ANTON'S POV
Habang nagle-lecture ang prof. namin ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Ang phone pala ni Clark! Since, nakapalitan kami ng katawan, nagkapalitan na rin kami ng phone.
Dinukot ko ang phone sa bulsa ng pants ko at nakita ko ang phone number ko ang naka-register sa screen na siyang tumatawag sa akin ngayon. Dahil nagkapalitan kami ni Clark ng phone, ibig sabihin si Clark ang tumatawag sa akin ngayon! Bakit kaya? Muli kong ibinalik ang phone sa bulsa at sinubukan kong i-ignore siya dahil baka makikipag-away lang 'to sa'kin ngayon pero vibrate pa rin ng vibrate ang phone kaya wala akong nagawa kundi ang magpaalam sa prof. na lalabas muna ako nang sandali, buti na lang at pinayagan ako.
Pagkalabas ko ay huminto na rin sa kaka-vibrate ang phone kaya pumasok na lang din ako uli pero bago pa ako nakapasok uli ay muling nag-vibrate ang phone ko kaya sinagot ko na rin ito.
"Ano ba? Ba't ka ba tawag nang tawag? Hindi mo ba alam na -------,"
"Buy me a napkin," sabi niya na siyang nagpatigil sa akin sa pagsasalita.
"Ano?" Tanong ko sa kanya at narinig kong napabuntonghininga muna siya bago muling nagsalita nang pagalit.
"I need a napkin right now!" Pasigaw niyang sabi.
"A-anong napkin? Aanhin mo naman ang-----," napahinto ako sa pagsasalita.
Teka! Anong date ba ngayon? Oh, my! Menstruation period ko ngayon. So, ibig sabihin, may dalaw si Clark ngayon? Hindi ko na napigilang mapaawang ang mga labi ko.
"Ano ba, Anton?!" Halata na sa boses niya ang pagkainis.
"O-oo na! Sandali lang!"
Agad kong pinatay ang tawag niya at dali-dali akong pumunta sa parking area at agad na pinatakbo ang motor papunta sa pinakamalapit na grocery store.
Pagkapasok ko sa grocery store ay dire-diretso ako sa kung saan nakadisplay ang iba't-ibang brand ng napkin at habang hinahanap ko ang madalas kong ginagamit ay may dalawang babaeng nag-uusap sa may bandang likuran ko.
"Para siguro sa girlfriend niya 'yan."
"Siguro nga."
"Ang swerte naman ng girlfriend niya dahil may boyfriend siyang hindi nahihiyang bumili nang mga ganyang bagay."
"Oo nga, sana magkaroon din ako ng ganyang nobyo."
Nang makuha ko na ang hinahanap ko ay agad akong umikot paharap sa kanila. Natigilan sila nang makita nila akong nakatingin sa kanila.
"Hi," halos sabay pa nilang bati sa akin sabay kaway. Ningitian ko lang sila saka na ako dumiretso sa cashier.
"Ang gwapo niya!" Kahit narinig ko pa ang pagtili nila ay hindi ko na pinansin 'yun. Pagkatapos kong mabayaran ang binili ko ay dire-diretso na ako sa school. Pagkababa ko mula sa motor ay agad kong tinawagan si Clark.
"Ba't ang tagal mo?!" Bigla kong inilayo ang phone sa tenga ko dahil bigla ba namang sumigaw ang kausap ko.
"Heto na nga ako, oh. Nasa'n ka ba?"
"Ladies comfort room."
Agad ko siyang pinuntahan sa ladies comfort room. Buti na lang at hindi masyadong maraming studyante.
"Clark, andito na ako sa labas," tawag ko sa kanya at nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin dito sa ladies comfort room habang hinihintay kong sumagot si Clark o di kaya ay lalabas siya pero hindi nangyari 'yun kaya muli ko siyang tinawag.
"Clark? Nandiyan ka ba sa loob?" Tanong ko uli pero hindi pa rin siya sumasagot kaya patingkayad na pumasok ako habang nananatili akong alerto dahil baka may babaeng bigla na lang dumating.
Pagkapasok ko ay nakita ko siya sa isang tabi na nakaupo habang nasa puson niya ang dalawang niyang braso. Nahabag ako sa nakita ko kaya agad ko siyang nilapitan.
"Clark?" Tawag ko sa kanya kaya napatingala siya at napatingin sa akin saka ko siya inalalayang makatayo.
"Bakit ang tagal mo?" Mahinahon niyang tanong.
"Sorry," sagot ko saka ko inabot sa kanya ang binili kong napkin. Agad naman niya itong kinuha at bigla na lang kaming napalingon sa labasan nang makarinig kami pareho ng mga boses ng mga babae.
Dali-dali niya akong hinila sa kamay at pumasok kami pareho sa isang bakanteng cubicle at agad naman niya itong ini-lock.
"Hay, ewan ko, Besh. Hindi ko na talaga siya maiintindihan."
"Nag-away na naman ba kayo?"
"Napapagod na ako sa relasyon namin. Ayoko na."
"Eh, ang tanong, kaya mo na ba?"
"Hindi. Pero mas ok nang maghiwalay kami kesa 'yung araw-araw kaming mag-aaway."
"Pwede niyo naman pag-usapan, eh."
"Para sa'n pa?"
"Alam mo, kahit gaano pa kalaki ang pinag-aawayan ninyo o ang hindi niyo napagkakasunduan, kung pag-uusapan ninyo 'yan ng masinsinan kung bakit kayo nagkaganito o kung anu-ano 'yong mga dahilan ng away niyo. I'm sure, maso-solve ninyo yang problema niyo. Kulang lang kayo sa masinsinang pag-uusap, eh."
"Ah, basta! Napapagod na'ko."
Pagkatapos nilang mag-usap at gawin ang ginagawa nila ay agad din naman silang lumabas. Napatingin ako kay Clark at ganu'n rin siya sa akin. Natulala ako, nagtataka, nakakunot ang noo dahil nakikita ko ang katawan ni Clark na nasa harap ko ngayon at nakatingin rin sa akin.
Muli kaming nakabalik sa sarili naming katawan. Napayuko ako at tiningnan ko ang mga kamay namin. Magkadaop pala kaya kami nakabalik sa sarili naming katawan. Agad kong binawi ang kamay ko kaya nagkapalitan na naman uli kami ng katawan.
"Ayusin mo na ang sarili mo. A-alis na ako," agad akong lumabas. Nang nasa labas na ako ay ginawa kong pamaypay ang kamay ko dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.
Dumiretso ako sa klase namin at nang makaupo na ako sa tabi ni Mark ay agad niya akong binalingan.
"Saan ka ba galing? Ba't ang tagal mo?" Tanong niya sa akin.
"May inasikaso lang," sagot ko naman at hindi na siya muli pang nagtanong. Habang patuloy na nagdi-discuss ang prof. namin ay hindi mawala-wala si Clark sa isipan ko.
Nag-alala ako dahil everytime na may period ako ay napakasakit talaga ng puson ko. Paano kung hindi niya ito kaya?
"Let's go," yaya ni Joey pagkatapos ng klase pero ako ay nanatiling nakaupo.
"Hoy, Clark!" Napapiksi ako sa biglang pagsigaw ni Romir.
"B-bakit?"
"Alis na tayo," sagot naman ni Mark. Agad akong napatayo. Niligpit ko ang mga notes ko saka tumingin sa kanila.
"Mauna na kayo dahil susunod na lang ako," sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Dali-dali akong lumabas kahit pa tinatawag nila ako. Dumiretso ako sa room nina Clark pero wala nang tao. Hinanap ko siya pati na rin ang mga kaibigan ko pero wala na talaga sila. Nagpalakad-lakad ako sa pasilyo habang nagmumuni-muni. Bakit nga ba ako nag-alala sa kanya? Hindi ko dapat 'to nararamdaman.
Napadaan ako sa isang nakabukas na room. Lumapit ako doon at dahan-dahang sinilip ang loob at ang unang bumulaga sa akin ay si Clark. Nakayukyok ang ulo sa ibabaw ng desk na nakaunan sa kaliwa niyang braso habang ang isa naman niyang kamay ay nasa balakang niya, dahan-dahan na pinupukpok niya ang likuran dahil sa nararamdaman.