CLARK'S POV "Sa araw na 'to, iguguhit ninyo ang taong nasa isip niyo ngayon. Ang taong mahalaga sa buhay niyo," sabi ni Prof. habang nakaupo na kami sa kanya-kanya naming upuan kaharap ang gagamitin naming canvass. "Take your time. Let's start," dugtong pa niya at nagsimula na kaming gumuhit. Napatitig ako sa canvass, sino nga ba ang iguguhit ko? Dapat ko bang iguhit ang taong nasa isip ko ngayon? Hindi naman siguro masama kung iguguhit ko siya. Iguguhit ko siya bilang huling alaala sa mga nangyari sa aming dalawa. Nagsimula na akong iguhit siya habang naglalaro sa isipan ko ang maganda niyang mukha. Oo, si Anton ang kaisa-isang tao ang nasa utak ko ngayon. Siya lang naman ang taong gumugulo sa isip ko araw-araw kahit na anong pilit kong kalimutan siya. Nagsimula nang gumalaw ang kamay

