Amirah PoV MARAMI pa akong gustong i-klaro. Naguguluhan pa rin ako. May mga gusto pa akong madinig. Madami pang katanungan sa utak ko na nangangailangan pa ng kasagutan. Hindi ko nga lang maitanong isa-isa dahil hindi ko alam kung sino ang sasagot sa mga iyon. Hindi lahat ay alam ni Zymon, Mom is right. Kahit pa sabihin nating magaling si Zymon sa pagiimbestiga, ay hindi pa rin ito sapat para maipaliwanag ang lahat. Pakiramdam ko pa rin ay marami pang kulang na detalye. Ngunit, ngayong hindi makapagsalita si Mommy Verra at pinupukol ng masamang tingin sina Zymon, si Daddy at Adriana ay nasisiguro kong tama ang lahat ng isiniwalat ni Zymon. Naisip ko, iyon bang pagdadalaw ni Dad kay Adriana sa mental at paglilihim ni Dad, iyon ba ang mga dahilan kung bakit naghihiganti si Mom? Pero kung

