CLARK'S POV
Ahhhh! Ang sakit ng ulo ko. Masyado ba akong nalasing kagabi kaya ganito kasakit ang ulo ko ngayon? Napatingin ako sa right side ko at may nakita akong isang baso ng tubig. Si mama kaya ang naglagay nito? Iinumin ko nalang nga baka mawala ang sakit ng ulo dito. Agad kong tinungga ang tubig at halos pikit mata pang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto.
"Gising kana pala. Kumain ka muna, Anton," tanong ng isang may katandaan ng babae. Hindi ko siya pinansin pero nang nagsink-in sa utak ko ang itinawag niya sa'kin ay napahinto ako sa paglalakad. Anton? Sino ang tinawag niyang Anton? Ako ba?
"A-Anton?" Taka kong tanong sabay lingon sa nagsalita na nasa likuran ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin ng Anton. Hindi ko siya kilala.
"Bakit? Ano ba ang gusto mong itawag ko sa'yo?" Tanong niya sa akin at nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya sa loob ng bahay namin at sino ba siya? Isang may edad na babae ang nasa harapan ko ngayon na mukhang nagtataka sa tanong ko. Sino ba siya? Bakit niya ako tinawag na Anton? Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay saka lang ako nagtaka ng lubusan. K-kaninong bahay 'to? N-nasan ako? Muli akong napatingin sa babae na nakakunot na rin ang noong nakatingin sa'kin.
"Anong nangyayari dito?" Napatingin ako sa kalalabas lang na babae galing sa isang kwarto. Ganun nalang ang pagkabigla ko nang makilala ko ang kararating lang na babae. Ang babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko. Si Rita! Ang Mama ni Anton! Napatingala ako at napatingin sa kwartong nilabasan ko kani-kanina lang. K-kaninong kwarto 'yon? Dali-dali akong umakyat at agad na pumasok sa kwartong nilabasan ko. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng kwarto. H-hindi ko'to kwarto. K-kanino 'to? T-teka! May babae akong nakikita. Nasa harap ko siya ngayon at nakatingin rin sa akin, nasa mukha niya ang pagtataka dahil nakakunot rin ang noo niya. Sandali, parang .... parang kilala ko siya. Anton?! Oo, tama! Si Anton nga ang babaeng nasa harap ko na nakatingin sa'kin. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at nang nasa malapit na ako sa kanya, dahan-dahan kong itinaas ang kanan kong kamay dahil gusto kong mahawakan ang mukha niya pero nang dumampi na ang hintuturo ko sa mukha niya saka ko lang napagtantong s-salamin ang kaharap ko!!! A-ano bang nangyayari? Napatingin ako sa suot ko, nakasout ako ng pambabaeng damit!!! Ano ba?! A-ano ba 'to? Teka! Lasing ako. Oo tama. May hangover pa ako. Tama. Ipipikit ko lang ang mga mata ko, alam ko pagkamulat ko babalik ang lahat sa dati. Huminga ka ng malalim, Clark. Hinga, ok? Pumikit ka. Hinga. Hinga pa. Nang medyo nahimasmasan na ako saka ko dahan-dahan na inimulat ang mga mata ko at dahan-dahan ko ring iniangat ang mukha para tingnan ang sarili sa salamin pero bakit ganun? Bakit mukha ni Anton ang nakikita ko sa salamin. Napatingin ako sa picture frame na nasa tabi ng salamin. Si A-Anton?! K-kwarto nga niya 'to? Bakit ako nandito? Kinapa ko ang katawan ko, tiningnan ko ang dapat tingnan kaya ganun nalang ang pagsisigaw ko ng iba ang nakita ko. Aaaaaaahhhhhhh!!! Hindi ko'to katawan! Nooooooo!!!
"Anton, anong nangyayari sa'yo?" Tanong niya mula sa labas ng kwarto. "Anton, ok ka lang?" Ulit niyang tanong. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari pero hindi pwede 'to. Kailangan ko ng paliwanag. Kailangan kong makuha ang katawan ko. Hindi 'to pwede! Hindi! Walang anu-ano'y lumabas ako ng bahay at hinahabol pa ako ng tanong at tawag ng may katandaan ng babae pati na si Rita pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo ako palabas, kailangan kong mapuntahan ang katawan ko.
ANTON'S POV
Arayyyy!! Ang sakit talaga ng ulo ko. Napasobra yata ang inom ko kagabi. Asan na ba ang tubig? Bakit wala? Kapag ganito kasing malasing ako, pagkagising ko may baso na ng tubig sa mesa ko, inilalagay ni Mama para may mainom ako pagkagising ko pero bakit wala? Kinapa ko ang noo ko dahil sobrang sakit talaga at pinilit kong bumangon kaya lang na-out balance ako kaya nahulog ako sa kama. Araayyy!!! Ang sakit nun, ah. Bigla akong natigilan nang mapansin ko ang sout ko. Bakit ganito ang sout ko? Teka, ito 'yong sout ni Clark kahapon ng magkita kami, ah pero bakit sout ko'to ngayon? Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay saka ko lang napansin na hindi ko pala 'to kwarto. Where am I? What I'm doing here? Napatingin ako sa mga kamay ko at ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko ng makita kong kamay ng lalaki ang mga kamay ko. Agad kong kinapa ang mukha ko, bakit parang magaspang? Kinapa ko ang katawan ko kaya agad-agad akong tumayo at agad na minasdan ang sarili sa salamin. Napanganga ako at nanlaki ang mga mata ko. H-hindi ako 'to! A-anong nangyari? B-bakit nasa katawan ako ng lalaking 'to? Anong n-nangyayari? Napayuko ako upang silipin ang sarili ko saka ako napasigaw.
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!" Sigaw ko at biglang bumukas ang pinto.
"Sir, Clark? Ok lang po ba kayo?" Tanong ng isang may edad na babae.
"Wag! Wag kang lalapit!" Itinaas ko ang palad ko paharap sa kanya.
"May problema po ba kayo, Sir Clark?" Tanong niya ulit. H-hindi ako si Clark! Hindi ako si Clark! Ako si Anton. Gulong-gulo ang utak ko at wala akong naiintindihan sa mga nangyayari kaya bigla akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba at may isang babaeng sumalubong sa'kin.
"Where are you going, son?" Saglit akong napatingin sa kanya. S-siya ang Mama ni Clark? Wala akong naiintindihan kaya imbes na sagutin ko ang tanong niya, walang ano-ano'y tumakbo ako palabas ng bahay. Habang tumatakbo ako, kahit anong intindi ang gagawin ko, hindi ko talaga magawa. Napakagulo ng lahat. Bakit nasa loob ako ngayon ng katawan ng isang lalaki na siyang kinamumuhian ko? Kailangan ko siyang makita, kailangan kong makita ang katawan ko para mabawi ko iyon at makabalik na ako. Binilisan ko ang pagtakbo pauwi sa amin kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari at agad akong napahinto ng tumambad sa harapan ko ang katawan ko na tumatakbo palapit sa akin. Napahinto ito nang makita ako at pareho kaming humahangos. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa katawan ko. Hinagod ko ito ng tingin. Bakit nasa harapan ko ngayon ang katawan ko? Bakit nasa ibang katawan ako ngayon?
"Katawan ko 'yan, ah!"
"Katawan ko 'yan, ah!"
Halos sabay pa kaming nagsalita.
"Bakit nasa'yo ang katawan ko? Anong ginawa mo?" Natataka kong tanong sa kanya.
"Eh, ikaw. Anong ginagawa mo sa loob ng katawan ko?" Naguguluhan rin niyang tanong.
"Isauli mo sa'kin ang katawan ko," sinubukan kong hilain siya pero hindi ko nagawa.
"Ano ba?! Isauli mo rin sa'kin ang katawan ko," sigaw niya at sinubukan rin niya akong hilain pero nang kapwa kami napagod ay napatigil na rin kami pareho.
"A-ano bang nagyayari? Bakit nasa loob ka ng katawan ko? B-bakit nasa akin ang katawan mo?" Hindi parin ako makapaniwala.
"Hindi ko alam. Basta pagkagising ko, ganito na ako," wala sa sariling sagot niya.
"Wala akong maintindihan," naguguluhan ko paring sabi.
"Wag tayong mag-usap dito dahil marami ang tao. Doon tayo," bigla niya akong hinila sa kamay pero ang hindi ko maintindihan, bigla nalang akong napapikit ng panandalian at agad din namang napamulat.
"Dito tayo mag-usap," napatingin ako kay Clark at ganun nalang ang pagkabigla ko ng makita ko ang katawan niya sa harapan ko kaya napatingin ako sa sarili ko saka ko napagtanto na nakabalik na ako sa sarili kong katawan kaya tuwang-tuwa ako.
"Nakabalik na ako sa katawan ko," napatawa ako sa tuwa, "Nakabalik na ako!!" Masaya kong sabi. Napatingin rin si Clark sa katawan niya at ganun na rin ang tuwa sa mukha niya ng makitang nasa loob na siya ng sarili niyang katawan.
"Ako din! Nakabalik narin ako. Yes!" Sigaw niya dahil sa tuwa. Pareho kaming masaya pero nang makita namin pareho ang magkakahawak naming mga kamay ay pagalit na hinablot ko ang kamay ko at binitawan ko ang kamay niya kasabay nu'n ay ang bigla kong pagpikit at agad rin naman nagmulat. Sa muli kong pagmulat ay lalong gumulo ang lahat.
"What's happening?! Bakit nasa katawan mo na naman ako ngayon?" Gulat niyang tanong, pati ako nagulat rin at halos hindi makapaniwala.
"Bakit nagkapalitan tayo uli? Anong bang nangyayari? Ano bang ------ "Mukhang kailangan niyo ng tulong," sabay kaming napatingin ni Clark sa isang matandang babae na bigla nalang sumulpot sa tabi namin at pinutol ang iba ko pa sanang sasabihin.
"Ahh, wala po, Lola. Ok lang po kami," sagot ni Clark at sapilitang ngumiti.
"Sigurado kayo?" Tanong niya sa amin. "Ahh ...o-opo," sagot ko naman, "Ok, sige," Paalis na sana ang matanda nang muli niya kaming hinarap. "Ikaw..." sabi ng matanda sabay turo sa akin, "...ikaw ang may-ari ng katawang ito, hindi ba?" Tanong niya at itinuro niya si Clark, "At ikaw..." napatingin ang matanda kay Clark, "...Ikaw ang may-ari nito, hindi ba?" Tanong ng matanda kay Clark saka niya ako tinuro.
Gulat na gulat kaming pareho ni Clark dahil alam na alam ng matanda ang nangyayari.
"P-pa'no niyo nalaman?" Takang tanong ko ngunit ngumiti lang siya at hindi niya ako sinagot.
"Bakit nangyayari sa'min 'to? Bakit nagkapalitan kami ng katawan?" Tanong naman ni Clark, "Dahil puro galit at paghihiganti ang nasa puso ninyo," sagot naman ng matanda.
"Anong ibig niyong sabihin?" Kunot-noong tanong ko.
"Pinarusahan kayo," mas lalo tuloy akong nalito sa mga nangyayari, "A-anong pinarusahan? Wala naman akong ginawang masama, ah," dipensa ko sa sarili, "Ako din. Hindi ako pumatay ng tao, hindi ako nagnakaw kaya paano niyo nasabi na pinarusahan kami?" Sabad din ni Clark.
"Pareho kayong nagbanta na papatayin niyo ang bawat isa, pahihirapan at kinasusuklaman ninyo ang bawat isa, hindi ba?" Nagkatinginan kami ni Clark sa sagot ng matanda.
"P-pero hindi tama 'to. Ibalik mo kami sa sarili naming katawan," ani Clark.
"Magagawa niyo lang yon kapag natuto kayong patawarin ang isa't-isa at kalimutan ang masakit na nakaraan at kung..." nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Clark, "...makahanap kayo ng isang true love habang nasa katawan kayo ng bawat isa," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng matanda. Ano? True love daw?!
"Ano?! Nababaliw na ba kayo?" Inis ng tanong ni Clark.
"May ... may iba pa po bang paraan para makabalik kami sa katawan namin?" Disperada kong tanong. "Tuwing sasapit ang ika-7:00 ng gabi kusa kayong babalik sa inyong sariling katawan pero pagsapit ng hatinggabi, muli kayong magkakapalitan ng katawan," pahayag ng matanda.
"Hanggang kailan kami magiging ganito?" Tanong ni Clark.
"Lapag napatawad na ninyo ang isa't-isa at nahanap na ninyo ang inyong true love, makakabalik kayo sa katawan niyo pero kapag hindi niyo magawa iyon sa loob ng 100 araw, habang buhay kayong magiging ganyan "
"100 days?! Pero hindi pwede ang sinasabi niyo," hindi ko makapaniwalang sabi. Ngumiti lang ang matanda saka ito tumalikod para aalis pero muli itong humarap sa amin.
"Kung gusto niyong makabalik kayo sa sarili niyong katawan kahit anong oras, may paraan," para akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niya sa amin.
"P-paano po?" Curious na tanong ni Clark. Lumapit sa amin ang matanda at kinuha niya ang mga kamay namin saka niya pinagdaop. Napapikit nalang ako bigla at agad ding nagmulat. Pagkamulat ko, nakikita ko sa harapan ko si Clark.
"Nakabalik ako sa katawan ko," masaya kong sambit.
"Ako din. Nakabalik rin ako!" Nakangiting sabi ni Clark.
"Kung gusto niyong makabalik kayo sa sarili niyong katawan, kailangan niyo lang hawakan ang kamay ng bawat isa," nagkatinginan kami ni Clark na naguguluhan parin.
"P-pero, lola. Wala na po bang ---------- nasaan na siya? Bigla nalang nawala?" Nagtataka kong tanong, "Pinaglalaruan lang tayo ng matandang 'yon," pagalit na hinablot ni Clark ang kamay niya at nabitawan ko 'yon kaya heto, kahit ayaw namin muli na naman kaming nagkapalitan ng katawan kaya napaupo nalang ako na nanlulumo. Ano bang nangyayari? Bakit nangyayari 'to sa'min ngayon? Ano ba ang dapat naming gawin?