EPISODE 14

1271 Words
CLARK'S POV Matapos akong ihatid ni Anton ay dumeritso na'ko sa kwarto dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko. Nanghihina parin ako at ang sakit pa ng puson ko. Bukas mawawala na raw 'to sabi ni Anton. Matutulog nalang muna ako dahil baka mababawasan na rin ang sakit na nararamdaman ko. Pinikit kong makatulog pero hindi ko talaga magawa dahil nangingibabaw ang sakit sa puson ko pero maya-maya lang ay napapikit ako at sa pagmulat ko ay nawala na ang nararamdaman kong sakit. Pero bakit nakasubsob ang mukha ko sa unan habang nakadapa?? Nagtatakang tumihaya ako, napatingin ako sa loob ng kwarto. This is my room!! Itinaas ko ang mga kamay ko saka ko napagtantong nasa loob ako ng sarili kong katawan. Napatingin ako sa maliit na orasan na nasa side table ko, 7:00 o'clock na pala. Bumalik na'ko uli sa sarili kong katawan at ganun rin si Anton. Sigurado akong nagtitiis siya ngayon sa sakit ng puson niya. Hay, ba't ko ba siya iniisip? Ang sarap talaga nang walang dinadalang sakit. Naalala ko ang ginawa ni Anton sa'kin kanina sa school, hindi ko talaga inaakalang mag-usap kami nang ganun. Naalala ko pa kung paano siya nag-alala nang makita niyang nahihirapan ako. Naalala ko rin nung ginawa kong pagyakap sa kanya noong hinatid niya ako pauwi. Sa totoo lang, napangiti ako habang nanariwa sa isip ko ang lahat nang 'yun. Dali-dali akong bumaba ng kama at dumiretso ako sa banyo para maghilamos, tiningnan ko muna ang sarili sa salamin pero natigilan lang ako sa aking nakita. Biglang nawala ang ngiti na nasa mga labi ko. Inilapit ko pa ng kunti ang mukha ko sa salamin para matanto ko kung ano 'yun. Luha? Is it really tears? Dahan-dahan kong pinahid iyon saka ko lang napagtanto na luha nga ang nasa pisngi ko. Bakit may luha? Hindi naman ako umiyak, ah! Umiyak kaya si Anton? P-pero bakit? May problema ba? May nangyari ba? Ehh, bakit ko ba pinoproblema 'yun? Labas na ako dun pero maya-maya lang natagpuan ko nalang ang sarili kong dina-dial ang phone number ni Anton. Ring lang ito nang ring. Hindi narin ako mapakali, bakit ko ba 'to nararamdaman? Bakit ko ba siya inaalala? Hindi niya sinagot ang tawag ko kaya dinayal ko uli ang number niya at biglang napabuntong hininga ako nang sagutin na niya ang tawag ko. "H-hello?" Para akong binuhusan ng tubig nang marinig ko ang boses niya na alam kong sinusubakan niyang huwag gumaralgal. "O-ok ka lang ba?" Tanong ko pero hindi siya umimik, hindi siya sumagot kaya medyo nag-alala ako. "Anton? Ok ka lang ba?" Sa pangalawa kong tanong ay tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak sa kabilang linya. May kung ano naman damdamin ang kusang umusbong sa puso ko. "Asan ka? Pupuntahan kita." Agad kong ibinaba ang phone, pahablot na dinampot ko ang leather jacket ko na nakasabit sa sandalan ng upuan saka dire-diretso akong lumabas ng bahay. Sakay sa motor ko ay agad akong pumunta sa park na sinabi niya. Bigla na lang akong napahinto sa tabi nang marealized ko kung anong kagaguhan ang ginagawa ko ngayon. Galit ako sa kanila, di ba? Pero ano naman 'tong ginagawa ko ngayon? Para ko nang paliparin ang motor sa bilis nang pagpapatakbo ko. Iniisip ko siya, inaalala at may kung anong takot akong nadarama na baka kung ano ang mangyari sa kanya o kung ano ang pwede niyang gawin. Clark, ano ka ba? Baliw ka na ba? Pero ito ba 'yong tamang oras para pairalin ang galit? Hindi! Kailangan ko siyang puntahan, kailangan niya nang makakausap kaya walang anu-ano'y muli kong pinatakbo ang motor hanggang sa nakarating na ako sa sinabi niyang park. Hinanap ko siya kaagad nang hindi ko siya nakita. "Anton?!" Sigaw ko habang lakad-takbo akong hinahanap siya. Patuloy pa rin akong hinahanap siya at hindi nagtagal, nakita ko na rin siyang nakaupo sa isang bench habang dinig na dinig ko mula sa kinaroroonan ko ang paghikbi niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nang nasa harapan na niya ako ay napatingala siya. Nang makita niya ako ay saka siya napahagulhol at walang anu-ano'y napatayo siya at biglang yumapos sa akin ng yakap habang patuloy sa paghikbi. Labis ang pagkabigla ko sa ginawa niyang pagyakap. Ang puso ko, ang lakas ng pintig, ang lakas ng pagtambol. Pakiramdam ko, napatigil bigla ang mundo ko sa pag-ikot. Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko at payakap na hinimas-himas ang likuran niya para kahit papaano'y mapatahan ko siya at mapagaan ang kanyang nararamdaman. ANTON'S POV Pagdating ko sa park ay naglakad-lakad ako habang dumadaloy sa magkabila kong pisngi ang masasagana kong mga luha at nang mapagod ako sa paglalakad ay napaupo ako sa isang bench. Nasasaktan pa rin talaga ako at ang galit ko para sa ina ay hindi mawala-wala. Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. Nakita ko ang pangalan ni Clark sa phone screen ko, hindi ko siya sinagot pero nang muli siyang tumawag ay sinagot ko na rin siya. "O-ok ka lang?" Tanong niya at napapikit ako nang marinig ko ang tanong na 'yun. I bit my lower lip para hindi ako mapahikbi. "Anton, ok ka lang?" At sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na napigilang mapahikbi lalo na nang makita ko siya na nasa harapan ko na habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay nakahanap ako ng karamay at masasandalan kaya hindi ko na napigilan ang sariling yakapin siya nang mahigpit. Parang ang lahat ng galit ko sa lalaking ito ay biglang nawala na parang bola. "Pasensya ka na kanina, nadala lang sa emosyon," hinging depensa kong sabi. "Ok lang. Naiintindihan ko naman." Sa totoo lang, hindi ako mapakali dahil sa napaka-awkward naman ng sitwasyon namin. Galit kami sa isa't-isa tapos may payakap-yakap pang nagaganap. "May problema ba? Pwede mo naman siguro sabihin sa akin." Napatingin ako sa kanya pero binawi ko din kaagad. Natahimik ako at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi kasi sa totoo lang, may kinalaman din ito sa pamilya niya lalo na sa ama niya. Hindi agad ako nakapagsalita kaya inunahan na niya ako. "Ok lang kung hindi mo kayang sabihin. Naiintindihan ko." "Sorry," sagot ko naman. Ngumiti lang siya at dahil sa ngiting 'yun, pakiramdam ko tuloy nakahanap ako ng kaibigan sa katauhan ng taong isa sa mga gusto kong paghigantihan. Pakiramdam ko, panatag na ang kalooban ko. "Uwi ka na. Malalim na ang gabi." Tumayo na siya at napatayo na rin ako kaya lang bigla akong natisod, na-out balance kaya muntikan na akong bumagsak at dahil sa bilis nang pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng mga bisig ni Clark. Nang bigla pala akong natisod ay agad-agad akong sinalo ng mga bisig niya. Napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. Ang puso ko, biglang nagwawala. Halos mabibingi na ako sa sobrang lakas ng kabog niya lalo na nang pagtingala ko kay Clark ay nagkasalubong ang mga mata namin. Pareho kaming nagkatitigan. Parang sa tahimik na paraan, nag-uusap ang aming mga mata tungkol sa kung anu-ano ang laman ng aming mga puso. Napatingin ako sa mga labi niya at ganu'n rin siya sa akin. Nakakaakit. Nag-aanyaya. Teka, Anton. Ano bang mga pinagsasabi mo? Agad ko siyang tinulak ng bahagya bago pa ako tuluyang makalimot at para rin siyang natauhan sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Pasulyap-sulyap lang ang tingin niya sa akin at ganu'n rin ako dahil nahihiya talaga ako sa nangyari. Parang di ko siya kayang harapin. "Ahh, u-uwi n-na t-tayo," nabubulol niyang sabi. Tumangu-tango lang ako bilang pagsang-ayon. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka mabulol rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD