NAPAANGAT ang tingin ko sa babae na mataman ding tumingin pabalik. She's really getting into my nerve! Hindi ko gusto ang tabas ng dila nito. Hindi man ako ang kinakausap nito ay pakiramdam ko ay sa akin niya ito kinukwestyon.
Mahigpit akong napahawak sa baso ko na may lamang pineapple juice. Kapag may narinig pa ako na hindi ko magugustuhanbay tatablahin siya sa 'kin! Maagap akong hinawakan ni Dazsher sa kamay kung saan nakita niyang nanginginig na pala ito. Umiiling-iling ito na tumingin sa akin. Humihingi ng despensa ang mga mata nito. Pero, kumukulo na ang dugo ko, matagal bago ito lumamig.
"Why do you care? Huh?" irita kong tanong.
"Babe!" si Dazsher. Imbes na kausapin ang secretarya niya ay ako pa ang pinipigilan niya! Ngunit, binalingan niya rin ito. "Xindy, just keep your mouth shut."
Binawi ko ang kamay ko na hawak ni Dazsher at marahan siyang itinulak para mabigyan ako ng daan. Tumayo ako kaya napatayo na rin si Dazsher. Hinapit niya ang bewang ko para pigilan ako sa balak kong pag alis.
"We're not done eating, babe. Please, sit." utos niya sa 'kin pero nanatili akong nakatayo.
They don't really know me whenever I lose my temper. Talagang sasaktan ko ang taong nagpapainit ng ulo ko!
Ipinagkrus ko ang mga braso ko saka tiim -bagang akong tumingin sa babae. "Iniisip mo siguro na cheap ako dahil agad akong nakipagrelasyon kay Dazsher ng gano'ng kabilis na panahon... Am I right, huh?"
Hindi ito sumagot. Pagkuwa'y humalukipkip saka umismid. Wala akong makita ni katiting na takot sa mukha niya. Really, huh? Daughter of Adriana! Psh! Magkatulad sila, eh!
"Babe, please stop this." Dazsher interfere. His holding my hand again and pulling me sat on the chair. Pero, matigas ako.
Hindi maalis ang paningin ko sa babae. "Im going to ask you a simple question and you have to answer it or else..." naniningkit ang mata kong tumitig sa kanya, pigil na pigil ang inis. Tumango ito. "What's your real relationship to Dazsher?" no one can stop me. I badly know what's going on between them.
Una pa lang kasi, halatang-halata na.
Saglit silang natigilan sa tanong ko. Kahit paghinga nila ay parang nahinto. Nanatili ang tingin ko sa secretary. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Dazsher habang nakahawak sa kamay ko.
"I-Im his secretary... and—" I interupted her.
"And a flirt. Hindi gawain ng isang matinong secretary ang behavior mo. O kahit pa magkaibigan. Una pa lang kitang nakita, 'yon na agad ang impression ko sa 'yo. You're a flirt."
"I'm not a flirt." seryoso saka madiin niyang pagkakasabi. Napatayo na rin ito.
"You are." ganting tugon ko.
"I'm not! Because I am his—" naputol ang sasabihin nito ng maagap na tinutop ni Vrougn ang bibig nito gamit ang kaliwang kamay.
"That's enough, Xindy! C'mon!" Kinaladkad ni Vrougn si Xindy palayo sa hapagkainan habang pumipiglas.
"Ilayo mo na siya, Vrougn..." rinig kong sabi ni Dazsher. Doon ko na siya nilingon. Mapulang-mapula ang mukha, marahil sa pagpipigil ng galit.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang katindi ang inis na nararamdaman ko. Am I that threatened to that ugly secretary? Sino ba talaga siya at ano siya ni Dazsher? Ramdam ko kasi na may iba talaga, eh. 'Yong mga tingin niya kay Dazsher, ibang-iba. Hindi normal na magkakilala lang. Hindi rin normal na magkaibigan o magkatrabaho lang. Higit pa ro'n ang tingin niya at hindi ko masabi! Dammit!
Saka ko lang napansin na nakapulupot pala ang isang braso ni Dazsher sa beywang ko at hawak pa rin niya ang kamay ko. Maagap akong kumalas. Para akong biglang napaso. Mayroon siyang hindi masabi sa 'kin. May lihim siya sa akin! Bakit di niya sabihin o aminin lahat. Tsk! I let out a sigh... Hindi ko pa nga talaga siya kilala.
Tumingin ako sa mukha niya. Wala na akong mabasang emosyon doon. Hindi ko na mahulaan.
Napasalampak ako sa upuan saka marahang hinilot ang nananakit kong sintido. Hindi pa ako tapos kumain pero nawalan na ako ng gana.
Niyakap ako ni Dazsher mula sa likuran ko saka muling hinawakan ang dalawa kong kamay. "Babe, I'm sorry sa behavior ng secretary ko. Gano'n talaga siya, eh. Family friend namin ang family niya kaya hindi ko siya mapalit-palitan. Pero, bukas na bukas din ay pababalikin ko na siya sa Manila." mahinahong sabi niya.
Bumuntong hininga ako. "You know what? I realized that she has a point. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka kapag nalaman nilang magkarelasyon na agad tayo sa loob ng dalawang linggo lang? Baka nga, iyon din ang pinagtatawanan nila kanina bago tayo dumating! Psh! Thinking someone laughing behind you is damn ugh!! I hate it, Dazsher!" napasabunot ako sa buhok ko at bahagyang tumingala.
Lumamlam ang mga mata ni Dazsher nang lingunin ko. "Babe, they don't care. Oo nga't masyado tayong naging mabilis pero di naman natin mapipigilan ang mga nararamdaman natin, right? We like each other.. And we don't care what the other's say.."
Hindi ako umimik. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya para gawaran ng halik sa labi. Sa halik niyang iyon ay medyo humupa ang inis sa dibdib ko. Naging kalmado ako nang ilang sandali bago niya ako pinakawalan at tinitigang mabuti.
"Babe, kung hindi ko man mapilit na umuwi si Xindy pabalik sa Manila, just stay away from her na lang if ever magkasalubong kayo. Ayokong nagagalit nang ganyan. Nagaalala ako."
Bumalik ang inis katawan ko dahil sa sinabi niya. "So, you mean to say, ako pa ngayon ang mag-a-adjust sa kanya? Ako ang iiwas, gano'n ba? Psh! Really, Dazsher?! Do you hear what you're saying, huh? This is my Island. And I am the owner of this! This is my territory! Kung hindi mo siya mapapaalis dito... ako! Ako ang magpapalayas sa kanya! Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Mabigat ang loob ko sa kanya!" halos umusok ang ilong ko sa inis!
"Amirah..." naiiling niyang tawag sa pangalan ko. "I know.. I'm sorry. It's just that—uh, let me handle this, babe. Just calm down. Ako na ang bahala sa kanya. Ayoko lang naman kasi na nakikita ka ng ganyan. I told you, I want to see you smiling everyday." niyakap niya ako ulit at hinaplos-haplos ang buhok ko.
"Gusto kong maging tahimik at masaya ang bakasyon ko rito, Dazsher. Ayokong may mang-gugulo sa 'kin. Ayokong may magpapainit ng ulo ko rito dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko." kalmado kong sabi. Itinango-tango niya ang ulo habang nakapatong sa balikat ko. Hindi niya ako sinagot kaya nagpatuloy ako. "Iyong mga salita ng pangit mong secretary, iilan pa lang ang narinig ko ay bumulwak na agad ang dugo ko... What more, kung makakasama at makikita ko pa siya rito sa buong panahon ng bakasyon ko, huh?"
He let out a sigh. "Babe, 'wag mo nang siyang problemahin.. Ako na ang magso-sorry. Hindi ko rin naman ginustong pumunta siya rito para inisin ka. Babe, gano'n talaga siya. Hayaan mo na. Please, sorry."
Nilingon ko siya kaya tumingin din siya sa 'kin. Pinakatitigan ko siya nang maigi. "Why you're being sorry? Okay, fine. You are the boss here and she's your secretary, your responsibility. But why I felt something different between you and that woman? Sino ba talaga siya sa 'yo? Why she's acting weird, huh? Tell me honestly, Dazsher. I would know."
Sandali siyang natigilan at mataman akong pinakatitigan. Hindi ko mabasa sa mata niya ang sagot sa gusto kong malaman. Kung pwede ko lang sanang basahin ang utak niya ay ginawa ko na. Bakit parang hirap na hirap niya akong sagutin?
Pagak akong napangisi saka lumayo ng kunti sa kanya. "Bakit di mo 'ko masagot? Why? Mahirap bang sagutin, huh?"
Malalim itong nagbuntong hininga. "Babe, please. Please, let's not talk about this nonsense thing. Ayoko lang kasing pag awayan natin 'to. She's nothing to me, okay? I don't want to talk about this, please?" Lumapit siya sa akin saka niyakap ako ng mahigpit.
Napapabuntong hininga akong kumalas sa kanya. "I want to go to my room now," tumayo ako at tinalikuran ko na siya. Ni hindi ko nakita kung anong naging reaksyon niya.
Nakakapanghina. Alam kong may itinatago siya sa akin. Baka nga lahat sila ay may itinatago sa akin. I need to know. I need to find out. Kakasimula pa lang namin tapos ganito na? Psh..
Paakyat na ako ng hagdan nang malingunan ko si Dazsher na nakasunod na rin pala sa akin. Subalit, nang makasalubong niya ang secretary nang magkakrus ang mga braso at nakaismid sa kanya ay mabilis niya itong kinaladkad patungo sa isang bakanteng kwarto sa ibaba.
Nagpupumiglas pa ito ngunit hindi ito makatakas sa pagkakahawak ni Dasher sa braso. Sobrang dilim ng awra ni Dazsher, galit ang tanging makikita mo roon. Maging ako ay nakaramdam ng kunting takot.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan upang sundan ang dalawa. Ni hindi ko na alintana ang takot sa hagdan. Halos takbuhin ko ito upang habulin ang mga ito nang sq gano'n ay marinig at malaman ko ang paguusapan ng dalawa. Ngunit, nang malapit na ako sa pintuan ng pinasukan nilang kwarto ay may humablot sa braso ko para pigilan ako.
Marahas akong napalingon sa kung sino man itong pangahas ngunit napalitan ang mood ko nang mapagsino ito. Kinalma ko ang sarili saka tipid ang ngiting humarap sa kanya. Nakangiti rin siyang tumingin sa akin. Napakaaliwalas ng kanyang hitsura.
"Hayaan mo na muna silang magusap, Miss Amirah. Obligasyon niyang pagsabihan ito kaya huwag mo nang sundan," anya habang marahang pinisil ang braso ko.
"Paaano niyo ho nalaman? Alam niyo ho ba ang nangyari?" gustuhin ko mang sundan ang dalawa dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba ay nanatili ako sa kinatatayuan. Hindi ko naman maaaring suwayin ang sinabi nito dahil sa ganda ng trato nito sa akin.
Ngumiti uli ito. "Nabanggit sa akin ni Sir Vrougn bago siya umalis. Nagmamadali nga ang batang iyon, eh. Kalalabas ko lang sa opisina ko nang makita ko kayong tatlo." Hinaplos nito ang umaalon kong buhok. "Magpahinga ka na sa silid mo, hija."
Tumango-tango ako. Ewan ko ba at para akong nahihipnotismo sa kanyang ngiti. Her eyes... And her lovely smile... She really looks like Mom. O baka nangungulila lang talaga ako sa Mommy ko kaya ganon na lang ang pagkukumpara ko sa kanya? But the way she touch me to be calm? Ganon na ganon din si Mommy...
Napayuko ako at nangilid ang luha sa mga mata ko. I really missed my Mom. "Mom..." mahina kong bulong.
Hinalikan niya ako sa noo kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. "Alam kong nangungulila ka na rin sa kanya pero nasisiguro ko sa 'yo na gano'n din ang nararamdaman niya kung nasaan man ito," anya sabay haplos ng magkabila kong pisngi at marahang pinunasan ang mga nagpapatakang luha.
Napabuntong hininga ako saka tipid nang ngumiti. "I'm sorry, Manang Cita. I was just too emotional right now. And yeah, your right. I really missed my mommy." sabi ko saka tumango sa kanya at nagpaalam nang pumanhik sa kwarto.
Hindi ako sigurado sa nararamdam ko. Oo, nagdududa talaga ako kay Dazsher pero hindi ko siya maaaring pilitin o paaminin kung anong ugnayan meron sila ng secretary niya. Dadating ang araw na malalaman at malalaman ko rin iyon.
Apat na araw na akong nagkukulong sa kwarto. Hindi para magmukmok o magmukhang tanga. Wala lang talaga ako sa mood. Pero, isa sa dahilan kung bakit hindi ako lumalabas ay para bigyan ng ilang araw ang secretary na iyon upang tapusin ang bakasyon niya rito. Dahil na rin sa kagustuhan ni Dad na manatili rito ang babaeng 'yon at sa pakiusap ni Manang Cita na hayaan ito. Sinabi pa nito na habaan ko daw muna ang pasensiya ko. Psh! After that long week, whether she likes it or not, she needs to leave. Dahil kung hindi lulunurin ko siya sa dagat at ibabaon sa buhangin! She has three days more to stay. Kung pwede ko lang hilahin ang araw ay gagawin ko na para lumayas na ang babaeng 'yon! Kumukulo ang dugo ko sa kanya.
Iniisip ni Dad na inaatake na naman ako ng pagiging childish brat ko kaya hindi niya ako pinakinggan ng tawagan ko siya para bawiin ang approval niya sa one week vacation ng babae! Gusto ko sanang iklian iyon pero hindi ako nasunod! Psh!
Ilang text messages at missed calls na ang narecieve ko mula kay Dazsher pero hindi ako nagatubiling sagutin ang mga iyon. Ilang mga bulaklak at cards na rin ang natatanggap ko. Ilang beses din siyang paulit ulit na kumatok sa pintuan ng silid ko pero hinding-hindi ko siya pinagbubuksan.
I missed him so much pero kailangan ko muna siyang tikisin para marealize niya na hindi ko gusto ang presensya ng sekretarya niya. I want that damn secretary out of his life! Pwede naman niyang sisantehin ang babaeng 'yon pero hindi niya raw pwedeng gawin sa hindi ko malamang rason. And I hate that!
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hinintay ko kung sino ang papasok. Napabuntong-hininga ako nang makitang si Anitha ito, may dala-dalang pagkain na nakalagay sa tray. Nakangiti ito habang inilalapag ang pagkain sa center table.
"Miss Amirah, may naka-indicate po na card sa tasa ng kape niyo. Galing po 'yan kay Sir Dazsher. Siya rin po ang naghanda nitong pagkain niyo. Pinapasabi niya rin po na ubusin niyo raw ito dahil may halong pagmamahal daw ito. Hihihi!" sabi nito habang namimilipit sa kilig.
"Psh!" singhal ko pero bahagyang napangisi.
Tinaboy ko na siya papalabas at binilinan na i-lock ang pinto dahil ayokong may ibang pumasok dito. Even Manang... Nagtatampo kasi ako dahil parang hinahayaan lang din niya ang secretary sa pagi-enjoy rito sa Isla. Ibinabalita kasi sa akin ni Anitha lahat ng galaw ng nasa labas kaya alam ko.
Nahinto ako sa pagiisip nang marinig na mag-vibrated ang phone ko na nakapatong sa kama. Hindi ko sana ito sasagutin kung hindi ko lang namataan ang pangalan ng nakarehistro sa screen. Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng kunting tuwa.
"Gale Danielle Salvador? What's up?"
"Amirah Jade! Hi there my gorgeous friend? How's you? I missed you soooo much!" tili nito sa kabilang linya.
Nailayo ko ng kunti ang phone sa tenga ko dahil sa tinis ng boses niya. Ang sakit sa tenga!
Pagkuwa'y napabuntong hininga. "Me too, Gale. I'm good. How's you too?" I can't tell her what I really felt right now. She's obviously happy.
"Oh my god, friend! I am sooo happy and in love! You know what? I had a boyfriend now! Iiihhhhhh! And.... guess who!!!" kilig na kilig. Psh!
Napakunot ang noo ko. "Who's the unlucky guy?" pangaasar ko.
Napasinghal ito sa kabilang linya. "Duh! Dali na! Hulaan mo kung sino!"
Ako naman ang napasinghal. Letche rin 'to, eh, noh? "Sabihin mo na kasi! Papahulaan mo pa.. Wala ako sa mood ngayon, Gale!" badtrip ako, eh, anong magagawa niya? Psh!
"Aiiisstt! Okay, fine! I and Kean are in a relationship na! Yiiiieeehhhhhh! And, I am soooo damn much happy, Amirah Jade! Atlast..."
Natigilan ako. Akala ko ba ayaw sa kanya ng kababata ko? Psh! Mga lalaki nga naman...
"Hey? Hindi ka na kumibo diyan, friend? Are'nt you happy for me, huh?" malungkot niyang tanong.
Tumikhim ako saka mahinang napangisi. "But of course, I'm happy for you, Gale. Dream come true, right? Haha!"
Natawa rin siya. "Yeah, right! I'm soo happy now, Amirah Jade. Parang gusto ko na nga'ng magpakasal sa kanya, eh! Kaso hindi pa pwede.. Iba nga talaga yata ang nagagawa ng pagibig, no? Tingnan mo ang kapatid mo, sumama na agad sa boyfriend niya! Oh love—"
"What did you say??" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin dahil halos mabingi ako sa narinig. Halos napatayo pa ako sa kama nang dahil do'n! Ilang saglit din siyang natigilan. "What did you just say, Gale?!"
"W-What? W-Which one? Andami kong s-sinabi.." nagkakandautal niyang sabi.
"About Althea! Ulitin mo!" nang hindi pa rin siya sumagot ay sinigawan ko na siya. "Gale! Ano ba? Ulitin mo 'yong sinabi mo about kay Althea!!" tiningnan ko ang phone ko kung nandoon pa siya, and yes, she's still there.
"A-Amirah... I'm sorry nadulas ang dila ko. Naku! Lagot ako neto.."
"What is it, Gale? Narinig ko 'yong sinabi mo, gusto ko lang klaruhin dahil baka mali ang pagkakadinig ko! Tell me!"
Huminga ito ng malalim. "Amirah... ayaw nilang ipaalam sa'yo 'yon. Iyon ang bilin ng Daddy mo sa lahat ng nakakaalam dito. Oo, tama ang narinig mo."
"But why? Bakit di ko pwedeng malaman? May karapatan akong malaman! Kapatid ko 'yon! 'Tsaka, sinong boyfriend?"
Hindi ko alam na may boyfriend na pala si Atlhea. Wala akong alam sa kanya. Naging bulag na ako sa paligid ko noon dahil sa galit ko kay Dad at Adriana.
"Hindi rin namin alam. Nagulat lang din kami. 'Yong daddy ko ang nagsabi sa 'kin tungkol diyan dahil nabanggit sa board meeting. Ang sabi, sumama na raw si Althea sa boyfriend niya at nangibang bansa. Sinubukan ding i-trace ng mga tauhan niyo ang location niya pero off ang phone ni Althea." mahaba niyang paliwanag.
Napalatak ako. 'Nong isang gabi lang ay napanaginipan ko si Althea, umiiyak at humihingi ng tulong. Alam kong kabaligtaran ang panaginip sa totoong pangyayari pero pakiramdam ko totoo. Kinakabahan ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon na halos hindi na ako mapakali. Hindi kaya... Nakidnap siya? Damn it! Kailangan kong malaman ang totoo! Pero papano? Anong gagawin ko? Ngunit, hindi maaari na wala akong gawin. Paano kung totoo 'yong panaginip ko? At kung totoo mang nakipagtanan si Althea... kailangan ko pa ring malaman!
Hindi ko na kailangan pang magkulong dito sa kwarto. Madami akong kailangang gawin. Una, kailangan kong mahanap si Mommy patay man o buhay. Kung sakali man na wala talaga siya rito ay wala na akong magagawa! Pangalawa, kailangan kong malaman ang itinatago ni Dazsher sa akin, kung anong totoong relasyon niya sa secretary niya at pangatlo, si Althea!
I have to do this! I need someone's help to find the answer of all this.