EPISODE 15

1362 Words
CLARK'S POV Napainat ako habang nakahiga pa, bakit kaya ang gaan-gaan ng araw ko ngayon? Naalala ko ang nangyari kagabi, napangiti na lang ako. Muli kong ipinikit ang mata pero ang yakap-yakap effect pa rin kagabi ang nakikita ko kaya mas lalong napalaki ang ngiti ko. "Baka gusto mo nang bumangon para makapaghanda na rin." Nawala bigla ang ngiti ko nang hindi ko napansin ang pagpasok ni Yaya Marta. Agad akong napamulat at napatingin sa kanya. "Good morning," nakangiti kong bati. Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Dali-dali siyang lumapit sa akin at kinapa ang noo ko. "Wala ka namang lagnat, ah. Ok ka lang ba?" Bahagya kong tinabig ang kamay niya kasi sirain ba naman ang maganda kong araw. "Ok lang po ako. Maliligo na po ako." Bumangon na 'ko saka bumaba ng kama. Didiretso na sana ako ng banyo nang magsalita si Yaya. "Ayaw kong sirain ang maganda mong araw. Pero, sana Anton. Pakinggan mo muna ang Mama mo sa lahat-lahat ng mga gusto niyang sabihin sa'yo. Alam mo ba, halos magdamag siyang umiyak kagabi. Sana, bigyan mo siya ng chance na makapagpaliwanag." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na rin siyang lumabas ng kwarto. Natigilan ako sa narinig ko, kaya ba umiiyak si Anton kagabi dahil nag-away sila ng ina niya? Kung nag-away sila, ibig sabihin hindi maganda ang relasyon nilang mag-ina? Bakit? Sinisisi kaya ni Anton si Rita sa pgkawala ng ama niya? Bigla tuloy akong nawalan ng gana, nawala tuloy ang umaga ko na kanina lang ay puno nang ngiti. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong bumaba para mag-almusal. Napahinto ako nang makita ko si Rita na nakaupo na rin sa dulo ng mesa at si Yaya sa kaliwang side niya. Agad siyang tumayo at ipinaghilaan ako ng upuan. "Kumain ka muna, nak." Napatingin ako sa kanya at kay Yaya, pasimple namang sumesenyas si Yaya na pagbigyan ko na ang anyaya ni Rita at dahil sa no choice na ako, napilitan na rin akong umupo sa hinila niyang upuan para sa akin. Agad niya akong sinalinan ng kanin at nilagyan rin niya ng shrimp ang pinggan ko. "Oh, heto. Paborito mo 'to. Ayan, binalatan ko na yan." Pinagmasdan ko siya habang nilalagyan niya ng pagkain ang pinggan ko, napatingin rin ako kay Yaya na nagmamasid din pala sa amin. Tumangu-tango lang ito. Napatingin ako sa ulam na nilagay niya at dahan-dahan ko itong nilagay sa gilid ng pinggan ko. "Bakit, ayaw mo ba? Di ba, paborito mo yan?" Napatingin ako kay Rita at nakita ko sa mga mata niya ang pagkakadismaya at nakita ko rin si Yaya na napailing. Hindi dahil sa gusto ko siyang saktan kundi dahil hindi talaga ako kumakain ng ganu'ng pagkain. Dahil allergy ako sa shrimp kaya napatayo na lang at napatingin naman sila sa'kin. "I'm full. I'm going to be late. I gotta go." Dali-dali kong kinuha ang bag ko saka tuluyan na akong lumabas. At buong maghapong wala na akong gana, nagdidiscuss ang prof sa harap at nakatingin naman ako sa kanya na animo'y seryosong nakikinig pero hindi pala pumapasok sa utak ko ang mga pinagsasabi ng prof namin at minsan pa nga akong binatukan ni Ken nang wala akong imik habang kinakausap nila. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa pamilya namin. Dahil nga gusto ko munang mapag-isip, naglakad-lakad muna ako para kahit papaano ay mababawasan 'tong dami ng iniisip ko. Napatigil ako sa paglalakad nang may mga kalalakihan akong nakasalubong. Lumapit sila sa akin at pilit nila akong hinaharangan. "Maganda, Pare." "Sigurado akong mag-eenjoy tayo dito." "Paraanin niyo ako," matikas kong sabi at agad ko silang nilagpasan pero bigla naman akong hinila ng isa sa kanila kaya sa galit ko ay sinapok ko na ito at galit na galit namang binalingan niya ako. "Matapang ka, ah!" Napahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya medyo nasasaktan na ako. Itinaas niya ang kanan niyang kamay para sampalin ako pero bago pa lumapat ang palad niya sa pisngi ko. "Wag mo siyang saktan!!" Napalingon ako sa lalaking bigla na lang sumulpot. Si Anton! Patulak na binitawan ako ng lalaki kaya bumagsak ako sa sementadong daan. Nanlilisik ang mga matang binalingan niya si Anton at si Anton naman ay napaka-astig tingnan. Ang ganda pala talaga ng katawan ko tingnan lalo na kapag aasta itong maastig kaya walang duda kung bakit ang daming nababaliw at humahabol sa akin. Pinulot ng lalaki ang maliit na bakal sa tabi at hinila niya ito papunta kay Anton habang nakasayad sa sementadong daan ang dulo nito na nagresulta ng nakakarinding tunog na para bang masisira na ang eardrums ko. Dahan-dahan niya itong binuhat at biglaan niya itong ipinalo sa ulo ni Anton pero bago pa ito tumama ay napaupo bigla si Anton habang nagsisigaw. "Wag po! Wag po! Wag po, kuya!" Napatingin ako sa kanya, ang dalawa niyang kamay ay nakataas na naka-ekis sa ibabaw ng ulo niya. Imbes na parang sasabog na sa galit ang lalaki at ang mga kasama nito ay bigla na lang nagsipagtawanan ang mga ito. "Bakla, Pare!" Bulalas ng isa habang tumatawa. "Ang laki-laki ng katawan, bakla pala." Dugtong pa ng isa kaya nasampal ko na lang ang sarili kong noo sa nasaksihan. "Wag po! Wag po! Wag po, kuya! " Ginaya pa ng isa sa tatlong lalaki ang naging reaksyon kanina ni Anton habang tawang-tawa naman. Napakuyom ko ang kamao ko sa galit at kahihiyan. Biglang hinablot ng isang lalaki si Anton patayo sa polong suot nito at mababasa naman sa mukha ni Anton ang sobrang takot. Napatayo ako habang nakakuyom ang mga kamao ko. "Bitawan niyo 'yan!" Matigas kong tugon. Napalingon sila sa akin at pagalit na binitiwan nila si Anton. "Ano 'to?" Tumingin siya kay Anton, "...bakla?" Sabi niya at sa akin naman siya tumingin, "...at tomboy?" Saka sila napatawa na para bang nasasapian na ng demonyo. Biglang sumugod sa akin ang isang lalaki. Agad niya akong inumbag, agad akong umiwas at bigla kong dinakip ang kanan niyang braso kasabay nang pagtama ng siko ko sa kanyang batok na may kalakasan kaya bumagsak siya ng padapa at wala nang malay. Agad namang smunod na sumugod ang isa pa, mabilis akong umikot kasabay ng paglipad ng paa ko patungo sa kaliwa niyang pisngi. Umalog-alog ang pisngi niya nang matamaan iyon ng sipa ko kasabay nun ay ang pagbagsak niya na wala ring malay. Napalingon ako kay Anton nang bigla itong nagsisigaw. Hawak siya ng lalaking umatake sa akin kanina. Nakapulupot ang braso nito sa kanyang leeg kaya kitang-kita kong nahihirapan siya. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanila. "Wag kang lalapit, papatayin ko ang baklang 'to." Parang bombang sumabog sa tenga ko ang salitang ' bakla ' na binitawan niya, naningkit ang mga mata ko sa inis habang muling napakuyom ko ang palad ko. Patuloy parin ako sa paglalakad palapit sa kanila. "Diyan ka lang. Papatayin ko talaga 'to 'pag hindi ka titigil." Banta nito at lalo pa nitong hinigpitan ang pagpulot ng braso nito sa leeg ni Anton kaya lalong nahihirapan si Anton at dahil sa paghihirap ni Anton mas lalo akong nanggagalaiti sa galit. Bigla akong tumakbo palapit sa kanila. "Yuko!!!!" Sigaw ko at sa pagkabigla ni Anton ay napayuko siya habang sumisigaw. Ibinuhos ko ang buong lakas ko, tumalon ako saka umikot dali-dali kong itinuwid ang kanan kong paa at siniguro ko talaga na tatama ang paa ko sa gagong lalaking 'to at di nga ako nabigo, sapul ang mukhang tinamaan ng malakas kong sipa kaya bagsak ang wala nitong malay na katawan. Nang makawala si Anton sa pagkakapulupot nito sa kanya ay napaupo siya at ang dalawa nitong palad ay nakatakip sa magkabila niyang tenga habang patuloy paring sumisigaw. Maayos namang napa-landing ako sa sementadong daan, napapikit na lang ako sa inis habang pinagmamasdan ko si Anton na walang humpay sa pagsisigaw. 'Yong pakiramdam habang pinagmamasdan mo ang katawan mong kaylaki-laki pero nagsusumigaw na parang bakla sa isang tabi. My, god Anton! Ano bang ginagawa mo sa matipuno kong katawan? "Tapos na. Tumigil ka na," sabi ko sabay sapak sa ulo niya. Napatingala siya sa akin sabay tayo. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinawakan at hinaplos-haplos ang mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD