MULI kong sinulyapan ang cellphone ko. Pinutol na pala ni Gale ang tawag nang hindi man lang nagpaalam! Pero, may iniwan naman itong mensahe.
From: Gale Danielle
'Friend, 'Wag mong sasabihin na ako ang nagsabi sa'yo, ha! Mapapahamak ako.. Ehhh, magagalit si Dad! Alam mo na kung anong mangyayari...
Sounds selfish. But, I know what will happen if ever malaman ng Daddy ni Gale na nasabi niya ito lalo't kabilin-bilinan pa na 'wag itong ipapaalam sa akin. For me, I am very much thankful for Gale 'coz if it's not because of her, I will never know what's happening at the mansion. Hindi ko pwedeng tawagan si Daddy to confront him about Althea dahil malilintikan si Gale. So I shut my phone but not my mouth!
Katulad ng mga mensahe ni Dazsher ay mabilis kong binura ang last message ni Gale sa inbox ko. I have to deleted all the messages on my phone for a safety purpose.
I hurriedly got up on my bed. Saka ko lang naalalang kainin 'yong pagkain na dinala ni Anitha kanina lang. Malamig na tuloy 'yong kape ko pero ininom ko pa rin iyon. Hindi na rin ako nagabala pang basahin ang card na nakadikit doon. Psh! Puro lang naman 'love quotes' ni Dazsher ang mga nakasulat, eh. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa bathroom. After a few minutes, I went out and put my dress on. Pinili kong suotin ang isa sa pinakapaborito kong damit; royal blue tube fitted dress designed with a snake skin on its side. Hanggang sa itaas ng tuhod ang haba nito. Para itong crop top at mini skirt kung titignan pero magkadugtong ito. Nang matapos kong sipatin ang damit ko ay itinuon ko naman ang sarili ko sa paglalagay ng mild make up. Manipis na foundation, kunting blush on, maskara and red lipstick. Inilugay ko na lamang ang buhok ko na medyo namamasa-masa pa at agad itong sinuklay. And lastly, I wear my four inches white high heeled shoes.
Napaismid ako saka taas noong tumingin sa sarili kong repleksyon sa salamin. Nang matapos sa ginagawa ay huminga ako ng malalim. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili.
Dahan-dahan ko nang binuksan ang pintuan saka taas noo akong lumabas. Luminga-linga ako. Mangilan-ngilan sa mga tauhan ng Isla ang napalingon sa akin. Bagamat nasisiyahan sila na makita ako, nagsipagyukuan na lang nang mapansin nilang walang emosyon ang mukha ko.
Pababa na ako ng hagdan nang malingunan ko si Dazsher na patakbong lumalapit sa akin. Marahil may nagsabi ritong lumabas na ako ng kwarto. Nakita kong sumilay ang ngiti sa mapupula niyang labi. Napakagwapo niya sa paningin ko ngunit nakatingin lamang ako sa kanya ng walang emosyon. Iniiwas ko ang paningin sa kanya, itinuon ko ito sa nilalakaran. Isinantabi ko ang takot sa pagbaba. Alam kong nakasunod sa akin si Dazsher dahil nararamdaman ko ang presensya niya. Hindi niya ako inalalayan o magawang hawakan marahil sa nakita niyang seryoso ako.
Nakababa na ako ng hagdan at walang lingong likod na dumiretso patungo sa isang kwarto kung saan naroon ang opisina ni Manang Cita at ng ibang namamalakad nitong Isla.
Hindi pa man ako nakakalapit sa pintuan ay hinapit ako ni Dazsher sa beywang. Napasandig ang likod ko sa matitipuno niyang dibdib. Yumakap siya sa akin mula sa likuran at ipinatong ang mukha sa aking balikat.
"Babe, I miss you.." bulong niya sa puno ng tenga ko saka mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Gusto ko mang iparamdam sa kanya na ganon din ang nararamdaman ko ngunit punong-puno ang isip ko sa ngayon.
I keep silent. Bumuntong hininga ako saka dahan-dahan humarap sa kanya. Subalit, wala pa ring namumutawing salita mula sa akin. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at masuyo akong hinalikan. Nagulat man ngunit hindi ako umangal. Tinitigan niya ako pagkatapos ng ilang minutong halikan sa gitna ng daan.
"Babe, are you mad at me?" Lumamlam ang mga mata niya. Gumuguhit ang lungkot dito.
May reason ba para magalit ako sa 'yo? Pero ang totoo... Oo!
