EPISODE 13

1525 Words
ANTON'S POV May kung anong awa ang nararamdaman ko para sa kay Clark nang makita ko siya sa ganung sitwasyon. I feel him dahil ganun naman talaga ang nararamdaman ko kapag may dalaw ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nanatili parin siya sa kanyang position at ni hindi man lang niya ako napansin. Umupo ako sa tabi niya at unti-unti kong itinaas ang kanang kamay ko at dahan-dahan na inilapat ko iyon sa balakang niya at bahagya kong pinisil-pisil iyon. Napaangat siya ng ulo at napatingin sa gawi ko. Nang makita niya ako ay muli niyang ibinalik ang sarili sa dating huwesto. "Masakit pa rin ba?" Tanong ko at tumangu-tango lang siya. "Ganito ba ang nararamdaman mo kapag may dalaw ka?" Tanong niya habang nakayukyok pa rin ang mukha sa upuan. I just moan as my answer to his question. "Buti at natiis mo 'to. Hindi ka ba nahihirapan?" Muli niyang tanong. "Nahihirapan naman pero kailangang tiisin." "Natiis mo 'to sa loob ng ilang taon?" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Isang araw lang naman, eh. Bukas, wala na." "Parang hindi ko yata 'to kaya. Hirap." "Nasabi mo 'yan kasi lalaki ka," umangat siya nang tingin at tumingin siya sa'kin. "Lalaki nga ako. Pero bakit kailangan ko pa 'to maranasan?" Napayuko nalang ako at nanatiling tahimik dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot. "Mas pipiliin ko pang mabugbog kaysa sa ganito," muli niyang sabi. Nanatili lang akong tahimik kaya muli niyang niyukyok ang ulo sa mesa. "Buti ka pa, natiis mo 'to." Napatingin ako sa kanya. Sa totoo lang, naawa ako sa kanya. Tama siya, lalaki nga siya pero bakit kailangan pa niyang maranasan 'to? "Lakasan mo nang kunti," muli akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya kaya nilakasan ko pa nang kunti ang pagpisil ko sa balakang niya. "Dito pa," itinuro niya ang malapit sa bandang tagiliran niya at 'yun naman ang pinisil-pisil ko. "Lakasan mo pa nang kunti." "Ganito?" Taning ko habang nilalakasan ko ang pagpisil sa balakang niya. "Kunti pa," sagot niya kaya nilakasan ko pa ang pagpisil. "Ganyan nga, masarap," napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko akalain na magkakaroon kami ng conversation ni Clark nang ganito. Ni minsan, hindi ko inaasahan na mangyayari 'to sa'min at nagbigay sa puso ko ng tuwang 'yun kahit papano. AT DAHIL nahihirapan si Clark ay napilitan akong ihatid na lang siya sa bahay. Tinawagan ko na lang si Jane na sasakay na lang siya ng taxi dahil may pupuntahan pa ako. Isinuot niya ang helmet na suot ni Jane kanina pagkatapos ay umangkas na siya sa likuran ko. Napansin ko ang mga kamay niya na nasa gilid lang ang mga ito. "Humawak ka," sabi ko sa kanya. Agad kong pinatakbo ang motor matapos kong sabihin 'yun at dahil nga siguro sa pagkabigla niya ay napayapos siya nang yakap sa beywang ko at maya-maya lang, naramdaman ko ang pagdikit ng mukha niya sa likod ko. May kung anong sensasyon akong nadama ng mga oras na 'yun. Pakiramdam ko, sobrang init ng hanging dumadampi sa pisngi ko at mas lalong uminit ang pakiramdam ko nang bahagyang hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Gosh! Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganito ang t***k ng puso ko. Pagkadating namin sa bahay ay dahan-dahan siyang bumaba at lumapit siya sa akin. "Sigurado ka bang mawawala na 'to bukas? Kasi, parang di ko na kaya, eh." "Oo, mawawala na 'yan bukas. Ang gawin mo lang ngayon, matulog ka, magpahinga ka," sabi ko habang tinatanggal ko ang suot niyang helmet at nang matanggal ko na 'yun ay walang lingun-likod na pumasok na siya sa gate ng bahay. Napatingin na lang ako sa likod niya na unti-unti nang nilalamon ng gate na bakal pero bago pa siya tuluyang nawala ay may babaeng sumalubong sa kanya. Si Mama! "Anton, anak." Nakita kong nilagpasan lang siya ni Clark at ni hindi man lang siya nito tiningnan. Medyo nasaktan ako sa tagpong 'yun pero hindi ko naman masisisi si Clark dahil alam ko, galit siya sa pamilya ko at ganu'n rin naman ako sa kanila, eh at isa pa, kahit ako mismong anak ay ginaganyan ko rin si Mama, hindi pinapansin, laging dinidedma at binibigyan lagi nang sakit sa ulo. Dali-daling pinaandar ko ang motor para makaalis na bago pa niya ako makita pero bago ko pa napatakbo ang motor ay si Mama nasa likod ko na. "Clark?" Tawag niya sa akin. Nakaupo kami sa isang bench na malapit lang sa bahay. Nanatili akong walang imik habang nakikiramdam sa kanya at maya-maya lang ay nagsalita rin siya. "Kumusta ka na? Ang mama mo?" Tanong niya. "Ok lang naman po," matipid kong sagot at muli siyang natahimik. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang 'wag lang siyang magkamaling kamustahin ang Papa ni Clark dahil baka ano pa ang masabi ko kung sakaling hindi ako makapagpigil. "Ahh, Clark?" Tawag niya sa akin. 'Wag mong itanong 'yun. Wag mong banggitin ang ama ni Clark. Wag mong------. "Kumusta na ang Papa mo?" Palihim na kinuyom ko ang kaliwa kong kamao. Yung inis at galit ko sa kanya ay muli namang nabuhay. Lagi niyang sinasabi sa'kin dati na wala silang nagawang kasalanan at misunderstanding lang ang lahat pero dahil sa ginagawa niya, sa simpleng pangungumusta niya sa Papa ni Clark para na rin niyang pinatunayan na may namamagitan talaga sa kanilang dalawa na naging dahilan ng pagkawala ni Papa dahil kung wala talagang namamagitan sa kanila ay hindi na niya sana nanaisin pang malaman ang totoo nitong kalagayan. "Clark?" Muli niyang tawag nang wala siyang natanggap na sagot mula sa akin. Napatayo ako at ni hindi ko man lang siya magawang tingnan dahil diring-diri ako sa kanya ngayon. Kapamilyado niyang tao pero nagawa parin niyang gumawa ng ganitong bagay. "Alis na po ako. Baka hinahanap na nila ako." Aalis na sana ako papunta sa kinalalagyan ko ng motor nang muli siyang magsalita. "Walang kasalanan ang Papa mo, sana 'wag kanang magalit sa kanya." At dahil sa narinig ko, walang lingon-likod na nilisan ko na siya. Nanggagalaiti ako sa galit, gusto ko siyang sumbatan, gusto kong ipamukha sa kanya kung anong klaseng babae siya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano kabigat ang mga kasalanang nagawa niya. Galit na galit na pinatakbo ko ang motor dahil gusto kong mahimasmasan at halos paliparin ko na ito sa sobrang bilis. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Jane. "Kuya!" Nakangiti niyang sabi at nang akma na sana niya akong yakapin ay agad akong umiwas at diri-diritso na akong pumasok ng bahay. Pagpasok ko sa main door ay nakita kong napatayo si Lucia mula sa pagkakaupo niya sa sofa at sinalubong ako pero nilagpasan ko lang siya kagaya nang ginawa ko kay Jane. Walang anu-ano'y dumiretso ako sa kwarto at pabalibag na isinara ko ang pinto. Ibinagsak ko ang katawan ko ng padapa sa kama saka tuluyang nagsilandasan ang mga luha ko na kanina ko pa pilit pinipigilang dumaloy. Lalong naging masama ang tingin ko kay Mama, lalo akong nanliit sa kanya. Pa, paano mo nagawang mahalin ang katulad ni Mama? Paano mo siya napagtiisan? Napahagulhol ako ng iyak habang nakasubsob sa unan ang mukha ko. Ang dami kong tanong sa sarili na ni hindi ko man lang mabigyan ng kasagutan. Wala naman akong magawa tungkol doon maliban lang sa pag-iyak. Iyak parin ako nang iyak ng biglang may bumukas sa pinto. "Anton?" Natigilan ako nang rumihestro kaagad sa akin ang boses niya. Si Mama! Agad akong napabangon sa pagkakadapa at napatingin ako sa alarm clock na nasa side table ko. It's already 7:00 o'clock in the evening kaya pala nasa sariling katawan na ako uli. "Ba't ka umiiyak?" Nag-alala niyang tanong at dali-dali siyang lumapit sa akin. "May problema? May masakit ba? Sabihin mo." Napatingin ako sa kamay ko nang bigla niya hawakan. Sa inis ay agad kong iniwaksi ang kamay niya saka bumaba sa kama but she grabbed my hand again. "Anton?" "Wag mo 'kong hawakan," pagalit na muli kong iniwaksi ang kamay niya. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at sinundan naman niya ako at muli niya akong hinawakan kaya lalong umusbong ang galit sa puso ko. "Anton, talk to me, please," pakiusap niya sa akin, galit na binalingan ko siya. "I said, don't touch me!!" Galit na galit ko siyang itinulak kaya napaatras siya. Kitang-kita ko kung paano siya napatda sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Dali-dali akong bumaba at pagdating ko sa sala ay muli niya akong pinigilan sa kamay. "Anton, anak," medyo gumaralgal na ang bose niya na nagsasabing malapit na siyang iiyak kaso pinipigilan niya lang. Matatalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya nang balingan ko siya. "Wag na wag mo akong tawaging anak dahil wala akong ina na manluluko!" Agad kong iniwaksi uli ang kamay niyang nakahawak sa akin saka tuluyan na akong lumabas ng bahay. Habang palabas ako ay naririnig ko ang paghikbi niya habang pinapatahan siya ni Yaya. Pagkadating ko sa park ay agad namang bumuhos uli ang mga luha ko. Hirap na hirap na ako. Gusto ko siyang patawarin para magkaroon na nang katahimikan ang puso ko pero hindi ko magawa dahil na rin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD