Dazsher's Point of View ISANG buwan matapos ang mahabang proseso ng paganib ko sa angkan ng mga Del Fuego, magaganap na sa wakas ang pinakahihintay ng lahat. Lalo na kaming dalawa ni Amirah. Ngayon na gaganapin ang pinangarap kong kasal sa pinakakamahal kong si Amirah Jade Del Fuego. Gaganapin ang kasal sa napakalawak na bulwagan ng resthouse, dito mismo sa Isla. Kung saan mas naisaayos at mas pinaganda pa ito dahil sa mga dekorasyon. August 16, 2021. Ito ang araw na itinakda ng pagiisang dibdib naming dalawa ni Amirah. Kasama namin sa pagpa-plano ang kanyang ama na si Don Armiendo pati na si Miss Adriana na magiging Mommy ko na rin. Kailangan din kasi naming madaliin na ang kasal habang hindi pa umuumbok ang tiyan ni Amirah. Isa kasi sa batas nila ang pagbabawal na mabuntis ng hindi pa

