Samara Halos magkasabay na kumunot ang noo ni Akiro at James ng bumungad ako sa harapan nila. Pareho silang nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan habang may kung anong pinag-aabalahan na panoorin sa cellphone na nakapatong lang din sa papag. “Bakit parang nakakita kayo ng totoong diwata?” natatawa kong bungad sa kanila ng hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nila. Ngumisi ako na parang natutuwa sa aking sarili. Mas lalong kumunot ang noo ni Akiro samantala si James, nag-iba ang reaksyon dahil magkasalubong na ngayon ang kanyang mga kilay. “Kumain ka na do’n. Nagsaing si James at may dinala naman akong pang-ulam galing sa mansyon–” “Sabay-sabay na tayong tatlo,” putol ko kay Akiro. Pareho silang hindi sumagot. Nagtaka ako kaya mas inilapit ko pa ang sarili ko kaso biglang tumayo si Akir

