…” Paos kong sabi sa kanya.
Nagmura siya ng mariin bago idinikit sa aking b****a ang kanyang pagkalalakī. Nag ipon ako ng hangin sa aking dibdib.
“I will enter now…” Abiso niya kaya mas lalo akong nag-ipon ng hangin. I feel his hardness entering my entrance. Masakit at parang may napupunit na balat sa aking gitna kaya nailabas ko lahat ng hangin na inipon ko. Patuloy siya sa pagpasok habang hawak-hawak ang mga tuhod ko. Nakagat ko ang ibabang labi habang iniinda ang sakit–
“Hi baby, I'm Jungkook.” naimulat ko bigla ang mga mata ko ng marinig ang unang litanya ng ringtone ng alarm ko!
Napabangon ako at nagmura habang isa-isa kong tinitingnan ang katawan ko na nasa ilalim pa ng kumot. Nanaginip na naman ako? Sinapo ko ang noo ko gamit ang dalawa kong kamay. Pagkatapos, ilang beses kong sinabunutan ang aking sarili habang iniisip ang nakakakilabot na panaginip ko. Kung bakit ba kasi yung James na yun ang laging napapanaginipan ko at bakit hindi si Jungkook!
Pinatay ko ang alarm ng aking cellphone ng tumunog ulit iyon. Alas siete na pala ng gabi at napasarap ang tulog ko kaya pala kung saan-saan na naman ako nakakaabot. Sa banyo agad ang tungo ko pagkatayo ko. Naligo ako ng mabilis. Tuwing gabi ako naliligo ngayon dahil kapag sa umaga pa bago pumasok ng trabaho, baka tanghaliin ako at ma-late sa trabaho dahil nilalamig pa na maligo. Sobrang lamig ngayon ng klima dito sa Lemery kaya sa gabi ako naliligo.
Habang naka-upo ako sa gilid ng kama at sinusuklay ang aking buhok, hindi ko na naman maiwasan na pakaisipin ang panaginip ko kanina. Kung iisipin ko ng mabuti, hindi lang isang beses kong napapanaginipan yung James na yun. Hindi ko alam kung bakit siya palagi ang laman ng kaisipan ko tuwing natutulog ako. Hindi ko naman siya gusto pero….aminado naman ako na una ko siyang makita kasama ni Akiro, kumabog agad ang dibdib ko. Ewan ko ba, pero parang nag heart-heart agad ang mga mata ko ng mag tama ang paningin namin nung time na nakita ko siya. Alam ko hindi ito normal dahil sa ibang lalaki hindi naman ganun ang reaksyon ko pero pagdating sa kanya, bakit parang attracted agad ako?
Guwapo siya… Matso at may dating. Medyo seryoso nga lang sa buhay at parang pasan lahat ng problema sa buong mundo. Hindi siya marunong tumawa. Napaka-suplado niya. Dumagdag pa sa awra niya ang pagiging misteryoso. Palagi siyang hithit buga ng sigarilyo sa tuwing nakikita ko siya kina Akiro at kung bibilangin ko siguro ang bawat yosi niya, baka hindi lang isang kaha ang nauubos niya araw-araw. Para siyang badboy kung titingnan lalo na kapag hindi niya tinatakpan ng bandana ang tattoo niya sa leeg. Sinasakal iyon ng dalawang kamay na skeleton at may mga kandila sa ilalim ng bawat mga daliri.
Naalala ko tuloy ang lalaking sinakal ko noong prom night namin na naging dahilan ng pakikipag-basag ulo ni Akiro.
Hindi ko namamalayan na patuyo na pala ang buhok ko. Kung hindi pa dumampi sa mukha ko hindi pa ako titigil kakasuklay. Napabuntong-hininga ako matapos itakwil ang mga naiisip tungkol kay James bago inabot ang cellphone ko dahil tumunog ang caller ringtone.
Humaba ang nguso ko ng makita na si Akiro ang tumatawag. Tamad kong pinindot ang green button saka pinindot ang loudspeaker.
“Where are you?” aniya na mas lalong ikinahaba ng nguso ko. May iuutos na naman ito!
“Boarding house malamang!”
“Huwag ako Samara. Nasa labas ako at nakikita kong patay ang ilaw sa kwarto mo. Nasaan ka nga?”
Kumunot ang noo ko. Oo nga at patay ang mga ilaw dito sa kwarto ko dahil ayaw ko talaga ng maliwanag!
“Nagtitipid ako, bakit ba kasi? Ano na naman ba ang iuutos mo sa akin at nandiyan ka na naman sa labas?” Angil ko kay Akiro.
Trip niya ako lagi na yamutin at pagdiskitahan. Ewan ko ba sa lalaking ‘yon, hindi marunong gumalang sa tiyahin. Siya nga dapat ang pinagdidiskitahan ko dahil pamangkin ko siya pero kabaliktaran ang sitwasyon namin. Ogag!
“Can you please get out and come here outside? Malamok dito sa labas kung alam mo lang, Sam.” Reklamo niya na ikinainis ko.
Imbes na magpapahinga na ako dahil sinusulit ko ang day off ko. Stk. Kung bakit ba kasi nandito pa rin hanggang ngayon sa lugar na’to ang lalaking ‘to!
Pinatay ko na ang tawag ni Akiro at pabalang na hinagis ang cellphone ko sa kama. Hindi na ako nag-abala pang mag palit ng pajama para may dahilan ako na hindi niya mautusan. Nakasuot ako ng terno na silk spaghetti at short. Kulay pula ito at may ruffles ang hem ng short.
“Konteng-konte na lang talaga Kiro at maiisumbong na kita kay Ate Kylie. Akala mo hindi ko gagawin ‘yon!?” reklamo ko habang nagmamartsa palabas ng kwarto ko.
Natanaw ko agad ang kotse ni Akiro ng makalabas ako ng kwarto. Nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse habang nagyoyosi. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sunod-sunod talaga ang pag hithit niya ng sigarilyo. Daig niya pa ang mauubusan.
“Bakit ba? Nagpapahinga na yung tao istorbuhin pa…” reklamo ang bungad ko sa kanya. Tinapon niya ang sigarilyo at saka tinapakan para mawala ang sindi.
“Bakit hindi ka nagpalit?” Aniya habang tinitingnan ang suot ko. Niyuko ko rin ang suot ko bago ko siya tingnan pabalik.
“Matutulog na ako ng tumawag ka. At staka hindi mo naman sinasabi na may pupuntahan pala tayo. Lumabas ako dahil sinabi mo, okay?”
Tumiltik siya at problemadong nagkamot sa ulo. “Hayaan mo na. Sakay ka–”
“Teka lang! Saan ba tayo pupunta? Maaga ang pasok ko bukas, Kiro…”
Natigilan siya. Inangat niya ang kaliwang palapulsuhan para silipin ang oras sa suot na relo. “Maaga pa at ihahatid rin kita bukas just incase–”
“Eh saan ba kasi tayo pupunta?”
Tamad niyang binuksan ang pintuan ng fronseat. “Sa bar. Lasing na lasing si James at hindi maawat ng barkada para umuwi.” aniya.
Anong ibig niyang sabihin? Ano gagawin ko dun? Pati ba yun po-problemahin ko?
Lito akong namaywang at hindi muna pumasok sa nakabukas na pintuan. “Ano ang magiging ambag ko dun eh problema niyong magkakabarkada ‘yon! Hindi ako sasama–”
“Damn. I'll pay you just to convince him that you are his girlfriend. Lasing na lasing lang yun kaya nag i-imagine na may girlfriend siya at yun ang gusto niyang sumundo sa kanya. Wala kang ibang gagawin kundi kumbinsihin lang si James na ikaw ang girlfriend niya hanggang sa makaalis siya ng bar.” Paliwanag ni Akiro.
Naglapat ang mga labi ko dahil sa mga sinabi niya pero aaminin ko na kinilig ako. Aba, sino ang hindi kikiligin kung sa dinami-dami ng mga babae na naroon sa bar na pwedeng bayaran ni Akiro eh ako pa talaga ang naisipan niyang puntahan dito at bayaran. Sayang din ang ibabayad ng lalaking ‘to. Pambayad ko na yun sa inuupahan ko.
Hindi na ako nagreklamo. Wala naman ako lusot sa lalaking ‘to staka papauwiin lang din naman si James. Siguro sa sobrang kalasingan hindi na nila maawat. Feeling ko hindi naman yun nagwawala sa bar. May tinatagong kapilyuhan rin pala ang lalaking ‘yon. Kapag hindi nakaka-inom akala mo kung sinong supladong nilalang na walang balak makipag-usap sa mga tao pero kapag naka-inom isa ring marupok at makulit.
Pinasuot sa akin ni Akiro ang hoodie niya dahil masyadong revealing ang pang-itaas ko. Kahit nagpaparada pa lang si Akiro ng kanyang kotse, kitang-kita ko na napaka-crowded na kahit sa labas pa lang. Ano pa kaya kapag nasa loob na kami.
Sumusunod lang ako kay Akiro hanggang sa makarating kami sa table na inuukupahan nila. Kanya-kanyang tingin sa akin ang mga nasa kabilang lamesa kahit ang mga barkada ni Akiro. Kilala ko ang iba sa kanila kaya binati nila ako. Medyo mga lasing na rin kaya halos lahat ay wala na sa wisyo. Sa isang tabi ng single na sofa, nakita ko si James na lasing na lasing at walang malay. Pagmamay-ari niya ang inuupuan niya ngayon dahil kahit ako yata ay hindi makakatabi ng pag-upo dahil sa mga hita niyang bukang-buka. Sumagi bigla sa aking isipan ang napanaginipan ko! Bigay na bigay ang ulo niya habang nakasandal sa headrest ng sofa habang ang mga kamay ay nakapatong lang sa magkabilang armrest ng inuupuan.
Feeling ko wala na talaga siyang malay dahil sobrang ingay dito sa loob ng bar gawa ng sound at hiyawan ng mga tao pero hindi man lang siya naririndi. May ilang babae ang panaka-naka siyang tinitingnan at merong isa na nilapitan siya para gisingin. Umiling-iling ang mga kaibigan nila ng makitang nabigo sa ginawa ang isang babae.
“Wake him up ng maka-alis na tayo dito.” Utos sa akin ni Akiro ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at dalhin sa harapan ni James.
Kinagat ko ang ibabang labi dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Paano ko kaya siya magigising. Malaking lalaki si James at hindi sapat ang yugyug ko para magising siya. Mabuti na lang at tumayo na ang tatlong kaibigan nila dahil tinawag na sila ni Akiro. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ng sobrang lapit si James. Naamoy ko ang ininum niyang alak. Humahalo rin ang amoy ng sigarilyo sa bawat hangin na lumalabas sa kanyang ilong.
First time ko siya na malapitan ng ganito ka lapit at aaminin ko na nakaka-starstruck ang hitsura niya. Ang tangos ng kanyang ilong habang ang kanyang mga labi ay mapupula. Parang hindi man lang halatado na matakaw siyang manigarilyo. Makakapal ang hibla ng kanyang mga pilik at ganun din ang kanyang mga kilay. May hikaw ang isa niyang tenga at bumagay pa sa hitsura niya ang tattoo sa kanyang leeg.
Gumalaw siya ng maramdaman niya na hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Bahagyang nagmulat ang kanyang mga mata kaya napa-atras ako. Kinabahan ako bigla.
“James…. Umuwi na tayo…” Mahina kong sabi sa kanya habang marahan ko siyang tinatapik sa kanyang balikat. Umungol siya at naimulat na ng tuluyan ang kanyang mga mata. Nataranta ako bigla. Ilang sandali niya akong tinitigan hanggang sa ngumisi siya. Nakita ko ang mga ngipin niyang pantay-pantay at mapuputi. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. Shet. Ang gwapo niya talaga!
“You’re here…” namamaos niyang sabi bago ibinangon ang ulo. Kabado akong tumawa bago tumango-tumango.
“Oo… Tumayo ka na, uuwi na tayo,” halos pabulong kong utos sa kanya habang inaalalayan siya na makatayo. Hindi siya nag protesta at nagpatangay sa akin. Hindi ko siya kaya dahil malaki siyang lalaki pero dahil nakakaya pa naman niya ang kanyang sarili kaya nagtagumpay siya na makatayo. Pinulupot ko sa kanyang braso ang dalawa kong kamay dahil kung isa lang baka matangay niya ako kung sakali na gumewang siya. Nadipina pa ako ng basta niya ako akbayan at hilahin palapit sa kanya. Nagwala na ng tuluyan ang mga maliliit na kabayo sa aking loob dahil sa ginawa niya.
“Nice one, Sam!” Ani Ale ng nasa tapat na nila kami ni James. Tumigil si James sa paglalakad at masakit na tinapunan ng tingin ang tatlong kaibigan kabilang na si Akiro na nakangisi. Humigpit ang pag-akbay sa'kin ni James.
“She’s mine. Don't call her name again.” Aniya at naglakad ulit. Narinig kong nag tawanan sina Ale pero si Akiro hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagsapo sa kanyang noo na para bang problemadong-problemado sa sinabi ni James.