"WHAT did you just say?" naisatinig ko ang tanong sa isip ko.
Patakbo kong nilapitan si Xindy at buong pwersa ko itong sinampal sa harapan nang hindi makapagsalitang si Dazsher. Hindi pa ako nakuntento kaya hinawakan ko pa ang buhok nito bago hinila papalapit sa akin saka marahas na iniharap ang mukha nito upang muling sampalin.
"Ulitin mo'ng sinabi mo medyo nabingi ako, eh." nakangisi kong utos ngunit nanginginig na sa galit.
Pilit nitong inaalis ang kamay ko sa buhok niya dahil bakas na sa mukha nitong nasasaktan na sa ginagawa ko. Ngunit, hindi ko ito binibitawan dahil alam kong magkakaroon siya ng pagkakataong labanan ako. Hindi niya ako magagawang isahan.
"Fiancee ko si Dazsher! At ako? Ako lang naman ang pakakasalan niya! At ikaw? Ginagamit ka lang niya!" pasigaw nitong sagot sa tanong ko.
Mas lalong tumindi ang galit ko dahil sa narinig, tanga din ako dahil ipinaulit ko pa. Psh! Kaya't mas hinila ko pa ang buhok nito saka walang babala ko siyang itinulak ng pagkalakas-lakas. Nakatilapon siya at nagpadausdos sa sahig hanggang sa mabunggo niya ang malaking vase sa kanyang likuran. Umiikot-ikot 'yong vase bago ito natumba saka nabasag sa gilid niya. Napapahiyaw sa sakit si Xindy nang tumama sa kanya ang ilang mga bubog nito. Lalapitan ko pa sana ito para muling sampalin nang may marahas na brasong pumigil sa akin.
Marahas akong napalingon at nang makita kong si Dazsher iyon ay ubod lakas ko rin itong sinampal. Sa sobrang galit na nararamdaman ay ibinuhos kong lahat ng aking lakas para bigwasan siyang muli ng nakamamatay na sapak sa panga. Hindi ko akalain na sa laki niya ay na-out balanced siya. Sapo-sapo nito ang panga nang ibalik ang tingin sa akin. Nakita kong may sumisirit ng dugo sa gilid ng kanyang labi.
Hindi ko pinansin iyon. Punong-puno ng galit ang dibdib ko.
Tinalikuran ko siya at muling hinarap si Xindy. Subalit wala na ito sa kung saan ito tumilapon kanina. Nang luminga-linga ako ay nakita ko nang akay-akay ito ng isa sa mga tauhan pababa ng hagdan habang nasa unahan ng mga ito si Manang Cita.
Gusto ko pa sana silang sundan ngunit muli akong hinawakan ni Dazsher sa braso at iniharap sa kanya. Mabilis niya akong ikinulong sa malalaki niyang braso.
"Let me go, Dazsher!"
Nagpumiglas ako subalit bigla akong nakaramdam ng panghihina. Hindi dahil sa naubusan ako ng lakas kundi dahil sa naririnig kong pagiyak ni Dazsher sa balikat ko. Pero, imbes na maawa ay mas nangibabaw ang galit ko sa kanya kaya ubod lakas ko siyang itinulak papalayo sa 'kin. Lalaki siya at alam kong mas malakas siya ngunit hindi siya nanlaban nang pagsusuntukin ko ang kanyang dibdib.
Lalong bumuhos ang masaganang luha sa mga mata niya nang titigan ko siya. Ako ang dapat na humahagulhol sa mga oras na ito, hindi siya! Kaya ano ang ibig sabihin ng mga luhang 'yan? Konsensya?
"Psh! Ikaw pa itong may ganang umiyak, huh? Ako ang niloko dito, Dazsher! Hindi ikaw! Dahil ba nakonsensya ka? Ha?"
Wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Gusto kong marinig sa kanya na nagsisinungaling lang ang secretary niya.. Na hindi totoong fiancee siya nito! Pero hindi niya ginagawa.. Hindi niya binabawi.. Nanghihina ako sa kaalamang niloko at ginagamit niya lang ako at galing pa talaga sa babaeng iyon!
"Let me explain... please, babe. Let me explain."
Katakot-takot na tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya napayuko siya.
"How could you do this to me, Dazsher? Huh? You know who I am!" pasigaw kong tanong sa kanya.
Nanatili itong nakayuko. Yumuyugyog ang mga balikat nito. Umiiyak siya lalo. Gusto kong maawa pero dahil sa nalaman ko ay para na akong nandidiri na sa kanya.
Napakalakas talaga ng kutob ko. Pero, hindi ito ang ini-expect kong uganayan nila. I was just expecting that they had only a secret affair, not as fiancee. Kaya ngayon ang dating, ako pa yata ang naging kabet! Damn it!
"Babe.. I'm sorry. Let me just explain everything.. But, please.. believe me, I love you." hinawakan niya ako sa dalawang kamay ko saka kinabig niya ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Humahagulhol siya sa balikat ko.
Ilang saglit lang akong nagparaya saka kaagad na akong kumalas sa pagkakayakap niya at agad ko na siyang tinalikuran. Hindi ko na siya kaya pang tingnan ng ganon.
Kung anuman ang dahilan niya para gawin sa akin ito ay malalaman ko din iyon. Hindi ko pa kayang pakinggan ang explanation niya. Masakit pa sa 'kin. Sobrang sakit na parang hinahati ang puso ko sa dalawa. Hindi ko alam kung totoo bang minahal niya ako. O kinuha niya ang loob ko para gawing tanga? Sa ngayon ay nasagot na ang katanungan ko tungkol sa totoong ugnayan nila, kaya... hahayaan ko na sila..
"Amirah!"
Papasok na ako ng kwarto nang marinig kong tinatawag ako ni Dazsher kaya napapabuntong hininga akong lumingon dito. Tumatakbo ito patungo sa 'kin. Subalit, tumagos sa kanyang likuran ang paningin ko at napakunot ang noo nang matanaw ang inaasahang ko nang bisita.
Isang gwapo at matikas na lalaki. Katamtaman ang kulay ng balat at kasingtangkad ni Dazsher. May suot pa itong black shades. Agent na agent ang dating. Kumakaway pa ito habang nakangiting nakatanaw sa akin.
Napangiwi ako. 'Nice timing!'
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hinihintay kung sino ang unang makalapit. And that, Dazsher came first. Namumula pa rin ang mukha niya at kitang-kita ang maliit na sugat sa gilid ng kanyang mas pumulang mga labi. Napakalamlam ng mga mats nitong nakatunghay sa 'kin. Syempre, mataas siya sa 'kin kaya napatingala ako sa kanya. Ngunit wala akong ibang maramdaman sa kanya ngayon kundi galit. Seryoso ang mukha kong tumingin sa mga mata niya na ngayo'y pinang-gigiliran na naman ng luha.
"Babe... Please, listen to me. Hindi kita niloko. Oo, totoo ang mga sinabi ni Xindy pero hindi ko kagustuhan iyon. Please, maniwala ka sa 'kin." Kinuha niya ang isang kamay ko ngunit mabilis ko itong tinabig pero mahigpit ang pagkakahawak niya.
Napabuntong hininga ako. Saka palihim na sinulyapan ang bisita kong nasa di kalayuan. Seryoso itong nakatingin sa amin habang nakapamulsa sa suot nitong coat. Ibinalik ko ang buong atensyon sa kaharap.
"Give me some space for now, Dazsher. I'm not ready to hear your damn explanation. May mga bagay pa akong aasikasuhin, so please, let me go." seryoso at kalmado kong sabi.
"Babe..."
Hinila ko na ang kamay kong hawak niya saka nagulat pa siya nang maglakad ako at lampasan siya. Alam kong nakasunod ang tingin niya sa akin pero hindi ko na inintindi iyon. Seryoso ang mukha ko hanggang sa makalapit ako sa lalaking bisita ko na agad naman akong sinasalubong ako ng malawak na ngiti.
"My precious Jade! I missed you!"
Binantaan ko siya ng masamang tingin nang sasalubungin niya sana ako ng yakap. Napangisi ito saka umiling-iling. Tumingin siya sa akin saka idinako ang tingin sa likuran ko. Napangiti ito.
"It's nice to see you here, Mr. Vice President." anito saka inilahad ang palad.
Naramdaman kong lumapit si Dazsher sa akin at saka tumabi sa gilid ko. Hindi ko siya nilingon.
"Why are you here, Agent Zymon?" napapalunok na saad ni Dazsher habang iniabot ang palad niya para kamayan ito.
Zymon smiled and glanced at me.
Sumabat na ako. "Let's go to my room, Zymon. We have a lot of talks!"
Tumango si Zymon saka muling ngumiti. Tumingin rin ito kay Dazsher na di ko malaman kung anong naging reaksyon nang sabihin ko iyon.
Ngayon lang ako nagimbita ng bisita sa kwarto—si Dazsher? Hindi ko siya iniimbita dahil siya mismo ang kusang pumapasok!
Naramdaman kong hinapit ni Dazsher ang beywang ko at inilapit sa kanya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Tumaas ang temperatura ng dugo ko. Muntik nang mabuhol ang tali ng suot kong robe.
"Let me go, Dazsher!"
"Babe? Seriously? You're inviting him to go to your room? For godsake! Lalake 'yan, Amirah!"
Napangisi ako. "Why do you care? Why don't you leave and check your ugly fiancee if she's still breathing? Malakas ang pagkakasapak ko mapapangasawa mo kaya siguradong matindi ang tama no'n. So please, let me go!" I said while gritted my teeth. I am so damn upset!
Nang makakalas ako sa kanya ay napahawak ako ng mahigpit sa suot ko. Psh! Nakalimutan ko nga pala na nakaroba lang ako at marahil pagmamayari ito ni Xindy kaya ganon na lang kung makatingin sa roba kanina. Bigla tuloy akong nangati!
"Sumunod ka na lang, Zymon. Mauuna na ako! Dalian mo lang at marami tayong paguusapan!" intensyon kong lakasan ang boses ko para iparinig kay Dazsher para galitin ito.
"Okay! I will, my precious Jade!" nangingising tugon ni Zymon.
Samantalang tiim ang mga bagang ni Dazsher habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa amin. Binalewala ko iyon at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto. Pagkapasok ay kaagad kong tinungo ang cabinet at kumuha doon ng pambihis. Doon ako magbibihis sa bathroom dahil siguradong susunod kaagad si Zymon. Hindi ko alam kung anong paguusapan nila sa labas pero wala na akong pakialam doon.
Zymon is one of the best agent I've ever known and one of my avid suitor. Galing din sa marangyang pamilya, panganay sa tatlong magkakapatid. College days pa lang nang magsimula siyang manligaw sa 'kin. Subalit hindi ko naman pinapansin. Wala akong maramdamang iba sa kanya na katulad ng nararamdaman ko kay Dazsher. Pero hindi ko naman masabi, pinaparamdam ko na lang. Kung hindi ko nga lang kailangan ang serbisyo niya ngayon ay never ko siyang papansinin.
Tumatahip ang dibdib ko nang lumabas ako ng bathroom. Tumaas ang isa kong kilay saka umusok ang ilong ko. Nagpupunas pa ako ng buhok nang lapitan ko si Zymon na prenteng nakasalampak ng higa sa kama.
"Get off of my bed, Zymon! Psh!" pagalit kong utos dito.
Napalingon siya sa akin at natatawang bumangon sa kama saka lumipat sa mini sofa. Sumalampak siya roon sa pangisahang upuan ng nakapandekwatro. Ngiting-ngiti siyang napapailing.
"How are you, My precious Jade?" kapagkuwa'y tanong niya.
Inirapan ko siya. Psh! Ang corny talaga ng tawag nito sa 'kin kahit kailan. Mula pa no'ng kolehiyo kami ay 'yan na ang in dearment niya sa akin.
Napapabuntong hininga akong sumalampak din ng upo sa harapan niya. I crossed my arms, my legs and chin up while staring at him seriously. "I'm fine, Zymon."
Tumango ito habang nakangiti pa rin. Humalukipkip siya saka sumandal sa upuan at ipinagkrus din ang mga braso.
"So, anong paguusapan natin? Tungkol na ba 'yan sa atin? Hehe!" pilyong saad nito.
Ngali-ngali ko itong batuhin. Psh! Kung hindi ko lang talaga kailangan ang serbisyo niya... Psh! Napakakulit pa naman ng isang 'to!
"Stop dreaming, Zymon. Psh!" inirapan ko siya kaya naman sumeryoso siya. "Pinapunta kita rito dahil may gusto akong ipaimbestiga. Alam mo bang may kutob ako na nandito ang mommy ko? Hindi sinabi sa akin ni Dad directly na nandito nga si Mom buhay man ito o patay. Kaya, gusto kong malaman ang totoo. Can you help me with that, Zymon?"
Seryoso itong tumitig sa akin saka bahagyang nangunot ang noo. "Hindi ba't matagal nang patay ang mommy mo?"
Umiling-iling ako. "Oo, taon na ang nakalilipas. Pero hindi naman natagpuan ang bangkay niya pati na 'yong sinakyan niyang eroplano. Kaya may posibilidad na buhay pa siya. Nagtataka din kasi ako sa Daddy ko kung bakit niya ipinatigil ang paghahanap. So, I really really need your help now..."
Tumango-tango siya at pagkuwa'y bumuntong hininga. "Sige. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko."
Tipid akong ngumiti at umayos ng upo. "Thank you, Zymon."
Napangisi siya. "Huwag ka munang mag-thank you.. Hindi ko pa nagagawa 'yong ipinagagawa mo. Hehe! Saka na at... Syempre may kapalit iyon.
Tumaas na naman ang kilay ko. "Babayaran kita kaya 'wag kang magalala! Psh!" sabi ko sabay irap sa kanya.
Napahagalpak ito ng tawa saka umiling-iling. "I don't need your money, My precious Jade... A date with me is enough!" anito sabay kindat.
Psh! Loko loko!
"Whatever, Zymon! Anyway, aside from that... Gusto ko rin na imbestigahan mo ang tungkol kay Althea. You know her, right?"
Sumeryoso siya saka nakakunot ang noong tumitig sa akin. "What about her?"
"Hindi kasi ako naniniwala na sumama ito sa boyfriend niya. May masama akong kutob, eh. Minsan ko na kasi siyang napanaginipan, humihingi siya ng tulong sa akin. Hanggang ngayon, nandito pa rin sa dibdib ko ang takot ng mga oras na iyon. Para kasing totoo, Zymon. So, please... I owe you this." nagpatakan ang luha sa mga mata ko. Nagkakadahalo-halo na ang mga nararamdaman ko ngayon. Pangungulila, takot at pagkabigo. Napayuko ako.
Wala akong narinig na salita mula kay Zymon. Naramdaman ko na lamang na nasa harapan ko na siya at maingat akong inaalalayang tumayo. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko nang ikulong niya ako sa kanyang mga braso. Hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko ang sarili kong magpahinga sa malapad niyang dibdib. Hinahaplos niya ang buhok ko at pagkuwa'y hinalikan ako sa noo. Gusto ko mang mainis pero gusto ko ring magpasalamat dahil kahit papaano ay nandiyan siya para damayan ako.
Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay humiwalay ako saka mabilis na kinuha ang isa sa mga maleta ko para paglagyan ng mga gamit na dadalhin.
"Help me packed my things, Zymon. Don't just standing there and staring at me! Babalik muna tayo sa Maynila dahil may mahalaga akong kakausapin doon. So, you have to come with me again. We will come here the day after tomorrow to start your mission!"
Nangingisi si Zymon habang tahimik akong tinutulungan ako sa pagiimpake.
Inirapan ko siya.
"Can I ask you one question? Boyfriend mo ba si Dazsher James?"
Nahinto ako sa pagsasalansan ng gamit sa maleta at bahagyang natigilan.
"He's a liar. He's getting married already. Why do you ask?"
Tumawa siya. "Really? Woaahh haha! Kaya pala binugbog mo 'yong mukha niya."
"Psh! Isang beses ko lang sinapak 'yon. 'Yong fiancee niya ang nasapak ko ng dalawang beses, tumilapon pa. Bibigyan ko pa sana ng isa, eh, kaso nakatakas na." napapailing kong tugon.
Lalo siyang humagalpak ng tawa.
HAPON na nang makarating kami ng Makati. Kaagad akong kumuha ng isang unit sa isang kilalang five star hotel at doon muna tumuloy. Hindi ako tumuloy sa mansyon dahil ayokong makasalamuha si Adriana. What happened in Island is enough for today. Baka kapag nadagdagan ang galit ko ngayong araw ay hindi ko na alam. Marahil sa mga oras na ito ay alam na rin ni Dad ang nangyari sa Isla. Bigla na lang akong umalis doon nang hindi man lang nagpaalam kay Manang Cita dahil alam kong nasa tabi ito ni Xindy. Pero, papa-take off na kami nang nakita kong hinabol ni Dazsher ang chopper na sinakyan namin ni Zymon.
Kinausap ko si Zymon na magkita kami sa restaurant para sa hiling niyang 'Date'. Hindi pa man niya nagagawa ang ipinagagawa ko ay pumayag na ako sa gusto niya. Wala namang kaso sa akin iyon, date lang naman. Kahit papaano din kasi ay nawawala sa isip ko ang tungkol kay Dazsher. Sobrang sakit, oo. 'Coz this my first heart break. Pero ayokong magmukmok at mukhang talunan.
Alas 6 ng gabi ang pinagusapan naming oras kaya naman ay meron pa akong apat na oras para magpahinga.
Bago ako nahiga sa kama ay kinuha ko muna ang cellphone na isinilid ko sa black hermes bag na lagi kong dala, it's my favorite. Napapabuntong hininga akong binuksan ang phone ko, in-off ko ito bago umalis sa Isla. Naghintay ako ng ilang segundo bago ito nagbukas. Hindi ko pa naia-unlock ang screen nang bigla itong tumunog saka mag-pop up sa screen ang number ni Dazsher.
~~~DAZSHER CALLING~~~
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang pinindot ang answer button at wala sa sariling itinapat ang cellphone sa tenga ko pero walang salitang lumabas sa bibig. Hinintay ko siyang magsalita sa kabilang linya.
"Babe... Babe! Babe, where are you? Kagagaling ko lang sa mansyon niyo... Nasaan ka? Please... let's talk, babe."
So, galing siya sa mansyon... Iniwanan niya 'yong fiancee niya? O, magkasama sila pabalik dito?
"Babe? Are you there? Babe... tell me where you are.. Pupuntahan kita. Magusap tayo, please? Ayusin natin 'to.."
Napaismid ako. "Huwag mo na akong hanapin pa. Gusto kong mapagisa, Dazsher. Huwag mo na akong guguluhin. Ako ang nakikiusap sa 'yo." gusto ko siyang sigawan ngunit kinalma ko ang sarili.
Hindi ko na inantay ang sagot niya, agad ko nang pinindot ang end button sa screen ng phone ko.
Gusto kong magsisisigaw sa galit na nararamdaman sa kanya pero bigla akong nakaramdam ng panghihina. Napasalampak ako sa kama at saka niyakap ng mahigpit ang isang unan. Nangilid bigla ang luha sa mga mata ko.
Why did you do this to me, Dazsher? Ginamit mo lang ba talaga ako?
Masakit pala kapag malaman mo ang katotohanan. Akala ko magiging masaya na ako sa kanya pero dinagdagan lamang niya ang galit sa loob ko. Sabagay... kasalanan ko din naman kasi kung bakit hindi ko muna siya kinilala. Pero nangyari na... naibigay ko na sa kanya... at may posibilidad pang may mabuo.
Nakatulog ako at muling nagising sa lakas ng tunog ng cellphone ko. Inabot ko ito sa side table at pikit-matang sinagot.
"Hello?" sagot ko sa namamaos ko pang boses.
"Babe? Nasa labas ako ng building ng unit mo. I really wanna be with you but the guards and staff—they not allow me to go there. Babe, tell them I wanna come in, please!"
Napabangon ako sa sinabi niya at napahawak sa nananakit kong sintido. Biglang dumilim ang paningin ko. Tsk!
"H-How did you traced my p-place?" napapautal pa ako.
Hindi niya ako sinagot kaya kahit nahihilo ay bumaba ako sa kama at tinungo ang bintana para siguruhin kung nagsasabi nga ito ng totoo. Dumungaw ako at natanaw ko nga itong nakasandal sa itim na sasakyan habang nakatingala dito sa itaas.
He's so desperate...
"Tigilan mo na ako, Dazsher. Umalis ka na." kalmado kong sabi saka pinindot ang end button.
Napahawak akong muli sa ulo ko na parang mabibiyak. Shocks!!! My migraine strikes me again! Nahihilo ako na parang nasusuka. Ganito ako lagi kapag inaatake ng sakit na ito! Kumuha ako ng pain reliever sa pocket ng hand bag ko at mabilis itong ininom saka kinuha ko rin ang menthol inhaler ko na sinisinghot ko kapag inaatake nito.
~~~~~DAZSHER CALLING~~~~~
Napatingin ako sa phone ko. Bakit di muna ako nito papagpahingahin? Pshhhh... Sumasakit ang ulo ko.
Hindi ko ito sinagot. Paulit-ulit itong tumatawag pero di ko pinapansin. Hinintay ko munang mawala ang sakit ng ulo ko. Kaya ilang minuto pa at patuloy pa sa pagtunog ang cellphone ko at medyo okay na ako ay napilitan akong sagutin ito.
"Psh! Bakit ba ang kulit mo, ha?"
Nagulat ako nang marinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Pero ito hindi boses ni Dazsher.
Bigla akong kinabahan...
Who's this CRAZY caller?