Imbes na sagutin ay umiling na lamang ako at saka ko na siya tinalikuran. I don't need to answer that question. I can answer him through my actions.
Tumuloy na ako papunta sa opisina nang hindi lumilingon kay Dazsher. I know he's there behind me. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang kusa na itong bumukas at iluwa roon si Manang na napakalapad ng ngiti habang nakikipaghagikhikan sa kasunod nitong si... Xindy, the flirt secretary!
Natigilan ako at napakunot ang noo. Parang tinutusok ng libong beses ang dibdib ko.
Really Manang? Laughing with that ugly secretary??
Psh! Why I felt betrayed...
"Amirah??"
Hindi ko malaman kung sino sa tatlo ang tumawag sa pangalan ko. Napapikit ako dahil sa umuusbong na panibagong inis sa dibdib ko. Akala ko ba kakampi ko si Manang? So, she's fake? Everyone here is damn fake?! Gosh!
What the hell!!!!
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa natutulala ring matanda. Napahawak ito sa dibdib na animo'y gulat na gulat. Nang dumako ang paningin ko sa babaeng nasa likuran nito ay napangisi ako. Walang pinagbago. Nakaismid pa rin ito habang nakikipagtitigan sa akin. Napatingin ako sa braso nitong nakayakap sa beywang ni Manang.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ewan ko pero pakiramdam ko ay nanghina ako. Yeah, a little bit. Kahit pala saang gubat ay may ahas. Psh! Pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng mga taong malapit sa akin kapag nakikita ko silang nakikipaglapit sa mga taong kinaiinisan ko.
I am betrayed, that's what I felt right now. But I think, I was just being jealous.
Nasaktan ako kanina nang makita kong nakikipagtawanan si Manang Cita sa secretary... na hindi ko naman talaga dapat pagselosan. But I can't help it. Well, I was also surprised that she's fond with that flirt secretary. Hindi ko alam kung anong ginawa nito sa loob ng apat na araw para maging masaya at palagay siya ng ganon. Na hindi ko naman kailangang pagselosan.
Just like Dad. I hate seeing Daddy with that b***h Adriana!
Siguro nga... napaparanoid lang ako. Inaatake lang ako ng pagiging selosa at pagiging makasarili kaya nasasaktan ako. Dad is right. Now, I agree with him. So I have to fight this feeling. This can't help me right now.
Pero pakiramdam ko talaga ay matutumba ako kanina dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Mabilis na umalalay sa likuran ko si Dazsher para hindi ako ma-out balanced. Wala akong imik habang nakasandig sa katawan niya. Nang sinubukan niya akong ikulong sa matitipuno niyang mga braso ay mabilis ko itong tinabig. Kailangan ko munang iwasang madikit sa kanya lalo pa't nasa harapan lang namin sina Manang Cita at ang secretary.
I let out a heavy sigh and stare at their eyes one by one. And then, I took a deep breath. Nang medyo umayos ang heartbeat ko ay agad akong tumayo ng tuwid na tuwid saka taas noong naglakad at nilagpasan sila. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa dulo kung saan ang mesa ng Head Manager. Kaagad na akong umupo at sumalampak sa swivel chair. Ipinatong sa ibabaw ng mesa ang black purse ko saka kinuha ang cellphone. May importanteng tao akong tatawagan. Ida-dial ko na sana ang numero ng tatawagan ko nang marinig ko ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko.
Nang umangat ako ng paningin ay nakita kong seryosong nakatingin sa akin sina Dazsher at Manang Cita. Samantalang nakaismid pa rin ang secretary sa akin.. Psh! Lihim na lang akong natatawa. Anyway, magkamukha sila ni Adriana! Tinapunan ko sila ng seryoso at maawtoridad na tingin.
I've heard Manang Cita cleared her throat.
"Miss Amirah..." panimula nito at saka umupo sa isang upuan na nasa harapan ko. "Masaya akong lumabas ka na ng iyong silid. Subalit, nagulat ako kung bakit ka pumarito sa opisina.. May kailangan ka ba rito, hija?" hindi maalis ang tingin niya sa akin at pilit kumakawala ng ngiti sa labi.
"Wala naman ho, Manang Cita." seryoso kong tugon saka luminga-linga sa buong sulok ng kwarto. Wala naman akong ibang makita kundi ang bookshelves, ang dalawang malaking portrait ng lolo at lola ko at saka isang malaking painting na nakasabit sa may bandang likuran ko. "Nakakagulat ho ba na pumarito ako sa opisina niyo? Wala naman yata kayong itinatago rito, eh." sarkastiko kong sabi, dala na rin ng inis na nararamdam.
Nanlaki ang mga mata ni Manang dahil sa tinuran ko pero biglang napangisi. "W-Wala akong itinatago rito, Miss Amirah. Nagulat lang ako dahil ako ang una mong pinuntahan paglabas mo sa silid mo. May maipaglilingkod ba ako sa 'yo, hija? Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita sa kusina.." nakangiti niyang alok sa akin. Pero umiling ako.
"Busog pa ho ako, Manang. Kakakain ko lang no'ng dinala ni Anitha. My boyfriend prepared that food for me." tugon ko saka sinulyapan si Dazsher na napangiti na rin. "Thanks." pasaring kong pasalamat dito kaya lumapit ito sa 'kin. Gumilid siya sa mesa saka tumayo sa tabi ko.
"Babe, let's go somewhere else and enjoy your vacation here. Let's go to forest garden? Come with me—" I interupted him.
"No. I mean, not now." sabi ko saka binalingan si Manang Cita na nakangiti habang pinipisil-pisil ni Xindy, the flirt secretary ang balikat nito. Narinig kong bumuntong hininga si Dazsher pero hindi ko ito pinansin. "Honestly, before I came here, Dad told me to handle and manage this Island. He gave me responsibility that I don't even know how to do it. I don't know what's the matter in here. Wala naman akong makitang problema rito, everything is okay. Everything is in proper order. So, I did'nt know what his mean..."
"A-Ano bang sinabi niya sa 'yo, Miss Amirah? W-Wala namang problema rito.." nagkandautal na sambit ni Manang.
Hmmm? Why I felt something? Psh! Lagi na lang akong may nararamdaman na ewan!
Umiling-iling ako. "Wala naman ho siyang sinabi, eh. I need to find out daw. But, that time kasi na magusap kami, we we're talking about Mom. He said, baka dito ko raw makita ang gusto kong makita or malaman.. So, I need to do what he said. I will find mom."
Natigilan si Manang Cita. Ganon din si Dazsher. Nangunot ang kanilang mga noo. Hindi ko na nagawang sulyapan ang mukha ng secretary dahil inaalibadbaran lang ako. Baka masakmal ko na ito.
"Babe, di ba't matagal nang wala ang Mommy mo? How could you find her here?" nagtatakang tanong ni Dazsher.
Nagkibit balikat ako. "Well, I'm not sure kung nandirito siya. I need to find her whether she's dead or alive.."
Hindi ko alam kung bakit natutulala si Manang Cita sa akin. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. May alam ba siya tungkol kay mommy? Nakita kong hinawakan siya ni Xindy sa magkabilang balikat at agad naman siyang sumandig dito. Nakakapagtaka lang ang mga ikinikilos nila. Very close agad? Apat na araw lang akong nagkulong... For pete's sake! Sabagay... Di naman mahirap kasunduin si Manang...
"Bakit hinahanap mo pa rin siya, Miss Amirah? Kung patay na siya, mahihirapan kang hanapin iyon. Sa lawak ng dagat ay posibleng hindi mo na siya makita." Singit ni Xindy, the flirt secretary. Napansin kong hinahagod-hagod na nito ang likod ni Manang Cita.
Napataas ang isang kilay ko nang marinig ang boses niya. Kahit boses niya ay nakakairita talaga!
"Psh! It's none of your damn business! 'Wag ka na lang sumabat, okay? I don't wanna hear your ugly voice!" singhal ko dito.
Napahinto ito sa paghagod kay Manang Cita at akma sana akong sasagutin nang awatin ito ng matanda. Sinulyapan rin ito ni Dazsher, binabalaan niya ito sa isang tinginan lang kaya naitikom nito ang bibig.
"Everyone knew that mom was dead already." I said. Sa akin na silang muli nakatingin. "Well, everyone accepted it.. but, except me. For me, she's just missing. There is no proof that mom was dead 'coz even the plane was not found. And that's what I need to find out. That's also the real reason why I'm here in Island."
"Babe, paano kung hindi mo siya matagpuan rito? Kasi kung totoo man ang kutob mo na naririto ang mommy mo, matagal na sanang natagpuan ang bangkay niya. At kung buhay man siya, bakit kailangan niyang magtago?"
Nilingon ko siya saka tinitigan sa mata nang marahan niyang kunin ang mga kamay ko na nakapatong sa mesa. Mataman rin siyang tumitig pabalik.
Umiwas ako ng tingin. "I don't know. I don't know exactly her deepest reason why she need to hide herself if ever she's still alive. And if she's dead already, bakit di natagpuan ang bangkay niya? Even the plane? I really had this gut feeling na buhay pa siya—ngunit may nagtatago lang sa kanya." Wala sa loob na sabi ko. Iyon ang lumabas sa bibig ko.
Napamaang sa akin ang tatlo lalong lalo na si Manang Cita. Pakiramdam ko talaga ay may alam siya tungkol kay mommy. Bakit hindi niya sabihin sa akin? At kung wala naman, bakit ganyan siya kung makapag-react? O baka natural lang talaga na magugulat siya dahil sa mga pinagsasasabi ko! Psh...
Napatingin ako kay Xindy na hindi rin maalis ang tingin sa akin. Maigi ko siyang tinitigan. Ang isa sa plano ko ay malaman ang totoong relasyon niya kay Dazsher. Hindi siya makakatakas sa akin. Kung hindi iyon maamin-amin sa akin ni Dazsher ay siya mismo ang tatanungin ko... nang kaming dalawa lang. Hindi ko malalaman ang totoo kung may hahadlang sa kagustuhan kong malaman ang tungkol sa kanila. She only have three days here so magagawa ko pa siyang makausap ng sarilinan. Pipilitin kong kalmahin ang sarili ko upang makausap siya ng matino. At oras na malaman ko ang totoong relasyon niya kay Dazsher then hahayaan ko na siya. Well, silang dalawa, if ever tama ang kutob ko.
Mahigpit na hinawakan ni Dazsher ang kamay ko. Napansin niya siguro ang pagsasawalang-kibo ko habang nakatitig kay Xindy, the flirt secretary.
Psh! Himala? Hindi niya yata nilalandi ngayon si Dazsher?
"If that's so, I'm willing to help you find your mom, babe," nakangiting ani Dazsher. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko.
"Thanks!" sabi ko sabay bawi ng kamay kong hawak niya. Humalukipkip ako at mariing hinawakan ang cellphone. "But, no thanks. I mean, no need. I need anyone's help, Dazsher. A help from an expert one."
"Babe naman.. I can help too!" angal niya.
"Ano naman ang maitutulong mo, huh? Because aside from that, I had a new case to solve—" naputol ang sasabihin ko nang may biglang pumasok na panauhin at napakalawak ng ngiti nito habang papalapit sa amin. It's Vrougn, the mysterious one.
Tumingin muna ako sa kanila isa-isa at natigil ang paningin ko kay Manang Cita na ngayo'y wala ng bakas ng sigla ang hitsura. Hindi ko malaman kung bakit. May sakit ba siya? O... dahil sa akin? Nakaalalay sa kanya ang secretary na panay naman ang sulyap at irap kay Dazsher. Habang si Dazsher naman ay seryoso ang mukhang nakamaang sa akin.
"What.. new case, babe?"
"Althea... is missing." I said. Muli ko silang tinitigan isa-isa kung may mabibigla ba sa sinabi ko. Lihim akong napangisi nang makitang bahagyang napayuko ang kanilang mga ulo.
So they knew it already! Psh! Ako lang ang hindi nakakaalam? Kung hindi pa nasabi ni Gale, hindi ko pa malalaman!
Paano mo malalaman gayong nagkukukulong ka sa kwarto mo? Saka wala ka namang pakialam sa kapatid mo, hindi ba?
Napamura ako sa sarili kong naisip!
Nakaawang ang bibig ni Vrougn habang nakatingin sa akin. Was he shocked of what he heard from me?
"Pero... Miss Amirah, ang alam namin ay sumama ito sa kanyang nobyo. Hindi siya nawawala," ani Manang Cita.
Napabuga ako saka umiling-iling. "No, not. I know her, Manang. Hindi siya basta-bastang sasama sa boyfriend niya kahit pa mahal na mahal niya ito. She's not like that." sabi ko. Siguradong-sigurado ako doon. Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kapatid kong iyon. She's a decent woman.
Napalingon ako kay Dazsher nang marinig ko ang marahas nitong paghinga. Napansin ko rin ang bahagyang pagkuyom ng kanyang kamao. Hmmm? What does it mean? Is he angry?
Wala akong narinig na salita sa isa man sa kanila. Kaya naman ay minabuti ko na lamang na tumayo roon at iniwanan silang nagtitinginan sa isa't-isa. Marahil nagugulat sila sa pagbabago ng pakikitungo ko sa kanila, lalo na si Manang Cita. Well, this is me. The typical attitude of Amirah Jade Mondragon Del Fuego.
Muli na akong umakyat ng hagdan ng hindi man lang lumilingon. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko ngunit binalewala ko iyon. Ilang steps pa lang ang nahahakbang ko nang may mga kamay ng dumausdos sa beywang ko. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon dahil kilalang-kilala ito ng pandama at pang-amoy ko. It was Dazsher. Hinayaan ko siya. How I really missed his scent, nanunuot ito sa ilong ko. And I knew, he's staring at me. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko.
Nang makaayat at makarating sa harapan ng kwarto ay mabilis ko ng hinawi ang braso niyang nakapulupot sa beywang ko.
Lumungkot ang mga mata niya nang iharap niya ako sa kanya. "Babe, I missed you. Please, 'wag mo na akong iiwasan ulit. It's killing me.." Mahina pero madiing niyang sambit. Punong-puno ng pagsusumamo.
Lumunok ako. Miss na miss ko na rin siya pero may mga bagay lang akong gustong i-priority sa ngayon, isa na doon ay tungkol sa kanila ng secretary niya. Base sa mga isinumbong sa akin ni Anitha na pinag-gagagawa nila sa apat na araw kong pagkulong sa kwarto—na ayaw ko nang sabihin pa, parang nabawasan ang nararamdaman ko sa kanya. So, no words came out into my mouth. I keep silent. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Babe... Please talk. Kung may nagawa man ako, ayusin na natin... Miss na miss na kita."
Nang hindi pa rin ako nagsasalita ay hinawakan niya na ako sa magkabilang pisngi at masuyo akong hinalikan sa labi. Sobrang lalim. Gutom na gutom. Gustuhin ko mang tumugon subalit para akong binubuhusan ng malamig na tubig sa hindi ko malaman na dahilan.
Naramdaman niya yata ang panlalamig ko kaya tumigil siya. Tumagis ang mga bagang niya. Malalim din siyang napabuntong hininga.
Nakatingin lamang ako sa kanya. Walang emosyong makikita.
"Babe, I understand why you're acting like that. But, please... Please, don't do this to me. Hindi mo alam kung gaano akong nasasaktan sa pambabalewala mo. Babe, apat na araw akong naghintay sa 'yo. Ni hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko. Ni ayaw mo akong papasukin sa kwarto mo. Amirah... nagsisimula pa lang tayo... 'wag mo namang tatapusin kaagad, please... don't." Niyakap niya ako ng mahigpit nang hindi pa rin ako umiimik.
Muli niya akong hinalikan sa labi at pagkatapos ay mataman niya akong tinitigan. Lumamlam pa lalo ang mga mata niya. Parang pinipiga ang puso ko pero nananatili akong bato sa paningin niya. Gustong-gusto ko nang iparamdam sa kanya na gusto ko na uli siyang makasama pero parang may pumipigil sa akin. Kaya lumayo ako sa kanya at tinalikuran siya.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang pumasok ako ng kwarto ko. Marahil natigilan siya sa inasta ko kaya hindi niya ako nagawang pigilan. Nang ipinid ko ang pinto pasarado ay nanghina ako. Sumandal ako sa pinto saka ipinikit ang mga mata ko. Bigla na lamang nangilid ang mga luha ko. Hinayaan ko lang ang sarili ko sa ganoon ng ilang minuto. Kaya't nang mahimasmasan ay agad ko nang inayos ang sarili.
Wala rin akong narinig na ingay sa labas ng kwarto ko. Ni hindi ako kinatok ni Dazsher. Hindi niya ako nagawang kulitin. Pero, naisip kong mas okay na rin iyon.
Lumapit ako sa kama at inihagis ang sarili doon. Mabilis kong binuksan ang purse ko nang nakapikit at hinanap ang cellphone.. subalit wala akong makapa! Napamulat ako at dali-daling inisa-isa ang laman no'n pero wala akong makitang cellphone!
Sa pagmamadali ko yata kaninang umalis sa opisina ni Manang ay naiwan ko ito doon...
Damn it... I need that phone badly!
Padabog akong bumaba ng kama at muling lumabas ng kwarto nang wala sa huwisyo. Subalit laking gulat ko nang bigla akong mabunggo sa matigas na bagay sa dinaraanan ko!
Nang umangat ako ng paningin ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangising labi na bumungad sa akin.
"I love you... And, I want you so badly!"
What???