Samara Bandang hapon ng yayain ko si James papunta sa labasan para bumili ng mga kulang sa bahay. Kaunti na lang ang mga karne at isda na nasa reef at nakakahiya naman kung siya na ulit ang bibili. Naisipan kong bumili na rin ng mga gulay at iba pang mga rekados. Kapag bigas hindi namin problema dahil may malapit na pagilingan dito sa amin. Matami kaming palay at sa tuwing mauubusan na kami ng bigas, nagpapagiling lang kami. “Maglakad-lakad na lang tayo…” agap ko sa kanya ng akma niyang buksan ang pintuan ng kanyang kotse. Natigilan siya saka tiningnan ang mga tao sa paligid. Ginaya ko ang ginawa niya. Marami pang mga tao ang nasa labas ng kani-kanilang bahay. Yung ibang bata, naglalaro sa daan at yung iba naman ay kanya-kanyang linis sa paligid. May ilang tambay rin ang naro'n sa la

