ANTON'S POV
"Umaga ka na naman ng uwi. Saan ka ba nagpupunta? Ano bang pinaggagawa mo?" Tanong ni Mama Rita sa akin, isang umaga ng madatnan niya akong kauuwi lang ng araw na yun.
"Ma, ang aga-aga, 'yan agad ang isasalubong niyo?" Inis namang sagot ni Anton sa ina.
"Alam mo naman na hindi gawain ng isang matinong babae ang umaga ng umuwi." Sermon pa ni Mama Rita.
"Ganu'n ba? Eh, anong gusto niyo? Hatinggabi ako uuwi? Sige, yan gusto niyo eh," pilosopo kong sagot.
"Antonia!"
Ako si Antonia Lasmila, 18 years old, mas kilala sa tawag na Anton at lakwatsa dito, lakwatsa doon ang lagi kong ginagawa habang wala pang pasukan.
Walang nagawa si Mama sa inasal ng nag-iisa nilang anak. Padabog na umakyat ako at padabog ding isinara ko ang pinto ng kwarto ko.
Magmula ng mamatay ang Papa ko na si Bernard ay nag-iba na rin ang pakikitungo ko sa ina dahil siya mismo ang dahilan kung bakit namatay ng ganun kaaga si Papa. Nangaliwa siya dahilan para humantong sa pagkawala ni Papa sa mundo.
Galit ako sa kanya dahil kung hindi sana ito nangaliwa, malamang hanggang ngayon ay buhay pa ang ama ko at galit na galit ako sa kabit ng ina na si Adolfo dahil ito mismo ang pumatay kay Papa kaya kahit anong gawin niya, kahit ilang taon na ang nakalipas hanggang ngayon buhay na buhay parin ang galit sa puso ko para sa kanya at sa pamilya ng pumatay sa kay Papa.
Maghihiganti ako, 'yon ang lagi kong sinasabi sa sarili. Kailangang managot sa batas ang pumatay sa ama ko. Gusto ko itong makulong habangbuhay.
"Hindi ako mawawala. Papunta na ako," sabi ko sa phone, isang araw na tumawag sa akin si Vence.
Si Vence ay isa sa tatlo kong kaibigan. Isa siyang babae na may pusong lalaki. Kahit ganu'n siya, tanggap namin siya.
"Oh, sige. Hintayin ka namin," sagot ni Vence sa kabilang linya.
"Ok, bye," sagot ko naman.
"Bye," Agad kong ibinaba ang phone at inayos ang sarili.
May lakad kami ng barkada ko, kailangang hindi ako mahuli. Matapos akong mag-ayos ay agad akong bumaba ng bahay, palabas na sana ako ng makita ako ni Mama.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong niya sa akin.
"May lakad kami ng mga barkada ko," sagot ko naman.
"Bukas ka na naman ng umaga uuwi?" Balik niyang tanong na medyo nagpainis sa akin.
"Nasa akin na 'yon kung anong oras ako uuwi."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na akong lumabas ng bahay ay pinatakbo ng mabilis ang kotse. Hindi na ako nag-abala pang lingunin si mama. Wala na akong pakialam sa kanya.
Habang nasa daan ay pilit kong pinapayapa ang sarili hanggang sa biglang may sumulpot sa harapan ko na naka-motorsiklo kaya natatarantang napaapak ako sa break ng kotse at muntik ng mapasubsob ang mukha ko sa manibela. Galit na galit akong lumabas ng kotse at halos bubuga na ako ng apoy ng lapitan ko ang may sakay sa motorsiklo.
"Ano bang problema mo, huh?! Magpapakamatay ka ba?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.
Dahan-dahan niyang hinubad ang suot niyang helmet saka lumingon sakin habang nakangiti ng nakakainsulto. Laking gulat ko ng makilala ko kung sino ang may sakay sa motorsiklo. Si Clark! Ang anak ng lalaking pumatay sa sarili kong ama. Isa sa mga gusto kong paghigantihan.
"Ikaw?!" Gulat kong tanong sa kanya.
"How are you?" Nakangisi niyang tanong. Galit ako pero hindi ako sumagot sa tanong niya.
"Ah! Kumusta ang mama mo? Nakakatulog ba siya ng maayos sa gabi?"
Napabaling ako ng tingin sa kanya nang banggitin niya ang Mama ko.
"Di ba dapat, ako ang nagtatanong niyan?" Inis kong sabi.
"Tssk!" Tanong sagot niya at saka siya ngumiti ng painsulto.
"Kumusta ang mama mo? Kaya pa ba niyang mabuhay pagkatapos ng hiwalayan nila? Ang papa mo, hindi ba binabangungot sa kanyang pagtulog?" Painis kong tanong sa kanya at gusto kong mainis siya.
"Galing!" Pumalakpak siyasaka nagsalita siya nagsalita uli, "...galing talaga magsalita ang isang tao na kung makadikit parang linta," parang bombang pumutok sa tenga ko ang itinawag niya sa amin.
"Anong sabi?" Naiinis kong sabi.
"Di ba, tama naman ako? Lahi kayo ng mga linta. Look at your mother, alam niya na may pamilya na ang ama ko at ganun rin siya pero dumikit parin siya sa ama ko kaya nasira ang pamilya ko," kumukulo na ang dugo ko dahil sa kanyang sinabi.
"Ang mama ko pa ang may kasalanan ngayon?" Napipikon kong tanong at nakita ko lumg paano niya ako ningitian na siyang ikinainis ko lalo.
"Bakit hindi ba? She was the reason kung bakit nasira ang pamilya ko at hinding-hindi ko yon malilimutan. Sisirain ko kayo,"
Pagkatapos niyang sabihin yon ay agad na siyang umalis sa harap ko. Napakuyom ko ang sarili kong mga palad sa galit. Sisirain niya kami pwes! Sisirain ko rin siya.
Nasa isang bar kami at naka-VIP room. Panay ang pigil sa'kin ng mga kaibigan ko sa pag-inom dahil nakailang bote narin ako ng alak pero para lang malimutan ko ang mga sinabi ni Clark, kailangan kong malasing pero kahit ang dami ko ng nainom bumabalik-balik pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya.
"Anton, tama na yan. Masyado kanang lasing oh," awat sa akin ni Vence.
"Gusto ko pang uminom kaya hayaan niyo 'ko. Pwede?" Lasing kong sabi sa kanya at wala naman siyang nagawa.
"Is there any problem?" Tanong ni Ken, ang bakla kong kaibigan. Oo, tomboy si Vence at bakla naman si Ken.
"Problema? Lagi yan," mapupungay na ang mga matang sagot ko sa tanong niya.
"May nangyari ba?" Singit ni Lani, ang pangatlo kong kaibigan na lagi binubully ng iba dahil sa looks nitong nerd pero mabait naman, ayaw makasakit ng damdamin ng iba.
"Tskk!! Sisirain niya raw kami," tumawa ako ng nakakaloka, "...susubukan niya lang dahil hindi ko siya uurungan," galit kong sabi.
"Si Clark ba yan?" Tanong ni Lani at nahulaan naman niya.
"Papatayin ko siya pati ang ina niya. Lahat sila, wala akong ititira," naniningkit na ang mga mata ko sa kalasingan pero malinaw pa rin sa akin ang mga sinasabi ko.
"Anton, mali yang iniisip mo," paalala ni Ken. Hindi ko pinansin si Ken, agad kong kinuha ang panibagong bote ng alak at tinungga ko 'yon ng diretsa.
Nandidilim na ang paningin ko pero malinaw na malinaw ang mukha ni Clark sa isipan ko kaya galit na galit na binato ko ang bote sa pader at agad-agad naman akong inawat ng mga kaibigan ko. Papatayin ko sila! Papatayin ko sila! Yan ang mga salitang paulit-ulit kong binibigkas hanggang sa nawalan na ako ng malay.
CLARK'S POV
"Nagtext si tita, bakit hindi ka raw sumasagot sa tawag niya," sabi ni Joey, isa sa mga kaibigan ko na pinakababaero sa kanilang lahat.
"Bakit importante ba ang sasabihin niya?" Tanong niya maya-maya.
"Sabi niya uwi ka raw ng maaga dahil darating ang kapatid mo," sagot naman ni Joey.
"Pa'no yan? May gig tayo mamaya," singit ni Romir.
Si Romir ay ang kaibigan ni Clark na hindi mahilig magsabi ng nararamdaman. Ang gusto lang niya, ipapakita sa'yo kung ano talaga ang laman ng puso niya.
"Umuwi ka nalang muna, hindi kung sino lang ang uuwi. Kapatid mo 'yon. Si Jane na matagal nang hindi mo nakikita," ani Mark.
Si Mark ay pinakamatanda sa amin ng dalawang taon lamang.
"Ayaw kong palampasin ang gig natin," sagot ni Clark.
"Pare, magtatampo ang kapatid mo," sabi naman ni Joey.
"Bahala sila. Oh, paano? Kita nalang tayo mamaya sa bar?"
Nagkibit-balikat na lang ang magkakaibigan sa aking tinuran.
"Sige," halos sabay-sabay na sagot ng tatlo.
Ako si Clark Martin, 19 years old. Nagmula sa mayamang pamilya pero nagkahiwalay ang mga magulang ko. May isa akong kapatid, si Jane na matagal ng namalagi sa U.S para ipagpatuloy doon ang pag-aaral niya.
Naging malayo ang kalooban ko sa mga magulang lalo na sa sarili kong ama dahil hindi niya napangalagaan ang aming pamilya ng buo at nadala pa siya sa tukso na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.
Nangaliwa si Papa kaya hindi na naging productive ang naging takbo ng aming pamilya at humantong ito sa hiwalayan ng mga magulang namin. Nasa U.S si Papa at doon naninirahan si Jane na siyang ikinainis ko sa kapatid pero may magagawa pa ba ako? Hindi alam ni Jane ang totoong istorya ng aming pamilya kaya hindi ko siya masisisi pero aminado ako na kahit nakalipas na ang ilang taon matapos ang paghihiwalay ng mga magulang namin, nasa puso ko pa rin ang galit para sa ama at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya.
Aminado rin ako na nasa puso ko pa rin ang inis para sa ina dahil wala man lang itong ginawa para pigilan ang pagkawasak ng aming pamilya.
"What's wrong? Ba't ganyan mukha mo, dude?" Tanong ni Mark ng nakarating na ako sa bar ng araw na nagkrus ang landas namin ni Anton.
"I saw her again," inis kong sagot.
"Let me guess, it's Anton?"
Nahulaan naman ni Romir.
"Yeah," sagot ko pagkatapos kong magpakawala ng malalim na hininga.
"Past is past. Forget about what happened between your family and her's and move on," ani Joey.
"Over my dead body. I gonna take a revenge," galit kong sabi.
"Wala namang kinalaman si Anton sa kung ano man nangyari sa mga magulang niyo," litanya ni Romir.
"Oo nga naman, dude," pagsang-ayon naman ni Mark sa sinabi ni Romir.
"Habang nakikita ko pang masaya ang pamilya nila, hinding-hindi ako matatahimik," galit na galit kong sabi saka kinuha ko ang wine at sinalinan ko ang sarili kong baso at agad na tinungga at muling nagsalin.
Nasa isang bar kami, naka-VIP room. Ganu'n ang buhay ng mayaman, eh. Gusto kong malasing ngayon kahit na hindi ko ugali ang uminom, gusto ko lang papatayin sa isipan ko ngayon ang mukha ng anak ng isang babaeng sumira sa pamilya ko. Gusto kong masira sila para maramdaman nila ang sakit na naramdaman ko ng maghiwalay ang mga magulang ko dahil sa babaeng 'yon na ina ni Anton.
Pati si Anton, sisiguraduhin ko ring maranasan niya ang paghihirap na dinanas ni Mama ng iwan kami ni Papa. Hindi ko sila titigilan hanggang sa magmamakaawa sila sa harapan ko. Papatayin ko silang lahat. Magbabayad sila.