EPISODE 18

1381 Words
ANTON'S POV "Teka nga lang, Clark! Wag mo nga akong hilain." Habol pa ang hiningang huminto siya saka humarap sa akin, mabilis ko namang hinila ang braso ko na hawak-hawak niya. "Anong ginawa mo? Ano 'yong sinabi nila kanina? Totoo ba 'yun?" Tanong ko sa kanya. "Ang concern ko ang pag-usapan natin! Totoo ba ang 'yong sinabi nilang related sa problem solving na 'yun?" Napayuko ako sabay kamot sa batok ko. "Eh, kasi naman. Ang hirap kaya nu'n. Isa pa ...hindi naman ako matalino pagdating sa math. " "Eh di sana, hindi ka na lang sumagot." "Eh, anong magagawa ko? Pinilit nila ako at -----" "Eh, di sana naghanap ka na lang ng kahit na anong alibi," napipikon na niyang sabi. "Ano pa ba ang magagawa natin, eh tapos na 'yun." "Ilang beses mo na ba akong ipinahiya?" I raised my three fingers in front of his face. "Thrice," nakayuko kong sabi. "See? Tatlong beses mo na akong ipinahiya. Una 'yong naglaro ka ng billiard. Pangalawa, 'yung " wag po! Wag po! Wag po, kuya!. At ang huli, ang pagiging genius ko sa math na sa isang iglap lang, nabahiran na ng kabobohan." "Grabe ka naman! Hindi naman ako ganyan kabobo, nagkataon lang talaga na ...na hindi ako matalino sa math. Isa pa, ipinahiya mo naman ako, ah! Alam mo bang favorite model ko si Ms. Mondragon tapos ganu'n lang ang ginawa mo?!" "Isang beses lang, Anton! Isang beses lang kita napahiya! Eh, ako?" "Kasalanan ko ba 'yun? Eh, bakit kasi nasa sa'yo ang katawan ko!" Napameywang na lang si Clark sa sobrang inis. "At kasalanan ko pa ngayon? Bakit, ginusto ko bang magkapalitan tayo ng katawan?" Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Wala naman talagang may gusto sa lahat ng nangyari, eh. "Magkapalitan ng katawan?!" Sabay kaming napatingin ni Clark sa may bandang gilid namin at nakita namin ang mga barkada namin na naguguluhan at parehong gulat na gulat. Kung nagulat man sila ay mas nagulat kami ni Clark sa biglaan nilang pagsulpot. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin. Nagkatanginan naman kami ni Clark na parehong nabigla. "ANO?!" Halos sabay-sabay pa nilang sigaw nang sinabi na namin sa kanila ang totoong nangyari. Nasa loob kami ng isang malapit na restaurant. "Are you kidding?" Tanong ni Ken. Sabay pa kaming napailing ni Clark. "Hindi kami nagbibiro. Nagsasabi kami ng totoo," sagot ko naman. "Kung totoo ang mga sinasabi niyo..." sabi ni Mark at napatingin siya kay Clark, "...kung ikaw si Clark, sige nga sabihin mo kung ano ang sikreto ko?" Sabi niya para lang matanto niya kung totoo talaga kaming nagsasabi ng katotohanan. "Minsan ka nang nainlove sa isang babaeng 20 years older than you at -----" "Hey! Hey! Enough! Naniniwala na ako na ikaw si Clark," awat ni Mark kay Clark. Napanganga kaming lahat sa narinig lalo na ang mga barkada nila. Napatingin si Joey kay Mark. "Really, dude? Why didn't you tell us about it?" Hindi makapaniwalang natanong ni Joey. "He's afraid that you may keep teasing him," sagot naman ni Clark at agad siyang inawat ni Mark dahil baka ano pa ang pwede nitong sabihin. "May ganyang side ka pala, dude?" Dagdag pa ni Romir. Nagtawanan ang lahat at bigla namang sinapak ni Mark si Romir dahil nasa tabi lang niya ito. "Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niyo." Bigla kaming natahimik sa sinabi ni Lani. "Kahit kami, mahirap din para sa amin ang paniwalaan ang lahat," sabi ko naman. "Pero bakit?" Tanong niya at nagkatinginan kami ni Clark. "Paano kayo nagkapalitan ng katawan?" Tanong din ni Joey. Ikinuwento namin ang lahat-lahat sa kanila. Wala na kaming itinago dahil para saan pa kung magtatago pa kami? Alam kong mabubuko rin kami. Halos hindi sila makapaniwala sa narinig, halos hindi nila kayang paniwalaan ang mga nalaman. "Vence, pinch me please. I know I am dreaming right now. I know ---Aray naman, Vence!" Biglang sigaw ni Ken nang bigla ba naman siyang sinapok ni Vence sa ulo. "Kailan kayo makakabalik sa sari-sarili ninyong katawan?" Seryosong tanong ni Vence. "Kapag di namin magawang makabalik sa sari-sarili naming katawan after 100 days, magiging ganito na kami habang buhay," pahayag ni Clark. "What?!" Halos sabay-sabay pa nilang sigaw na siyang nakaagaw sa attention ng mga nandu'n kaya palihim na sinuway namin ang mga ito na kung pwede huwag silang sumigaw. "Wala bang ibang paraan?" Tanong ni Lani. Napatingin ako sa kamay ko na bigla na lang hinawakan ni Clark at nang magdaop ang mga palad namin ay isang iglap lang, nasa loob na ako ng sarili kong katawan. Dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay namin na magkakahawak at napatingin ang lahat doon. "As long as magkakahawak-kamay kaming dalawa, makakabalik kami sa sarili naming katawan pero kapag binitiwan namin ang kamay ng bawat isa..." binitiwan ni Clark ang kamay ko, "...muli kaming magkakapalitan." Napanganga sila at bahagyang napasulyap ako kay Clark at ganu'n rin siya sa akin. Kitang-kita namin pareho kung paano naguguluhan ang mga barkada namin. Inisa-isa kong tiningnan ang mga barkada ko at alam ko, hindi sila makakapaniwala. "At every 7:00 pm until 12 midnight, kusa kaming makakabalik sa sarili naming katawan," dugtong ko pa. Mas lalo silang naguguluhan sa mga nangyayari. Kanya-kanya silang iling. Pare-parehong nakakunot ang noo. Maya-maya lang ay sabay kami ni Clark na napalingon sa likuran namin ng biglang may kung anong bagay ang bumagsak sa sahig ng restaurant. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at halos magkasabay pa kaming dalawa sa pagtayo. "Jane?" Sabay pa naming tawag sa pangalan ng kapatid niya. Gulat na gulat ang lahat pati na si Jane. Nasa mukha niya ang pagkagulat. Siguro, narinig niya ang lahat. Dahan-dahan siyang umatras at bigla na lang siyang tumakbo palabas. Agad namang sumunod si Clark pero mabilis na pinigilan ko siya. "Hayaan na lang muna natin siya. Ako na ang bahala sa kanya," sabi ko sa kanya at muli siyang napaupo na para bang naguguluhan na kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin. Nag-alala namang napatingin sa amin ang mga barkada namin. "GUSTO kong mapag-isa," sabi ni Jane nang pumasok ako sa kwarto niya pagka-uwi ko. Imbes na lumabas, dahan-dahan akong lumapit sa kama niya kung saan siya nakahiga nang padapa at umupo sa gilid niya. "Pwede ka bang makausap?" Hindi siya umimik, kunwaring inabala niya ang sarili sa kaka-scroll ng phone niya. "Jane, 'yong kanina ----" Napatigil ako sa pagsasalita dahil naglagay siya ng earphones sa tenga niya. Mukhang ayaw talaga niyang makipag-usap pero ako 'yong tipo na hindi kaagad sumusuko. Bigla kong tinanggal ang earphones niya sa kanyang tenga. "Ano ba?!" Galit niyang sigaw. Alam ko, may karapatan siyang magalit dahil hindi kami nagsabi sa kanya kaagad ng katotohanan. "Galit ka ba sa amin ng kuya mo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nanatili siyang tahimik kahit alam niyang naghihintay ako sa magiging sagot niya pero nabigo lang ako kaya dahan-dahan na lang akong tumayo at lumakad palabas ng kwarto niya. Nang mahawakan ko na ang door knob ng pintuan niya ay bigla siyang nagsalita. "Hindi ako galit, nadidismaya lang ako." Bumangon siya mula sa pagkakadapa saka umupo sa ibabaw ng kama niya. "Alam mo ba, this past few days, ang saya-saya ko kasi ....kasi akala ko talaga, bumalik na ang dating pakikitungo sa akin ni kuya pero mali pala ako." "I'm so sorry for that," hingi kong paumanhin sa kanya. "Gusto kong balikan 'yong dati, kasi ang saya-saya pa namin noon kapag magkasama kami." Muli akong lumapit sa kanya at umupo ako sa tabi niya. "Babalik rin 'yon." Tumingin siya sa akin. "Kailan?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong. "Ahhh ...s-sa tamang panahon, s-sa tamang oras. Ang lahat naman ng bagay ay may tamang pagkakataon, di ba?" Tumangu-tango siya habang nakayuko. "Galit ka rin ba sa akin?" Napatingin bigla ako sa kanya sa kanyang tanong. "G-galit?" "Oo. Galit ka sa mga magulang namin, di ba? So, pati na rin sa amin, kay kuya?" Napatameme ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Oo, galit ako sa mga magulang nila lalo na sa ama nila at aminado rin ako na binalak kong paghigantihan ang buong pamilya nila noon pero bakit ang hirap sagutin ang tanong niya kung galit ba ako sa kanya at kay Clark? Kasi nga siguro, walang kinalaman ang anak sa problema ng mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD