MABILIS kong tiningnan ang screen nang tumawag. Tumaas bigla ang kilay ko. Psh! Akala ko na kung sino! Loko! Kinabahan ako do'n, ah...
"Akala ko bay' magdi-date tayo ngayon? Nagbago na ba ang isip mo, ha? My precious Jade?" napapahalak pa rin.
I took a deep breath. "Psh! I'm sorry! Akala ko kasi si Dazsher ang tumawag. Basta ko na lang sinagot, eh."
Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Hahaha! I see.. So, youre ready? Susunduin na kita."
"What??" bigla akong napatingin sa oras... It's already 6pm.
"Why? Nabigla ka yata? Don't tell me.. Di ka pa naka-ready noh? Tsk! My precious Jade naman..."
"Maghintay ka muna. Magbibihis na ako."
"Okay, fine.. Hihintayin talaga kita. This is our first date! Hehe! Actually, nandito ako sa lobby ng hotel ng unit mo. Kanina pa ako nandito. Aakyatin na sana kita diyan, eh, kaso grabe! Ang higpit ng security dito. Tsk! Tsk!"
"Psh! Just wait me there for ten minutes! Bye!" pakasabi no'n ay agad ko nang pinatay ang call.
Hindi ko pinansin ang mga palatak niya kanina. May usapan nga pala kaming magkikita ngayon at ako pa ang nagyaya. Tapos di pa ako prepared.
And... oppssss! Nasa labas din pala ng hotel si Dazsher... Napabuga ako saka dinungaw ko itong muli sa bintana, naroon pa rin ito. Nasa labas ng sasakyan, nakasandal, nakayuko at nakapamulsa. Madilim na pero dahil sa maliwanag ang p'westo niya ay kita kong pinaglalaruan niya ang isang bato sa gamit ang isang paa.
What should I do now? Siguradong lalapitan ako ni Dazsher kapag nakita niya ako... at ang kaso, kasama ko si Zymon? Pshhh...
Bago pa man ako makapagdesisyon ay agad na akong pumunta ng bathroom at nag-half bath. Dali-dali na rin akong nagbihis. I chose to wear black sleeveless fitted dress. I applied some make up on my face and pony tailed my hair.
Hindi na ako nagaksaya pa ng oras kaya mabilis na akong lumabas ng unit at halos takbuhin ko na ang hallway para makapasok na agad sa elevator pababa ng lobby. Habang nasa loob ng elevator ay pinupuno ang utak ko kung sino sa dalawa ang pipiliin. Nakapangako na ako kay Zymon sa date namin ngayon... Si Dazsher naman, alam kong hindi niya ako lulubayan.
So, sino ba? I have to choose one. Zymon or Dazsher? My heart tells me—chooose Dazsher, then, my mind tells me—choose Zymon. Aarrgghh my head tells me to go to bed!
Nasa pagiisip pa ako nang matanaw kong papalapit na sa akin si Zymon nang bumukas ang elevator. Sobrang lawak ng ngiti nito. Eto yata ang taong walang kaproble-problema! Laging nakangiti, eh! Kaya madadala ka..
Nakalapit na si Zymon sa akin nang masulyapan ko si Dazsher sa entrance nang hotel na madilim ang mukhang nakatingin sa dereksyon namin.
Natigilan ako. Napahinto ako sa paglalakad. Nakatanaw ako sa lalaking mahal ko pero niloko naman ako...
Papasok na sana si Dazsher nang harangin ito ng dalawang security guard. Hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso. Hindi siya nagpumiglas o nanlaban man lang. Nakatingin lamang ito sa akin. Subalit, napakunot na lamang ang noo ko nang biglang itulak ng mga guard si Dazsher.
Nagulat ako sa pangyayari kaya kaagad kong tinakbo ang entrada ng hotel. Di na alintana ang taas ng heels ko. Nalingunan ko si Zymon na mas nauuna pang tumakbo sa 'kin at nilagpasan ako.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa dalawang security guard na tumulak kay Dazsher nang agad kaming makarating sa kinaroroonan nila. "Anong dahilan at itinulak ninyo ang lalaking iyan?" sabay turo ko kay Dazsher na nananatiling nakasalampak sa sahig, nakayuko habang nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod.
Nakita kong napalunok ang isa sa mga guard na medyo kalbo at maraming tigyawat sa mukha. At ang isa naman ay napapaismid, may kayabangan ang hitsura.
"Ah, e, Ma'am.. kanina po kasi ay nag-i-skandalo siya rito. Pinagsisisigawan niya si Ma'am Katrina, 'yong sa front desk po. Ipinipilit niya kasing malaman ang number ng unit mo," kumakamot sa ulong paliwanag ng kalbong guard.
"At.. nang hindi ho sinabi ni Ma'am Katrina dahil ipinagbabawal iyon ay nagwawala na ho siya rito," sabi naman ng guard na medyo mayabang ang mukha.
Napatingin ako kay Dazsher. Nakita kong tumatayo na ito. Nangunot ang noo ko. Bakit parang hirap na hirap siyang tumayo? Gano'n ba kalakas ang pagkakatulak sa kanya? Bakit parang hinang-hina siya? Pansin ko ring may mga pasa ang mukha niya. Lalong nangunot ang noo ko. I know na hindi galing sa akin ang mga pasa niyang iyon. Dumugo lang ang labi niya nang sapakin ko siya kaninang umaga.
Sino ang may gawa ng mga pasa niya? Imposibleng bugbugin siya ng mga guard dito... hindi siya papayag no'n for sure!
"Ako na ang bahala sa kanya mga manong guard. I can handle him. Therefore, ako naman talaga ang sadya niya rito, eh. Bumalik na kayo sa post niyo. And, by the way, tell the front desk that I thanked her for protecting my privacy," sabi ko tsaka ko na sila tinalikuran. Tumatango namang nagsitalikod na rin ang mga ito.
Dadaluhan ko na sana si Dazsher nang maunahan ako ni Zymon. Inalalayan na niya na itong makatayo ng maayos at maisandal sa kotse nito.
Wala namang imik na tumitig sa akin si Dazsher. Madilim pa rin ang anyo nito. Bumaba ito ng tingin ng pasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"My precious Jade, I think you two need to talk. When your free, just call me. It's okay with me. Madami pang araw at oras for our date.. So... I'll go ahead," paalam ni Zymon sa akin pero na kay Dazsher siya nakatingin. Tinapik niya ito sa balikat.
Bumuntong hininga ako. "I'm sorry, Zymon. Okay, sure. Mag-settle ka na lang ng ibang date and time. You call me. Thanks for this day. You take care," sabi ko, nakangiting-paumanhin. Nakatingin rin ako kay Dazsher habang nananatiling nakayuko at nakakuyom ang mga kamao.
Kumaway pa si Zymon bago ito tuluyang sumakay ng sasakyan nito.
Bahagya akong tumango.
Nakaalis na si Zymon nang bumaling ako sa kinatatayuan ni Dazsher. Nakaangat na rin ang paningin niya sa akin. Kahit sobrang galit ako sa kanya ay parang dinudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang hitsura niya ngayon. Nanghihina siya. Ano bang nangyari sa kanya?
"Umuwi ka na, Dazsher. I'll drive you home." sabi ko at inalalayan siyang makapasok sa kanyang sasakyan. Hindi ito umangal.
Lumibot ako para umupo sa driver's seat. Nakita kong hirap na hirap siyang isuot ang seatbelt niya. Psh! Napapailing na lamang akong kinuha ang seatbelt at ilagay iyon sa kanya. Saan ba kasi nagsususuot ito? Hindi kaya may nambugbog na naman sa kanya? Baka akala na niya ako na naman ang suspect? Psh! Baka tuluyan ko siya ngayon! Pero... sino nga ba? O, baka nakipagaway lang siya at nadehado siya.. Ewan ko..
Naramdaman ko na lamang na kumilos ang mga kamay niya at saka niyakap ako ng mahigpit. Ako naman ang hindi makakilos. Nagsisisi tuloy akong siya ang sinamahan ko.
"Babe... I'm sorry. I love you.." anya.
Subalit malalim na buntong hininga ang isinagot ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap niya dahil naiinis ako sa sarili ko na baka bigla na lamang akong bumigay at magpadala sa awa at kalimutan na lamang ang ginawa niya. Pasalamat siya dahil meron pa akong natitirang awa kaya iuuwi ko siya kung saan man siya nakatira.
"Give me your key and tell me exactly where your way home. Or should I send you to the hospital? You look so weak.."
He let out a heavy sighed too before giving me the key.
"Sa condo unit ko na lang, babe. Malapit lang dito. I just want to rest my tired body," halos pabulong na lang niyang sabi.
Nagsalubong ang kilay ko. "So, malapit lang pala ang unit mo dito? Psh! Kaya di na ako magtataka kung papaano mo nahanap kaagad ang hiding place ko." Mataray kong sabi. Hindi siya kumibo. "At saka, pagod na pala ang katawan mo, eh, bakit mo pa ako ginugulo? Bakit ka pa pumunta sa akin?"
Hindi siya kumibo. Kaya't napapailing na lang akong pinaandar ang sasakyan niya. Wala pang five minutes ay nakarating na kaagad kami sa building ng condo unit na tinuro niya.
Agad na akong bumaba ng sasakyan pagkatapos ko itong iparada sa parking lot. Muli akong lumibot para pagbuksan si Dazsher. Napapairap ako sa ere dahil sa ginagawa ko. Dapat nga ay binubugbog ko pa itong lalaking 'to kaso nakakaawa ang hitsura niya ngayon. Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Lupaypay siya at parang wala na sa sarili.
Magiskandalo ba naman kasi sa hotel na tinutuluyan ko! Psh!!
Inalalayan ko siya sa pagbaba ng sasakyan. Sobrang bigat niya! Sa laki ba naman niya, eh. Psh! Papasok na kami ng building nang makita kong pinagtitinginan kami ng mga naroon. Psh ulit! Mabilis kaming nilapitan ng isang security guard at agad niya akong tinulungang alalayan si Dazsher na hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator. Pagkapasok ay tinanong ko si Dazsher kung anong number ng floor unit niya ngunit siya na ang nagpress ng number button sa elevator. Matagal bago umakyat sa ika-35 floor kaya napasandal muna ako sa glass wall. Nakahawak pa rin ako sa braso ni Dazsher kaya medyo nahila ko ito. Nagulat na lang ako nang humarap siya sa akin at ikulong ako sa mga braso niya. Yumuko siya at tumingin sa mga labi kong nakatikom.
"What are you doing? Let me go, Dazsher! I feel suffocated!" Mahina kong tinulak ang dibdib niya.
Medyo lumayo siya sa akin ng kaunti. Alam ko kung anong binabalak niya. Psh! Kahit na nanghihina na ay binabalak pa yata akong halikan, huh? Loko talaga 'to!
Galit ako sa kanya pero isinantabi ko na muna iyon. Dazsher is so weak now. May oras din siya sa revenge ko. Psh! But, I tough myself to became brave enough... so, I can bear the pain he caused me. Madaling mahilom. This is my first time being broken by a boyfriend, syempre dahil siya ang first boyfriend ko.. Oo, masakit talagang malaman na ikakasal na pala ang lalaking bumihag ng puso mo. Pero, mas masakit siguro kung after mong malaman ang totoo ay balewain ka na nito. Si Dazsher, nandito sa akin. Chasing me after the revelations! And trying to win me back, back to his arms again. He chose me over his fiancee Xindy. And so, I am proud. I believe that there is no other woman better than I! Anyway, hindi ko siya inahas. Si Dazsher ang lumapit sa akin, so Xindy have no right to blame me kung bakit di na matutuloy ang kasal nila. Psh! Bahala siya! Ayoko din kasing mawala sa akin si Dazsher. I have to fight what's mine. Hihintayin ko rin kung anong paliwanag niya.
Atlast, huminto na rin ang elevator. Lumabas na kami habang nakaalalay pa rin ako kay Dazsher sa paglalakad. Ilang hakbang lang ang nilakad namin bago namin narating ang door ng unit niya.
"Are you going to investigate something, Babe?" Tanong ni Dazsher nang tuluyan na kaming makapasok sa loob. Dumiretso siya sa kwarto niya at hinubad ang black longsleeve na suot bago humiga ng kama nang nakadapa.
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Psh! How did you know that? Did Zymon tells you, huh?" Balik tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa katawan niya na sobrang nangingitim. Nangunot ang noo ko. Nakadim lang ang ilaw kaya di ko masyadong maaninag.
Hindi ko inantay ang kasagutan niya. Mabilis kong hinanap ang switch ng ilaw para malinaw kong makita ang nangingitim na parte sa katawan niya. When I found it, I've switch the light on. Bumalik akong muli sa kama niya, nakadapa pa rin.
Shocks! Napasinghap ako at napatakip ng bibig nang malinaw ko nang makita ang mga bugbog, pasa at mga latay sa katawan niya!
"What happened to you, Dazsher?! Who did this to you? Si Daddy ba? Sabi mo kanina, galing ka doon? Si Dad ba gumawa niyan?!" I histerically asked.
Lumapit pa ako sa kanya at marahang hinawakan ang nangingitim niyang parte sa katawan, sa may ibaba ng kanyang batok, sa magkabilang tagiliran at sa mga braso niya, basta sa buong katawan!
Dahan-dahan itong tumihaya nang maramdaman nitong hinahaplos ko ang mga latay niya. Muli akong napatakip sa bibig. Mas maraming latay sa kanyang harapan. Masuyo niya akong tinitigan at dahan-dahang inabot ang pisngi ko ng nanghihina niyang kamay.
Hinayaan ko siya. Nangingilid ang luha sa mata ko. Ewan ko ba! Di ko mapigilan. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.
"I'll take you to the hospital, Dazsher!"
Umiling siya. "Babe, why are you going to investigate? I mean, sinong papaimbestigahan mo? Isa ba ako? Babe, I love you.. Please, don't doubt it. I'll choose you no matter what. I can give up and sacrifice everything just to have you.." he still caressing my face and he playfully touched my lips..
"Dazsher..."
"Babe, I don't want to see you with someone else. I know, Zymon was your long time suitor. Babe.. nagseselos ako."
My eyes gets widened. How did he knew? I let out a heavy sigh..
"I understand why you have to work with Zymon, babe, but.. I'm threatened. Kakayanin ko pa ang sakit ng mga latay na 'to kesa ang maagaw ka sa 'kin."
"Dazsher... Ayaw ko munang pagusapan ang mga bagay na 'yan. For now, let's go to the hospital! You have so many wounds!"
"No... Maliliit na sugat lang naman 'to, madaling mahilom. Nabugbog lang kaya masasakit ang mga katawan ko. So, I only need a rest, babe. But, please stay with me. Don't leave me."
Napailing-iling ako at napapikit sa katigasan ng ulo nito! Kailangan niyang magamot sa hospital! Psh...
Dahan-dahan niya akong hinatak papalapit sa kanya upang gawaran ng halik sa labi. Hindi na ako nagpumiglas. Hinayaan ko siya. Matagal bago humiwalay ang mga labi namin. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Lumayo ako ng kaunti sa kanya at marahang pinunasan ang butil ng luha sa mata ni Dazsher. He's crying again! Psh....
"I love you so much..."
I stared him seriously. "How about Xindy?"
Napabuntong hininga siya at pagkuwa'y tumingin ng deretso sa akin. "Babe, ipinagkasundo lang kami. Wala akong gusto sa kanya. Maniwala ka sa 'kin. Ikaw ang mahal ko, ikaw ang gusto kong makasama."
"Fine.. I believe you! But.. Pwede ko bang malaman kung bakit kayo ipinagkasundo?"
Saglit siyang natigilan. Pagkuwa'y lumunok. "I was also shocked. Hindi ko alam kung anong dahilan at bakit kami ipinagkasundo at ayaw ko ding alamin. Nalaman ko lang ang tungkol diyan sa arrangement, isang linggo bago ako pumunta ng Isla. Gusto kong lumayo sa kanila, lalo na kay Xindy. Kaya galit na galit ako nang sumunod siya sa 'kin."
Kaya pala... Now I understand why..
"Okay.. So.. can tell me who did this to you?" Itinuro ko ang mga sugat niya.
Umiling ito saka mariing pumikit. Hindi siya sumagot.
"Tell me. Who did this? I want to know."
Huminga muna ito ng malalim bago muling tumingin sa akin.
"My parents.." maikling sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Your parents? But, why?"
"It's a long story, babe.. But, to cut the long story short, I talked to them to stop that wedding they arranged. I refused, so they bumped me. I don't see my self marrying other woman because my heart only sees is you.. And, I thank God, I met you.."
"You really love me that much, huh?"
"I am, babe.. I'm madly in love with you. Just trust me. Stay with me always and never leave me again.."
Nanatili akong nakatitig sa kanya at nakikinig sa mga kadramahan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at muli akong hinalikan sa labi nang saglit lang. Muli itong nagsalita pagkatapos.
"Babe.. "
"Hmm?"
"Do you know that my parents was also the responsible for beating and bumping me a year ago? Na inakala kong ikaw ang nagutos dahil iyon ang sinabi ng lider ng nambugbog sa 'kin.. My parents did that to me."
Nabigla ako. "What? Bakit nila ginawa sa 'yo 'yon? I mean, anong dahilan?" inis na tanong ko. May mas masama pa pala sa Daddy ko, Psh! "And, di ba sabi mo, mga tauhan ni Dad ang nambugbog sa 'yo? Paanong sangkot sila?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Muli siyang huminga ng malalim.
"Babe, may mga nalalaman ako na hindi pwedeng sabihin sa 'yo at pangunahan, mapapahamak ako."
"What do you mean? Anong mga alam mo? Bakit di mo pwedeng sabihin? Why?" sunod-sunod kong tanong na bahagya niyang ikinayuko at umiling.
"Madami kang hindi alam sa paligid mo. Pero kailangan mong malaman iyon ngunit hindi iyon mang-gagaling sa akin. I have no right to tell it to you."
"Dazsher! Ano bang hindi ko nalalaman? Ano 'yon? Sabihin mo sa na sa 'kin! Gusto kong malaman.. Come on!" irita ko nang sabi ngunit mataman niya lang akong tinitigan.
"If you really want to know everything—" he paused and sighed heavily. "You should to your Dad, he knows everything."
Naguguluhan akong tumitig sa kanya. "Si Dad? W-Why? A-Anong inililihim niya sa 'kin?" mariin siyang pumikit dahil siguro sa kakulitan ko. But, he can't blame! "Okay.. I'm going to talk Dad." I calmed my self for a while.. Ang totoo, kinakabahan ako. Ano bang hindi ko nalalaman? At bakit may alam si Dazsher na hindi ko alam? Psh... "So, I really need Zymon. I need him. Ayaw mo namang sabihin sa akin, kaya siya ang magsasabi sa 'kin."
Nagmulat siya ng mata. "Babe.. You don't need him. Tsk.. Agent Zymon is now busy with his life. His also in an arranged marriage with my cousin Cassandra."
"What? Really? Psh! Talamak sa pamilya niyo ang ipagkasundo kayo kung kani-kanino. Nasa kultura at tradisyon ba ng pamilya ninyo 'yan?"
Pagak siyang napangisi habang patuloy sa pagpisil ng kamay ko. "I don't think so.."
"Sa pamilya kasi namin, meron. I mean, it's a rule—law of our clan. The Del Fuego's Clan. Sa mga babae—hindi kami pwedeng mabuntis ng hindi pa ikinakasal. Sa mga lalaki—hindi sila maaaring makabuntis ng hindi nila asawa."
"Kaya ba.. ayaw mo pang mabuntis?"
Seryoso akong tumango. "Yah."
"Paano kung mabuntis ka, babe? You know—there is a possibility you'll get pregnant. Anong mangyayari? I mean, anong gagawin ng clan mo?"
"Mawawalan ako ng siguridad at itatakwil ako. They won't allow me to use my surname. Dazsher.. I know I am stubborn and sometimes a brat but I'm scared of being unknown person. Oo, wala akong interes sa company at lahat ng properties ng mga Del Fuego, sa kayamanan nila, pero.. Ayokong itakwil nila ako, Dazsher."
"Babe.. So, marry me then? Para masiguro na natin na ligtas ka."
Nabigla ako sa alok niya.. Pero ayokong iyan ang dahilan upang magpatali sa kanya. Gusto kong maging maayos muna ang lahat at masigurong mahal namin ang isa't-isa.. Pero, papaano kung may mabuo na nga?
I took a deep deep breath.. and sighed. "I will.. But, I want you to settle things first. Gusto kong maayos muna ang problema mo. Gusto kong mawala muna sa buhay mo si Xindy, maayos ang gusot sa pamilya mo. Gusto kong maikasal sa 'yo na maayos na ang lahat dahil baka sa kalagitnaan pa lang ng kasal natin ay nariyan sila para guluhin tayo. Do you understand me?"
"Yes, babe. I love you... Please stay here with me, okay? Don't leave."
Hindi ko na pipilitin pang magsalita si Dazsher dahil nararamdaman kong pahina na ng pahina ang boses niya. Pagod na siya. Kailangan na niyang magpahinga. Pero, kailangan kong gamutin ang mga sugat niya. Gagawin ko na lang iyon habang nagpapahinga siya.
"Magpahinga ka na muna at matulog. Hahanapin ko lang ang first aid mo para magamot ko 'yang mga sugat mo. Then, lulutuan na rin kita ng makakain." His too weak right now. Di na siya makakapagluto, miss ko na ang luto niya.
Marahan siyang tumango habang nakapikit na. Ako na ang mismong lumapit sa kanya para gawaran siya ng halik sa labi. Oh.. I love this man... I'm so sorry Xindy but this man is mine.. Mine alone!
Tumayo na ako para hanapin ang first aid kit. Nang mahanap ay agad ko na siyang ginamot at nang matapos ay naisipan ko ng pumunta ng kusina para magluto ng kakainin namin. I try my best to cook, there's a guide naman so no worries. Kaso hindi talaga ako marunong kahit pa may cooking tutorial. Psh! Bahala na!
Palabas na sana ako ng kwarto nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko. Bumalik ako para sagutin ang tawag ngunit tumaas ang isang kilay ko.
Psh! Another unknown number! My number is not for public! Urrgghhh!!
Inis ko na itong sinagot. "Who's this??"
"You'll gonna pay for this! Stupid brat!"
What??? Payment for what???