EPISODE 17

1612 Words
CLARK'S POV Habang naghihintay kami sa prof namin ay bigla rin naman siyang dumating na may kasamang babae. Maganda, matangkad at seksi. Ang iba kong kaklase pati si Lani ay napatili nang makita ang kasama ng prof namin. "Sino siya?" Pabulong kong tanong kay Lani. "Sikat na model 'yan. Hindi mo siya kilala?" Pabulong rin niyang sagot. Hindi naman ako mahilig sa mga ganu'n kaya paano ko siya makikilala? "Good morning class," bati sa amin ni Prof. "Good morning, prof." Sagot naman naming lahat. "Today, we'd invited Ms. Mondragon to be our model. So, let show to her what a fabulous talent we've got." "For sure, mataas ang expectation ni Prof sa'yo," pabulong na sabi ni Lani sa akin. "Sa'kin? Bakit naman?" Takang tanong ko. "Ikaw kaya ang pinakamagaling mag-paint dito." Ganu'n ba kagaling si Anton sa larangang ito? Pa'no na'to? Ehh, wala akong talent dito. Pumunta kami sa isang room kung saan kami guguhit. Pinili ko ang pinakadulo para walang makakakita sa magiging output ko. "Let's start," sabi ni Prof. Umupo ang model namin sa harap naming lahat. Simpleng upo lang ang ginawa niya pero andu'n ang fierce at bagay na bagay talaga sa kanya ang pagiging model. Napatingin-tingin ako sa mga kaklase ko, nagsisimula na silang magpaint ganu'n na rin si Lani. Napabuntong-hininga muna ako sa harap ng canvass. Nasa kanang kamay ko ang paint brush habang nakapatong naman sa kaliwa kong kamay ang palette na may iba't-ibang kulay ng acrylic paint. Ano ang una kong gagawin? Ano ang una kong iguguhit? Ang ulo ba niya? Ang mukha niya? O ang katawan niya? Bahala na, kung ano na lang 'yung nasa puso ko 'yun na 'yun. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsalita si prof. "Okay. I know you're done painting. Ms. Mondragon, I want to show you the output of Ms. Lasmila." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig and literally, my jaw drop. As in, nakanganga ako sa pagkabigla. "Ms. Lasmila?" Tawag niya sa akin kaya napatayo akona lang ako ng sapilitan. "Yes, Prof?" "Please, kindly show us your output. I know..." tumingin siya sa model, "...Ms. Mondragon will appreciate it. She'll love it for sure," nakangiti pa niyang sabi. Napatingin sa akin ang lahat ng mga kaklase ko at ganu'n rin sina Prof. at Ms. Mondragon habang nakangiti pa. Napasulyap ako kay Lani at tumangu-tango naman siya bilang pagsang-ayon. What should I do? "Ms. Lasmila?" "Prof? Ahh ..ano kasi ----" "C'mon. Don't be shy. I know you can paint well and I'm pretty sure that Ms. Mondragon will be proud of you." Palipat-lipat ang tingin ko sa mga kaklase ko at muli akong napatingin kay Lani na para bang sinasabi kong "Lani, help me" pero ganu'n pa rin ang reaksyon niya na para bang sinasabi rin niyang "go". Dahan-dahan kong kinuha ang canvass sa stand nito saka dahan-dahan na itinaas paharap sa kanila at nang tuluyan na nila itong nakita ay biglang napuno ng tawa ang loob ng room. Napapikit naman ako dahil alam ko this time, sira na ang mukha ni Ms. Mondragon na kanina lang ay kaylaki-laki ng ngiti. "Ms. Lasmila?" Mula sa likod ng canvas ay sinilip ko si Prof. "Prof?" Napatingin si Ms. Mondragon kay Prof. na para bang naiinis na. "Siya po ba 'yong ipinagyayabang niyo sa akin kanina?..." she chuckled, "...are you kidding me? Did you find me funny?" Galit na nitong tanong. "Ms. Mondragon, let me explain first." "Explain about what? About how you mocked me in front of your students or about how you humiliated me as a model?" Galit na galit na lumabas ang model sa room at dali-dali namang sinundan siya ni Prof. "Ms. Mondragon." Tawag niya sa model. "Yari ka ngayon, Clark," bulong ko na lang sa sarili ko. Nang tuluyan nang nakalabas ang dalawa ay tuluyang humagalpak sa tawa ang mga kaklase ko at si Lani ay agad ring lumapit sa akin. "Ano ba 'tong iginuhit mo? Gumagawa ka ba ng scary character sa isang comic strip?" "Hindi kasi ako marunong." Sagot ko naman. "Anong hindi-----" "Ms. Lasmila, pinatatawag kayo ni Ms. Santos." Napatingin ako kay Lani at kibit-balikat lang din ang isinagot niya sa akin. Napilitan akong tumayo at pumunta sa office ng Prof. namin. "What's wrong with you, Ms. Lasmila? Nagpapatawa ka ba? Why did you do that?" Inis na tanong ng Prof. namin. "S-sorry po. Hindi na po mauulit." "Hindi na talaga dahil hindi na babalik pa si Ms. Mondragon. Did you know how much we paid for her para lang pumayag siyang maging model niyo?" "Sorry po talaga. Wala lang po talaga ako sa mood kanina," nakayuko kong sabi. "What is done is done. We can do nothing about it. Just don't do it again. Kapag wala ka sa mood mag-paint, just go out and don't make a mess. Understand?" "Opo," matipid kong sagot. "Get out." "Thank you. Sorry." Saka lang ako nakapagbuntong-hininga nang makalabas na ako sa office ni Ms. Santos at agad naman akong sinalubong ni Lani. "Anong sabi?" "Huwag ko na raw uulitin." "Dapat lang, no? Tara na sa canteen, andu'n na raw sina Vence at Ken." Galing sa office ng Prof. namin ay dumeritso na kami sa canteen at andoon na nga sina Ken at Vence, naghihintay sa amin. "Ba't ang tagal niyo?" Agad na tanong ni Ken. "May inasikaso lang kami," sagot naman ni Lani. Umupo si Lani sa tabi ni Ken at ako naman sa tabi ni Vence. Habang kumakain kami ay napatigil ako nang makita ko sina Anton kasama ang mga kabarkada ko na kakaupo lang sa kabilang mesa at umupo si Anton sa upuan na nakaharap sa akin. Napatingin siya sa akin at mapakunot ang noo ko nang bigla siyang tumayo at dali-daling lumapit sa akin and she hold my face with her two hands. "Oh, my god! Ba't nagka-pimples ka? Anong ginawa mo? Hindi mo ba inaasikaso ang sarili mo? Ba't mo pinabayaan ang mukha k-----" Napatigil siya sa pagsasalita nang ma-realize niya kung anong katarantaduhan ang ginagawa niya ngayon. Napalingon siya sa paligid, halos lahat nang nandoon ay nakatingin sa kanya pati na ang mga barkada namin, lahat sila nakatingin, natigilan, naguguluhan, nalilito, natulala. Napatingin siya sa akin habang hawak-hawak pa niya ang mukha ko at tinaasan ko naman siya ng kilay. Kumuwala siya ng isang pilit na ngiti at bahagya pang tinapik-tapik ang magkabila kong pisngi saka niya ito binitawan at parang asong naputulan ng buntot nang bumalik siya sa kanyang kinauupuan. "Dude, what the hell you're doing?" Narinig ko pang tanong ni Mark. "What was that for?" Takang tanong ni Ken. "Naguguluhan ako," sabi naman ni Vence. "Kumain na lang ka------" "OMG!! guys, watch it!" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla ba namang sumigaw ang babaeng nasa kabilang mesa. "Oh my god! Is this really true?" Nanalaki ang mga matang naitanong ng isa pa. "I can't believe it! He's so hot but he is a gay?!" Para bang disappointed na sabi ng isa. "Is this really Clark?" Nabitiwan ko ang hawak kong kutsara sa narinig. Napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap sa kabilang mesa habang nakatingin sa phone nila. "Let me check that." Kinuha ni Lani ang phone niya at tiningnan niya kung anong ganap kaya ganyan na lang ang reaksyon ng mga babae sa kabilang mesa at nadawit pa ang pangalan ko. "Oh my!" Sigaw niya at bigla naman niyang tinakpan ang bibig at dali-dali namang nakisilip sina Ken at Vence dahil naiintriga na rin at ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata nila sa nakita at sa sobrang curious ko, bigla kong inagaw ang phone ni Lani at tiningnan ko kung ano ang pinapanood nila at ganu'n lang din ang pagkabigla ko nang makita ko ang video. Video kung saan nakipagbakbakan ako sa tatlong kalalakihan noong inatake nila ako at talagang sinadya pang ituon kay Anton ang footage ng video kaya kitang-kita ang reaksyon at pagsisigaw nito habang nakikipagbakbakan ako. Baklang-bakla!! Napakuyom ko ang palad ko sa inis. "Unexpected talaga! In love pa naman sana ako sa kanya tapos bakla pala siya?" Sabi ng isang babae sa kabilang mesa. Napasulyap ako ky Anton na bahagyang nakayuko. Halos lahat ng attention ay sa kanya na nakatuon ng mga oras na 'to. Napatingin siya sa akin pero agad namang umiwas nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Bahagya pa niyang tinatakpan ang mukha niya ng palad niya habang ang tatlong kasama niya ay natatawa na. "At alam niyo ba kanina? Noong pinasagot raw siya ng prof. nila ng isang problem, eh hindi nakasagot. Mali-mali 'yung formulang ginamit" kantiyaw ng isa pang babae "Buti nga raw andu'n si Papa Jack ko kaya nasagot nila ang problem." Lalo akong nanggagalaiti sa inis. Bigla akong tumayo at dahil sa ingay na nilikha ng upuan ay napatingin silang lahat sa akin. Agad kong nilapitan si Anton at hinila ko siya patayo. "Hey! What are you doing?" Sabad ni Mark. "Wag kang makialam kung ayaw mong madamay," banta ko kay Mark. "Anton!" Tawag sa akin ni Vence pero hindi ko na sila pinakinggan, mula sa loob ng canteen hinila ko siya palabas at habang hila-hila ko siya ay may nakasalubong akong kaklase ko. "Oyy, Anton! Pinagalitan ka ba ni Ms. Santos?" Tanong niya sa akin. "Pinagalitan? Bakit?" Taka namang tanong ni Anton. "Ehh, ito kasing si Anton. Nagpaint ng isang scary character sa isang comic strip tapos ang model si Ms. Mondragon," natatawa nitong sagot. "S-si Ms. Mondragon?!" Gulat niyang tanong. Napatingin sa akin si Anton habang nakanganga dahil hindi makapaniwala sa narinig. "T-totoo bang sinasabi niya?" Tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot bagkus ay muli ko siyang hinila palayo. Nang makalayo na kami ay agad ko siyang sinumbatan sa lahat-lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD