AMIRAH PoV UMUSBONG na naman ang galit sa dibdib ko nang pagdungaw ko sa ibaba ay una kong masisilayan ang mukha ng pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong buhay ko at iyon ay walang iba kundi si Adriana, na kasalukuyan ngayong nakikipagsagutan sa dalawang taong kaharap. Katabi nito si Dad na halos mag-untugan na rin ang mga kilay habang dinuduro pa ang mga kaharap ng ginto nitong baston. Anong ginagawa nila dito? At bakit sila nagkakagulo? Nakatalikod ang isang babae at isang lalaki mula dito sa kinaroroonan ko kung kaya't hindi ko mamukhaan o makilala kung sino ang mga ito. Base sa pananamit ng mga ito ay mukhang kasing-edad lang sila ni Dad. Ilang segundo na akong nandirito sa puno ng hagdan subalit ni wala akong maintindihan sa mga pinagbabangayan nila! Pawang nakatayo ang mga ito

