DAZSHER PoV "HARROLD...." gulat na gulat na napalingon si Xindy at kaagad na napatayo nang mapagsino ang lalaking prenteng nakasandig sa entrada ng venue. Naguunahang namalisbis ang luha sa mga mata niya habang tulalang nakatingin sa lalake. "You're here..." mahinang bulong pa niya. Napatingin ako sa paligid. Nagsimula nang magsitayuan ang mga bisita at maging ang parents ko pati na si Mr. Morillo. Nagsilabasan na rin ng mga armas ang mga tauhan ng bawat panig. Dahil sa sinabing iyon ni Harold ay naging alerto ang mga ito. Lahat ay pawang nakatingin kay Harrold habang nakangising naglalakad patungo sa kinaroroonan namin ni Xindy. Galing rin sa mayaman at maimpluwensyang tao itong si Harrold at kilala sa pamantayan ng abogasya. Kaya naman, wala itong takot na sumuong sa lugar na ito pa

