EPISODE 11

1151 Words
CLARK'S POV Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko na ang init ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at nakita ko si Yaya Marta na binubuksan ang kurtina ng mga bintana. "Oh, Anton. Gising ka na pala. Bumangon ka na para makapaghanda na para sa school mo. Iluluto kita ng paborito mo," sabi ni Yaya. "Salamat po," sagot ko naman at nakangiting lumabas na ng kwarto si Yaya at ako naman ay parang nanghihina ang katawan ko. Tinatamad akong bumangon. Ang sama ng pakiramdam ko at ang sakit pa ng puson ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ang sarap pa sana humiga ulit pero nang makita ko ang orasan na malapit nang papatak sa school hours ko ay dali-dali akong bumangon at bumaba ng kama. Nag-inat muna ako para kahit papaano mawala ang antok ko at baka mawala rin ang masama kong pakiramdam. Nang maibaba ko na ang mga kamay ko ay naagaw ng pansin ko ang red stain sa bedsheet. White pa naman ang bedsheet kaya kitang-kita ko talaga at hindi sinasadyang napasayad ang kanan kong kamay sa pantulog na sout ko sa bandang pwetan ko. Napakunot ang noo ko nang may basa at medyo malagkit akong nadama. Agad kong tiningnan ang kamay ko saka lang bigla akong napasigaw. "Dugo! Dugo! May dugo!" Patuloy pa rin ako sa pagsisigaw dahil hindi ko alam kung bakit may dugo ang pwet ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko hanggang sa nasa loob na ng kwarto si Yaya dahil sobra itong natakot sa pagsisigaw ko. "Anton, anong nangyari?! Ba't ka nagsisigaw?" Nag-alala nitong tanong. "May dugo po! May dugo!" Pagsisigaw ko habang tumatalon-talon pa. "Saan?! Saan ang dugo?!" Natataranta din nitong tanong. Agad akong tumalikod sa kanya at itinuro ko ang likuran ko na may dugo. "A-anong gagawin ko?! B-bakit may dugo ang pwet ko?! A-anong nangyayari sa akin?!" Para na akong hihimatayin sa sobrang pagkabahala. "May dalaw ka," sagot ni Yaya. "Dalaw? S-sino?! S-saan?! P-pakisabi ho na hindi ako pwedeng --------" Napatigil ako sa paghi- hysterical ko nang magsink-in sa utak ko ang sinabi ni Yaya na " dalaw ". Napatingin ako sa kanya, nakita ko na nagtagpo ang mga kilay niya, siguro dahil nagtataka siya kung bakit ganito na lang ang reaction ko. "Monthly period mo ngayon," paglilinaw niya sa akin. Napapikit ako. Bakit hindi ko 'yun agad naisip? Ang tanga-tanga ko talaga. Yaya saw the blood stain on the bedsheet kaya tinanggal niya 'yun saka pinalitan ng bago. "Mag-ayos ka na para makakain ka na," bilin niya saka tuluyang lumabas na ng kwarto. Naiwan akong hindi alam ang gagawin, kung anu-ano ang mga dapat gawin. Kailangan ko pa ba talagang maranasan ang mga ganito? Hindi pa ba sapat 'yong nagkapalitan kami ng katawan? Hanggang kailan ba ako ganito? ANTON'S POV "Mag-agahan ka muna bago ka pumunta ng school," sabi ni Lucia nang makita niya akong paalis na. "Sasabay ako sa'yo, Kuya," sabi ni Jane. Tiningnan ko lang sila saglit saka ako lumabas ng bahay. "hindi na 'ko kakain," sabi ko habang naglalakad ako palabas. Tinawag pa ako ni Lucia pero di na 'ko lumingon pa at hinabol naman ako ni Jane. "Kuya, sasabay ako sa'yo," habol niya sa akin saka ko siya nilingon. "Magmo-motor lang ako kaya di pwede." "Kuya naman, eh. Sige na, please," pagpupumilit niya and she pouted, cute naman kaya may magagawa pa ba ako? "Oh, sige," pagsang-ayon ko na lang. "Yes!!" Ang saya-saya niyang pumasok uli sa bahay at kinuha ang bag niya. Isinuot ko muna ang helmet ko pagkatapos kong ibigay sa kanya ang isa pa. Nang matapos ko nang isuot ang helmet ay napatingin ako sa kanya at nakita ko na nahihirapan siyang isuot ito kaya tinulungan ko na lang siya at napansin kong titig na titig siya sa akin habang nakangiti. "Why are you looking at me like that?" Nagtataka kong tanong. "This is the first time you helped me to wear the helmet," Nakangiti niyang saad. "Dati kasi...pinapadali mo na nga ako pero ni hindi mo man lang ako magawang tulungan kahit pa nakikita mong nahihirapan ako," nakanguso niyang sabi habang pinagmasdan ko siya, sinusuri. Hindi ba maganda ang relasyon nilang magkakapatid? Pero bakit? "Male-late na ako," sabi ko at agad kong pinaandar ang motorsiklo at dali-dali naman siyang umangkas at saka inulupot niya ang braso niya sa beywang ko. Inihatid ko muna siya sa school campus nila, since high school pa siya. Agad siyang bumaba nang makarating na kami. Sinubukan niyang hubarin ang helmet niyang sout pero talagang hindi pa siya marunong kaya ako na ang kusang nag-offer ng tulong para tanggalin ang helmet niya. "Thank you, Kuya," nakangiti niyang sabi. "Pumasok ka na," tumango siya bilang pagsang-ayon. Tumalikod na siya para pumasok pero muli siyang humarap sa akin at walang anu-ano'y hinalikan niya ako sa pisngi na siyang ikinagulat ko. "Ingat ka," sabi niya saka siya agad na tumakbo papasok at napailing na lang ako habang pinagmamasdan ko siya mula sa likuran hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok. Isinabit ko ang helmet na sout niya sa braso ko at agad na pinatakbo paalis ang motor. Pagdating ko sa labas ng school campus ay agad akong sinalubong nina Mark at Joey. Agad kong ipinark ng maayos ang motorsiklo. "Bakit dalawa ang dala mong helmet?" Takang tanong ni Joey. "May ibang umangkas, ano?" Tukso naman ni Mark. "Ayyyiee! Sino, dude?" Tanong naman ni Joey. Hindi ko pinansin ang panunukso nila habang inaayos ko ang helmet sa motor matapos ko itong hubarin. "Where's Romir?" Tanong ko sa kanila. "Matatagalan daw siya," sagot ni Mark at tumangu-tango lang ako saka ko sila nilagpasan. "Teka! Sino ang angkas mo kanina?" Ulit na tanong ni Mark. "Oo nga, dude. Kwento ka naman," pangungulit pa ni Joey at medyo naiinis na rin ako sa kanilang kakulitan kaya hinarap ko silang dalawa. "Si Jane," pagkatapos kong sagutin ang tanong nila ay agad akong tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad papasok. Humabol naman sila sa akin. "Wow! Himala naman! Magkasabay ang mag-kuya?" Ani Joey. "Ok na ba kayo ni Jane?" Tanong naman ni Mark. Napahinto ako sa paglalakad at muli ko silang hinarap. "Bakit, hindi ba maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa?" Wala sa loob na tanong ko sa kanila "Para kay Jane, ok lang pero pagdating sa'yo hindi," sagot sa akin ni Joey na siyang lalong nagpagulo sa utak ko. "Keep it up, dude. Baka sa ganu'ng paraan, maiintindihan mo kung bakit mas pinili ni Jane ang sumama noon sa ama niyo," pahayag naman ni Mark. Lumakad ang dalawa at nilagpasan nila ako. Napaisip ako sa mga narinig ko. Ilang linggo na rin akong nabubuhay bilang si Clark pero hanggang ngayon, hindi ko parin nakikita ang ama nila. Nasaan ba ang ama nila? Ano ba ang nangyari sa pamilya nila? Bakit hindi maganda ang relasyon nina Jane at Clark? Bakit parang ang daming misteryong tinatago ang pamilyang 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD