CLARK'S POV
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi ko parin naiintindihan. Ano bang dapat kong gawin? Hindi pwedeng ganito nalang ako palagi.
100 days? Nababaliw na yata ang matandang yon, ah. Alam ko pinagluluko lang niya kami.
"Anton!" Nakakainis talaga ang pangalang 'yan eh. Ba't ba kasi isigaw, eh. Kung sino man yan, wala naman akong pakialam diyan dahil hindi naman ako yan, eh kaya ipinagpatuloy ko nalang ang lakad ko pero hindi ko alam kung san ang destinasyon ko dahil gulung-gulo pa talaga ang isip ko.
"Anton!" Bakit ba palagi ko nalang naririnig ang pangalang 'yan?
Nakakainis na, ah! Nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang biglang may humawak sa braso ko kaya bigla akong napalingon.
"Kanina ka pa namin tinatawag, ah," s-sino naman 'tong dalawang mga babaeng 'to? Kilala ba nila ako? Bakit naman nila ako tinatawag na Anton? Mukha na ba akong babae para tawagin nila ako sa pangalang 'yon? Nakakainis, ah!
"Sino ba kayo?" Tanong ko at bigla akong pinitik sa noo ng isa sa kanila na lalaki kung pumorma.
"Aray! Ano ba?!" Sigaw ko matapos niya akong pitikin.
"Ano? Naglalaro ka ng amnesia moment? Loko 'to, ah," sabi nito pero hindi ko talaga sila kilala, eh!
"Hindi ko nga kayo kilala," giit ko pa.
"Anton, ok kalang?" Tanong ng isang babaeng naka-reading glasses pa.
"Hindi ako si An ------," Oo nga pala, nasa katawan pala ako ng babaeng 'to.
Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Napapikit nalang ako sa inis. Napatingin ako sa kanila at nakita ko na pareho silang nagtataka.
"Hay, binibiro ko lang kayo. Ano ba naman kayo," bawi ko.
"Akala ko ba, seryoso ka na du'n" Sabi ng nerd na babae.
"Tara na!" Aya babaeng tomboy.
"Saan?" taka kong tanong.
"Ano ka ba nakalimutan mo na ba? Nag-usap na tayo tungkol dito, di ba?" Sagot ng tomboy nilang kasama.
"S-sorry. Sobra kasi akong nalasing kagabi kaya hindi ko na masyadong matandaan ang mga pinag-usapan natin kagabi," pagsisinungaling ko.
"Sa farm tayo pupunta," sagot naman ng babaeng naka-glasses.
"Ahhh," sabi ko na lang.
Biglang pumarada sa harap namin ang isang itim na pick-up at bumukas ang pinto nito banda sa driver seat at nakita ko ang isang lalaking nagda-drive nito.
"Let's go!" Sigaw nito. Excited namang sumakay ang tatlong babae sa likod ng pick-up at sumunod naman ako. Ano nang mangyayari sa akin ngayon? Hindi ko man lang kilala ang mga kasama ko.
Anong gagawin ko? Nakarating na kami sa farm. Nagsibabaan na sila pero nanatili ako sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan ang paligid. Kaninong farm ba ito? Bakit kami nandito? Tumayo ako para maikot ko ng tingin ang paligid. Abala ako sa pagmamasid nang biglang sumulpot sa harapan ko ang mukha ng kasama naming bakla at bahagya pa akong ginulat.
"What are you looking at?" Biglaan nitong tanong na siyang ikinabigla ko.
"Huh?" Muntik na akong mahulog sa sasakyan nang bigla akong hinila ng isa pa sa mga kasama naming tomboy.
"Sino ka?" Napaawang ang mga labi ko sa bigla niyang pagtatanong. Nabigla ako. Kinakabahan pero hindi pa ako nakabawi sa pagkabigla ay agad namang sumingit ang isa pang babaeng nakasalamin at nerd talaga tingnan. Bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong balikat atsaka niyugyog.
"Umalis ka! Umalis ka! Kung sino ka mang sumanib sa katawan ng kaibigan namin. Umalis ka! Alis!" Patuloy parin siya sa pagyuyugyog sa'kin at bahagya pa niyang nilakasan ang pagyuyog sa balikat ko.
Pakiramdam ko tuloy, para nang titilapon palabas ang utak ko, umaalog-alog kaya medyo nahihilo na rin ako. Agad kong hinawakan ang dalawa niyang kamay at iniwaksi para tumigil na siya. Napatingin naman silang lahat sa'kin na para bang nagtataka sa mga inasal ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa tatlo habang titig na titig sila sa akin. Ano ba 'tong mga kaibigan ni Anton, puro may mga tupak.
"B-bakit ganyan ang t-tingin niyo sa'kin?" Nagtataka kong tanong.
"Ok ka lang ba?" Tanong ng nerd nilang kasama. Kinapa naman ng bakla ang noo ko atsaka ang sarili niyang noo, "Ok lang naman ang body temperature mo, ah," sabi nito.
"Ok lang naman ako, ah!" Sabi ko naman.
Parang hindi parin sila nakumbensi sa sinabi ko kaya hindi ko na alam ang iba ko pang sasabihin.
"Ma'am Ken. Andito na pala kayo," napatingin ako sa may katandaan ng babaeng lumapit sa amin. Napalingon naman ang tatlo sa likuran nila.
"Ay, manang Linda. Kamusta po?" Tanong ng kasama naming bakla. Ken pala ang pangalan niya?
"Ok lang po. Buti po nakadalaw kayo uli dito, Ma'am Ken," sabi ni Manang.
Ma'am Ken? Ang baklang 'to, Ma'am Ken ang tawag sa kanya?
"Buti naman kung ganu'n, Manang..." binalingan niya kami, "...tara na guys, napakainit na ng araw, masisira ang beauty ko dito."
Muntik na akong maduwal sa kaartehan ng baklang 'to. Nasusuka ako. Kung makaasta, daig pa talaga ang tunay na babae. Naunang lumakad si Manang Linda at sumunod na ang tatlo kaya wala akong magawa kundi ang sumunod na lang din.
ANTON'S POV
Ano na nga ba talaga ang nangyayari sa mundo ngayon? Bakit kaya ganito ako ngayon? Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.
Sa isang umaga lang, nagbago na ang lahat. Napaupo ako sa isang bench at nagmumuni-muni. Gulung-gulo na talaga ang isip ko. Bigla akong napatayo ng maalala ko na pupunta pa pala kami sa farm nina Ken ngayon.
Dali-dali akong umalis sa kinauupuan ko para puntahan ang tropa pero napatigil ako, hindi ko nga pala 'to katawan ang nasa akin ngayon. Ano nang gagawin? Hindi ko na magagawa ang gusto kong gawin bilang si Anton. Hindi ko na rin makakabonding ang mga barkada ko. Ahhhhhh! Ano ba naman kasi 'to? Bakit ba kailangan kong magkaganito? Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang pumaradang kotse sa tapat. Napaigtad nalang ako nang bigla itong bumusina.
"Ano bang kailangan mo -----"
"Clark!" Tawag ng isang lalaki sa'kin na nasa loob ng kotse sa katabi ng driver seat na bahagya pang nakalabas sa bintana ang uli nito. He's Joey, ang pinaka playboy sa lahat.
"What's up, dude?" Tanong nang isa pang kasama nila nang ibaba nito ang windshield ng kotse na nasa back seat nakaupo. Napatingin ako sa kanya. Siya lang naman ang barkada ni Clark na makulit at mapagbiro sa lahat. It's Romir.
"What are you doing here?"
Si Mark, nasa tabi ni Romir, nakasilip sa bintana habang nakatingin sa akin.
"hhh ...m-may pinuntahan lang ako," Tumangu-tango naman ang tatlo.
"Parang may mali sa'yo, dude..." nagtaka ako sa sinabi ni Romir, "...parang kahapon pa 'yang sout mo, ah," agad akong napatingin sa suot ko.
Siguro nga, di ko alam dahil hindi ko naman katawan 'to.
"Oo nga, nuh?" Puna rin ni Joey.
"Ahh ...n-nagmamadali kasi ako kanina kaya di na ako nakapagbihis," palusot ko naman.
"Ganu'n ba? Halika kana, hatid kana namin para makapagbihis kana dahil may pupuntahan tayo ngayon," seryosong napatingin ako sa kanila at tumangu-tango naman ang dalawa para pagsang-ayun kaya lang, papaano ko haharapin ang mga tao sa bahay na 'yun lalo na ang mama ni Clark? Muli na namang umusbong ang galit ko para sa pamilyang 'yon kaya wag nalang muna siguro ako pupunta doon ngayon dahil baka hindi ako makapagpigil.
"Diretso nalang tayo sa pupuntahan natin," sabi ko.
"Eh, pa'no ka?" Tanong ni Romir.
"Ok lang..." inamoy ko ang sarili ko, "... hindi pa naman masyadong mabaho, eh," nagtawanan ang tatlo saka nagkayayaan ng umalis.
Pagdating namin ay maraming kalalakihan ang nandoon. Napaatras ako. Ayoko dito. Uuwi na'ko. Babalik sana ako sa dinaanan ko nang bigla akong pinigilan ni Mark sa braso.
"Where are you going, dude?" Tanong niya sa akin.
"Huh? Ahh------,"Let's go," aya ni Joey at sumunod naman si Romi.
Binitawan ni Mark ang braso ko saka naunang pumasok. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Pagkapasok namin ay sinalubong sina Mark, Joey at Romir nang mga iilang kalalakihan at nagkamayan pa.
"Hey, dude," pansin ng isa habang nakangiting nakatingin sa akin . Nagsilapitan naman ang mga kasama ng lalaking 'yun sa akin.
"Hey, Clark. How are you?" Bati ng isa pa ba tinatawag nilang Leo at iniabot nito ang kamay niya sa akin pero hindi ko siya pinansin dahil hindi ako sanay sa ganitong pagtitipon, ok lang kapag puro babae. Agad akong nilapitan ni Romir at inakbayan.
"Bakit hindi na lang natin simulan 'yong laban?"
Napatingin ako kay Romir na nagtataka habang nakangiti pa siyang nakatingin sa mga ito at agad namang sumang-ayon ang iba. Anong laban naman kaya ang sinasabi niya?
"Sure. This way," aya ni Leo kaya nagsilapitan na ang iba sa billiard table. Ang laban pala na sinasabi nito ay ang maglaro ng billiard. Napatingin sa akin si Leo na nagpaastig-astigan pa.
"Balita ko, magaling ka raw maglaro ng billiard. Why don't you show it to us right now?" Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Ako daw magaling maglaro ng billiard, kailan pa? Teka! Nasa katawan ako ni Clark at si Clark ang nakikita nila sa akin ngayon .
Hmmmmm ... Siguro magaling talaga maglaro ng billiard ang mokong na 'yun pero hindi naman ako si Clark at hindi ako marunong sa ganitong laro.
"Why? Are you afraid?" Tanong niya nang di ako nakasagot sa sinabi niya kanina kaya nagtawanan ang iba nitong mga kasama. Napatingin sa'kin ang mga barkada ni Clark. Maya-maya lang, lumapit si Joey sa'kin at bumulong.
"Dude, sige na," sabi niya sa akin.
"Do I need to do that?" Kinakabahan kong tanong at tumangu-tango naman siya.
"Kaya lang -------,"Latag niyo na ang pera niyo," putol ni Leo sa iba ko pa sanang sasabihin. Napatingin kami sa kanila at maya-maya lang ay naglatagan na sila ng pera pati na rin sina Romir at Mark. Agad namang lumapit si Romir para pumusta rin pero bago pa siya nakalapit at pinigilan ko siya.
"Kailangan pa ba ng pustahan?" Tanong ko sa kanya.
"Napag-usapan na natin 'to, Dude. Agreement is agreement," sagot naman niya.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari lalo na't makita ko kyng gaano kalaki ang pustahan nila.
"Oh, Clark. We're settled! Can we start the game?" Tanong ni Leo.
"A-ano ..." anong gagawin ko? Hindi ako marunong maglaro ng billiard. Dahan-dahan na lumapit sa akin si Leo at inakbayan pa niya ako.
"If you are afraid, I don't mind. Just remember about what we agreed the last day we met here. Di ba, gusto mo akong ipahiya sa harap nila..." tumingin siya sa mga naroroon saka muling tumingin sa'kin, "...then, do it if you can," pagkasabi niyang 'yun ay lumapit siya sa billiard table.
Speechless! Yan ako sa mga oras na 'yun. Pakiramdam ko, hindi lang ang tuhod ko ang nanginginig kundi pati na rin ang buo kong katawan. Napatingin ako sa kanya at sinenyasan niya akong lumapit sa billiard table pero kinakabahan parin talaga ako. Nilapitan ako ni Mark.
"Kaya 'yan. Galing mo kaya. Suportado ka namin. I know you can break his legs, dude," sabi niya. What should I do?