CHAPTER 18- Really Hard

2986 Words
"TELL me honestly, Dazsher.. M-May namagitan ba sa inyo ni Xindy?" Tila bumibikig ang lalamunan ko sa sarili kong tanong. Gulong-gulo na ang isip ko sa sunod-sunod na nangyayari at sa mga nalalaman ko. Tapos heto nadagdagan na naman! Hindi na matapos-tapos ang mga rebelasyon tungkol sa kanila! Isang araw lang ay parang bomba na bigla na lang sumabog ang lahat! Dahil sa ugnayan nila ni Xindy ay para akong nauupos na kandila ngayon. Nakakapanghina! Pakiramdam ko ay talo na ako kahit hindi pa man niya inaamin. Na baka nga siya ang ama ng dinadala ni Xindy! Oo, rinig ko kaninang may binanggit siyang ibang pangalan ng lalaki, na sinabi niyang ito ang ama ng pinagbubuntis ni Xindy pero paano naman siya nakasisiguro na iyon nga? May proof siya? Bakit hindi pa niya sinabi sa mismong harapan ng babaeng 'yon?! Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Iyan rin ba ang pinaka-totoong rason kung bakit ganon na lamang ang galit ng magulang niya sa kanya? Na halos patayin na siya dahil sa pagtanggi niya sa pinagbubuntis ni Xindy? Iyon din ba ang rason kung bakit sila ipinagkasundong ipakasal? Napabuntong hininga ako ng malalim saka napahawak sa nananakit ko na namang sintido. "Magsalita ka, Dazsher! Please! May nangyari na ba sa inyo?" Napapailing ito habang nakayuko. "Amirah.. I.. I-I was d-drunk that time..." namumula ang mukha niya nang umangat siya ng tingin sa akin habang nananatili akong nakatayo sa harapan niya. Parang muli akong binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at ilang segundo akong hindi makahinga. Biglang nag-unahang lumandas ang masaganang luha sa mga mata ko. Napatayo siya para hawakan ang mga kamay ko pero napaatras ako. Nanlumo siya. "Babe.. hindi ko ginusto 'yon! Maniwala ka sa 'kin. May ibang lalaki sa buhay niya at iyon ang ama ng pinagbubuntis niya, I had a proof. Babe naman.. Please, 'wag kang umiyak." Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at muling tumingin sa kanya. "Then, show me the proof! Do you have a picture or a video footage of them making that child? Huh? Show me!" "I saw them fvcking, Amirah! Please.." "And you we're also fvcked that b***h!" Pilit niyang inaabot ang mga kamay ko pero patuloy ko din itong tinatabig. "Babe.. please, believe me." "How can you be so sure that he is the father of Xindy's child, huh? After you admitted that you we're also had an affair with her? You think, it's that easy to understand? Sa tingin mo, maniniwala ako kaagad?" Hindi siya makasagot. Matalim ang mga titig kong nakatitig sa kanya habang hinahayaang dumaloy ang patuloy na pagbagsak ng luha sa aking pisngi. "Babe..." Muli siyang lumapit sa akin para yakapin ako pero tinabig ko ang mga kamay niya. Pilit niya akong ikinukulong sa mga bisig niya pero dahil sa hindi pa siya gaanong malakas ay napaupo siya ulit sa sofa nang maitulak ko siya ng buong pwersa. Muli siyang napayuko at sinabunutan ang sariling buhok. Hindi matanggap ng sistema ko na may nauna na siyang naikama! I really thought it is only me! Oo, lalaki siya at normal iyon sa mga lalaki. Pero di ko talaga matanggap! Tapos mabubuntis pa niya? Aaaahhhhhh!!! Tumalikod na ako sa kanya at dali-dali akong pumunta ng kanyang kwarto para kunin ang purse at cellphone ko. Ramdam kong nakasunod siya sa akin pero inignora ko. Nang makuha na ang sadya ko ay muli akong umikot para lumabas pero nahagip niya ako. Mabilis niya akong ikinulong sa mga braso niya. Niyakap niya ako mula sa likuran ko. "Not again, babe... Please.. I'm sorry.. Babe, please don't leave me. I love you... Believe me, please.." yumuyugyog ang balikat niya. I know he's crying, again. "Babe, I love you.." But I'm a cold one, specially when I'm mad. Nagpumiglas ako sa kanya. Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa beywang ko. Mahina pa siya kaya agad akong nakabitaw sa pagkakayapos niya. "Give me some space for now, Dazsher. This time, I really really need some fresh air to breath. I am suffocating! I'll go ahead..." pagkasabi no'n ay agad ko na siyang tinalikuran. Dali-dali akong lumabas ng kanyang unit at halos takbuhin ko na patungong elevator. Hinabol pa niya ako hanggang sa labas ng kanyang unit pero hindi niya na ako nasundan. Rinig ko pa ang boses niya habang tinatawag ang pangalan ko. Pero hindi ko na siya nilingon. Wala ako sa sarili habang papasok ng elevator. Nakasalubong ko pa ang isang food delivery na mataman akong tinitigan bago ako nilampasan. Sa loob ay pinagtitinginan rin ako ng mga kasabay ko dahil siguro sa hitsura ko. But I ignored them. Taas noo akong lumabas ng elevator at walang lingon-likod na lumabas ng building. Kaagad na akong pumara ng taxi dahil wala dito ang sasakyan ko. Babalik ako sa hotel na tinutuluyan ko. I really want to be alone right now. Nang makarating sa room ko ay mabilis kong ibinalibag ang sarili ko sa kama. Isinubsob ko sa unan ang aking mukha. Doon na ako umiyak ng umiyak. Ghad! Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal. Pilit na sumisiksik sa utak ko ang mga nangyayari. Paano kung totoong si Dazsher ang ama ng pinagbubuntis ni Xindy? Kakayanin ko ba iyon? Matutuloy ang kasal nila kung gano'n? Paano ako? Paano kapag nabuntis din ako? Heto talaga ang mga kahinaan ko. Being betrayed by love ones. Ang sakit! Bakit ba hindi na matapos-tapos ang mga rebelasyon na 'to? May darating pa ba? Meron pa ba? Tumunog ang phone ko. Hindi ko iyon pinansin. Nang paulit-ulit itong tumunog ay galit na galit akong bumangon at kinuha ito sa loob ng purse ko. It was Dazsher. Hindi ko ito sinagot. But, namataan ko na may ibang number ang nag-missed call sa akin. Sino na naman kaya ito? May new messages si Dazsher doon. Ayoko sanang buksan pero may bahagi sa utak ko at inuudyukan akong basahin iyon. And so, I open it. It was 5 minutes ago. From: Dazsher James "Babe?! Where are you? Please come back here! You're not safe there in your unit! Leave that place now!" Shocks! I forgot! Nagbanta nga pala sa akin ang Daddy ni Dazsher. Mas lalong magagalit iyon sa ginawa namin kay Xindy. Binasa ko ang newest message niya. From: Dazsher James "Amirah! Dad told me he's after you! Nakita ka niyang lumabas sa building ng condo ko! Please umalis ka na diyan! Baka di na ako umabot!" Napamura ako! Di na ako nagaksaya pa nang oras kaya lumabas na ako ng room ko na tanging cellphone at purse lang ang dala. Malapit na ako sa lobby nang matanaw ko ang isang grupo ng mga lalaki na papasok sa entrance ng hotel. s**t! Kaagad akong tumalikod at kumaripas na ng takbo. Hindi ko na alintana pa ang taas ng heels na suot ko. Sa likod ako dadaan! Maraming napapalingon sa akin sa hallway nang madaanan ko ang mga ito palabas ng exit ng hotel. Hindi ko na lamang pinansin. Mahalaga sa akin ngayon ay ang makatakas! Psh! Pagkalabas sa exit ay dumeretso ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko na ipinakuha ko pa sa mansyon ngunit nakita kong may dalawang lalaking nakatayo roon! Shocks! Damn it! Muli akong lumiko at naghanap ng maaaring lusutan. May natatanaw akong eskinita kaya doon ako tumungo. Madilim ngunit sa tulong ng buwan ay naaaninag ko ang daanan. Nasa highway na ako nang makalabas. Ilang minuto akong nakatayo roon para pumara ng taxi na masasakyan subalit laking takot ko nang may rumaragasang kotseng huminto sa harapan ko. Naisip kong isa ito sa mga tauhan ni Mr. Del Rious kaya sinubukan kong muling tumakbo ngunit agad bumukas ang pinto ng sasakyan at may bigla na lamang humablot ng braso ko. Nagpupumiglas ako ngunit nahinto ako nang mamukhaan ito pagkaharap ko. "Babe, it's me! Get in! Come on, hurry up!" Kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa kotse nito dahil sa takot na masundan ako ng mga naghahanap sa akin. Mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan. Anlakas pa ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba kaya halos hindi ako makahinga. Doon na ako napaiyak. Napasubsob ako sa sarili kong mga kamay. "Hush, babe.. Take a deep breath. You're safe now." Pagpapakalma sa akin ni Dazsher. Umangat ako ng tingin sa kanya subalit tutok siya sa pagmamaneho. Saglit siyang mapalingon sa akin. "You think I'm safe, huh? I am not! I'm in a danger! You promised to protect me.. but, you only did is to hurt me, Dazsher! Bakit ba kasi ipinasok mo ako sa gulong ito? Pakasalan mo na lang si Xindy nang matapos na 'to! Atleast.. may magiging anak na kayo! So, please! 'Wag mo nang dagdagan pa ang mga dalahin ko! Madami pa akong alalahanin! Ang mommy ko, si Althea, si Dad at mga magulang mo! Ikaw na lang ang inaasahan kong magiging karamay ko pero sinasaktan mo lang ako! Ano pa ba ang itinatago niyo sa 'kin, huh? Ano pa?" mahaba kong pahayag habang panay tulo ang mga luha. Ngunit, tiim ang mga bagang ni Dazsher habang tutok sa pagmamaneho. Lumalabas ang mga ugat nito sa kamay at braso sa higpit ng pagkakahawak sa manibela. "Ideretso mo na ako sa mansyon ngayon, Dazsher!" sabi ko saka humalukipkip sa upuan at kinalma ang sarili. Gusto ko siyang hampasin o saktan pero hindi ko magawa kahit nangangati na ang mga kamay kong gawin iyon. Napahampas ito sa manibela. "Amirah! Babe.. you know I can't let you go. I love you! Please.. please.. don't push me to do some stupid things that I'm going to regret at the end. Babe, there is a DNA test! Malalaman natin kung sino ba talaga ang ama no'n.. And, I assure you.. It was'nt me! Believe me, babe.. sagot niya habang mabilis na inililiko sa kanang bahagi ng kalsada ang sasakyan niya. Malapit na kami sa mansyon. "Anong gagawin sa akin ng Daddy mo, ha? Ipapabugbog din? Di ba siya natatakot sa ganti ng pamilya ko? Ngayon lang nangyari sa akin'to! Ang gulo-gulo na ng buhay ko!" Bigla kong naramdaman ang hapdi ng paa ko. Sa kakatakbo ko yata kanina ay nagkasugat-sugat na ang paa ko. Ginagap niya ang isang kamay ko at dinala niya ito sa mga labi niya saka hinagkan. Napapikit ako sa ginawa niya pero agad kong binawi ang kamay. "Babe.. I'm sorry for what he did. Tinatakot ka lang niya, Gusto niya lang na lumayo ka sa 'kin. Gusto niyang ipaako sa akin ang dinadala ni Xindy. Babe.. Hindi ko gagawin 'yon! Hindi ako magpapakasal do'n kahot anong mangyari! Amirah.. Babe, ikaw ang mahal ko.." Napasabunot ako sa sarili kong buhok. "Hindi ko na alam! Hindi ko alam, Dazsher! Masyadong magulo! Ang gulo-gulo na! Ang alam ko lang na naging kasalanan ko ay 'yong suklian 'yang pagmamahal mo! Pero, bakit naman ganito??" Nasa tapat na kami ng mansyon. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Dazsher. Kaagad na akong bumaba at tumungo sa malaking gate at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Hinigit ni Dazsher ang isang braso ko at iniharap ako sa kanya. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. Mataman niya akong tinitigan subalit agad kong iniwas ang paningin sa kanya. "Babe.. mahal kita.. Mahal mo rin ako, di ba? Magkasama nating haharapin ang lahat ng ito.. Please, huwag mo akong talikuran.. Huwag mo akong iiwan.. Please, 'wag mo 'kong isusuko. Babe.. Huwag mong gawin 'to. Ayusin natin 'to, please.. I love you, babe.." Parang tinutusok ang dibdib ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing hindi ko rin kakayaning mawala siya sa 'kin pero ang bigat-bigat na ng loob ko. Gusto ko munang mapagisa.. Hindi ko na siya sinagot pa nang marinig kong bumukas ang gate. Hinawi ko ang mga kamay niya at agad na tumalikod sa kanya. Dali-dali na akong pumasok sa loob. Nakatingin sa amin ang dalawang maskuladong guard na nakabantay doon na siya ring nagbukas ng gate. Nakilala agad ako ng mga ito. Nagsipagyuko ang mga ito sa akin bilang pagbati pagkalapit ko sa kanila. Kahit masama ang loob ko ay nagawa ko pa ring lingunin si Dazsher na ngayo'y nai-estatwa sa kanyang kinatatayuan. Nakayuko at nakapatong ang magkasalikop na kamay sa kanyang ulo. Hindi ko alam kung bakit hindi ito sumunod sa akin gaya ng ginagawa nito. Naroon lamang ito nakatayo habang nananatiling nakayuko. Naisip kong mas mabuti na rin siguro dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa loob ng mansyon. Dad's men are very dangerous, specially this two guard in front of me. Tiningnan ko ang dalawang guard. Nakatingin ang mga ito kay Dazsher. Tumango ako sa kanila para sabihing isarado na ang gate na agad namang sinunod ng mga ito. Tatalikod na sana ako nang habulin ako ng tanong ng isa sa mga guard. "Miss Amirah, mawalang galang po pero bakit niyo po kasama 'yong lalaking nasa labas? Si Vice President Dazsher James?" Nangunot ang noo ko. "Why do you ask?" "Miss Amirah, kaninang umaga po ay nagpupumilit siyang pumasok dito habang isinisigaw ang pangalan niyo. Ang kaso ay wala ho kayo dito pero ayaw niyang maniwala. Mabubuhatan sana namin siya ng kamay kung hindi dumating si Don Armiendo." Kaya ba hindi niya ako hinabol papasok dito? Pinagbabawalan siyang pumasok? Kaya pala ganon ang mga huling sinabi niya sa akin? Ano bang sinabi ni Dad sa kanya? "Is that so?" Yumuko ito at nagbigay galang. "Pasensya na ho, Miss Amirah sa abala. Sorry ho." paulit-ulit pa itong yumuko nang titigan ko pa ito lalo ng walang reaksyon. Tumango akong muli. Tumalikod na ako sa kanila at hinakbang ang ilang metro pang daanan bago makarating sa balkonahe ng mansyon. Gabing na kaya halos wala ng gumagalang mga tauhan o kahit pa mga katulong. Nang makapasok ay pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng inumin. Hindi na ako kakain dahil nawalan na ako ng gana. Kaagad kong binuksan ang ilaw nang makarating doon. Pero, halos mapatalon ako sa gulat ng lumiwanag! Nakita kong nasa kandungan ng kababata ko na si Kean Xander ang isa sa mga katulong namin base sa suot nitong uniporme at... naghahalikan! Gulat na gulat rin ang mga itong napabalikwas sa kinauupuan pagkabukas ng ilaw at makita ako sa pintuan. "A-Amirah? Fvck! Im sorry.. It's my fault!" Tarantang paumanhin ni Kean habang inilalagay sa likod niya ang katulong namin na nasulyapan kong nakayuko dahil yata sa kahihiyan. Lori Leigh.. Napaismid ako. Hindi ko na lang sila pinansin. Kung may relasyon sila, fine with me! Pero, bakit sa katulong? Psh! Kean! Sabagay may hitsura at katawan din naman si Lori Leigh. Hindi nga lang naaayusan. Hawig nga sila ni Althea sa unang sulyap. Hindi naman ako matapobre. Mataray lang. Dumiretso na ako sa ref at kumuha doon ng cold lady's drink. This can make me calm. Hindi naman ako maaaring pumunta ng bar dahil sa letseng mga tauhan ni Mr. Del Rious! Nang makakuha ng inumin ay muli akong humarap kina Kean para sabihing ayos lang sa akin pero nakita kong tumalikod na sila at inihahatid na nito ang katulong sa servants quarter na malapit lang dito sa kusina. Nagkibit-balikat na lamang ako. Kaagad na akong umakyat ng hagdan. At marahil sa mga bumabagabag sa isipan ay nagawa kong makaakyat ng magisa. Nang makarating sa harapan ng pinto ng kwarto ko at makita ang pangalan na nakaukit doon ay napangiti ako. AMIRAH JADE DEL FUEGO I'm home again... Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at agad na binuksan ang ilaw. I let out a heavy sighed. I miss my room, so much! Nilagay ko muna sa bedside table ang kinuha kong lady's drink at tinanggal ang heels ko bago lumapit sa kama. Hinaplos ko muna ito kung may alikabok bang dumapo at nang makita sa daliri ko na wala ay agad na akong nahiga. Ni hindi ko na nagawa pang magbihis o maghilamos man lang. I'm tired... my mind also. Tumitig ako sa puting kisame. Inuukit ng mga mata ko ang mukha ni Dazsher doon. Kinurap-kurap ko ang mata para mabura iyon. Pero naroon pa rin. "Mahal na mahal din kita, Dazsher. Sana dumating ang araw na maging maayos ang lahat at tayo pa rin hanggang huli." nangingilid ang luhang sabi ko. Gusto kong sabihin iyon sa kanya through call or text pero hindi ko ginawa. Bumangon ako at kinuha ang isang bote ng drinks at tinungga ito. Nanunuot sa lalamunan ko ang lamig at ang flavor nitong mansanas. It's a local brand but I like the taste of it. Di nakakasawa, hindi rin naman nakalalasing. It makes me calm. Ilang oras din bago ko naubos ang kinuha kong apat na lady's drink. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko nang matapos. Matutulog na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Napapailing akong inabot ang purse ko at kinuha ang phone na nakasilid doon. It's just a message coming from Dazsher. I read it. From: Dazsher James "Babe, I love you so much.. My heart was taken by you but you broke me and now it is in pieces 'coz of you.. Please.. make it whole again. Don't give up on me.. Don't leave me.." "Bakit ba paulit-ulit niyang sinasabi na huwag ko siyang iiwan? Psh! Andiyan naman si Xindy! Sasaluhin siya no'n! Oh shocks... Nahihilo na ako!" Napahawak ako sa ulo ko. Para na rin akong maduduwal. Sobrang inaantok na ako dahil pasado na alas 3 ng madaling araw. Sinusubukan ko nang ipikit ang mata ko pero parang magkaka-insomia pa yata ako! Hindi ako makatulog! Tsk! Napatitig ako sa kawalan. Napansin ko na lamang ang masaganang luha na namamalisbis mula sa nananakit kong mga mata.. I let out a sigh, again. Sometimes I wish I had never met you, Dazsh... So when I lay on my bed at night I would'nt have anything to be this freaking sad thinking so much about you... 'Coz it's so hard to sleep, babe... Really hard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD