CLARK'S POV
Labis ang pagtataka ko sa ikinilos niya. Bigla ba naman niyang hinaplos-haplos ang pisngi ko na nag-alala.
"Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nasagutan ka ba? Saan ang gasgas mo? Dalhin kita sa ospital. Ipapagamot kita."
Napatitig ako sa kanya, may kung anong damdamin ang sumibol sa puso ko nang makita ko ang pag-alala niya. Patuloy pa rin siya sa paghaplos-haplos sa mukha ko at pati na rin ang mga braso ko, tinitingnan na rin niya kung may sugat ba ako o gasgas man lang. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may nag-alala sa'yo? Sarap din pala damhin. Sarap din pala namnamin. Napangiti ako sa isiping iyon, para akong kinikiliti sa pag-alala niya.
"Mag-ingat ka naman baka magasgas ang balat ko. Alam mo namang alagang-alaga ko 'to. Ayaw na ayaw ko talagang nasusugatan ito. Kaya pwede ba, mag-ingat ka?"
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mga labi dahil sa narinig ko. Akala ko ba naman talagang nag-alala siya sa akin bilang ako, bilang Clark pero nag-alala pala siya para sa balat niya. Inis na bigla kong iniwaksi ang mga kamay niya.
"Wow! Wow, Anton! Nag-aalala ka sa mukha mong 'to?..." sabi ko sabay turo sa mukha niya, "...ni hindi ka man lang nag-alala sa katawan kong ipinahiya mo?" Patuloy kong sabi.
"P-pinahiya? K-kailan? S-saan?" Nagtataka kong tanong.
"Bago lang, dito mismo!" Pasigaw kong sagot.
"P-pano?"
"Hindi mo alam? Tinatawag nila akong bakla tapos hindi mo alam?"
Nagtagpo ang mga kilay ni Anton na para bang naguguluhan.
"Hindi mo pa rin alam?" napanganga ako dahil sa katangahan niya. Nakapamewang ako sa inis.
"Andyan ka sa tabi, nagsisigaw, hindi mo ba alam na nagmukha na akong bakla sa ginawa mo? Kelaki-laki ng katawan ko, ang laki ng mga bisig ko..." bahagya kong itinaas ang sout niyang t-shirt sakto lang na makita ang kanyang katawan, "...may six packs pa ako tapos magsisigaw ka lang ng "wag po! wag po! wag po kuya!" ngayon, sabihin mo kung hindi mo ba ako ipinahiya."
"Anong magagawa ko, ehh natatakot talaga ako kanina."
"Takot ka? Kelaki-laki ng katawan ko tapos natatakot ka? Anton, lalaki ang katawan ko."
"Malaki nga. Lalaki ang katawan mo, ehh babae naman ang kaluluwa ko."
"Ewan ko, Anton," sabi ko saka ko siya iniwan.
ANTON'S POV
"Galit kaya siya sa'kin?" Tanong ko sa sarili ko.
"Sino?" Pabulong na tanong ni Romir.
"Haist! Napaka-tsismoso niyo talaga."
"Sino ba kasi 'yan?"
"Wala," matipid kong sagot.
"Wala daw? Pero may binulong-bulong?" Sabad naman ni Joey.
Tiningnan ko lang sila at inirapan saka tumayo.
"Oh, san ng punta mo?" Habol ni Mark.
"Uwi na ako," agad kong sagot.
"Ba't ka ba nagmamadaling umuwi? Ehh, weekend naman bukas," pangungulit pa nito.
"Nangangasim na ang tiyan ko."
"Tumatakas ka lang, eh," sabad naman ni Romir. Hindi ko na sila pinakinggan, diri-diretso na akong lumabas ng bar at dumiretso na ako sa bahay.
Paakyat na sana ako ng bahay nang bigla akong napapikit at nang magmulat ako ay nasa loob na ako ng sarili kong katawan na nakababad sa bathtub. Ba't ba ang hilig-hilig magbabad sa bathtub ang lalaking 'yun? Agad akong umahon saka isinuot ang bathrobe, lumabas na ako ng banyo.
CLARK'S POV
Napasarap na sana ako habang nakababad sa bathtub nang muli akong bumalik sa katawan ko at nasa hagdanan ako paakyat. Hay, ang babaeng 'yun.
Uminom na naman kahit wala pang kain, ang asim tuloy ng sikmura ko. Bumaba ako at pumunta ako sa kusina. Gutom na talaga ako. Habang nasa kalagitnaan ako ng kain ko biglang sumulpot si Jane.
"Himala naman. Nakauwi ka ng maaga."
Hindi ko siya pinansin, ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Dad, tried to reach you pero hindi ka nagrereply. He keep asking kung kumusta ka na? Kuya, bakit hindi mo na lang pakawalan ang nakaraan at subukang....subukang pakinggan ang mga paliwanag nila."
Pagbagsak na binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko kaya napapiksi si Jane sa gulat.
"Pakisabi sa kanya na subukan rin niyang tigilan ako dahil hindi ko siya kailangan."
Agad akong tumayo at iniwan ang kinakain ko dahil bigla akong nawalan ng gana pero hinabol ako ni Jane.
"Mahal ka ni Daddy. Sana naman you'll give him a chance to explain about -----"
"Mahal? Mahal ba ang tawag du'n sa pag-iwan niya sa pamilya niya dito? Mahal ba ang tawag du'n sa pangangaliwang ginawa niya," galit na galit kong tanong.
"He never cheated on me."
Napatingala ako sa itaas nang biglang magsalita galing doon si Mama. Isa ito sa mga ikinagagalit ko kay Mama, 'yung pilit niyang pinagtatakpan ang mga gagaguhan na ginawa ni Papa sa kanya noon.
"Heto na naman ba tayo, Ma? Ipagtatanggol mo naman ba siya? Ibi-brainwash mo naman ba ako?" Naiinis kong tanong.
Bumaba si Mama at lumapit siya sa akin.
"Dahil 'yon ang totoo. Hindi ako pinagtaksilan ng ama niyo."
"Para saan ang mga luhang sinayang niyo dahil sa kanya noon? Para saan ang ginawa niyang pagsampal sa inyo noon? Kitang-kita ko ang lahat nang 'yon, Ma kaya pwede ba, wag niyo nang ipagtanggol ang taong minsan nang nanakit sa inyo."
Agad akong umakyat at dumeritso sa kwarto.
ANTON'S POV
Sng bilis rin talaga tumakbo ang araw. Mabilis lang natapos ang weekend kaya heto naman kami, balik uli sa school. Habang nagle-lecture ang prof namin ay walang pumapasok sa utak ko eh, puro ba naman numbers. Kung san pa 'yung pinaka ayaw kong subject 'yun pa ang gusto ni Clark.
Dumudugo na tuloy ang utak ko sa kapipilit na intindihin lahat ng itinuturo ng prof namin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang gumagawa siya ng isang problem sa board pero wala akong naiintindihan nang bigla niya akong binalingan at tinawag.
"Mr. Martin, can you show us the right answer of this problem?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Sasagutan ko ang problemang 'yan? Hindi ko nga masagot-sagot ang sarili kong problema kung bakit napakabobo ko pagdating sa numbers tapos ngayon, may panibagong problema na naman na kailangan kong sasagutin? Ano nang gagawin ko? Tatayo ba ako? Sasagutan ko ba? Kung hindi, anong irarason ko? Lalabas ba ako at sabihing masama ang pakiramdam ko? Hindi ba masyadong obvious 'yun para sabihing gusto ko lang tumakas?
Bigla akong siniko ni Mark kaya napatingin naman ako sa kanya.
"Kaya mo 'yan. Ikaw pa."
"It's a piece of cake lang 'yan sa'yo, dude," singit pa ni Romir.
Sinenyasan nila akong pumunta na ng board kaya napilitan akong tumayo at muli na namang kumalog ang mga tuhod ko sa kaba. Nanginig ang kamay na inabot ko ang chalk. Binasa ko ang problem.
Binasa ko pa uli at binasa ko pa uli. Makailang ulit ko nang binasa ang problem pero hindi ko makuha kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang formula na dapat gamitin. Maya-maya, gumalaw ang kamay ko at kung anu-ano nang numero ang isinulat ko sa board at kayhaba-haba pa at inabot pa ng ilang sandali. Nang huminto na ako ay humarap ako sa prof na nakangiting-aso.
"Are you done?" Tanong niya sa akin. Nakangiting-aso paring sinagot ko siya.
"Yes, prof,"
"Is that your answer?"
"Yes," matipid kong sagot.
"Yes? And how did you come up with that answer?" Tanong ng prof. Nakakurap-kurap ako, natahimik, natameme. Hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Can you explain it further to us, Mr. Martin?"
Ang puso ko, parang tambol sa lakas ng kaba.
"Ahh ... h-honestly... I-I don't know h-how did I come up with that a-answer." Biglang nagtawanan ang lahat sa loob ng room maliban lang sa prof at sa tatlo kong kasama.
"Are you really ok, Mr. Martin?" Nagtatakang sa tanong ng prof.
"O-opo? Opo, I'm really ok"
"Please sit down, Mr. Martin."
Dahan-dahan akong lumakad papunta sa upuan ko at bigla kong napaupo dahil pakiramdam ko, nanghihina ako sa nangyari.